Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

NOLI ME TANGERE

KABANATA 13-25
GROUP 2
Members: Regilyn De Castro
Klyne Cunanan Kyle Umali Janmark Manuel
Kurt Ramel Kathryn Colorado Zyron Angel
Kyla Nicolas Rovelyn Campos
KABANATA 13:MGA PAUNANG TANDA NG
UNOS
• Nang dumating sina Don Crisostomo Ibarra at yung matandang utusan niya sila ay
pumunta sa libingan. Ang libingan na ito ay kung saan nakalagay yung kabaong ni Don
Rafael Ibarra yung tatay ni Crisostomo. Ngunit nung nalaman ni Ibarra na yung kabaong ng
tatay niya ay itinapon sa lawa ni Padre Garrote. Siya ay nagalit sa loob ng kanyang
damdamin at nung dumating si Padre Salvi medyo may galit sa mukha ni Ibarra pero sabi
Padre Salvi na wala siya kinagagawan sa pangyayaring ito ngunit si Padre Damaso ang may
kasalanan kasi siya ay si Padre Garrote.
KABANATA 14:SI PILOSOPO TASYO

• May isang lalaki na si Don Anastacio, Pilosopo Tasyo. Siya ay anak ng mayaman ngunit siya
at tawag na baliw. Kasi siya ay nagaaral dati sa magandang paaralan tawag na Colegio of
San Jose. Sa sobra niyang talino ipinaalis siya ng kanyang nanay sa paaralan kasi ang
paniniwala ng nanay ay pag sobrang talino na, nawawala ang paniniwala sa panginoon.
Gusto ng nanay niya na maging pari siya ngunit siya ay nagasawa at lahat ng mga pera ng
pinagmanahan niya sa kanyang ina ay naubos dahan dahan. Habang naglalakad lang siya
nadaanan niya ang simbahan na kung saan nakausap niya yung dalawang bata. Nung
naglakad lang siya nang lakad nakarating siya sa bahay nina Don Filipo at Aling Doray.
KABANATA 15: ANG DALAWANG SAKRISTAN

• May dalawang Sakristan na sina Crispin at Basilio. Sila dalawa ay anak ni Sisa, sila yung
dalawang bata na nakausap ni Pilosopo Tasyo sa simbahan. Si Crispin ay napagbintangan ng
pari na kumuha daw siya ng pera sa kanya. Natatakot sila kung ano gagawin ng nanay nila
pag nalaman ng ina nila kung ano ginawa nila. Sabi ni Crispin na hindi daw siya uuwi kung
hindi niya nabayaran yung perang nawala sa pari. Nang naparusahan siya, siya ay naskatan.
Nang naawa si Basilio sa kanyang kapatid.
KABANATA 16: SI SISA

• Si Sisa ay abalang abala ng bayan niya. Siya ay ang ina ng dalawang bata na sina Crispin at
Basilio. Siya ay nakapagasawa nang walang kakwenta-kwentang lalaki na nagsusugal, tamad,
irresponsable at iba pa. Kahit kaano ka walang kwenta ng asawa ni Sisa siya ay nagtitiis at
minamahal niya ang kanyang asawa. Nung isang araw lumuto si Sisa ng paboritong pagkain
nila Crispin at Basilio.
Ngunit ito ay kinain ng kanilang ama at hindi lang naman siya nagtanong kung kamusta na
yung mag-ina hanggang wala naman nagawa sila kundi lumuto lang ulit ng bagong pagkain
para sa dalawang anak ni Sisa.
KABANATA 17: SI BASILIO

