Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 68

ANG IKALAWANG

PAGLISAN NI
DR. JOSÉ RIZAL
NG BAYAN
[1888-1891]
edad na 27 - 30
1888 – Si Jose Rizal ay 27 yrs. old at isa nang manggagamot
at kilalang manunulat.

Dahilan kung bakit umalis muli


si Rizal sa Pilipinas:
 tinutugis siya ng mga makapangyarihang kaaway o kalaban
 di mapakali ang kanyang pamilya sa Calamba sa panganib
kung siya’y mananatili sa bansa

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


SI RIZAL SA HONGKONG AT
MACAO
BIYAHE PATUNGO SA HONG KONG
Pebrero 3, 1888 – sumakay si Rizal sa barkong Zafiro
patungo sa HongKong

Pebrero 7, 1888 – nakarating sa Amoy, China si Rizal


dahil;
 hindi mabuti ang kanyang pakiramdam
 malakas ang ulan
 narinig niyang marumi ang lungsod

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


Sa paglalakbay na ito, dala ni Rizal ang 800 na kopya ng unang edisyon ng El
Filibusterismo.

Pebrero 8, 1888 – dumating na siya sa HongKong at nanuluyan sa Victoria


Hotel.

Mga Pilipinong residente:


 Jose Maria Basa
 Balbino Maurico
 Manuel Ynarte

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


Jose Sainz de Varanda – isang opisyal na Espanyol na
sumusubaybay o nagmamanman kay Rizal sa
Hongkong.

[pinaniniwalaang komisyon siya ng mga


awtoridad na Espanyol para magespiya
kay Rizal]

Pebrero 16, 1888 – sumulat si Rizal kay Blumentritt


para ipahayag ang mga hindi magandang
nangyayari sa kanya

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


PAGBISITA SA MACAO

Pebrero 18, 1888 – lulan ng barkong Kiu Kiang,


nagtungo si Rizal at Basa sa Macao

Don Juan Francisco Lecaros – kanyang bahay


nanuluyan sila Rizal at Basa habang nasa
Macao
Pebrero 20, 1888 – lulan ng barkong Kiu Kiang,
bumalik si Rizal at Basa sa Hong Kong

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


Ayon kay Rizal ang Macao “ay maliit, mababa, at malungkot. Marami
ritong junk, rampan, at kakaunting barko. Mukha itong malungkot at
tila patay na.”

Pebrero 22, 1888 - nilisan ni Rizal ang Hongkong sakay ng barkong Oceanic, pag-
aari ng Estados Unidos, patungo sa bansang Japan

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


MGA KARANASAN SA HONG KONG

 Maingay na pagdiriwang ng Bagong Taon ng Pebrero 11- 13, 1888.


 Ang kaibahan ng tanghalan ng mga Tsino, paraan ng pagganap at paglalarawan
ng ng galaw ng mga tauhan.
 Ang masaganang piging kung saan ang mga panauhin ay pinaghahanda ng labis
na pagkain.
 Ang mga Dominikano ang pinakamayamang ordeng pangrelihiyon dahil sa
maraming negosyo at paupahan. Mayroon ding salapi na nakadeposito sa mga
bangko na tumutubo ng malaking interes.
 Sa sementeryo sa Hong Kong na sa mga Katoliko, Protestante at Muslim, sa mga
Protestante ang pinakamaganda dahil maayos at inaalagaan ang mga halaman at
malinis ang daanan.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


SI RIZAL SA JAPAN
Pebrero 28, 1888 – dumating si Rizal sa Yokohama,
Japan at tumigil sa Grand Hotel o Otel
Grande
SI RIZAL SA TOKYO
Otel Tokyo – dito tumuloy si Rizal nang siya ay
makarating sa Tokyo, nanatili siya dito mula
Marso 2-7, 1888
Juan Perez Caballero – opisyal ng Espanya sa Tokyo
na bumisita kay Rizal sa hotel at inanyayahan
si Rizal na manirahan sa gusali ng legasyon

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


DAHILAN NG PAGTIRA SI RIZAL SA LEGASYON NG
ESPANYA SA TOKYO:
a. Makatitipid siya ng malaki kung sa legasyon maninirahan
b. Wala naman siyang itinatago sa mga Espanyol

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


MGA PINAG-ARALAN NI RIZAL SA JAPAN:

