Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

URI NG KOMUNIKASYON

INTRAPERSONAL

 Tinatawag din ito bilang “pansariling


komunikasyon” – nagaganap ang komunikasyon
sa sarili.
INTERPERSONAL

 Ito ay komunikasyon na nagaganap sa pagitan


ng dalawang nag-uusap natao o maari rin
namang sa maliit na grupo ng tao na
nagkakaroon ng palitan ng mensahe.
DYAD COMMUNICATION:

 Ito ay uri ng komunikasyon sa pagitan ng


dalawang tao lamang. Mainam na halimbawa
nito ay ang one-on-one interview.
PAMPUBLIKO

 Tumutukoy naman ito sa malaking bahagi ng tao


na nagbabahaginan ng ideya o mga kaisipan at
ideyolohiya tungo sa pagkamit ng iisang
layon/layunin.
EXTEMPORANEOUS SPEECH
(TALUMPATING MAY KOPYA)

 Ito ay ang pagbibigay ng talumpati kung saan


handa ang tagapagsalita sa kaniyang sasabihin.
Maaring may kopya ng talumpati ang
tagapagsalita at binabasa na lamang ito sa harap
ng madla, o kaya ay nakapagsaliksik na ito
tungkol sa paksa at gumawa na lamang ng
mental note. Karaniwan itong masasaksihan sa
mga pormal na pagtitipon katulad ng seminar,
lectures, at convocations.
IMPROMPTU SPEECH
(TALUMPATING DI-HANDA)

 Walang kopyang binabasa ang tagapagsalita


habang inuusal nito ang kaniyang talumpati.
Karaniwan ay hindi alam ng tagapagsalita ang
eksaktong paksa hanggang sa mismong oras ng
pagbibigay niya ng talumpati.
INTERKULTURAL

 Nagpapakita ng integrasyon ng dalawa o higit pa


na bilang ng magkaibang kultura.
MACHINE-ASSISTED
 Ito ay paraan ng paggamit ng anumang uri ng
kagamitang elektroniko o teknolohiya tungo sa
mabisang interaksyon sa kapwa.

 Teknolohiya ay ang paggawa, pagsasaayos,


paggamit, at kaalaman sa mga kasangkapan,
makina, teknik, sistema, at mga paraan upang
masolusyonan ang iba’t-ibang problema o mas
mapabuti pa ang naunang solusyon.
PANGMADLANG KOMUNIKASYON
(MASS COMMUNICATION)

 Naiiba ang uring ito dahil sa extent at magnitude


ng kaya nitong maabot. Sa apat na uri ng
komunikasyon, ito ang may pinakamaraming
audience o tagatanggap ng mensahe. Karaniwan
nitong halimbawa ay ang TV, print, at radio.

You might also like