Teksto

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

MGA BAHAGI NG

TEKSTO
Katawan Wakas
Katawan
01
Sumusuporta sa simula o introduksyon.

02
Dito inilalahad ang lahat ng patunay para sa
ganap na ikauunawa ng mambabasa sa teksto.

03
Dito napapaunlad ang isang paksa o kaisipan
lalo kung ito ay nabuo nang maliwanag at
04
organisado.
Ang mahusay na katawan ng teksto ay laging
isinasaalang-alang ang mga sumusunod:

01 KAISAHAN

02 KAAYUSAN

03 DIIN
KAISAHAN

Tumutukoy sa pagkakaugnay-ugnay ng
bawat pangungusap at laging may kakayahan
ang mga pangungusap na ito na maipaliwanag
ng mabuti ang nais ipaunawa ng pangunahing
paksa o kaisipan ng teksto.
KAAYUSAN
Madaling makita ang kaugnayan ng mga ideya sa loob
ng katawan ng teksto o sulatin. Ang mga kaisipan ay laging
konektado at maayos ang daloy ng mga pangungusap.

Isinasaalang-alang dito na dapat maiintin-dihan o


mauunawaan ang bawat bahagi para may mapulot na
kaalaman, kasiyahan at bagong kaisipan ang mambabasa.
DIIN
Laging mayroong namumukod-tanging
ideya na tatatak sa mambabasa at pupukaw sa
kanilang damdamin. Ang katawan ng teksto o
sulatin na nag-iiwan ng isang pananaw o diwa
na maaaring kapulutan ng mambabasa ng bago
ng kaisipan ay napakahalagang mailagay sa
katawan ng isang teksto o sulatin.
Ang mga pangkalahatang pamamaraan sa
pagsasaayos ng Katawan ng Sulatin:

01 Pakronolohikal

02 Paangulo

03 Paespasyal o Paagwat
Ang mga pangkalahatang pamamaraan sa
pagsasaayos ng Katawan ng Sulatin:

04 Paghahambing

05 Palamang/Pasahol

06 Patiyak/Pasaklaw

07 Papayak/Pasalimuot
Wakas o Kongklusyon
01
Maiituring na mahusay ang nagsulat ng isang
teksto kung hindi nawaglit sa isip ng bumasa
ang naging wakas nito.

02 Mag-iiwan ng makabuluhang mensahe tulad


ng simula o introduksyon.
Ang mabibisang Pangwakas:

01 Tuwirang sinabi

02 Panlahat na pahayag

03 Pagbubuod
Ang mabibisang Pangwakas:

04 Pagpapahiwatig ng Aksyon

05 Mahalagang Insidente

06 Pagtatanong

07 Pagsisipi
1. Tuwirang sinabi
Hal. Mula ngayon at di na magtatagal ang bukambibig
na sabi ni Jose Rizal na, “Ang kabataan ang pag-asa
ng bayan” ay mapapatunayan na.

2. Panlahat na pahayag
Hal. Makabuluhan, samakatwid, ang palasak nating
kawikaang Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay
hindi makararating sa paroroonan.

3. Pagbubuod
Hal. Marahil, sa atin, napakaliit ng P50, kulang na ngang pambili
ng Quarter Pounder sa McDo. Pero sa mga kasama nating
manininda, isang puhunan na iyon para may makain bukas.
4. Pagpapahiwatig ng Aksyon
Hal. Ang dapat sisihin ay hindi ang bayang naging biktima ng
panggagahis, kundi ang pinunong kumakasangkapan sa
hukbong sandatahan upang gahisin ang bayan.

5. Mahalagang Insidente
Hal. Sa wakas, nakamit din ng mag-asawa ang katahimikang
Naging mailap noong sila’y nagsasama pa, nang magtagpo
Silang muli… sa morge.
6. Pagtatanong
Hal. Ano pa ang ating hinihintay? Magtatamad-tamaran na
Lamang ba tayo habang buhay? Kailan natin bubuksan ang
pinto ng maunlad na kinabukasan?

7. Pagsisipi
Hal. Wala na namang pakialam si Lorraine sa kanila, o maging
sa mundo. Tila pagkawalang bahala sa mga kumbensyon ng
lipunan. Kalayaan na maihahalintulad sa paglipad ng ibong
pipit,. Paglipad upang salubungin ang umagang nagpapangako
ng mas magandang bukas.
Salamat!

You might also like