Disenyo at Pamamaraan NG Pananaliksik

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

Disenyo At Pamamaraan

ng Pananaliksik
Aralin 12

Job E. Comida jr
STEM – 1101
Lagro High School
Balik-Tanaw
2
Ano nga ba ang disenyo ng
pananaliksik?
Ang disenyo sa pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng
mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik
sa maayos at lohikal na paraan. Ito ang nagtitiyak na masasagot ng pananaliksik ang
suliranin at matutupad ang layunin na itinakda nito.

4
Ayon sa Business Dictionary (2011), ang disenyo ng pananaliksik ang detalyadong
balangkas kung paano isasagawa ang imbestigasyon. Kadalasang nilalaman nito kung
sa paanong paraan mangangalap ng datos ang mananaliksik, ano at paano gagamitin
ang napiling instrumento, at ang mga pamamaraan kung paanong susuriin ang datos.

5
Ang suliranin ng pananaliksik ang nagtatakda sa uri ng disenyong gagamitin ng
mananaliksik. Kailangang tiyakin na ang kabuuang disenyo ay lohikal na sasagot sa
mahahalagang tanong ng pananaliksik. Ayon kay David de Vaus (2011), kung mailalatag
nang maayos ng isang mananaliksik ang sistema at disenyo ng pananaliksik, tiyak na
makakamit nito ang sumusunod:

6
 Matutukoy nang malinaw ang suliranin ng pananaliksik at mapangangatuwiran ang pagkakapili
nito;
 Madaling makabubuo ng rebyu at sintesis ng mga naunang pag-aaral na may kinalaman sa
paksa at suliranin ng ginagawang pananaliksik;
 Malinaw at tiyak na matutukoy ang mga haypotesis na pinakasentral sa pag-aaral;
 Epektibong matutukoy at mailalarawan ang datos na kailangan sa pagsubok ng mga haypotesis
at maipaliliwanag kung paanong makakalap ang mga datos na ito; at
 Mailalarawan ang mga pamamaraan ng pagsusuri na gagamitin upang alamin kung tama o mali
ang mga haypotesis.

7
Mga Disenyo ng Pananaliksik

8
Ang kwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na
imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa
pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan na
gumagamit ng komputasyon. Kadalasang ginagamitan din ito ng mga
nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan sa pananaliksik gaya ng
sarbey, eksperimentasyon, at pagsusuring estadistikal.

9
Ang kuwalitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng mga uri ng
pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at
ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang disenyong ito ay
pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay
sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga
panlipunang realidad gaya ng kultura, institusyon, at ugnayang pantao na
hindi maaaring mabilang o masukat.

10
Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasalukuyang
ginagawa, pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga
tanong na sino, ano, kailan, saan, at paano na may kinalaman sa paksa ng
pag-aaral. Hindi ito makatutugon sa mga tanong na “bakit” sapagkat
naglalarawan lamang ito ng tiyak at kasalukuyang kondisyon ng pangyayari
at hindi ng nakalipas o hinaharap.

11
• Antas ng paggamit ng apat na core values ng UST ng mga guro
sa kanilang pagtuturo.

12
Inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan,
pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan ito ng mas
epektibong pamamaraan. Habang isinasagawa ang pananaliksik ay
bumubuo rin ng mga plano at estratehiya ang mananaliksik kung paanong
makapagbibigay ng makabuluhang rekomendasyon. Kailangan din ang mga
serye ng ebalwasyon kung nakakamit o hindi ang ideyal na awtput.

13
• Anong estratehiya sa pagtuturo ang pinakaepektibo sa pagkatuto
ng mga mag-aaral na may suliranin sa pandinig?

14
Ang historikal na pananaliksik ay gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng
pangangalap ng datos upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa
nakaraan. Batay sa mga datos at ebidensya, pinalalalim ang pag-unawa sa
nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay. At ang
pinagdaanang proseso kung paanong ang nakaraan ay naging kasalukuyan.

