Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

ETIKA NG MANANALIKSIK

Bilang mananaliksik, kailangan mong malaman


ang mga etikang dapat sundin upang maiayos
moa ng iyong gawain. Kauna-unahan sa mga ito
ang katapatan. Ang pagiging matapat ay
pangunahing katangian ng isang mananaliksik.
Walang puwang ang plagiarism sa pananaliksik.
Maaaring humingi ng permiso sa may-akda, at
kung hindi ito pumayag ay huwag na itong
gamitin. Tandaa: isang krimen ang taasang
pangongopya o pandaraya sa pananaliksik.
Ang sumusunod ay ilang uri ng plagiarism:
 Pag-angkin sa gawa ng iba
 Pagkopya sa ilang bahagi ng akdang hindi
kilala ang awtor kahit na ito pa ay may
kaunting pagbabago sa ayos ng
pangungusap.
 Dapat ding iwasan ang pagpapaigsi sa
gawain. Kailangan ding maging obhetibo sa
sulating pananaliksik. Ang personal na
opinion, lalo na kung walang matibay na
basehan ay hindi makatutulong sa iyong
papel
ANG MGA NAKALAP NA TALA
 PAGSASAAYOS
Sa ikaapat na aralin ay natutuhan mo ang paggamit ng mga
notecard at paggawa ng tentatibong bibliyograpiya, sa
puntong ito ay matututuhan mo naming isaayos ang mga
nakalap mong tala. Ang sumusunod ay ilang paraan upang
makatulong sa pagsasaayos ng mga nakalap mong tala na
isinulat mo sa mga notecard.
 Suriin ang mga talang isinulat sa mga notecard
 Maghanda ng isang notebook o maaaring i-encode sa iyong
computer ang anumang kaisipan, tanong o komentaryong
pumapasok sa iyong isip habang binabasa ang mga nakalap
na tala.
 Suriin ang mga nakalap na impormasyon kung sapat na ba ito
o nangangailangan pa ng pananaliksik.
 PAGSUSURI
Sa pagsusuri ng mga talang nakalap,
siguraduhing ang mga impormasyong nakuha ay
konektado sa binuong tesis. Huwag kalimutang
suriing mabuti ang mga ideya at i-klasipika ito
bilang pangunahin at pantulong na ideya.
Matapos isa-isahin ang mga tala ang mga
tala, timbang kung sapat na ba ang nakalap
upang mapagtibay nito ang binuong tesis at
anumang pahayag na isasama mo sa iyong papel.
Matapos ang masusing pagsusuri ng mga nakalap
na tala, maaaring rebisahin nang kaunti ang tesis.
 ORGANISASYON NG PAPEL
Matapos mong isaayos at suriin ang mga
nakalap mong tala, ang susunod na gagawin ay
kung paano mo ioorganisa ang mga kaisipang ito
upang maisulong moa ng tesis ng iyong sulating
pananaliksik. Sa pag-oorganisa ng papel,
isinasaalang-alang ang tesis at ang mga datos o
impormasyon.
Mahalaga ang organisasyong papel sa pagsulat
ng pananaliksik sapagkat ito ang susi upang
madaling maunawaan ang inyong papel, marapat
lang na humanap ng paraan upang mahusay na
pagtagni-tagni ang mga talang nakalap
Mga prinsipyo sa pag-oorganisa ng papel.

1.Kronolohikal- Ginagamit ang prinsipyong ito. Kung ang datos o


impormasyon ay ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
Kung ang paksa ay naglalahad ng proseso o pangyayari o maging
ang kasaysayan.
2.Heyograpikal o Batay sa espasyo- ginagamit ito kung ipakikita
at ipaliliwanag ang lokasyon, lugar o iba pang paggamit ng espasyo.
3.Komparatibo- Ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang
pagkakatulad o ang pagkakaiba ng dalawang bagay, tao, prinsipyo o
kaisipan.
4.Sanhi/Bunga- ginagamit pag nais bigyan diin ang sanhi at bunga
o sanhi o bunga ng isang paksng sinisiyasat. Maaaring alam na ang
sanhi at sisiyasatin ang bungo o kaya alam na ang bunga at
sisiyasatin ang sanhi.
5.Pagsusuri- Ang Prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita
ang paghihimay-himay ng isang buong kaisipan.
Pagsulat ng Burador
Ang burador ay binabatay sa panghuling
balangkas. Kailangang pag-aralang mabuti ang
balangkas bago isulat ang borador, kung kulang
ang datos na nakalap ay tiyak na mahihirapang
isulat ang ilang bahagi nito.
Mahalaga ang magkaroon ng borador sa
pagsulat ng sulating pananaliksik upang makita ang
kabuoan nito at mapagpasiyahan kung mayroon na
bang kinakailangang impormasyon, may paliwanag
na kailangang palitan o burahin, o kailangang
palitan ang organisasyon ng ilan sa mga ideya, na
tutulong sa pagsulong ng iyong tesis.
Pagsulat ng Pinal na sulating Pananaliksik

Tandaang may tatlong bahagi ang sulating
pananaliksik. Ang introduksiyon, katawan at
kongklusyon. Mas maikli ang introduksiyon at
kongklusyon kaysa katawan, sapagkat ang katawan
ay binubuo ng mga bahaging tumatalakay sa ibat-
ibang kaisipan.
1. Introduksiyon- Ito ay maaaring maglaman ng
sumusunod: maikling kaligiran ng paksa, layunin ng
mananaliksik, pahayag ng tesis o thesis statement,
kahalagahan ng paksa o kahalaganhan ng
pagsasagawa ng pananaliksik, at saklaw at limitasyon
ng pananaliksik
2. Katawan- Ang organisasyong ng mga ideya sa
katawan ng iyong papel ay batay sa paghahati-hati ng
mga ideya sa iyong panghuling balangkas. Marapat
tiyaking nasa mainam na ayos ang ideya sa panghuling
balangkas upang hindi mahirapan sa pagsulat ng papel
na pananaliksik. Sa pagsulat ng katawan ng sulating
pananaliksik, ipinapayong ayusuin ang mga ideya sa
paraang makapagpapahatid ng kahalagahan ng aralin.
3. Kongklusyon- ang konklusyon ay paglalagom at
pagdidiin ng ideya. Samakatuwid hindi na natin ito
makikitaan ng mga panibagong ideya o datos. Bagkus
naglalaman ito ng sintesis, ebalwasyon o paghatol ng
mananaliksiksa mga impormasyon at datos na nakalap na
maaaring sumusuporta o hindi sa kanyang pahayag ng
tesis o thesis statement na nakasaad sa introduksiyon.
“Isang hamon ang pagsulat
ng pananaliksik, ngunit
magbubunga naman ito ng
kaalamang hitik.”

You might also like