Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

SA BAGONG PARAISO

NI: EFREN ABUEG


I.KALIGIRANG
KASAYSAYAN
1 . M G A TA U H A N

 Cleofe
 ang pangunahing babaing karakter; matalik na
kaibigan ni Ariel
 Ariel
 ang pangunahing lalaking karakter; matalik na
kaibigan ni Cleofe.
TA U H A N

 Ina ni Cleofe
 Ama ni Cleofe

 Ama ni Ariel

 Ba Aryo
2. TUNGGALIAN

Ang tunggalian ng akdang Sa Bagong Paraiso ay ang pagbawal


ng mga magulang ni Cleofe na makipag-kita kay Ariel sapagkat
nais nilang makapag-aral si Cleofe upang siya’y maging
doktora at dahil sila ay nagdadalaga at nagbibinata sila.
3 . TA G P UA N

Looban
Dalampasigan
Maynila
Luneta
4 . S O L U S YO N

Sila ay nagtanan at nagtago upang ilihim nila sa kanilang mga


magulang ang lahat. Kung dati ang paraiso nila ay ang malawak
na looban at dalampasigan, ngayon ang kanilang pariso ang
makitid, malamig, at suluk-sulok.
5 . B U O D N G A K DA

Sina Ariel at Cleofe ay magkabata na naglalaro sa bukid. Umaakyat


sila sa puno at naghahabulan sa malawak na damuhan. Minsan
nama’y nagpupunta sila sa dalampasigan at napupulot ng mga
kabibe at naglalaro sa buhangin. Sa pulang takip-silim ng langit sila
namangha. Ito ang kanilang paraiso. Kahit hindi sila
makapanatiling bata. Marami silang dapat malaman sa kanilang
paglaki. Palagi silang magkasama kung kaya’t sila ay kinukutyang
magkasintahan.
Habang sila ay tumatanda, mas laong nababahala ang kanilang mga
magulang dahil sa kanilang relasyon. Dumating ang panahong sila ay
ipinagbawalan ng magkita dahil makakagulo sila sa pag-aaral ng isa’t
isa. Nang sila ay makapagtapos ng mataas na paaralan ay lumipat sila
sa Maynila para makapag-aral sa kolehiyo. Sa panahong ito ay matagal
na silang hindi nagkita. Nang sila ay muling magkita, muling tumibok
ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Subalit, nakatanggap sila ng liham
mula sa kanilang mga magulang na nagsasabi na alam nilang nagkikita
sila. Mayroong nakakita sa kanila. Sila ay lumayas at pumunta sa lugar
kung saan walang makakakita sa kanila. Dito na ang kanilang bagong
paraiso. At isang araw, napagtanto ni Cleofe na siya ay buntis kaya siya
ay napaiyak.
6. ARAL

May angkop na oras ang lahat ng bagay sa daigdig. Hindi dapat


ito minamadali sapagkat may itinakdang oras ito. Dapat
sumunod din tayo sa nakakataas sapagkat mas nakakaalam sila
kaysa sa atin. Kapag sinabi nilang hindi pwede ang isang
bagay, huwag na nating gawin sapagat mas marunong sila at
gusto lamang nila tayo mabuhay nang maayos.
II.MAY-AKDA
 Si Efren Abueg ay isang kilalang Pilipinong manunulat ng
nobela, maikling kwento, at sanayay, editor, propesor, at
anthologist. Ipinanganak siya noong ika-3 ng Marso 1937 sa
bayan ng Tanza, Cavite.
Nag-aral siya sa Naic Elementary School sa Cavite noong 1950. Noong
1954, tinapos niya ang high school sa Arellano High School sa Batangas.
Nagtapos siya noong 1957 sa Imus Institute Junior College nang may
Associate in Arts Degree at ng Bachelor’s Degree in Science in
Commerce, Accounting sa Manuel L. Quezon University sa Quiapo,
Manila noong 1960. Nakakuha siya ng Masters in Arts in Language at
Literature sa De La Salle University noong 1987 at ang kaniyang PhD sa
Filipino and Translation Studies sa UP Diliman noong 2000.
Mula 1965 hanggang 1972, nagturo siya sa Manuel L. Quezon
University ng wika at literatura. Nagturo rin siya sa Philippine College
of Commerce noong 1971, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila noong
1974, Ateneo de Manila University noong 1977, at De La Salle University.
Mula 1984 hanggang 1987, naging Direktor ng Student
Publications Office sa De La Salle University si Abueg. At mula
1986 hanggang 1988, siya ang naging pangulo ng Kapisnan ng
mga Propesor sa Pilipino o KAPPIL at ng Linangan ng
Literatura ng Pilipinas. Naging director din siya ng Philippine
Folklore Society.

