Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

C.

Pagbasa ng
Tekstong Pambatas
ARTIKULO I. MGA LALAWIGAN
SEKSIYON 6. SAKLAW NG
KAPANGYARIHAN

• Maliban kung may ibang itinakda sa Kodigong ito, ang lalawigan ay maaring
magpataw, bukod sa iba pa, ng mga buwis, bayarin o butaw sa tiyakang
tinutukoy sa Artikulong ito.
SEKSIYON 7. BUWIS SA PAGLILIPAT
NG PAGMAMAY-ARI NG ARI-ARIANG
DI-NATITINAG
• Ang lalawigan ay maaring magpataw ng buwis sa pagbibili, donasyon, palitan o
iba pang paraan ng paglilipat ng pagmamay-ari o titulo ng ari-ariang di-natitinag
sa halagang hindi lalampas sa ikaapat na bahagi (1/4) ng isang porsiyento ng
kabuuang halagang nakapaloob sa pagkuha ng ari-arian o ng tinayang halaga
nito.
• Ang ari-ariang di-natitinag, sa mga layunin ng buwis na ito ay tumutukoy lamang
sa mga lupa, gusali at makinaryang gagamitin ng may-ari ng lupa o gusali ukol sa
isang industriya o gawain na isasagawa sa isang gusali o sa isang sukat ng lupa at
tuwirang kakailanganin ng naturang industriya o gawain.
SEKSIYON 8. BUWIS SA NEGOSYO NG
IMPRENTA AT PALIMBAGAN
• Ang lalawigan ay maaring magpataw ng buwis sa negosyo ng mga taong nag-iimprenta
at/o naglilimbag ng: (a) anumang pahayagan, magasin, babasahin o bulitin na palagiang
lumalabas na may takdang halaga ng suskrisyon at pagbibili at inilalathala sa lalawigan;
(b) mga aklat, kard, poster, polyeto, hambil, sertipiko, resibo, pamplet at iba pang
katulad nito sa halagang hindi lalampas sa kalahati ng isang porsiyento ng kabuuang
kinita sa nakaraang taon.
• Sa mga bagong nagsisimulang negosyo ang halaga ay hindi lalampas sa isang daang piso
para sa nag-iimprenta, limampung piso sa naglilimbag at isang daan at limampung piso
para sa isang kapwa nag-iimprenta at naglilimbag.
SEKSIYON 9. BUWIS SA
PRANGKISA
• Ang lalawigan ay maaring magpataw ng buwis sa mga negosyong may prangkisa,
batay sa kabuuang kinita sa teritoryong nasasakupang ito, ng halagang hindi lalampas
sa kalahati ng isang porsiyento ng kabuuang kinita sa nakaraang taon.
• Sa mga bagong negosyo, ang halaga ay hindi lalampas sa tatlong libong piso bawat
taon. Ang animnapung porsiyento ng malilikom na buwis ay mauukol sa
pangkalahatang pondo ng lalawigan at ang apatnapung porsiyento ay sa
pangkalahatang pondo ng munisipyo na kinaroroonan ng negosyo batay sa
kabuuang tamang kita rito ng may hawak ng prangkisa.
SEKSIYON 10. BUWIS SA
BUHANGIN AT GRABA
• Ang lalawigan ay maaaring magpataw at maningil ng buwis na hindi lalampas sa
pitumpu’t limang sentimo bawat metro kubiko ng ordinaryong bato, buhangin,
graba, lupa atiba pang materyales na kinuha sa mga lupang publiko at pribado ng
pamahalaan o sa mga lunas ng dagat, lawa, ilog, sapa, batis, at iba pang
katubigang pambayan na sakop ng lalawigan. Ang bayan na pinagkunan ng mga
materyales ay may kahati sa nalikom na buwis ukol ditto na ipinahihintulot na
halagang hindi bababa sa tatlumpung porsiyento nito na itatakda ng Lupong
Panlalawigan.

You might also like