Nihongo Kabuki Jujitsu o Jiu-jitsu

Azabu, Tokyo – lugar ng Legasyong Espanyol at ang lugar kung saan nakita ni
Rizal si O-Sei-San

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


ANG ROMANSA KAY O-SEI-SAN
Seiko Usui - 23 yrs. old na babaeng inibig ni Rizal sa
Japan; anak ng isang samurai at walang
karanasan sa pag-ibig

 Magkatulad na interes sa sining ang nagbigay


daan sa kanilang pag-ibig.
 Naibigan ni O-Sei-San si Rizal dahil sa maginoo,
magalang at pagkakaroon ng maraming
kaalaman.
 Ang ganda at pag-ibig ni Seiko Usui ay muntik
magpabago ng pasya ni Rizal.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


Abril 13, 1888 - umalis si Rizal sa Yokohama patungo ng Amerika sakay ng barkong
Belgic

ANG IMPRESYON NI RIZAL SA JAPAN

a. Isang magandang bansa


b. Kalinisan, pagiging magalang, at kasipagan ng mga Hapon
c. Magandang kasuotan at kasimplehan ng mga Haponesa
d. Kakaunti ang magnanakaw sa Tokyo
e. Halos walang pulubing makikita sa lansangan

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


Techo Suhiro – nakasabay ni Rizal sa barko;
isang mamamahayag, nobelista, at
tagapagtanggol ng karapatang
pantao sa Japan

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


PAGKAKATULAD NI SUHIRO AT RIZAL:
a. Pinaalis sa kanilang mga bansa ng isang mapagmalupit na pamahalaan.
b. Kapwa gumamit ng lakas ng panulat sa pagtuligsa sa kabuktutan na
nagaganap sa kanilang bansa.
c. Nagtungo sa ibang bansa upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban para
sa karapatan ng mga kababayan.
d. Kapwa mayroong misyon na palayain ang kanilang bansa sa mga
mapaniil na pinuno ng pamahalaan.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


RIZAL SA ESTADOS UNIDOS
Abril 28, 1888 - dumating ang barkong Belgic sa
daungan ng lunsod ng San Francisco

Hindi pinayagan ang mga pasahero na makababa


ng barko dahil sa takot ng mga Amerikano na ang
mga ito ay mayroong sakit na cholera.
Dahilan ng kuwarentenas o quarantine, ito ay upang
hindi makapasok agad ang mga manggagawang
Tsino sa Estados Unidos na ayaw ng mga
Amerikanong manggagawa.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


Palace Hotel – tinuluyan ni Rizal sa kanyang
pananatili sa San Francisco, CA, USA.
Mayo 3, 1888 – nakarating si Rizal sa New York
Mula New York, sumakay si Rizal sa barkong
City of Rome na nagdala sa kanya sa
London.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


MGA IMPRESYON NI RIZAL SA AMERIKA:
MABUTING IMPRESYON
a. Makikita sa malalaking lunsod, malawak ang bukid, at lumalagong mga
industriya at abalang mga pabrika ang kaunlaran ng bansa.
b. Pagiging masigasig ng mga mamamayang Amerikano.
c. Likas na kagandahan ng bansa.
d. Mataas na antas na pamumuhay ng tao.
e. Magagandang pagkakataon para sa mga dayuhang manggagawa.

MASAMANG IMPRESYON
a. Kawalan ng pagkakapantay ng mga lahi [Racial Discrimination].

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


SI RIZAL SA LONDON
DAHILAN NG PAGTIRA SA LONDON, ENGLAND:
 Mapahusay ang kanyang kaalaman sa wikang
Ingles
 Pag-aralan at iwasto ang aklat na Sucesos de
las Islas Filipinas na isinulat ni Morga.
 Ligtas ang London sa kanyang pakikipaglaban
sa kalupitan ng mga dayuhan sa Pilipinas.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


PAGTAWID SA ATLANTIKO:
 Si Rizal ang nagsilbing interpreter ng mga pasahero.
 Pinahanga ni Rizal ang kapwa pasahero sa kahusayan sa paglalaro ng yoyo.
 Nakipagtalakayan sa mga mamamahayag na Amerikano ukol sa suliranin ng
sangkatauhan. Napansin ni Rizal ang kahinaan ng mga ito sa kaalaman sa
geopolitics.

