Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ENDO (2014)

 ENDO <pangngalan>: pinaikling bersyon ng


pariralang “end of contract”; tumutukoy sa
manggagawang kontraktwal na natapos na ang
kontrata; pagtatapos ng kontrata; huling araw sa
trabahong kontraktwal; sistema ng empleyong
walang seguridad.
 Endo sa Pambansang Diskurso

Noong 2007 ay ipinalabas ang pelikulang


“Endo” ni Jade Castro na tumatalakay sa buhay at
buhay-pag-ibig ng mga manggagawang kontraktwal.
Ginawaran ng Cinemalaya Grand Jury Prize ang
“Endo” sa taong iyon. Sa pelikulang “Endo” ang
dalawang pangunahing karakter ay saleslady at
salesboy.
 Marahil, ang desisyon ng Korte Suprema (G.R. No.
127448) na inilabas noong Setyembre 10, 1998 naman
ang isa sa mga pinakaunang dokumento ng gobyerno na
gumamit ng terminong “end of contract.”
 Bagamat may magkakasalungat na pananaw sa iba
pang isyung ekonomiko at sosyo-politikal, nagkakaisa
naman sa paggamit ng terminong “endo” at pagtutol sa
sistemang ito ang Kilusang Mayo Uno (KMU), Partido
ng Mga Manggagawa (PM), at Alliance of Progressive
Labor (APL). Isinisisi ng KMU ang sistemang endo sa
Batas Republika 6715 o Batas Herrera na nilagdaan
noong Marso 2, 1989 sa ilalim ng unang
administrasyong Aquino. Ayon sa KMU, binigyang-
kapangyarihan ng Batas Herrera ang labor secretary na
maglabas ng guidelines na nagbigay-daan upang maging
legal ang kontraktwalisasyon sa Pilipinas.
 Noong 2012 naman, ipinahayag ng
NAGKAISA, isang alyansa ng mga pangkat
ng mga manggagawa na pinangungunahan
ng PM na nilalabanan din nila ang sistemang
“endo” o “5-5-5” o “job contracting” na anila’y
tinatawag na sistemang “job order” sa mga
ahensya ng gobyerno.
 Ayon sa Bureau of Labor and Employment
Statistics Integrated Survey/BITS (2012),
30.5% ng mga manggagawa sa Pilipinas ay di
regular (o sa madaling sabi, karamihan sa
kanila’y nagtatrabaho sa ilalim ng sistemang
endo). Dati-rati, sa mga pribadong
korporasyon lamang pangkaraniwan ang
“endo.
 Ang sistemang “endo” sa Pilipinas ay bahagi lamang ng
mas malawak na saklaw ng kontraktwalisasyon sa buong
mundo. Ayon sa International Labor Rights Forum na
ang headquarters ay nasa Washington, USA, mga
trabahong “precarious” na ang pumalit sa dati-rati’y
permanenteng empleyo dahil sa outsourcing, pag-iral ng
mga employment agency, at pagklasipika sa mga
manggagawa bilang “short-term” o “independent
contractors.”
 . Dapat bigyang-diin na ang Overseas Filipino Workers
(OFWs) ay puro kontraktwal din, kaya nga ang orihinal
na tawag sa kanila ay Overseas Contract Workers o
OCWs.
 Bunsod ng global na krisis na nagsimula noong 2008,
ayon sa World of Works Report ng International Labor
Organization (ILO) noong 2012, lalong lumawak ang
saklaw ng mga trabahong involuntary part-time at
temporary sa mga mauunlad na bansa, at nananatiling
malawak din ang saklaw ng informal employment – 40%
ng kabuuan sa Third World.
ENDO
 Pagkatapos ng Endo, obligado ang isang
mangagawa na maghanap ng bagong
trabaho na malamang ay sa ilalim din ng
sistemang Endo.
 Ang salitang “Endo” ay ebidensya ng
masaklap na katotohanan ng kawalang-
kapangyarihan ng mga mangagawa sa
kasalukuyang lipunang kontrolado ng mga
dambuhalang kapitalista.
 Produkto ng Kapitalismo ang sistemang Endo.
 Alinsunod sa lohika ng kapital, ang pagpiga sa
mangagawa , ang pagsasamantala sa kanila,
ang direktang akumulasyon ng kapitalista sa
pinagpawisan at kung minsa’y pinagbuwisan
pa ng dugo na tubo, Sa pamamagitan ng
pagtitipid sa pasweldo at pagkakait ng kahit
kakarampot na mga benepisyo.
 Sa pagsuong ng bansa sa minadaling ASEAN
integration at iba pang kahawig na iskema,
lalong lalala at lalawak ang saklaw ng
sistemang endo sa bansa dahil ang ilan sa mga
bansa sa Timog Silangang Asya ay may mas
mababang antas ng pasahod kaysa sa
Pilipinas.
 Sa pag-iral at matagal nang pangingibabaw ng
kasuklam-suklam na realidad ng endo,nararapat
manindigan ang mga mamamayan, lalo na ang
mga mangagawa para sa isang bagong sistemang
ekonomiko na magbibigay-daan sa pagwawakas
nito.
 Noong taong 2011, masasabing wala pang
diksyunaryo sa Pilipinas ang nagtala ng salitang
“Endo” batay sa konteksto nito sa larangan ng
paggawa, sapagkat walang ganitong word entry sa
mga pinakakomprehensibong diksyonaryong
Pilipino. Ngunit sa kasalukuyan ay marahil
kasama na ito sa edisyon ng mga nabanggit sa
diksyonaryo.
 Ang endo ay salamin ng pangkalahatang
inseguridad ng buhay sa mundong pinilit
lutuin sa kawa ng globalisasyong pabaratan
na nagsimulang umarangkada sa
kalagitnaan ng dekada 90 at hanggang
ngayo’y nananalasa sa at nilalabanan ng mga
mamamayan ng daigdig. Samakatwid, ang
pagkilala sa salitang endo ay paggunita, at
pagsariwa sa diwa ng lipunang
mapagkalinga, ng ideya ng solidaridad, ng
malalaking tipak ng kasaysayan na pinanday
at pinapanday ng pakikibaka ng mga
manggagawa mula noon hanggang ngayon.

You might also like