Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

F5PT-IVc-j-6

Napapangkat ang mga salitang


magkakaugnay
F5PB-IVc-d3.2
Nasasagot ang mga tanong sa
binasang tekstong pang
impormasyon
Suriin ang mga salita sa ibaba.
• mabango–mahalimuyak–masamyo
• maganda–kaakit-akit–maayos
Sa pag-unawa ng panitikan, malaki ang
ginagampanang tungkulin ng wika bilang
daluyan ng kaayusan nito. Ang isang
mambabasa ay maaaring umugat ng pag-
unawa sa akda batay sa mga salitang pamilyar
sa kaniya. Ayon sa mga pag-aaral, mas
nagiging matagumpay ang pag-unawa sa mga
akda o tekstong kung nasusulat ito sa
katutubong wika. Magkagayunman, may mga
hakbangin din tungo sa pag-unawa ng akda o
teksto batay sa umiiral na wika at daloy ng
pahayag sa kuwento.
May mga salita na akala nati’y magkakaparehas lamang ang
gamit dahil halos magkaparehas ito ng nais ipakahulugan. Ngunit
mali, ang bawat salita ay may inaangkupang pangungusap
depende sa diwa o mensaheng nais ihayag nito.
Halimbawa:
Mabango ang bulaklak ng sampagita.
Masamyo ang pabangong iyong ginamit.
Mahalimuyak ang iyong buhok.
Kung susuriin ay ginamit sa iba’t ibang antas ang mga
halimbawang salita. “Mabango” pangkalahatang termino sa
mabangong amoy. “Masamyo” para sa panandaliang
pagkakamoy sa bango. At “Mahalimuyak” para sa
pangmatagalan at nanunuot na bango.
Tukuyin ang pagkakaugnay ng dalawang
salita.Ipaliwanag ang pagkakaugnay.
1. suwail–pasaway–masama
2. sampal–tampal–suntok
suwail–pasaway–masama

“Suwail” para sa taong hindi sumusunod sa mga utos at


panuntunan. “Pasaway” para sa taong matigas ang ulo at hindi
nasasaway. “Masama” para sa pangkalahatang kahulugan ng
paggawa ng masama.

sampal–tampal–suntok

“Sampal” para sa malakas na paghampas sa pisngi o mukha.


“Tampal” para sa paghampas sa katawan o bahagi ng katawan.
“Suntok” para sa pananakita nang may puwersa at nakuyom ang
kama
Madalas nagkakaroon din tayo ng
dagdag pag-unawa sa mga salita batay
sa tinatawag na contextual clues kung
saan pinag-uugnay-ugnay natin ang mga
salita sa loob ng pangungusap upang
ganap natin itong maunawaan.
(kolokasyon)
Isa rin sa paraan ng madaling pag-unawa sa talasalitaan kung hahanapin natin ang
kaugnay nitong salita. Hindi nangangahulugan na kailangan parehas ng kahulugan
ngunit nararapat na magkaangkla o magkaugnay sa isa’t isa. Suriin ang mga salita sa
ibaba.
Halimbawa:
masama – mabuti
liwanag – dilim
malakas – mahina
bida – kontrabida

Nakikita naman natin ang ugnayang nais ipahiwatig ng mga salita. Kahit na
ang mga salitang ito ay kabaligtaran ng bawat isa, pinalulutang naman nito ang
katuturan ng isa pang salita. Halimbawa, tumitingkad lamang ang karakter ng “bida”
kung magagampanan nang maayos ang karakter ng “kontrabida”. Kung mayroong
“masama” dapat mayroong “mabuti” upang maging balanse. Ugnayan pa rin namang
matatawag kung ang dalawang salita ay magkaiba sa konteksto ngunit parehas ng
pinupuntong mensahe.
Tukuyin ang pagkakaugnay ng mga
sumusunod na salita.
1. problema–dalamhati–suliranin
2. pag-asa–bukas–positibo
3. pagtitiis–sakripisyo–malasakit
IKALIMANG ARAW
F5EP-IVc-9.3
Nagagamit nang wasto ang
Dewey Classification System
YEDWE DILCEAM
Nakapunta na ba kayo sa library?
Nakakita na ba kayo ng kard katalog?
Isa sa sistema na ginagamit sa pa-aayos
ng mga aklat sa aklatan ay ang Dewey
Decimal System. Ito ay sinimulan ni Melvin
Dewey,isang Amerikano. Inaayos ang
mga aklat ayon sa paksang pinangkat sa
sampubg kategorya.
00-99 General Works/Sanggunian
100-199 Philosophy/Pilosopiya/Sikolohiya
200-299 Religion/Relihiyon
300-399 Social Studies/Araling Panlipunan(Pulitika, Batas,
Edukasyon, Pamahalaan, Kalakalan, Komunikasyon)
400-499 Language/Wika
500-599 Pure Science/ Agham
600-699 Technology/Useful Arts o Applied Science
700-799 The Arts/ fine Atrs and Recreation
800-899 Literature/ Panitikan
900-999 Geography, History/ Heograpiya at Kasaysayan
Ano ang Dewey System ?
Paano ito makatutulong sa mga mag –
aaral?
Pangkatin ang klase at ipagrupo ang aklat na
mayroon sila kung saan kabilang na code.

Sabihin kung anong code ang dapat ilagay sa


sumusunod na aklat:
a. Science and Health
b. Hekasi
c. MSEP
d. Hiyas sa Wika
e. Magpalakas at Umunlad
Hayaang mag-ulat muna ang lider ng bawat
pang kat tungkol sa mga naobserbahan ng mga
bata sa loob ng silid¬aklatan. Bigyang pansin
ang mga sagot sa mga sumusunad na mga
katanungan:
1. Paano nakaayos ang mga aklat?
2. Ano ang tawag natin sa ganitong uri na
pag-aayos ng mga aklat?
3. Saan nakasulat ang mga numero?
4. Ano ang kahalagahan ng code sa pag-aayos
ng silid aklatan?
Ano ang dapat gawin matapos gamitin
ang mga librong hiniram? Bakit dapat
ayusin ang mga ito?
Ano ang tawag sa talaan na ginagamit
sa pag-aayos ng mga aklat? Ano ang
kaugnayan nito sa Call Number?
Kunin ang Call Number ng mga sumusunod
na aklat at isulat kung sa anong pangkat sila
matatagpuan.
1. Science for Active Learning
2. Ang Lahing Pilipino sa Ikatlong Milenyo
3. Likha
4. Language Arts
5. 21st Century Mathematics

You might also like