Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Ulat nila:

Arjay Nuqui Raegel Mallari


Geana Dimaano Celcie Macabinguil
Erica Javier Inihandi ni: Raegel Mallari
Ang patakarang piskal ay ginagamit upang
mapatatag ang pambansang ekonomiya. Ito ay
nakasandig sa pamahalaan upang maisakutaparan. Ang
patakarang piskal ay gumagamit ng badyet, paggasta, at
pagbubuwis sa pagkamit ng matatag na pambansang
ekonomiya.
Isang anyo ng pagpapatatag ng ekonomiya ang
pagbibigay ng pampublikong paglilingkod. Patakarang
pisikal ang pangunahing inaasahan ng pambansang
pamahalaan upang makapaghatid ng pampublikong
paglilingkod. Naisasagawa ang pampublikong
paglilingkod kapag may sapat na pondo at mabubuting
programa ang pambansang pamahalaan na nakalaan
para sa iba’t ibang sektor ng bansa.
KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL
Ang salitang piskal o fiscal ay nagmula sa salitang
Latin na fisc, na ang ibig sabihin ay basket o bag. Sa
paglipas ng panahon, ang salitang ito ay iniuganay sa
bag ng salapi o partikular na salaping hawak ng
pamahalaan. Ang pamahalaan ay nangongolekta ng
salapi sa pamamagitan ng buwis. Ang patakarang piskal
ay ang paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at
paggasta nito upang mapatatag ang ekonomiya. Ang
mga desisyong nauukol sa patakarang piskal tulad ng
halaga ng gagastusin at halaga ng ipapataw na buwis ay
mahalagang desisyong ginagawa ng pamahalaan.
Sa pagbuo ng badyet ng pamahalaan, binibigyan
ng pansin kung magkano ang gagastusin sa mga
programa ng pamahalaan tulad ng depensa, edukasyon,
at serbisyong panlipunan. Ang kabuuang antas ng
gastusin ng pamahalaan ay maaring baguhin upang
mapataas o mapababa ang output ng ekonomiya.

Ang patakarang piskal na naglalayong mapataas


ang output ay tinatawag na expansionary fiscal policy.
Samantala, ang patakarang naglalayong mapababa
ang output ay tinatawag na contractionary fiscal policy.
Expansionary fiscal policy
 Naglalayong mapataas ang output ng ekonomiya
 Ginagawa sa panahon ng recession at upang mapigilan
ang recession.
 Maaaring isagawa sa pamamagitan ng pagdagdag sa
gastos ng pamahalaan o pagbabawas sa ibinabayad na
buwis
 Kapag dinagdagan ang gastos ng pamahalaan o bumibili
ang pamahalaan ng mas maraming kalakal at
paglilingkod, magdudulot ito ng mga pangyayaring
magpapataas ng output at lilikha ito ng empleyo.
 Ang mataas na demand ay magdudulot ng pagbaba ng
antas ng walang trabaho at karagdagang output. Ito ay
humihikayat upang palawakin ang ekonomiya
 Kung babawasan ng pamahalaan ang singil sa buwis,
ang mga tao ay magkakaroon ng karagdagang salapi
upang gastahin. Kikita ang mga bahay-kalakal na
magagamit upang gastusin sa lupa, paggawa, at kapital.
Ang ganitong gawain ay magpapataas sa demand,
presyo, at output.
Contractionary fiscal policy
 Ang pamahalaan ay nagsusumikap na bawasan anf
sobrang kasiglahan ng ekonomiya dahil ang labis na
mataas na demand kaysa suplay ay nagdudulot ng
inflation. Kung hindi kayang palawakin ng mga
prodyuser ang kanilang produksyon, tataas ang presyo
na hahantong sa mataas na inflation.
 Binabawasan ng pamahalaan ang gastusin ng
pamahalaan at pagtaas ng singil sa buwis upang
mapabagal ang pagsulong ng ekonomiya.
 Kapag ang pamahalaan ay nagbawas ng gastos o bumili
ng kaunting kalakal o paglilingkod, magdudulot ito ng
pagbaba kabuuang demand . Ang mababang demand
naman ay magbubunga ng pagbaba ng pesyo.