Mayo 24, 1888 – dumating si Rizal sa Liverpool, England at nagpalipas ng gabi


sa Hotel Adelphi.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


ANG BUHAY NI RIZAL SA LONDON
Mayo 25, 1888 – dumating si Rizal sa London
Antonio Ma. Regidor – isang takas na Pilipino sa Marianas noong 1872 at
nagtatrabaho bilang abogado sa London.
37 ChalcotCrescent, Primrose Hill – address ng nahanap na tirahan ni Rizal sa
London; ang bahay paupahan ay sinasabing pagmamayari ng pamilya
Beckett at malapit sa British Museum
British Museum – dito ginugol ni Rizal ang kanyang maraming araw sa London
sa pamamagitan ng pagsasaliksik.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


MGA BALITA SA PILIPINAS
MASAMANG BALITA
 Pag-uusig sa mga Pilipino na lumagda sa Manipestong laban sa mga Prayle
na iniharap ni Doroteo Cortes..
 Pag-uusig laban sa mga kasama sa lupa sa Calamba.
 Malubhang paninira nina Senador Salamanca at Vida sa Cortes ng Espanya
laban sa Noli Me Tangere.
 Ipinatapon ni Gobernador Weyler ng walang anumang ginanap na paglilitis si
Manuel Hidalgo, na bayaw ni Rizal.
 Dinakip ng mga Espanyol si Laureano Viado, sa Maynila dahil sa nahulihan ng
mga Espanyol ng sipi ng Noli Me Tangere.

MAGANDANG BALITA
 Pagtatanggol ni Padre Vicente Garcia sa nobelang Noli Me Tangere.
ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN
ANG AKTIBONG PAKIKILAHOK SA KILUSANG PROPAGANDA
Disyembre 31, 1884 – itinatag ang Asosacion La Solidaridad
ASOSACION LA SOLIDARIDAD
 Si Rizal ay nahalal na pangulo ng samahan.
 Si Rizal ay nagpadala ng liham sa
Asociacion La Solidaridad na
nagpapasalamat sa kanilang pagtitiwala at
pagpapayo sa ikapagtatgumpay ng
samahan.
Pebrero 15, 1889 – itinatag ni Graciano
Lopez Jaena ang pahayagang
makabayan, La Solidaridad

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


MGA LAYUNIN NG PAHAYAGANG LA SOLIDARIDAD
 Isulong ang isang mapayapang pagbabagong politikal at panlipunan sa
Pilipinas.
 Ipakita sa mga mambabasa ang kalunos-lunos na kalagayan ng Pilipinas
upang malapatan ng lunas ng pamahalaang Espanya.
 Labanan ang mga paring Espanyol sa Pilipinas na noon ay kumokontrol sa
pamahalaan.
 Isulong ang kaisipang liberal at kaunlaran.
 Isulong ang makatuwirang karapatan ng mga Pilipino para sa buhay,
demokrasya, at kaligayahan.

Los Agricultores Filipino – unang artikulo na isinulat ni Rizal para sa La


Solidaridad at nalathala noong Marso 25, 1889.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


MGA SINULAT NI RIZAL SA LONDON
La Vision del Fray Rodriguez – satritikong polyeto na sinulat ni Rizal laban kay
Padre Jose Rodriguez at kanyang ginamit na pangalan dito ay Dimas
Alang, nalathala sa Barcelona.
Liham sa mga Kadalagahan ng Malolos – sulat na ipinadala ni Rizal sa mga
dalaga ng Malolos na humiling sa pamahalaan na pagkalooban sila ng
pagkakataon na mag-aral ng wikang Espanyol
Specimens of Tagal Folklore at Two Eastern Fables – artikulong isinulat ni Rizal
sa Trubner's Record isang pahayagang Ingles sa London

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


ANG ROMANSA KAY GERTRUDE
BECKETT
Gertrude Beckett – anak na babae ng kanyang
kasero o landlord sa London at tinawag niya
ito na Getie

 Tinawag ni Getie si Rizal sa palayaw na


Petie.
 Si Rizal ay lumayo kay Gertrude Beckett
dahil sa mas mahalagang misyon sa
buhay.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


Bago umalis si Rizal sa London, tinapos niya ang apat na gawang lilok:
 Promotheus Bound
 Triumph of Death Over Life
 Triumph of Science Over Death
 Ang ulo ng magkapatid na dalagang Beckett