Naging aktibo rin siya sa mga kilusang hinggil sa pagtuturo ng


wika at panitikan sa Manuel L. Quezon University, Philippine
College of Commerce, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila,
Ateneo de Manila University, at De La Salle University.
Kabilang as mga maiikling kwento kanyang naisulat ay ang Si
Mark at Ako, Sa Bagong Paraiso, Ang Kamatayan ni Tito
Samuel, Mapanglaw ang Mukha ng Buwan, at Saranggola. Siya
rin ang may-akda ng mga nobelang Dilim sa Umaga, Habagat
sa Lupa, at Dugo sa Kayumangging Lupa. Siya rin ang bumuo
ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN,
Mga Agos sa Disyerto, MANUNULAT: Mga Piling Akdang
Pilipino, at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla.
III. MGA PAGSUSURI
1.HISTORIKAL
 Ang akdang ito ay nailathala noong 1963. Sa panahong ito ay nagsimula ang
kabi-kabilang na protesta laban sa katiwalian at maling pamamahala ng gobyerno.
Sa unang tatlong taon ng Dekada 60 ay nanatili an mga nobelang maromansa,
samantalang sa kalagitnaan ng Dekada 60 ay nagsimula ang pakikilahok sa
pamumulat tungkol sa mga suliraning panlipunan hinaharap ng karamihan ng mga
Pilipino.

 Tinatalakay ng akdang ito ang dsuliranin ng teenage pregnancy. Noong Dekada


60, ang fertility rate ng Pilipinas ay 7.2. Ibig sabihin nito ay mayroong 7 na anak
bawat ina. May iba’t ibang salik ang teenage pregnancy. Ang mga halimbawa nito ay
ang pagpapabaya ng mga magulang, kulang sa kaalaman, at panggagahasa.
2.KULTURAL

 Para sa mga Pilipino, hindi katanggap-tanggap ang magkaroon ng isang anak ang
magkasintahang di pa kasal. Konserbatibo ang mga Pilipino, kung kaya’t, para sa
kanila hindi maganda ang pumasok sa relasyon nang maaga. Sa kadahilanang ito,
pinipigilan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pagpupursigi ng isang
relasyon nang maaga.
 Naniniwala rin ang mga Pilipino sa Maria Clarang tingin sa kababaihan. Ayon sa
paniniwalang ito, ang isang ideal na babae ay ang babaing konserbatibo, mahinhin, at
kaakit-akit. Nasalamin ang paniniwalang ito nang papunta sina Ariel at Cleofe sa
Maynila ay nakasuot si Cleofe ng mahabang palda upang hindi Makita ni Ariel ang
talampakan nito. Nasalamin rin ang paniniwalang ito nang sila ay pinagbawalan nang
magkikita ng kanilang mga magulang
2.KULTURAL

 Naisasalamin din ng aklat na ito ang paniniwala ng mga Pilipino


sa mga ritwal ng pagdanas ng kalalakihan. Ito ay tinatawag na
pagtuli. Mahalaga ito para sa mga Pilipino sapagkat, para sa kanila,
ito ang pagtanda ng isang lalaki na siya ay binata na. Inilahad din
ang mga paniniwala na sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata,
nagkakaroon ng mga pagbabagong pangangatawan pati rin sa
kanilang isipan, kaya sila ay pinaghihiwalay o pinaglalayo ng
kanilang mga magulang.
3 . S O S YO L O H I K A L

 Napagtanto ko na ang panlipunang suliranin na nais ipahayag ng kwentong ito ay


ang teenage pregnancy. Ayon sa pananaliksik ng United Nations, ang Pilipinas ay
pangatlo sa dami ng mga kababaihang nanganak sa taong gulang ng 15-19. Ayon sa
kanila, 24 na sanggol ang ipinapanganak sa mga inang nasa edad ng 15 hanggang 19.
Isinasaad rin ng National Statistics Office na ang Pilipinas ay may halos 200 000 na 9 ina
na nagpanganak sa taong gulang ng 20 pababa.
 Napagtanto ko rin sa akdang ito ang mga kabataang naliligaw ng landas dahil sa mga
tinuturing nilang kaibigan at kakilala. Sila ay sumusuway sa mg autos ng kanilang mga
magulang at gumagawa ng mga masasamang bisyo tulad ng pre-marital sex, droga, pag-
inom, at paninigarilyo. Nais tayong imulat ni Abueg sa modernong panahon na dapat
tayo ay maging maingat at sundin ang mga magulang natin upang tayo ay hindi maligaw
ng landas.
4.SIKOLOHIKAL
 Sa akdang ito, sina Ariel at Cleofe ay nasa adolescent stage ng kanilang buhay. Sa
yugtong ito, ang mga binatilyo at dalagita ay nagnanais nang magsarili at maging
malaya. Madalas nagnanais na makapagsarili ang mga kabataan sa yugtong ito dahil
minsan, kapag sila ay pinagsasabihan at inilalagay ulit sa tamang daan, naiisip nila na
pinipigilan siyang maging masaya ng kanyang mga magulang.
 Sa panahong ito mas humihiwalay ang mga anak sa kanilang pamilya at mas
ginugustong maging kasama ang kanilang mga kaibigan. Dahil dito, nagkakaroon ng
problema at maling pagkaunawa sa isa’t isa. Sa panahong ito rin dumadami ang mga
relasyon ng mga adolescent. Karamihan dito ay panandalian at paunti-unti lamang pero
mayroong mga kaso ng mg minadaling relasyon kaya ito ay nagdudulot ng mga
suliranin tulad ng teenage pregnancy.
4.KULTURAL