• Nakauwi na si Basilio sa kanyang tahanan na may dugo sa kanyang noo. Napaiyak ang kanyang ina, ang
tugon ni Basilio sa kanyang ina ay huwag raw matakot at nasa kumbento si Crispin. Nag-alala si Sisa at
tinanong si Basilio kung ano ang nangyari. Ang sagot ni Basilio ay noong kinuha daw si Crispin ng Punong
Sakristan, hindi daw siya pinauwi hanggang ala-diyes habang pauwi sinigawan siya ng mga sundalo ng quien
vive at pinutukan siya at dumaplis ang isang bala sa kanyang noo. Pagkatapos ng pag-ayos sa sugat ni
Basilio, nagtanong si Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Unti-unting kwinento niya tungkol sa nawawalang
pera. Tumabe na si Basilio sa tabi ng kanyang ina na kanyang inintay ng matagal at siya ay nakatulog at
nanaginip. Nanabangungot siya na sinasaktang ng punong Sakristan si Crispin. Nagising siya na umiiyak at
pawis na pawis. Nag-alala si Sisa at tinanong niya si Basilio pero hindi niya kwinento ang totoo. Biglang
sinabi ni Basilio ang kanyang plano na hindi na daw siya magtratrabaho sa punong Sakristan at magiging
pastol nalang siya ng mga baka o kalabaw para kay Don Crisostomo, patuloy niyang kwinento ang kanyang
mga pangarap at ang mga binabalak sa hinaharap.
KABANATA 18: MGA NAGDURUSANG
KALULUWA
• Hindi maayos ang kalagayan ni Padre Salvi kaya nakita ng mg a Hermana hindi nila ipinatuloy na iabot ang kanilang mga
kamay kay Padre Salvi. Sabi ni Hermana Sipa hindi si Padre Salvi ay umupo sa kumpisalan, Bigla isang batang babae ay
nakatanggap daw siya ng tatlong indulhensiya at kanyang ginamit sa kanyang kaluluwa ng kanyang asawa. Pinag-usapan nila
bigla ang kanilang mga indulhensiya. Pinagyabang ni Manang Rufa ang mga nakuhang plenaryo at mga taon ng
indulhensiya. May biglang suminget na kalalakihan na mayroon daw siyang masmaraming nakamit na indulhensiya kaysa sa
kanya sa taon palang na ito. Tuloy nilang pinagusapan tungkol sa mga indulhensiya nilang natatanggap. Sinabi ni Manang
Rufa ang systema niya at biglang ipinagmalaki ni manang Sipa na mayroon siya ang mabuting paraan. Sunod pinag-usapan
nila ang kanilang mga gatusin at patuloy silang nagtalo. Nagusapan sila muli tungkol naman ngayon sa bilang ng mga dasal
nila. Sa panahon naman na ito, Kakausapin ni Sisa ang punong Sakristan na nakabihis ng maayos at may dalang basket ng
mga prutas at gulay. Umakyat siya sa taas na hininahap ang sakristan at wala siyang nakitang tao kaya siya ay bumaba sa
kusina. Kinausap niya ang nagluluto kung saan niya maaaring iiwan ang basket at hindi maayos o maykulang na respeto
ang pagsagot ng nagluluto. Tinanong niya ang katulong kung na saan ang fraile, ang sagot ng katulong ay may sakit siya.
Tinanong ni Sisa kung nasaan naman si Crispin, sagot ng katulong ay lumayas si Crispin at nagnakaw ng mga gamit.
Umiyak si Sisa at pinaalis ng hindi maayos palabas.
KABANATA 19:MGA KARANASAN NG ISANG GURO

• Dalawang kalalakihan na nakasuot ng damit pang luksa, isa sa mga lalalaki na iyon ay si Ibarra at isa pa niyang kasama ay
ang guro. Pumunta sila sa lokasyon kung saan tinapo ang bangkay ng ama ni Crisostomo na si Don Rafael Ibarra.
Ibinahagi ng guro ang mga pagtulong ng ama ni Crisostomo sa kanya. Tinanong ni Ibarra ang guro tungkol sa kanyang
propesyon. Kwinento ng guro ang kanyang nakakapagod na storya. Nais malaman ni Crisostomo ang edukasyon sa
Pilipinas. Ang kasagutan ng guro ay mahirap daw ang edukasyon sa pilipas at kaontia ang mga prebileheyo. Kwinento niya
ang kalagayan ng posisyon niya. Kulang ang respeto ng estudyante sa guro. Marami siyang inipakilala na pagbabago pero
hindi siya pinansin. Nagsabi rin siya ng mga problema sa ng paaralan. Binastos siya ni Padre Damaso, nasinasabi na huwag
niya wasakin ang Espanyol at magtagalog nalang siya at tinawag siyang tanga pero wala siyang magawa dahil hindi nga siya
mabuhay sa kanyang suweldo mismo. Noog tumagal hindi niya na matiis ang pagiging guro at naisipan niya maghanap ng
ibang trabaho na bawat pasok niya sa eskwelahan ay isang insulto. Pero wala siyang magagawa dahil malulungkot ang
kanyang ina kaya pinaisip niya sa kanyang sa rili na maganda ang kanyang propesyon.Inisip niya ang dahilan ng kanyang
pagtratrabaho. Naging dalhin ng pagpursugi niya sa propesyon ang paginsulto sa kanya. Kwinento niya ang pagiba ng
eskwelahan. Noong siya ay nagkasakit at muling bumalik nabawasan ang kanyang mga estudyante at umalis ang mga
magagaling niya estudyante dahil sa pagiba ng sistema. Patuloy niyang kwinento ang mga kaganapang sa kanyang
pagkasakit.
KABANATA 20:ANG PULONG SA TRIBUNAL