Marso 19, 1889 – nagpaalam si Rizal sa pamilyang Beckett at nilisan ang


London patungo ng Paris

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


IKALAWANG PAGTIGIL SA PARIS
PARA SA PANDAIGDIG NA
EKSPOSISYON NG 1889
PAGTUNGO SA PARIS
Pandaigdig na Eksposisyon - pandaigdigang
paligsahan sa sining na darayuhin ng libo-
libong mga tao mula sa iba't ibang panig ng
mundo

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


LUMAHOK SA PANDAIGDIG NA EKSPOSISYON:
1. Felix Hidalgo
2. Juan Luna
3. F. Pardo de Tavera
4. Jose Rizal
Eiffel Tower – isa sa umakit kay Rizal sa
Eksposisyon sa Paris; may taas na 984
talampakan
Valentin Ventura – sa kanyang tirahan pansamantalang
tumira si Rizal
Capitan Justo Trinidad – dating gobernadorcillo ng
Santa Ana
Jose Albert – isang batang mag-aaral mula sa Maynila
ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN
BUHAY SA PARIS
Dumadalaw si Rizal sa bahay ng mga pamilyang Pilipino na sina Dr. Trinidad
Pardo de Tavera, Paz Pardo de Tavera, Dr. Felix Pardo de Tavera, Ventura, Luna,
at Nellie Bousted.
Samahang Kidlat – ang samahang itinayo ni Rizal na binubuo ng kanyang mga
kababayang Pilipino.
 Antonio at Juan Luna
 Gregorio Aguilera
 Fernando Canon
 Lauro Dimayuga
 Julio Llorente
 Guillermo Puatu
 Baldomero Roxas
ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN
Los Indios Bravos – samahan na itinatag ni Rizal kapalit ng Samahang Kidlat;
nangako ng pagsisikap sa katalinuhan at pagpapalakas katawan
R.D.L.M. – Redencion de los Malayos (Ang Pagpapalaya sa Malayo), isang sikretong
samahan na itinatag ni Rizal
 Gregorio Aguilera
 Jose Ma. Basa
 Julio Llorente
 Marcelo H. Del Pilar
 Mariano Ponce
 Baldomero Roxas
 Padre Jose Maria Changco

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


MGA NATATANGING GAWA NI RIZAL SA PARIS
A La Defensa – Abril 30, 1889; sagot ni Rizal sa sulating laban sa mga Pilipino
ni Patricio de la Escosura
La Verdad Para Todos – Mayo 31, 1889; isang pagtatanggol sa mga katutubong
pinuno sa Pilipinas sa mga pamumuna ng mga Espanyol

Una Profanacion – Hulyo 31, 1889; isang artikulo na tumutuligsa sa mga prayle

Diferencias – Setyembre 15,1889; sagot niya sa isang artikulo, may pamagat na


“Old Truth”
Llanto y Risas – Nobyembre 30, 1889; sulating laban sa mababang pagtingin
ng mga bayarang mamahayag ng prayle sa mga kayumangging
Pilipino.
ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN
ANOTASYON SA AKLAT NI MORGA NA SUCESOS DE LAS ISLAS
FILIPINAS
Sucesos de las Islas Filipinas – patungkol sa makasaysayang pangyayari sa Isla
ng Pilipinas; isinulat ni Antonio de Morga
- pinuri ni Blumentritt para sa kanyang masusuin na pangkasaysayan
na gawa
1. sinuri niya ang nakaraan sa pamantayan na
kasalukuyan
2. ang panunuligsa ni Rizal sa simbahan ay di-makatwiran
dahil ang mga pang-aabuso ng mga prayle ay hindi
dapat ipagkamali na ang Katolisismo ay masama.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


MALATHALANG ARTIKULONG HISTORIKAL
Filipinas dentro de Cien Anos
Sobre la Indolencia de los Filipinos
Ma- yi
Tawalisi of Ibn Batuta
La Politica Colonial de Filipinas
Manila en el mes de Diciembre, 1872
Historia de la Familia Rizal de Calamba
Los Pueblos del Archipielago Indico