 Ang pagtaas ng singil sa buwis ay nangangahulugan ng
kabawasan sa perang gagastusin ng mga tao.
Ang sistema ng pagbubuwis
May kaukulang buwis na ipinapataw ang
pamahalaan sa karamihan ng mga pangkabuhayang
gawain ng mga mamamayan. Hindi maaaring
maisakatuparan ng pamahalaan ang napakarami nitong
mga gawaing pangkabuhayan kung walang pondong
gagamitin. Ang malaking bahagi ng pondo ng pamahalaan
ay nanggagaling sa buwis.
Ang buwis o tax ay maaaring ipataw ng pamahalaan
sa mga ari-arian, kalakal, serbisyo, at iba pa. Pinapatawan
ng buwis ang operasyon ng mga mga negosyo at ang
pangkonsumo ng mga produkto at serbisyo. Ang pagpataw
nito ay likas at lehitiong kapangyarian ng pamahalaan,
pambansa man o lokal.
Ayon sa Saligang Batas, ang pagpataw ng buwis ay
sakop ng kapangyarihan ng sangay ng lehislatura. Ang
mga buwis ay maaaring kolektahin ng mga naatasang
ahensya o kawanihan ng pamahalaan tulad Bureau of
Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), at ng
mga lokal na pamahalaan o local government unit (LGU).
Ang pagbubuwis ay maaaring ituring na isang anyo
ng unawaan sa pagitan ng pamahalaan ay ng mga
mamamayan. Kapalit ng proteksyon at benepisyo na
nakukuha ng mga mamamayan mula sa pamahalaan ang
pagiging tapat nila sa pagbabayad ng buwis. Ilan sa mga
halimbawa ng benepisyong nakukuha mula sa
pamahalaan ay seguridad, batayang serbisyo publiko,
sistema ng hustisya, at iba pa.
Ang pagbubuwis ay isang mekanismo kung saan
ginagamit ng pamahalaan ang salapi upang makabuo ng
produkto at serbisyong pampubliko. May mga nagsasabi rin
na ang pagbabayad ng buwis ay pananagutan ng isang tao
sa mga susunod na henerasyon sapagkat noong wala pa
siyang kakayahang magbayad nito, ang mga naunang
henerasyon ang pumapasan nito para sa kanya.
Ayon kay Adam Smith, ang pagpapataw ng buwis ay
may apat na pamantayan. Ito ay ang pagkakapantay-
pantay, katiyakan, ekonomiya, at kaginhawahan.
Pamantayan ng pagbubuwis
ayon kay adam smith
 Pagkakapantay-pantay (equity)- may equity sa
pagbubuwis kung parehong buwis ang ipinapataw sa
mga mamamayang nasa parehong kalagayan.
Makakatulong ito ng malaki upang mabawasan ang
malaking agwat (income gap) sa pagitan ng mahihirap at
mayayamang mamamayan, lalung-lalo na sa kaso ng
Pilipinas na may ganitong suliranin.
 Katiyakan (certainty)- dapat ay tukoy ng
mamamayan kung anong buwis ang dapat niyang
bayaran, halaga ng bawat bayaran, at paraan ng
pagbayad. Ito say upang maiwasan ang kalituhan sa
Bahagi ng mga mamamayan at maging ng mga
pamahalaan. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang maling
halaga sa pagbabayad ng buwis. May mga pagkakataon na
kulang o kung minsan naman ay sobara ang halaga ng
ibinayad na halaga (overpayment o underpayment of taxes)
bunga ng hindi malinaw na impormasyon ukol sa sistema ng
pagbubuwis.
 Ekonomiya (economy)- hindi dapat lubhang magastos
pagbubuwis para sa pamahalaan. Mawawalan ng saysay
ang pangungulekta ng buwis kung mas malaki pa ang
ginagastos ng pamahalaan sa proseso ng pangungulekta
kaysa aktwal na halaga ng nalikom na buwis.