15
• Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas

16
Ang pananaliksik na nasa ganitong disenyo ay naglalayong malalimang
unawain ang isang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang
kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-aaral. Ginagamit ito upang paliitin,
maging ispesipiko, o kaya’y pumili lamang ng isang tiyak na halimbawa mula
sa isang napakalawak na paksa.

17
• Antropolohikal na Pag-aaral ng Iglesia Watawat ng Lahi ni
Prospero Covar (1978)
• Kaso ng isang doktor na piniling maging caregiver sa Estados
Unidos

18
Ang komparatibong pananaliksik ay naglalayong maghambing ng anomang
konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa. Madalas na gamitin sa mga
cross-national na pag-aaral ang ganitong uri ng disenyo upang mailatag ang
mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan, kultura at
institusyon.

19
• Komparatibong pagsusuri ng mga panitikang pambata ng mga
Tagalog at Bisaya
• Komparatibong pagsusuri ng mga editorial cartoon ng Philippine
Star at Philippine Daily Inquirer sa pagbisita ni Pope Francis sa
Pilipinas

20
Madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng pananaliksik ang disenyong
normative dahil naglalayon itong maglarawan ng anomang paksa.
Gayunpaman, naiiba ang disenyong ito sapagkat hindi lamang simpleng
deskripsyon ang layunin nito, kundi nagbibigay-diin sa pagpapabuti o
pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan batay sa mga tanggap na
modelo o pamantayan.

21
• Pagsusuri ng Kakayahan sa Matematika ng mga Mag-aaral ng
Magsaysay High School Batay sa Itinakdang Kompetensi ng
DepEd
• Bumababang kakayahan ng mga guro sa Ingles sa pagsasalita
at pagtuturo ng wikang Ingles

22
Ang etnograpiya ay isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-
iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t ibang gawi ng isang
komunindad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito. Nakabatay ito sa
pagtuklas ng isang panlipunang konteksto at ng mga taong naninirahan dito
sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang mga pagpapahalaga,
pangangailangan, wika, kultura, at iba pa.

23
• Pagpapakahulugan kay Rizal ng mga Milinaryong Kilusan sa
Banahaw

24
Isinasagawa ang disenyong eksploratori kung wala pang gaanong pag-aaral
na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin. Ang pokus nito ay upang
magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa isang paksa na maaring
magbigaydaan sa mas malawak at komprehensibong pananaliksik.

25
• Panimulang Pagu-nawa sa Masaker sa Mamasapano Kaugnay
ng Usapang Pangkapayapaan sa Mindanao

26
Metodolohiya ng Pananaliksik

27
Ang metodolohiya ay sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at
proseso ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik.

28
Ang DISENYO ng pananaliksik ay tumutukoy sa kabuuang balangkas at pagkakaayos
ng pananaliksik, samantalang ang PAMAMARAAN naman ay kung paanong
mabibigyang-katuparan ang disenyo. Narito ang iba’t ibang pamamaraan na ginagamit
sa pananaliksik.

29
Isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan
sa isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik. Ito rin ay ginagamit sa mga
siyentipikong layunin tulad ng marketing research, sikolohiya, kalusugan at medisina,
at sosyolohiya. Ang katagumpayan nito ay nakabatay sa husay ng pagpilo ng
representatib ng buong populasyon.

30
• Ilang bahagdan ng mga Pilipino ang nagtitiwala pa sa pangulo ng Pilipinas?
• Gaano karaming mag-aaral ang nakauunawa sa syu ng Charter Change?

31
Ito ay pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad o di kaya ay may
personal na pagkaunawa sa paksa ng pananaliksik. May tatlong uri ng pakikipanayam
ang structured, semi-structured at unstructured.

32
Structured interview o nakabalangkas na pakikipanayam kung saan halos eksakto o
tiyak ang pagtatanong gaya ng mga talatanungan na ginamit sa sarbey. Ang kaibahan
nito ay sinasagawa ito ng pasalita at binabasa ng mananaliksik ang mga tanong sa
tagasagot.

