Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Uri ng Pangungusap

Ayon sa Kayarian

Maria Ruby De Vera Cas


Pasong Buaya II E/S
Imus City, Cavite
ISIPIN
Oo nga, Alma.
Dang, nakawiwili palang
Nakawiwili ring
manood ng mga paninda
panoorin ang mga
sa bahay-tindahan ng
dalaga’t binatang
mga Bikolano, ano?
umaawit ng Lubi-Lubi.
BASAHIN

Lubi-Lubi
Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo
Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre,
Oktubre, Nobyembre, Disyembre
Lubi-Lubi.
Kun dai si abaniko
Patay na ining lawas ko
Lawas ko ay, ay, madidismayo
Kun dai si abaniko.
BASAHIN

Ang sampung pares ng dalaga’t


binata ay gumawa ng isang malaking
bilog. Sa gitna ng bilog ay may isang
pareha. Sumasayaw sila at
pumapalakpak naman ang iba. Kapag
tapos na ang pareha, kumukuha sila
ng ibang pareha.Isinusuot nila sa
bagong pareha ang kanilang suot na
sambalilo.
BASAHIN

Pupunta sa gitna ng bilog ang bagong


pareha at sila naman ang sasayaw.
Patuloy ang sayaw hanggang sa lahat
ng pareha ay makapunta sa
gitna.Mabilis ang sayaw at masigla
ang lahat.
“ Masayahin pala ang mga
Bikolano, ano?” sabi ni Alma.
BASAHIN

“Masasaya at masisipag sila,”


sagot ni Dang. “Tingnan mo ang mga
paninda nila. Yari sa abaka ang mga
tsinelas, bag, lubid, sinturon,
placemat, kulambo, at kurtina.”
“Alam mo kung anong ibig ko?”
ani Dang. “Bibili ako ng matamis na
pili.”
“Ako rin,” sagot ni Alma.
TALAKAYIN

1.Bakit masasabing masayahin


ang mga Bikolano?
2. Paano patutunayang masisipag
din sila?
3. Ano ang sinasabi ng awit?
ALAMIN

Ayon sa gamit, napag-aralan


nating ang pangungusap ay maaaring
paturol, pautos, patanong, at
padamdam.
Ayon naman sa kayarian, ang
pangungusap ay maaaring
payak,tambalan,o hugnayan.
ALAMIN

a. Ang payak na pangungusap ay


nakapag-iisa.
Halimbawa: Nagpunta sina Alma
at Dang sa bahay-tindahan ng mga
Bikolano.
ALAMIN

b. Ang tambalang pangungusap ay


may dalawa o higit pang ideyang
inilalahad.
Halimbawa: Pupunta sa gitna
ng bilog ang bagong pareha at sila
naman ang sasayaw.
ALAMIN

c. Ang hugnayang pangungusap ay


binubuo ng sugnay na nakapag-iisa at
di-sugnay na nakapag-iisa.
Halimbawa: Pagkatapos na
magsayaw ang pareha,kumukuha sila
ng ibang kapareha.
Tandaan

• Ang payak na pangungusap ay


nakapag-iisa.Malayang sugnay ito
na may simuno at panaguri.
Maaaring dalawa ang simuno o
panaguri ngunit iisa pa rin ang
diwa ng pangungusap. Payak pa rin
ito.
Tandaan

• Ang tambalang pangungusap ay


may dalawa o higit pang ideyang
inilalahad. Ginagamitan ng mga
pangatnig na at, ngunit, at o ang
pag-uugnay sa dalawang payak na
pangungusap. Dalawang malayang
sugnay ang tambalang
pangungusap.
Tandaan

1. Ginagamit ang at kung


magkasimpantay o magkasinghalaga
ang mga ideya ng dalawang malayang
sugnay.
Halimbawa:
Umaawit ang mga dalaga’t binata
at sumasayaw sila ng Lubi-Lubi.
Tandaan

2. Ginagamit naman ang ngunit


kung magkasalungat o di-pares ang
ideya.
Halimbawa:
Mahilig sa pagsasaya ang mga
Bikolano ngunit may panahon din sila
sa kanilang gawain.
Tandaan

3. Ginagamit naman ang o kung


may pagpipiliang alinman sa dalawang
ideyang nakalahad.
Halimbawa:
Sasayaw ka ba o aawit ng Lubi-
Lubi?
Tandaan

• Ang hugnayang pangungusap ay


binubuo ng sugnay na nakapag-iisa
at isa o higit pang sugnay na di-
nakapag-iisa. Ginagamit na pang-
ugnay ng mga sugnay ang mga
pangatnig na kung, kapag, pag,
nang, upang, dahil sa,sapagkat.
ALAMIN

a. Sugnay na makapag-iisa-lipon ng
mga salitang may buong diwa.
b. Sugnay na di-makapag-iisa-lipon
ng mga salitang walang buong
diwa at bahagi lamang ng
pangungusap.
ALAMIN

Halimbawa:
SM
Magbabakasyon ako sa Baguio
SDM
kung sasama ka.
ALAMIN

Halimbawa:
SM SDM

Nagkasakit si Lola dahil nabasa

ng ulan.
SABIHIN

A. Mag-usap kayo ng kamag-aral


mo. Pag-usapan ninyo kung ang
sumusunod na mga pangungusap
ay payak, tambalan, o hugnayan.
Magpalitan kayo sa pagsagot.
1. Masigla kaming naglalaro nang
biglang bumuhos ang ulan.
2.Nalilibang si Totoy sa
paglalaro.
SABIHIN

3. Hindi gaanong matalino si


Marie ngunit matiyaga siyang
mag-aral.
4.Siya ang nagpapasaya sa amin.
5. Ako ang magtatanim at ikaw
ang magdidilig.
GAWIN

A. Sabihin kung payak, tambalan, o


hugnayan ang sumusunod na mga
pangungusap.
1. Ang sampung pares ng
dalaga’t binata ay gumawa ng
malaking bilog.
2. Mabilis ang sayaw at masigla
ang lahat.
GAWIN

3.Sumasayaw sila at
pumapalakpak naman ang iba
kapag natapos na ang isang
pangkat.
4. Isinusuot nila sa bagong
pareha ang kanilang suot na
sambalilo.
5. Pupunta sa gitna ng bilog ang
bagong pareha at sila naman ang
sasayaw.
GAWIN

B. Suriin ang sumusunod na


tambalang pangungusap. Ibigay ang
dalawang sugnay na nakapag-iisa na
bumubuo sa pangungusap.
Halimbawa:
1. Masasaya ang mga bata at
masisigla silang naglalaro.
a. Masasaya ang mga bata.
b. Masisigla silang naglalaro.
GAWIN

2. Matataas ang puno ng saging at


mahahaba naman ang dahon ng
punong abaka.
3. Maraming isda ang nahuhuli sa
Albay ngunit maraming alimango at
sugpo sa Sorsogon.
4. Sagana sa puno ng niyog ang
Quezon at bihira roon ang pili at
abaka.
GAWIN

5. Bibili ba kayo ng matamis na


pili o maglalaro kayo ng lutu-
lutuan?

You might also like