• Sinalarawan ang mga pisikal na katangian ng pamahalaang bayan, pulong ng tribunal at


parusahan ng San Diego. Ibinahagi ang opinyon ni Don Filipo. Pinag-usapan nila si Tasio.
Dumating bigla sila Don Crisostom at ang guro, kanilang binati ang mga ibat ibang mga
grupo pero hindi sila sumali sa usapan. Sinalarawan ang mga kakilusang ng Mayor. Pinakilala
dito ang kalaban ni Don Rafael na si Kapitan Basilio. Muli nila pinagusapan ang kanilang
mga plano at gastusin sa gaganaping fiesta. Sila ay patuloy nagdibati sa kanilang mga plano
sa fiesta at pinamahagi ni Don Filipo ang kanyang mga palagay. Pinagusapan naman nila ang
mga makukuha nila sa pagtatanghal sa entablado. Hindi nagsaayon si Don Filipo sa kanilang
mga desiyon ng Mayor.
KABANATA 21:ANG KASAYSAYAN NG ISANG INA

• Ang Kuwento ng Isang Ina


Umuwi si Sisa at naanutang niya ang mga guwardiya sibil na naghahalungkot ng kanyang
bahay. Hinanapan ng mga guwardiya sibil si Sisa ng sinasabing nanakaw na pera ng mga
anak niya ngunit wala itong maibigay kasi hindi daw magnanakaw ang kanyang mga anak.
Kahit na hinuli siya ng mga guwardiya sibil naging kampante si Sisa dahil alam niya na hindi
nahuli ang dalawang anak niyang sina Crispin at Basilio. Ngunit habang naglalakad siya
kasama ang mga guwardiya, hiyang-hiya siya dahil nakikita siya ng mga kakilala niya. Nang
nakarating si Sisa sa kulungan, lumipas ang dalawang oras at pinalaya siya ng alferez.
Umuwi si Sisa at nabaliw dahil sa mga nangyari.
KABANATA 22: LIWANAG AT DILIM

• Mga Liwanag at Mga Anino


Paghahanda para sa salu-salo ang ginawa ng bayan noong mga araw at dadating pa.
Kumalat ang kuwentong si Maria Clara ay pupunta sa kainang iyon. Wala si Ibarra noong
mga araw na iyon dahil siya’y nasa kapital. Umikot ang kuwento na nasa kulungan si
Crisostomo Ibarra dahil sa nangyari sa kanila ni Fray Salvi. Pinagusapan nila Ibarra at Maria
Clara ang tungkol sa gaganaping piknik sa bukirin ng mga Ibarra. Ayaw imbitahin ni Maria
Clara si Fray Salvi ngunit tumanggi dito sa Ibarra at sinabi na kailangan niyang matanggal
ang alitan nila sa isa’t isa. Sa pag-uwi ni Ibarra ay nilapitan siya ni Sisa at ng kanyang asawa.
KABANATA 23:ANG PANGINGISDA

• Araw na ng piknik, sa umaga ay sumakay sila sa bangka upang makarating sa kabilang dako
na isang gubat. Lahat ay masaya at nagsasaya ngunit may isang tahimik lang at iyon ay ang
nagmamaneho ng bangka, si Elias. Dahil sa hiling ng iba, kumanta na si Maria Clara at ito’y
nagbigay ng kalungkutan sa mga puso nina Ibarra at Elias. Hindi maganda ang lawang iyon
para sa pangingisda dahil sa buwayang nakatira roon. Sinubukang patayin ni Elias ang
buwaya ngunit noong malapit na mapatay ng buawaya si Elias tumalon si Ibarra upang
ligtasin si Elias.
KABANATA 24: SA KAGUBATAN

• Minadali tapusin ni Fray Salvi ang kanyang misa upang makahabol sa piknik na inimbatahan
siya ni Ibarra. Pagkarating niya ay sinundan niya ang mga kababaihan sa kanilang paghanap
ng isang pugad ng ibon. Pagkatapos ay pumunta na siya sa piknik. Sa kalagitnaan ng kainan
at siyahan ay ang pagdating ng mga guwardiya sibil sa paghananap kay Elias ngunit hindi nila
nahuli ito. At ito ang nagdulot ng pagtigil ng piknik sa gubat na iyon.
KABANATA 25:SA BAHAY NG PILOSOPO

• Sinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo sa kanyang tahanan upang humingi ng payo tungkol sa
paaralan na nais niya ipasimulan. Nadatnan niya itong abalang-abala sa pagsusulat ng
hieroglyphics sa wikang Tagalog. Napansin naman siya ng matanda at siya ay inanyayahan
nito. Binanggit ni Pilosopo na ang kanyang mga sinusulat ay walang makakaunawa sa
ngayon sapagkat ang mga susunod na henerasyon ang tanging makauunawa ng kanyang
saloobin. Ayon sa kanya, ang mga susunod na salinlahi ay mga walang piring sa mata at
gising sa nangyayari sa lipunan.
KABANATA 25:SA BAHAY NG PILOSOPO

• Nabanggit ni Ibarra na kahit siya ay dito ipinanganak at lumaki, ramdam niya na palagay ng
mga tao na siya ay dayuhan lamang. Kung kaya't kailangan niya ang payo ng matanda
sapagkat ito ay higit na kilala ng mga tao. Sumalungat naman si Pilosopo at iminungkahi na
dapat niyang isangguni ang kanyang mga binabalak sa mga kinikilalang tao sa lipunan,
katulad ng Kura. Magbigay man ng masasamang payo ang mga makapangyarihan sa bayan,
maipapakita naman ni Ibarra na ang kanyang mga binabalak at ginagawa ay ayon sa
pinagkasunduan ng mga makapangyarihang tao sa bayan.
KABANATA 25:SA BAHAY NG PILOSOPO

• Hindi naman ito lubos na sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat naniniwala siyang ang matuwid
na layunin ay hindi na kailangang balutan ng baluktot na gawain. Buo ang paniniwala ni
Ibarra na sasang-ayunan siya ng pamahalaan at ng mga tao sa bayan sapagkat ang kanyang
ninanais ay ang kapakanan ng nakararami. Hindi siya makumbinsi ni Pilosopo Tasyo na ang
kapangyarihan ng simbahan ay higit pa sa kakayahan ng pamahalaan. Lalo na ang pagsasabi
niya dito na kung nais niyang matupad ang kanyang mga balakin ay marapat na yumuko
muna siya sa mga may kapangyarihan kung ayaw niyang walang mangyari sa kanyang mga
balakin. Hindi matanggap ni Ibarra ang mga sinabi sa kanya ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ang
kanyang mga pananaw ay ideolohiyang liberal, na kanyang nakamulatan sa pag-aaral sa
Europa.
KABANATA 25:SA BAHAY NG PILOSOPO

• Ang mga ganitong prinsipyo ay hindi pa katanggap-tanggap sa simbahan na siyang nagmamay-ari ng lahat, pati ang
buhay ng mga tao sa kanilang nasasakupan. Inihalimbawa ni Pilosopo Tasyo ang kalagayan ni Ibarra sa mga
halaman: sa rosas na yumuyuko rin sa hangin kapag hitik na ito sa mga bulaklak at kung hindi ito ay mababali
lamang; at sa puno ng makopa na kailangan pa niyang tukuran upang kumapit ang mga ugat nito sa lupa dahil
kung hindi niya ito gagawin ay ibubuwal lamang ito ng hangin. Ganito rin si Ibarra sa kanyang pananaw. Isa siyang
punong itatanim sa mabatong lupain na nagmula pa sa bayan ng Europa- kailangan niya ng makakapitan at
masasandalan. Aniya, hindi kaduwagan ang pagyuko sa kapangyarihan, ang pagyuko at pag-iwas sa dumarating na
punlo, mas mainam iyon kaysa salubungin ang mga bala ng baril at tuluyan ng hindi makabangon. Naglaro sa
isipan ni Ibarra na paano kung hindi lubos ang pagtulong ng simbahan sa kanyang mga balakin dahil na rin sa ang
karunungan ay kaagaw ng simbahan sa pagpapayaman at kung may maiiwan ba siyang legacy sa kanyang mga
binabalak para sa bayan. Binigyan naman siya ng inspirasyon ni Pilosopo Tasyo sa pagsasabi nito na hindi man siya
magtagumpay ay may uusbong na pananim na siyang magpapatuloy ng kanyang mga nasimulan. Nagpaalam na si
Ibarra pagkapahayag nito kay Pilosopo Tasyo sa kanyang pakay sa kura.

You might also like