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


MGA DAHILAN NI RIZAL SA PAG-ALIS SA PARIS

 Ang napakamahal na halaga ng bilihin dahil sa karamihan ng mga


taong dumalo sa Pandaigdig na Eksposisyon sa Paris.
 Ang masayang kapaligiran ng Paris ay umaagaw ng kanyang atensiyon
sa mga gawaing pampanitikan.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


SI RIZAL SA BRUSSELS
Enero 28, 1890 – nilisan ni Rizal ang Paris upang
magtungo sa Brussels, Belgium
BUHAY SA BRUSSELS
38 Rue Philippe Champagne – bahay paupahan na
pinamamahalaan nina Suzanne at Marie
Jacoby kung saan nanuluyan si Rizal at Jose
Albert
Jose Alejandro – pumalit kay Jose Albert bilang
kasama ni Rizal

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


Sinimulang sulatin ni Rizal ang nobelang El Filibusterimo at nagsusulat din siya
ng mga ipinadadalang artikulo para sa La Solidaridad.

MGA ARTIKULO SA LA SOLIDARIDAD:


Vicente Barrantes Teatro Tagalog
Verdades Nueva
Crueldad
Inconsequencias
Ingratitudes
Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua de Tagala

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


MASAMANG BALITA MULA SA PILIPINAS
 Ang sumasamang kalagayan ng mga magsasaka sa Calamba.
 Nagharap ng demanda ang mga Dominicano para alisin ang lupang
kanilang pinapaupahan kay Don Francisco Mercado - Rizal.
 Ipinatapon si Paciano, Antonio Lopez, At Silvestre Ubaldo sa
Mindoro at si Manuel Hidalgo naman ay sa Bohol.
 Nararamdaman ni Rizal ang kanyang nalalapit na kamatayan.

Hunyo 11, 1890 – sumulat si Rizal kay Marcelo H. Del Pilar upang ipaalam rito ang
masamang pangitain ng kanyang kamatayan

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


PAGHAHANDA SA PAGBABALIK SA PILIPINAS
Dahil hindi siya maaring manatili na nagsusulat
lamang habang ang kanyang mga magulang at mga
kapatid ay nagdaranas ng lupit ng mga paring
Espanyol.
Sinalungat ni Graciano Lopez- Jaena at gayundin ng
kanyang mga kaibigang sina Basa, Blumentritt, at
Mariano Ponce.
Nakatanggap niya ang sulat ni Paciano na
nagsasabing natalo sila sa kaso at ito ay kanilang
iaapela sa korte supremo sa Madrid at dito si Rizal ay
nagtungo para tingnan ang kanyang magagawa sa
kaso.
ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN
ANG ROMANSA KAY PETITE
SUZANNE JACOBY
Petite Suzanne Jacoby – ang inibig ni Rizal sa
Brussels, Belgium; pamangkin ng kanyang
mga kasera o landlady

 nabighani kay Rizal dahil larawan siya ng


pagkamaginoo

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


MGA KABIGUAN SA MADRID
KABIGUAN SA KATARUNGAN
Asociacion Hispano-Filipina – hiningan ng tulong ni
Rizal pati na rin ang mga pahayagang liberal
sa Madrid tulad ng La Justicia, El Globo, La
Republica, at El Resumen
Marcelo H. del Pilar – ang tumayo bilang abogado
 Nawalan ng kabuluhan ang kanilang pakikinayam
kay Ministro Fabie ng Ministerio ng Katarungan.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


 Pagpapaalis sa mga taga-Calamba mula sa hacienda ng mga paring Dominikano.

 Namatay naman ang kanyang matalik na kaibigan at kasama sa kilusang


propaganda na si Jose Maria Panganiban.

 Hinamon ni Antonio Luna si Rizal ng duwelo o tunggalian dahilan sa karibalan sa


babae

 Hinamon ni Rizal si Wenceslao Retana ng duwelo. Ngunit, hindi ito natuloy nang
humingi ng tawad si Retana at hindi na sumulat ng anumang mapanirang puri si
Retana laban sa mga Pilipino.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


ANG PAGPAPAKASAL NI LEONOR RIVERA

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


Nalalapit na kasal ni Leonor Rivera sa isang inhinyerong Ingles na si Charles Kipping na
labis na ikinalungkot ni Rizal.
"pipiliin ni Leonor ang pangalang Kipping dahilan sa ito ay
malaya at ang Rizal ay isang alipin“
- José Rizal
Sa sagot ni Blumentritt ay sinabi niya na, hindi maunawaan
ng kanyang asawa na ang isang babaeng pinarangalan ng
pag-ibig ni Rizal ay iiwan si Rizal.
“si Leonor ay tulad ng isang bata, naipinagpalit ang
diamante sa isang karaniwang bato.“
- Blumentritt