 Kaginhawahan (convenience)- hindi dapat maging
pabigat ang pagbubuwis sa puntong makaaapekto na ito
sa pangkalahatang operasyon ng pribadong negosyo. Kung
magiging masyadong mabigat na pasanin ang pagbubuwi
tatamlay ang pagnenegosyp na maaaring magresulta sa
tanggalan sa trabaho at pagkakaroon ng matamlay na
ekonomiya.
Ang pagbubuwis ay hindi dapat maging isang
mabigat na pasanin para sa binubuwisan. Hindi dapat
patawan ang isang empleyado ng napakabigat na buwis sa
puntong halos wala nang matira para sa pang-araw-araw
niyang gastusin at makapag-impok, Ang pagpataw ng
buwis ay hindi dapat lalabis sa kakayahan ninuman na
magbayad. Samakatwid, ang pagbuuwis ay hindi dapat
mapang-abuso kanino man. Nagiging mapang-abuso ang
pagbubuwis kapag ang babayarang buwis ay higit na mas
malaki sa halaga ng bagay na binubuwisan. Sa katunayan,
dapat pa nga itong maging instrumento upang mapabuti
ang kalagayan ng mga mamamayan at pribadong sektor.
Sa pamamagitan ng nalilikom na buwism nagkakaroon ng
pondo ang pamahalaan para sa pagbibigay ng mahusay at
episyenteng serbisyo publiko tulad ng seguridad,
imprastuktura, batayang serbisyong panlipunan, at iba pa.
Talahanayan 2.2

Pinanggagalingan ng kita ng
pamahalaan
Taon Mula sa buwis Other sources
1998 416,765 45,534
1999 436,981 47,677
2000 451,696 52,653
2001 813,344 106,891
2002 494,105 71,977
2003 537,361 88,071
2004 597,715 100,543
2005 451,836 78,316
2006 859,857 119,781
2007 932,937 203,623
Kahalagahan at layunin ng
pagbubuwis
Pangunahing layunin ng pagbubuwis ang makalikom
ng sapat na pondo upang maitaguyod ang
pangkalahatang kagalingan ng mga mamamayan. Kung
sistema ng pangungulekta ng buwis, mapaparalisa ang
pagpapatakbo ng pamahalaan, hindi makakapagpatuloy
ng operasyon ang sandatahang lakas ng bansa, hinfi
mapopondohan ang mga lokal at pambansang halalan,
hindi makakapagbigay ng serbisyong panlipunan ang
pamahalaan sa mga mamamayan. Gayundin, hindi
mapopondohan ang pagsasanay ng mga pambansang
atleta, walang magagamit na pondo para tulungan ang
mga biktima ng kalamidad, hindi makakapagpatakbo ng
mga pampublikong paaralan, hindi mapapasweldo ang
halos 1.3 milyong kawani ng pamahalaan, at iba pa. Kaya
naman tinagurian itong lifeblood ng pamahalaan.
Mapapansin sa Talahanayan 2.2 na malaking
porsyento ng kita ng pamahalaan mula 1998 hanggang
2007 ay kinuha mula sa buwis. Dito sumasandig ang
pamahalaan upang tiyakin na mapopondohan ang mga
gastusin nito taun-taon. Mula sa talahanayan, maaari ding
mahinuha na malaki rin ang potensyal ng iba pang
posibleng pagkuhanan ng kita maliban sa buwis kung higit
pang pagiibayuhin ng pamahalaan ang pagiging masigasig
sa paglikha ng kita. Subalit kailangang maging matalino
ang pagpapasya ng pamahalaan ukol dito, lalo na kung
ang paraang napili nito ay ang pagbebenta ng ari-arian o
panibagong serye ng pag-utang sa ibang bansa o
pampinansyang institusyon. Bukod sa pagbubuwis,
kumikita rin ang pamahalaan mula sa tolls, matrikula sa
state universities and colleges (SUC), sa mga pampublikong
korporasyon, at iba pa.
