Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang Kabataan ni

Florante
Summary
Isinalaysay ni Florante ang kanyang buhay. Na sanggol pa lamang siya
sa bakasyunang malapit sa bundok ng kanyang mga magulang na
Duke Briseo at Prinsesa Floresca (sa Albanya) ay muntik sa siyang dagitin
ng isang buwitre na mabuti na lamang ay napana ng pinsan niyang si
Menalipo na taga-Epiro. Ang kanyang ama ay tagapagpayo ni Haring
Linseo ng Albanya. Kaya’t kahit na siya ay anak ng prinsesa sa Krotona,
siya ay isinilang sa Albanya. Sa bulwagan naman ng kanilang palasyo ay
sinambilat ng isang alkon ang kwintas niyang may palawit na diyamante
o kupidong diyamante. Noo’y bago pa lamang siyang lumalakad (ang
alkon ay isang uri ng ibon na nahahaling o naaakit sa makikintab o
kumikinang na mga bagay). Nang siyam na taong gulang siya’y
pamana ng ibon at ibang mga hayop ang kanyang libangan.

You might also like