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


KARIBALANG RIZAL AT DEL PILAR
sa pagtatapos ng 1890 – nakilala si del Pilar sa Madrid dahil sa kanyang pagsulat sa La
Solidaridad, ang literatura naman ni Rizal ay sa aspekto ng ideyalismo
Nagkaroon ng pagkakaiba sa paniniwala at patakaran nina Rizal at del Pilar.
Enero 1, 1891 – magsagawa ng isang pag-uusap ukol sa editoryal ng La Solidaridad ay
maipapasailalim sa samahan ng mga Pilipino
Pebrero 1891 – nagsagawa ng halalan ang mga Pilipino sa Madrid
dalawang kampo:
a. Rizalista
b. Pilarista

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


 Sa unang araw ng halalan, Rizal ang nanalo ngunit hindi natamo ang 2/3 na
kinakailangang boto.
 Sa ikalawang araw ay nagkaroon uli ng halalan ay ganito pa rin ang resulta.
 Sa ikatlong araw ay hinakayat ni Mariano Ponce na bumoto ang karamihan kay
Rizal at natamo ni Rizal ang kinakailangang 2/3 na boto.
 Pagkatapos ng pagwawagi ni Rizal ay hindi niya tinaggap ang kanyang posisyon.
 Umalis si Rizal sa Madrid na nag-iwan ng maikling sulat ng pagpapasalamat sa
mga kababayan niyang naghalal sa kanya at nagtungo sa Biarritz.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


BAKASYON NI RIZAL SA BIARRITZ
Senor Eduardo Bousted – sa kanyang bahay sa Villa
Elliada nagbakasyon si Rizal
Naging malapit si Rizal kina Adelina at Nellie na
anak ni Senor Bousted.
Ang kagandahan ng Biarritz, France ang
nagpalimot kay Rizal sa kanyang mga kasawian sa
Madrid.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


ANG ROMANSA KAY NELLIE
BOUSTED
Nellie Bousted – matalino, mahinahon, at mataas
ang moral
Ipinagtapat ni Rizal sa kanyang mga kaibigan
na nagkaroon siya ng pagnanais na pakasalan
si Nellie Bousted.
Tinukso na siya ni Marcelo H. del Pilar na
palitan ang pamagat ng kanyang nobela na
Noli ng Neli.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


Natapos ang pag-iibigang Rizal at Nellie dahil sa hindi nahikayat si Rizal na
magpakasal sa dalaga dahil sa mga sumusunod:
a. Ayaw ni rizal maging Protestante
b. Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal na maging manugang dahil si
Rizal ay mahirap na "doktor na walang pasyente, manunulat na
walang pera" at isang repormista na inuusig ng mga prayle at
opisyal ng pamahalaan sa sariling bayan.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


MGA SUMUNOD NA NAGANAP:
 Naghiwalay sina Rizal at Nellie bilang mabuting magkaibigan.
 Tinapos ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo bago umalis sa Biarritz patungo ng
Paris.
 Sa Paris ay kanyang sinulatan si Jose Basa at sinabing nagnanais siyang manirahan sa
Hongkong at dito nagtrabaho bilang doktor.
 Nagbalik si Rizal sa Brussels at muli niyang binisita ang mga Jacoby lalo na si Petite
Suzanne Jacoby.
 Nagpahinga si Rizal sa mga gawain ng Kilusang Propaganda upang maharap niya
ang pagpapalimbag ng kanyang ikalawang novela. Mula sa Brussels ay kanyang
ipinaalam sa Propaganda na itigil na ang pagpapadala ng kanyang sustento.
 Tinigilan na rin ni Rizal ang pagpapadala ng mga artikulo sa pahayagang La
Solidaridad sa kabila ng pakiusap ng kanyang mga kaibigan .

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


ANG PAGPAPALIMBAG NG EL
FILIBUSTERISMO SA BELGIUM
Mula sa Brussels si Rizal ay nagtungo sa Ghent na
isang lunsod pamantasan ng Belgium.