 Tulad na lamang nina Ariel at Cleofe. Pinagbawalan na


silang magkita ng kanilang mga magulang dahil sila ay
tumatanda na. Sumuway sila at, isang araw, nagkita sila sa
Luneta. Nang makatanggap sila ng liham mula sa kanilang
magulang na nagsasabing alam nilang nagkikita sila, nagtanan
sila Ariel at Cleofe.
IV. LAGOM NG PAGSUSURI
 Sinulat ang akdang ito noong 1963, panahon kung saan nagsimulang
magsulat ang mga manunulat ng akdang tumatalakay sa mga
suliraning panlipunan.
 Tinalakay ng akdang ito ang teenage pregnancy, isang napakalaking
problema noong Dekada 60.
 Sinalamin ng akdang ito ang paggiging konserbatibo ng mga
Pilipino at ang kanilang poot sa pagkakaroon ng relasyon sa
maagang panahon.
 Sinasalamin rin ng akdang ito ang Maria Clarang tingin sa mga
kababaihan. Sa pananaw na ito, ang ideal na babae ay konserbatibo,
mahinhin, at kaakit-akit.
 Sinasalamin rin nito ang ritwal ng pagdanas ng mga lalaki na kung
tawagin ay pagtutuli at ang paniniwalang dapat hindi palaging
magsama ang mga binata at dalaga.
 7.2 ang fertility rate ng Pilipinas noong Dekada 60. Ibig sabihin nito,
may 7 na sanggol ang ipinapanganak kada ina.
 Ang pagpasok sa adolescent stage ay maaaring nakaapekto sa
pagiisip nila Ariel at Cleofe na sila ay magtanan.
V. Realisasyon at Rekomendasyon
Nagustuhan namin ang maikling kwentong Sa Bagong Paraiso
ni Efren Abueg sapagkat ito ay isang magandang kwento tungkol
sa relasyon nina Ariel at Cleofe. Napaihayag nang maayos ang
lalim at tibay ng relasyon at pakikitungo nila Ariel at Cleofe sa
isa’t isa. Magandang basahin ang kuwentong ito sapagkat
ipinapakita nito na ang lahat ng problema ay malalampasan
basta mayroong tayong. Ito ang nagbukas ng aming isip na ang
hindi pagsunod sa magulang ay nagbibigay ng masamamng
epekto sa isang bata o indibidwal. Maihahalintulad ito sa
panahon ngayon kung saan may mga kabataan na napapahamak
dala ng kapusukan at hindi pagsunod sa payo ng mga magulang.
Ang tunggalian ng kuwentong ito ay ang pagbawal ng mga
magulang ni Cleofe na makipagkitaan kay Ariel sapagkat nais
siyang maging doktora ng kanyang mga magulang. Ang
solusyon sa problemang ito ay ang pagtanan nila Ariel at Cleofe,
pero, para sakin, may mas mabuting solusyon dito. Para sakin,
mas mabuti kung hinayaan na lamang ni Ariel na makapag-aral
si Cleofe at nakipag-usap nalang dito sa pamamagitan ng mga
liham. Hindi palaging pagtakas sa problema ang solusyon kasi
maaaring mas lalong lumalala o kaya nama’y mas lalong
dumami ang probleman kanilang haharapin.
VI. SANGGUNIAN
 https://en.wikipedia.org/wiki/Efren_Abueg
 https://www.scribd.com/document/238814503/Talambuhay-Ni-Efren-
Abueg
 https://theworldofteenagepregnancy.weebly.com/government-
statistics.html
 https://www.newsdeeply.com/womenandgirls/articles/2017/08/21/phili
ppines-sees-rise-in-multiple-teen-pregnancies-to-older-men
 https://prezi.com/i0npr0rb36lu/sa-bagong-paraiso-efren-abueg/
 https://prezi.com/ibiaz5zm_vs6/sa-bagong-paraiso-an-analysis/
 https://www.slideshare.net/RodelPascualMorenoJr/sa-bagong-paraiso
 https://therizalinerepublic.weebly.com/maria-clara.html
 http://www.markmerrill.com/5-reasons-why-your-teen-is-rebelling/
www.panitikan.ph
 https://en.m.wikipedia.org/wiki/Adolescence
 http://philippineslifestyle.com/philippines-teenage-pregnancy/
 http://pagsusuringbasa.blogspot.com/sa-bagong-paraiso-ni-efren-reyes-
abueg.htm

You might also like