Bahagi ng salaping nalilikom mula sa sistema ng
pagbubuwis ay inilalaang pondo para sa mga proyekto at
programang pangkaunlaran ng pamahalaan para sa
bansa, ayon kay Liwayway Vinzons-Chato, dating
punong komisyonado ng BIR, “Ang buwis ay ang ating
munting kontribusyon sa pambansang kaunlaran.” Para sa
Kanya, ito rin ay isang tulung-tulong na pag-aambag tungo
sa mas magandang hinaharap para sa Pilipinas. Maraming
paraan ang maaaring gawin ng mamamayan upang
makatulong sa mga pangkaunlarang proyekto ng
pamahalaan. Isa sa mga paraang ito ay sa pamamagitan
ng wastong pagbabayan ng buwis.
Nagsisilbi rin ang buwis na mekanismo upang
iregularisa ang anumang labis na gawain ng mga
mamamayan o negosyo. Halimbawanito ay ang
produksyon o pagkonsumo ng sigarilyo at alak, at maging
ang mga lugar-aliwan tulad ng mga sabungan, sugalan, at
iba pa. Ayon kay Peter Wallace ng Wallace Business
Forum, makatwirang mas taasan ng pamahalaan ang mga
buwis na ipinapataw sa sigarilyo at alak dahil sa banta ng
mga produktong ito sa kalusugan ng mga mamamayan.
Ang buwis na ito ay tinatawag ding sin tax dahil sa
masamang idinudulot ng produktong ito sa kalusugan ng
tao. Samakatwid, nagsisilbing regulasyoon ang buwis sa
madami o madalas na pagkonsumo ng mamamayan sa
sigarilyo at alak. Subalit may mga nagsasabi na baka hindi
rin mabawasan ang pag-inom at paninigarilyo kahit
patawan ng mataas na buwis. Maaaring humanap lamang
ang mga mamimili ng mas murang kahalili ng kanilang
kinasanayang produkto.
Ang pagbubuwis ay nagsisilbi ring proteksyon sa mga
hindi matatg na industriya na maaaring masagasaan ng
operasyon ng malalaking korporasyong multinasyunal. Ang
mga korporasyong multinasyunal ay yaong may iba’t ibang
sanagy sa iba’t ibang panig ng daigdid. Nagpapataw ang
pamahalaan ng taripa o tariff sa mga produktong
dumarating sa Pilipinas mula sa ibang bansa lalo na kung
inaasahang labis nitong maapektuhan ang mga lokal na
negosyo. Ang patakarang ito ay itinuturing din na isang
manipestasyon ng economis protectionism.
Bukod sa nakukulektang halaga mula sa pribadong
sektor, napapangalagaan dinng pagbubuwis ang
kapakanan ng mga lokal na mamumuhunan sa bansa.
Subalit may mga naniniwala naman na balakid sa
malayang kalakalan ang economic protectionism at
makakasama ito sa pambansa at pandaidaigang
ekonomiya dahil nahahadlangan ang malayang paggalaw
ng mga sangkap pamproduksyon. Ang mga hadlang sa
malayang kalakalan ay nakasasagabal sa maayos na
pagdaloy ng mga gawaing pang-ekonomiya. Mapipilitan
din ang mga mamamayan na tangkilikin ang mga lokal na
produktong may mataas na presyo at mababang kalidad
dahil sa kawalan ng pumapasok na dayuhang kalakal sa
bansa na mura at may kalidad pa.
Iba’t ibang uri ng buwis
Ang buwis ay may iba’t ibang klasipikasyon. May
mga buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o
bahay-kalakal at paglilingkod. Tuwirang pinapasan ng mga
manggagawa o kawani ang pagbabayad ng buwis sa
pamahalaan sa pamamagitan ng pagkaltas o pagbawa sa
kanilang sweldo. Samantala, may mga sitwasyon naman
kung saan ipinapasa ng ilang mga negosyo ang
pagbabayad ng buwis sa kanilang mamimili sa
pamamagitan ng mas mataas na presyo ng produkto o
serbisyo. Nasa talahanayan 21.3 ang iba’t ibang uri ng buwis
batay sa klasipikayon. Ito ay maaring ayon sa layunin, ayos
sa kung sino ang apektado ng buwis, at ayon sa porsyentong
ipinapataw.