NANINIRAHAN SI RIZAL SA GHENT DAHILAN SA


MGA SUMUSUNOD:
a. Mura ang halaga ng pagpapalimbag sa
Ghent
b. Makaligtas sa pang-aakit ni Petite Suzanne
Jacoby

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


Jose Alejandrino at Edilberto Evangelista – Pilipino na estudyante ng inhinyero sa
Unibersidad ng Ghent na nakatagpo ni Rizal

Nanirahan si Rizal sa isang mumurahing bahay paupahan.

F. MEYER-VAN LOO PRESS - bahay palimbagan na handang maglathala ng nobela sa


pamamagitan ng pagbabayad ng hulugan
Isisnanla ni Rizal ang kanyang mga alahas upang maging paunang bayad sa
palimbagan.
Nang malaman ni Ventura ang kagipitan ni Rizal, mula sa Paris ay kanyang pinadalhan si
Rizal ng salapi para maituloy ang pagpapalimbag.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


Setyembre 18, 1891 – lumabas ng palimbagan ang El Filibusterismo

Pinadalhan ng kopya ang mga kaibigan:


2 kopya sa Hong Kong: Jose Basa at Sixto Lopez
Blumentritt
Ponce
Lopez-Jaena
T.H. Pardo de Tavera
Antonio Luna
Juan Luna
ValentinVentura – orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


Oktubre 1891 - inilathala ng sipian ng El Filibusterismo
sa pahayagang El Nuevo Regimen

Inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo


sa ala-ala ng GOMBURZA .

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


IPINAGKUMPARA ANG NOLI ME TANGERE AT EL
FILIBUSTERISMO
 Ang Noli ay isang romantikong nobela na gawa ng puso, damdamin, sariwa,
makulay at may taglay na tuwa. Ang Fili ay isang nobelang politikal gawa ng ulo,
isip, naglalaman ng pait, pagkamuhi, sakit, karahasan, at pagdurusa.
 Ang orihinal na kagustuhan ni Rizal ay gawing mas mahaba ang Fili kaysa sa Noli
ngunit dahilan sa kakulangan sa salapi ay naging maikli ang Fili (38 kabanata)
kung ikukumpara sa Noli (64 kabanata).
 Para kay Wenceslao Retana mas mahusay ang Noli.
 Para kay Marcelo H. del Pilar mas mahusay ang Fili.
Sumulat si Rizal kay Blumentritt na nagsasabi ng kanyang
balak na gumawa ng ikatlong nobela. Ito ay hindi na
masyadong ukol sa politika kundi sa etika.
ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN
PAMAMAALAM SA EUROPA
 Nagpaalam ng maayos si Rizal kay del Pilar sa paglalayon na mapanatili ang
kaisahan ng mga Pilipino sa Europa.
 Mula sa Merseilles sumakay ng barkong Melbourne patungo ng Hongkong,
kasama ng kanyang bagahe ang 600 na kopya ng El Filibusterismo.
 Nakatagpo ni Rizal sa barko bilang mga pasahero ang mga babaeng Aleman na
nangmamaliit sa kanya sa usapan na hihiya ni Rizal sa pamamagitan ng
maginoong pamamaraan.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


PANGGAGAMOT NI RIZAL SA
HONGKONG
Nobyembre 20, 1891 – dumating si Rizal sa
Hongkong; si Rizal ay nagbukas ng isang
klinika sa kanyang tinirahan.
Bago magpasko ng 1891 sa Hongkong – dumating
ang kanyang ama at si Silvestre Ubaldo;
sumunod na rin ang kanyang ina, at mga
kapatid na sina Lucia, Josefa, at Trinidad.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


PANGGAGAMOT SA HONGKONG
 Ginamit na rin ni Rizal ang kanyang propesyon bilang isang manggagamot
upang masuportahan niya ang kanyang pamilya.
 Nakilala si Rizal sa Hongkong sa kanyang kahusayan at ang mga pasyente niya
ay mga British, Tsino, Portuges, at Amerikano.
 Matagumpay niyang inoperahan ang kanyang ina sa Hongkong.
 Maraming bumati kay Rizal sa kanyang panggagamot.

