Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

PANGATNIG

• salita o grupo ng mga salitang


nagpapakita ng pagkakaugnay ng isang
salita sa isa pang salita o isang kaisipan
sa isang kaisipan.
HALIMBAWA NG PANGATNIG
at - nagdurugtong ng dalawang salita o
kaisipang magkaugnay.
Halimbawa:
Ang dalaga at binata ay nagbigay ng
isang awitin.
Sumakay ang nanay sa dyip at bumaba
sa palengke.
MAAARI RIN ITONG PALITAN NG:

pati saka
Halimbawa:
Gusto ko ng ice cream pati keyk.
Naglaba ang nanay saka nagplantsa ng
damit.
HALIMBAWA NG PANGATNIG
o - nag-uugnay ng dalawang salita o
kaisipang pinagpipilian.
Halimbawa:
Ano ang gusto mo, spaghetti o pansit?
Maaari kang umuwing mag-isa o magpasama
sa klasmeyt mo.
HALIMBAWA NG PANGATNIG
ni - nag-uugnay ng dalawang salita o
kaisipang hindi gumanap o ginampanan.
Halimbawa:
Ni hindi ka man lamang sumulat o tumawag
sa akin.
Ni ikaw o ako ay hindi makakasama sa
kanilang pag-alis
HALIMBAWA NG PANGATNIG
kapag, pag, - nag-uugnay ng dalawang kaisipang
kung may hinihinging kundisyon ang
pagiging ganap.
Halimbawa:
Hindi ako aalis kapag maaga kang dumating.
Kung magbabait ka, ibibili kita ng gusto mo.
HALIMBAWA NG PANGATNIG
habang, - nag-uugnay ng dalawang kilos o
samantala pangyayaring naganap sa
magkasabay na panahon.
Halimbawa:
Naglalaba ang nanay habang natutulog si beybi.
Samantalang wala si Bb. Cruz, si Gng. Reyes ang
nagtuturo sa aming klase.
HALIMBAWA NG PANGATNIG
dahil, - nag-uugnay ng sanhi o dahilan ng
sapagkat, kasi pangyayari o ikinikilos.

Halimbawa:
Masaya ang lahat dahil dumating na ang tatay.
Sapagkat wala akong pera, naglakad ako papasok
sa paaralan.
Umiiyak si Ron kasi naiwan siya ng school bus.
HALIMBAWA NG PANGATNIG
ngunit, subalit, - nag-uugnay ng dalawang kaisipang
pero magkakontra o magkasalungat.

Halimbawa:
Gusto kong kumain ng ice cream ngunit
ipinagbawal sa akin ng doctor.
Maraming nag-aplay sa trabaho subalit isa lamang
ang pinili.
HALIMBAWA NG PANGATNIG
Upang, para,
- nag-uugnay ng bunga o
kaya, nang
kalalabasan ng isang kilos o gawain.

Halimbawa:
Umalis ka nang maaga para di ka malate.
Sumunod ka agad nang di ka mapagalitan.

You might also like