33
Semi-structured interview o pakikipanayam na bahagyang nakabalangkas naman ay
mas nagbibigay ng kontrol sa mananaliksik o tagatanong sa magiging daloy ng
panayam. Ito’y gumagamit ng mga gabay na tanong upang maging maayos at
sistimatiko ang daloy ng panayam ngunit hindi strikto ang pagsunod dito at
nagpapaubaya sa pagpapalalim at pagpapalawak ng tanong na nagmumula sa
impormasyong ibinigay ng kinapanayam.

34
Unstructured interview o walang estruktura ito’y naglalayong galugarin ang
nararamdaman ng kalahok tungko sa paksa ng panayam. Maari ding maging paksa ng
panayam ang kuwentong-buhay o partikular na karanasan ng kalahok.

35
Mga paalala sa pagsasagawa ng pakikipanayam:
• Maging maagap sa itinakdang oras ng panayam.
• Ihanda ang gabay sa panayam at iba pang kakailanganing materyales gaya ng recorder,
camcorder o anomang kasangkapan sa pagtatala.
• Magsagawa ng inisyal na pananaliksik tungkol sa kakapanayamin.
• Magsalita ng malinaw kung nagtatanong o nagpapaliwanag at maging magalang sa
bawat kilos at pagsasalita.
• Magbigay ng simpleng token o sulat ng pasasalamat sa taong kinapanayam, hindi bilang
suhol, kundi pagpapakita ng pagpapahalaga sa oras na inilaan ng kalahok.

36
Ito ay isang pamamaraan sa pananaliksik na ginagamit upang kumalap ng
impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik sa
pamamagitan ng analitikal na pagbasa sa mga nasusulat na komunikasyon at mga
dokumento upang malutas ang mga suliranin. Ilan sa mga uri ng dokumentaryong
pagsusuri: pagsusuri sa nilalaman (content analysis), pagsusuring semyotiko
(semiotics), pagsusuring diskorsal (discourse analysis), at interpretatibong pagsusuri
(interpretative analysis).

37
Ginagamit ito sa mga uri ng pananaliksik na nangangailangan ng field study gaya ng
etnograpiya. Ang nakabalangkas na obserbasyon ay pagmamasid ng mananaliksik sa
mga kalahok na pokus ng pag-aaral habang sistematikong itinatala ang kanilang
pagkilos, interaksiyon, at pag-ugali sa pamamagitan ng gabay sa obserbasyon.

38
Ito ay pag-aaral sa kilos, pag-uugali, at interaksiyon ng mga kalahok sa isang likas na
kapaligiran. Kasabay ng sistematikong obserbasyon, ang mananaliksik ay
nakikisalamuha at nakikisali sa karaniwang mga proseso o pamumuhay ng mga tao sa
komunidad.

39
Sa bahaging ito ng metodolohiya, nakasaad ang mga batayang impormasyon tungkol
sa kalahok ng pananaliksik. Kabilang sa mga ito kung sino, tagasaan, o kaya ay kung
sa anong istitusyon o organisasyon may kaugnayan ang kalahok. Ipinapaliwanag dito
ang proseso ng sampling na pinagdaanan at kung ano ang dahilan o pinagbatayan ng
pamimili ng kalahok.

40
Sa bahaging ito ng metodolohiya, ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong
gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo
at pamamaraan ang instrumento.
Binubuo ang instrumento bago ang aktuwal na pangangalap ng datos. Nagsisilbing
bahagi ng apendiks ng pananaliksik ang mismong talatanungan, checklist, o anomang
gabay.

41
Nilalaman naman ng bahaging ito ang hakbang-hakbang na plano at proseso sa
pagkuha ng datos.

42
Nakapaloob sa bahaging ito kung paano gagawing sistematiko ang presentasyon ng
datos para sa mas madaling interpretasyon at pagsusuri.

43
Maraming Salamat
May mga katungan?
Kumento?
Klaripikasyon?

You might also like