Dr. Lorenzo Marquez – kaibigan ni Rizal na tumulong sa kanya

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


MGA DAHILAN NG PAGLIPAT SA HONGKONG
a. Kawalan ng kasiyahan sa Europa dahilan sa pagkakaiba
ng paniniwala niya kay del Pilar at sa ilang mga Pilipino
sa Europa.
b. Upang mas higit siyang maging malapit sa Pilipinas.
c. Para kupkupin ang kanyang pamilya.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


ANG PROYEKTONG BORNEO
a. Binalak ni Rizal na magtayo ng isang kolonya sa Borneo.
b. Nagpunta siya sa Sandacan at kinausap ang mga pinunong
British at nagtagumpay siya na mapagkalooban ang kanyang
proyekto ng 50,000 hektaryang lupa.
c. Ipinaalam ni Rizal ang kanyang proyekto sa mga Pilipino sa
Europa na nagpakita ng pagnanais na ito ay maisakatuparan.
d. Sinulatan ni Rizal si Gobernador Heneral Despujol ukol sa
kanyang Proyektong Borneo ngunit hindi ito sinagot. Sa
ikalawang sulat ni Rizal ay hindi pa rin sinagot, ngunit
ipinarating sa kanya sa konsul ng Espanya sa Hongkong ang
pagtutol dito.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


MGA SINULAT SA HONGKONG
Ang mga Karapatan ng Tao
A la Nacion Espanola
Sa Mga Kababayan
Una Revisita a la Victoria Gaol
The Hongkong Telegraph

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


ANG PAGPAPASIYA NA MAGBALIK SA MAYNILA
Dahilan na magbalik sa Maynila:
 Kausapin si Gob. Hen. Despujol ukol sa Proyektong Borneo
 Itatag ang La Liga Filipina sa Maynila
 Patunayan kay Eduardo de Lete na ito ay mali sa kanyang
paniniwala na matapang si Rizal dahil sa siya ay malayo sa
mga Espanyol.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


Bago umalis ng Hongkong gumawa ng sulat si Rizal at ito ay iningatan ni
Dr. Marquez na bubuksan lamang kung siya ay mamamatay;

 sulat sa kanyang mga magulang at mga kapatid


 sulat sa sambayanang Pilipino
 sulat sa Gobernador Heneral Despujol

Nagbalik si Rizal kasama ni Lucia sa Maynila. Kasabay naman ng pag-uwi ng Rizal


ay pagsasampa naman ng kanyang mga kaaway ng kaso.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


ANG PAGBABALIK AT PAGTATAG
NG LA LIGA
ANG IKALAWANG PAGBABALIK

Hunyo 26, 1892 - nagbalik si Rizal sa Maynila


kasama ng kanyang kapatid na si Lucia at
tumigil sa Hotel de Oriente.
Nagtungo si Rizal sa Malacanang upang makipagkita
sa Gobernador Heneral ngunit pinabalik siya ng gabi
at nakausap si Despujol.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


Dinalaw ang kanyang mga kaibigan sa Malolos, Bulacan; San Fernando,
Pampanga; Tarlac, Tarlac; at Bacolor, Pampanga.

Sa mga sumunod na araw ay muling nakipagkita si Rizal kay Despujol.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


PAGTATAYO NG LA LIGA FILIPINA
Hulyo 3, 1892 – itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo
Ongjungco sa Kalye Ylaya Tondo, Maynila
Dinaluhan ng mga sumusunod:
Pedro Serano Laktaw
Faustino Villaruel
Domingo Franco
Mariano Crisostomo
Jose Ramos
Numeriano Adriatico
Ambrosio Salvador
Estanislao Legaspi
Bonifacio Arevalo
Teodoro Plata
Agustin de la Rosa
Andres Bonifacio
Moises Salvador
Juan Zulueta
Luis Villareal

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


PAG-ARESTO AT PAGPAPATAPON
Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto siya
sa dahilan sa bintang na pagdadala ng mga polyetong kontra-
simbahan.

Ipinakulong si Rizal at mahigpit na pinababantayan sa Fort Santiago. Sumunod na


araw inilabas ang kautusan na ipatapon si Rizal sa Dapitan. Dinala si Rizal sa
Dapitan sa pamamagitan ng barkong Cebu.

ANG IKALAWANG PAGLISAN NI DR. JOSÉ RIZAL NG BAYAN


ANG IKALAWANG
PAGLISAN NI
DR. JOSÉ RIZAL
NG BAYAN
[1888-1891]
edad na 27 - 30

You might also like