Timeline AP 2017

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Timeline ng

Makasaysayang
Pangyayari sa Aking
Lalawigan/Lungsod
Paano mo maipapakita
ang mahahalagang
pangyayari sa iyong
lalawigan/lungsod?
 Kasaysayan ng Mindoro
 Ang isla ng Mindoro ay pinaniniwalaan na
naninirahan na mga dumarayong pangkat
mula sa Indonesia may walong daang libong
taon nang nakaraan. Bago pa man dumating
ang mga Espanyol, nakikipagkalakalan na
ang mga katutubong pangkat sa Mindoro
sa mga mangangalakal na mga Tsino noong
892 AD.
 Nang dumating ang mga Espanyol sa isla noong
taong 1523, pinangalanan nila itong Mina de Oro
dahil sa malaking deposito ng ginto na makikita
sa isla. Ang pangalang Mindoro ay binigay ng mga
paring Agostinos noong taong 1572 kung saan
sila namalagi upang ipalaganap ang Kristyanismo.
Simula noon hanggang sa bago sumiklab ang
himagsikan laban sa mga Espanyol noong tanong
1896, namalagi ang mga paring Katoliko sa isla.
Hindi rin nagpahuli ang mga taga-Mindoro sa
pakikipaglaban sa mga Espanyol
 Taong 1898, sa mga panahong ito, ang mga
katutubong Mangyan ay pinatira sa mga
poblasyon at nabinyagan bilang mga
Kristyano. Sa pananakop ng mga Espanyol,
ang namamahala ng Mindoro ay ang lalawigan
ng Batangas kasama ang isa pang karatig isla
ng Marinduque. Ngunit noong taong 1700,
nahiwalay na ang pamamahala ng Mindoro sa
Batangas. Namalaging nakahiwalay ang
pamumuno sa Mindoro, ngunit noong taong
1902, pinailalim ito sa pamamahala ng
Marinduque ng mga bagong dayuhang
mananakop na mga Amerikano.
Si Don Mariano Adriatico ang
kumatawan ng bagong pamunuan
hanggang taong 1921. Natatag ang
lalawigang Mindoro sa taong ito. At
noong Hunyo 13, 1950 ay nahati na sa
dalawang lalawigan, ang Oriental
Mindoro at Occidental Mindoro. Sa
paglipas ng panahon maraming
pagbabago ang naganap sa lalawigan.
 Kasaysayan ng Lungsod ng Calapan
Ang Calapan ay dating bahagi lamang ng
parokya ng Baco, subalit sa paglipas ng
panahon ay ang Baco ang naging bahagi ng
Calapan. Ang pangalan nito ay mula sa
pangalan ng isang puno na kilala sa
katutubong tawag na “kalap”. Ito ay
paboritong salakayin ng mga Morong pirata
noong unang panahon. Noong taong 1679
napag-alaman na may mga naninirahan
dito.
 Ang karamihan sa mga tao dito ay nagtatago sa mga
likuran ng pader ng simbahan sa oras ng
pananalakay ng mga pirata. Natayo ang kumbento
sa Calapan noong 1733 at nagsimula ang
pagdami ng mga tirahan sa palibot nito.
 Nagsimula ang pag-unlad ng calapan noong
pagharian ang bansa ng mga Amerikano.
Maraming mga katutubo ang nanirahan sa
Oriental Mindoro lalong higit sa Calapan.
Naghalo ang kultura ng mga dati ng naninirahan
at ang mga dumayo kasama ang kanilang mga
salita.
 Naitayoang mga paaralan, mga kalsada, ang
paliparan at naayos ang pantalan. Nagkaroon ng
Calapan Telephone System noong 1958. Patuloy
sa pag-unlad ang Calapan matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong 1903
ito ay naproklamang sentro ng Silangang
Mindoro. Isa sa mga kilalang tao dito ay si
Macario Adriatico. Hindi lamang siya
mambabatas, siya ay isa ring abogado, magaling
na mananalumpati at ang kauna-unahang Filipino
na nag-aral sa Academy sa Madrid Spain.
 Siya ang nagpakilala sa Calapan nang siya ay
matalaga bilang Direktor ng Philippine Library
and Museum. Sa kanyang panahon nagkaroon
ng Countrywide Library, Countrywide Museum at
Countrywide Records Department.
 Makalipas ang 150 years ang Calapan ay
kinilala bilang kauna-unahang Lungsod sa
Mindoro at nadeklara noong March 21, 1998 sa
pamamagitan ng paglagda ng dating Pangulong
si Fidel V. Ramos.
 Marami ring mga problema na naranasan ang
Calapan matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ilan sa mga ito ay ang pagkawasak
ng sentro ng Calapan noong 1970, pagtakas ng
mga bilanggo noong 1960, at nasunog ang
Pamilihang Bayan noong 1980. Subalit, hindi
natinag ang Calapan upang maabot ang
pangarap ng kanyang mga ninuno: ang
magandang kapaligiran sa kabila ng pag-unlad.
 Dagdag: Taong 1998, naging component city
ang Calapan sa bisa ng RA 8475 na isinabatas
ni Kinatawan Renato V. Liveste at nilagdaan ni
dating Pangulong Fidel V. Ramos. Dahil sa
mabilis na pagbabago at pag-unlad nakilala ang
Lungsod sa buong rehiyon at paalagian nang
dinarayo ng pangrehiyong pagtitipon at
gawain tulad ng MIMAROPARAA,
ALCULYMPICS, Miss EARTH long gown
competition noong 2011.
Dahildito, umangat pa ang lungsod
mula 4t class city noong 2007 at
ito ay umusad pa tungo sa 2nd
class city taong 2010 kung kaya ito
na ang ginawang Sentro ng
Tanggapang Pangrehiyon sa
MIMAROPA.
Sagutin ang mga katanungan.
1. Ayon sa kasaysayan ng Mindoro,
kanino nakipagkalakalan ang mga
katutubong pangkat? At kailan sila
nakipagkalakalan?
2. Kailan dumating ang mga Espanyol
sa Isla ng Mindoro na dati ay Mina de
Oro?
3.Ano ang mahalagang pangyayari
noong taong 1898?
4. Sino ang kumatawan sa bagong
pamunuan ng lalawigan ng Mindoro
hanggang taong 1921?
5. Kailan nahati sa dalawang
lalawigan ang Mindoro?
Pangkat 1 at 2
Kasama ang iyong pangkat,
ibigay ang mga makasaysayang
pangyayari sa lalawigan ng
Mindoro.
Pangkat 3 at 4
 Mahahalagamg pangyayari sa
lungsod ng Calapan
Mahahalagang Makasaysayang
taon o Petsa Pangyayari
892 AD
1523
1572
1700
1896-1898
1921
1950
1954-1956
Paano mo
mapapagsunod-sunod
nang wasto ang mga
makasaysayang
pangyayari sa inyong
lalawigan/lungsod?
Basahin ang kasaysayan ng
Calapan City at
Ibigay ang mahahalagang
pangyayari sa lungsod na
kinabibilangan.( Lungsod ng
Calapan)
Mahahalagang taon Makasaysayang Pangyayari
o Petsa
1679
1733
1958
1903
1960 - 1970
1980
1998
2007- 2010
2011
Takdang Aralin

Ibigayang mahahalagang
pangyayari sa paaralan simula ng
Hunyo hanggang sa kasalukuyan.

You might also like