Sa pamamagitan ng progresibong pagbubuwis o
progressive taxation, inaasahang mababawasan ang agwat
sa pagitan ng mamamayan at mahihirap na mamamayan.
Mas malaki ang buwis na ipinapataw sa mga
mamamayang mas may kakayahang magbayad nito dahil
sa estado nila sa lipunan. Ang progresibong pagbubuwis ay
isa ring paraan ng proteksyon sa interes ng mahihirap na
mamamayan. Malaki ang agwat ng mamamayan at
mahirap na mamamayan sa bansa kaya mahalaga ang
papel ng pagbubuwis upang ang suliraning ito ay
masolusyunan.
Ang pamahalaan ay nagbibigay rin ng mga tax
exemption o tax relief sa mga korporasyon upang higit na
bigyan ng pagkakataon ang ,ga negosyo na lumago.
Isang halimbawa ito ng piskal na insentibo upang
masurportahan ang mga lokal o dayuhang negosyo, lalo na
kung nagsisimula pa lamang ito ng operasyon sa bansa.
Itinuturing din itong istratehiya ng pamahalaan upang
mahikayat ang mga dayuhang mamumuhunan na
magnegosyo sa bansa na inaasahang makatulong sa
industriyalisasyon ng Pilipinas. Kabawasan ito sa potensyal
na halagang malilikom ng pamahalaan pero ang
pagbibigay naman nito ng eksempsyon ay inaasahang
makatutulong sa pagpapasigla ng sektor ng industriya ng
bansa.
Iba’t ibang uri ng buwis
Uri Depinisyon Halimbawa

AYON SA LAYUNIN
Pangunahing layunin ng
pamahalaan na ipataw ang
• Para kumita (revenue mga buwis na may ganitong
Sales tax, income tax
generation) uri upang makalikom ng
pondo para magamit sa
operasyon nito.
Ipinapataw ang ganitong uri
• Para magregularisa ng buwis upang mabawasan
Excise tax
(regulatory) ang kalabisan ng isang
gawain o negosyo
Ipinapataw upang
mapangalagaan ang interes
Para magsilbing proteksyon
ng hindi matatg na sektor o Taripa
(protection)
lokal na ekonomiya mula sa
dayuhang kompetisyon
Uri Depinisyon Halimbawa
AYON KUNG SINO ANG APEKTADO
Buwis na tuwirang
• Tuwiran (direct) ipinapataw sa mga Withholding tax
indibidwal o bahay-kalakal
Buwis na ipinapataw sa mga
kalakal sa mga kalakal at
• Di-tuwiran (indirect) paglilinkkod kaya’t hindi Value-added tax
tuwirang ipinapataw sa
mga indibidwal
Ang buwis sa sigarilyo at
alak ay regrisibo dahil ito ay
Bumababa ang antas ng ipinapasa sa mga
• Regresibo (regressive) buwis kasabay ng paglaki konsyumer kung saan
ng kita kinukuha ang malaking
bahagi ng kita ng mahihirap
kumpara sa mayayaman.
Uri Depinisyon Halimbawa
AYON SA PORSYENTONG IPINAPATAW
Halimbawa ang
Pare-pareho ang
pagpapataw ng 10% buwis
• Proporsyonal porsyentong ipinapataw
sa mga mamamayan,
(proportional) anuman ang estado sa
magkakaiba man ang
buhay
halaga ng kanilang kinikita
Tumataas ang halaga ng Sa Pilipinas, 5% lamang ang
buwis na binabayaran ikinakalatas sa mga
habang tumataas ang kita kumikita ng mas mababa sa
ng isang indibidwal o P10,000 bawat buwan.
• Progresibo (proressive)
korporasyon. Isinasaad sa Maaaring umabot sa 34%
SaligangBatas na progresibo ang kalatas sa kumikita
ang sistema ng pagbubuwis nang higit sa P500,00
ng pamahalaan bawat buwan.

You might also like