Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

BAYANI

Tula ni: AMADO V. HERNANDEZ


AMADO V. HERNANDEZ
Tunay/Buong pangalan: Amado Vera Hernandez
Kapanganakan: 13 Setyembre 1903
(Hagonoy, Bulakan)
Kamatayan: 24 Marso 1970
(Maynila)
Kabansaan: Pilipino
Larangan: Panitikan
AMADO V. HERNANDEZ
Kilala bilang mahusay na
nobelista, mandudula, mamahayag,
pulitiko, kuwentista at lider ng
mangagagawa. Kilala bilang makata
at manunulat sa wikang tagalong
AMADO V. HERNANDEZ
Bilang mamamahayag, nakasama
rin siya sa nabuong Philippine
Newspapers Guild (PNG) noong
1945, na umanib sa Congress of
Labor Organizations (CLO).

Noong 1947 Naging pangulo si Ka


Amado ng CLO.
AMADO V. HERNANDEZ

Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa“


AMADO V. HERNANDEZ
 isang makata at manunulat
 pinuno ng mga Pilipinong manggagawa
“Congress of Labor Organizations (CLO)”
 Kilala bilang "Manunulat ng mga Manggagawa“
Mga Ibong Mandaragit
(1969)
Langaw sa Isang Basong Gatas
Luha ng Buwaya
Mga Tula
 Isang Dipang Langit
 Panata sa Kalayaan
 Ang Mga Kayamanan ng Tao
 Ang Dalaw
 Bartolina
 Kung Tuyo Na ang Luha Mo Aking Bayan
 Bayang Pilipinas
 Ang Taong kapos
 Bayani
 Sa Batang Walang Bagong Damit
 Isang Sining ng Pagbigkas
 Ang Panday
 Inang Wika
 Ang Tao
 Pamana
 Ang Aklasan
BAYANI
Tula ni: Amado Hernandez

Ang tulang BAYANI ay nagwagi sa 30 kalaban sa


timpalak-panitik sa Malolos, Bulacan, sa pagdiriwang
sa Unang Araw ng Mayo noong 1928
Ayon kay senador Recto ito raw ay isa sa
pinakamahusay na tulang tagalong sa paksang
paggawa.
MANGGAGAWA
Buhay at Sandigan ng Industriya

Ang bawat bansa ay nangangailagan ng


mga manggagawang magbibigay serbisyo para
magawa ang nga bagay na kailgan ng tao. Sila
ang nagsisilbing instrumento para matugunan
ang pangangailangan ng tao.
MANGGAGAWA
Buhay at Sandigan ng Industriya

Para kay Amado V. Hernandez ano nga ba


ang ang mga Manggaawa at ano an
Kahalagahan nila sa ating Lipunan?
Bayani
Amado V. Hernandez

Ako'y manggagawa: butil ng buhangin


sa daa'y panambak, sa templo'y gamit din;
buhay ko'y sa Diyos utang nga marahil,
ngunit ang palad ko'y utang din sa akin.
Alam ko ang batas: "Tao, manggagaling
sa sariling pawis ang iyong kakanin."

Hubad ang daigdig nang ako'y sumilang


at pikit ang mata ng sangkatauhan:
dahilan sa aki'y kaharia't bayan
ang nangapatayo sa bundok at ilang,
aking pinasikat sa gabi ang araw
at tinanlawan ko ang diwa't ang buhay.
Ako ang nagbangon ng Gresya at Roma,
ako ang nagbagsak sa palalong Troya;
ang mga kamay ko'y martilyo't sandata –
pambuo't panggiba ng anumang pita!
Kung may kayamanan ngayong nakikita,
paggawa ko'y siyang pinuhunan muna!

Ako'y isang haring walang trono't putong,


panginoong laging namamanginoon,
daming pinagpalang binigyan ng milyon
ay ako't ako ring itong pataygutom;
sila ay sa aking balikat tumuntong,
naging Mamo't Nabod ang dati kong ampon!
Sambundok na ginto ang aking dinungkal,
kahi't na kaputol, di binahagihan!
ang aking inani'y sambukiring palay,
nguni't wala akong isaing man lamang!
ang buhay ng iba'y binibigyang-buhay
habang nasa bingit ako ng libingan!

Ang luha ko't dugo'y ibinubong pawa


sa lupang sarili, nguni't nang lumaya,
ako'y wala kahi't sandakot na lupa!
Kung may tao't bayang nangaging dakila,
karaniwang hagda'y akong Manggagawa,
nasa putik ako't sila'y sa dambana!
Kung kaya sumulong ang ating daigdig,
sa gulong ng aking mga pagsasakit;
nilagyan ang tao ng pakpak at bagwis,
madaling nag-akyat-manaog sa langit;
saliksik ang bundok, ang bangin at yungib,
ang kailaliman ng dagat, saliksik!

Ang mga gusali, daan at sasakyan,


ay niyaring lahat ng bakal kong kamay;
sa tuklas kong lakas – langis, uling, bakal,
naghimala itong industria't kalakal;
nguni't lumawak din naman ang pagitan
ng buhay at ari... nasupil ang buhay!
Ang mundo'y malupit: ngayo't ako'y ako,
nakamihasnan nang dustain ng mundo
gayon pa ma'y habang ang tao ay tao,
gawa ang urian kung ano't kung sino;
batong walang ganda'y sangkap ng palasyo,
sanggol sa sabsaba'y naging isang Kristo.

Tuwi na'y wal'in man ako ng halaga,


iyan ay pakanang mapagsamantala;
ang ginto, saan man, ay gintong talaga,
ang bango, takpan man, ay di nagbabawa;
itakwil man ako ng mga nanggaga,
walang magagawang hadlang sa istorya!
Kung di nga sa aki'y alin kayang bagay
ang magkakasigla at magkakabuhay?
Puhunan? Likha ko lamang ang Puhunan!
Bayan? At hindi ba ako rin ang Bayan?
Walang mangyayari pag ako ang ayaw,
mangyayaring lahat, ibigin ko lamang!

Sa wakas, dapat nang ngayo'y mabandila


ang karapatan kong laong iniluha,
ang aking katwiran ay bigyan ng laya
at kung ayaw ninyo'y ako ang bahala
sa aking panata sa pagkadakila...
Taong walang saysay ang di Manggagawa!
PAGSUSURI
Ang tulang ito ay may 12 na pantig bawat taludtod.Ang
tulang BAYANI na binubuo ng sampung saknong at sa
bawat saknong ay may anim na taludtud,
Bahagyang ang tulang BAYANI ay gumamit ng
malalalim na salita ngunit ang pagka sunod sunod bawat
taludtud ay maayos at madaling intindihin at iisa lang
ang nilalaman kundi ang kahalagahan ng ng mga
manggagawa sa ating daigdidg. Ayon sa tula “ Taong
walang saysay ang di manggagawa” ito ang mga salitang
para sa akin ay nakapagtatak sa aking dibdib.
PAGSUSURI
Ang tulang ito ay nakakatulong sa bawat isa sa
ating daigdig hindi dahil ito'y panitikan kundi ito ay
nakakapagbigay inspirasyon na dapat natin
pahalagahan ang ating mga mangagagawa sa bansa
dahil tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga
sa kanila.
PAGSUSURI
Mga Teyorya

 Sosyalismo
 Realismo

You might also like