Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

LESSON 1:PRICE

ELASTICITY NG
DEMAND
BALIK ARAL:
• ANG DEMAND AY ANG KAGUSTUHAN NG MGA
MAMIMILI NA BUMILI NG ISANG KALAKAL O
PAGLILINGKOD. ITO RIN ANG DAMI NG PRODUKTO NA
NAIS BILHIN NG MGA KONSYUMER SA ISANG TAKDANG
PRESYO.
• AYON SA BATAS NG DEMAND, MATAAS ANG DEMAND
NG ISANG KALAKAL KUNG MABABA ANG PRESYO
NITO.BUMABABA ANG DEMAND NG KALAKAL KUNG
TUMATAAS ANG PRESYO.
SUBUKANG ISIPIN:
• KUNG TUMAAS NANG .20 BAWAT LITRO NG
DIESEL, MAGKANO ANG ITATAAS NG PAMASAHE?
• KUNG MADOBLE ANG PRESYO NG SIGARILYO
DAHIL SA BUWIS, MABABAWASAN KAYA ANG DAMI
NG NANINIGARILYO?
• KUNG TUMAAS NG 20% ANG PRESYO NG BIGAS,
MABABAWASAN KAYA ANG BUMIBILI NITO?
BREAK MUNA!:
• NAGKAROON NG 10% NA PAGTAAS SA PRESYO NG MGA PRODUKTO
NA NAKALISTA SA IBABA. SA KABILA NITO, WALANG PAGBABAGO SA
SUWELDO MO. MAGBIGAY NG ANIM (6) NA PRODUKTO NA BIBILHIN
MO KAHIT NA TUMAAS ANG PRESYO NITO.
BIGAS TUBIG GAMOT
LOAD NG CELLPHONE MANTIKA SOFTDRINKS
SABON PANLABA SIGARILYO
CHOCOLATE TINAPAY
ASUKAL ASIN
PAMPROSESON TANONG:
• ANO ANG IYONG BATAYAN SA PAGPILI NG MGA
PRODUKTO?
• NAHIRAPAN KA BA SA PAGPILI NG MGA PRODUKTO?
IPALIWANAG.
• ANONG MGA KONSEPTO NG EKONOMIKS ANG
IYONG NAGING BATAYAN SA PAGPILI NG MGA
PRODUKTO. PAANO MO ITO GINAMIT SA PAGPILI NG
PRODUKTO?
PANIMULA:
• MARAMING SALIK ANG NAKAPAGPAPABAGO SA
DEMAND AT ISA NA RITO ANG PRESYO. KUNG
MARUNONG TAYONG MAGSURI, MAGIGING MATALINO
ANG ATING PAGTUGON DITO. SUBALIT PARE-PAREHO KAYA
ANG PAGTUGON NG TAO SA PAGBABAGO NG PRESYO
NG IBA’T IBANG URI NG PRODUKTO? MASUSUKAT KAYA
NATIN ANG MGA NAGING PAGTUGON NG MAMIMILI?
ANO ANG ELASTICITY ?
• ITO AY TUMUTUKOY SA BAHAGDAN NG
PAGBABAGO SA DAMI NG DEMAND O
SUPPLY BATAY SA PAGBABAGO SA PRESYO.
• IPINAKILALA NI ALFRED MARSHALL ANG
KONSEPTO NG ELASTICITY SA EKONOMIKS
PRICE ELASTICITY NG DEMAND
• TUGON NG MAMIMILI SA PABAGO-BAGONG PRESYO NG
MGA PRODUKTO AT SERBISYO BATAY SA KONSEPTO NG
BATAS NG DEMAND.
• NALALAMAN ANG TUGON NG MAMIMILI SA
TUWING MAY PAGBABAGO SA PRESYO NG MGA
PRODUKTO AT SERBISYO GAMIT ANG FORMULA NA
NASA IBABA. ƐD = %ΔQD %ΔP.
• PARA MAS MAAYOS ANG INTERPRETASYON,
GAGAMITIN NATIN ANG ABSOLUTE VALUE NG
FORMULA NITO.
KUNG SAAN:
ƐD = PRICE ELASTICITY OF DEMAND
%ΔQD = BAHAGDAN NG PAGBABAGO SA QD
%ΔP= BAHAGDAN SA PAGBABAGO NG PRESYO
URI NG PRICE ELASTICITY NG DEMAND
1. ELASTIC
• ANG DEMAND AY MASASABING PRICE ELASTIC KAPAG
MAS MALAKI ANG NAGING BAHAGDAN NG PAGTUGON
NG QUANTITY DEMANDED KAYSA SA BAHAGDAN NG
PAGBABAGO NG PRESYO.
•MAARING MARAMI ANG SUBSTITUTE SA PRODUKTO.
•ANG PRODUKTO AY HINDI PINAGLALAANAN NG MALAKI
SA BADYET SAPAGKAT HINDI NAMAN ITO MASYADONG
KAILANGAN.
2. INELASTIC
• IPINAHIHIWATIG NITO NA KAHIT MALAKI ANG BAHAGDAN NG
PAGBABAGO SA PRESYO, ANG MGA MAMIMILI AY PATULOY NA
BINIBILI ANG KALAKAL.
•HALOS WALANG MALAPIT NA PAMALIT SA ISANG PRODUKTO.
•ANG PRODUKTO AY PANGUNAHING PANGANGAILANGAN.
3. UNITARY O UNIT ELASTIC
• PAREHO ANG BAHAGDAN NG PAGBABAGO NG PRESYO SA
BAHAGDAN NG PAGBABAGO NG QUANTITY DEMANDED.
• ANG PAGBABAGO NG DEMAND AY AYON SA PAGBABAGO NG
PRESYO BATAY SA BATAS NG DEMAND.
• URI NG PRICE ELASTICITY NG DEMAND
4. PERFECTLY ELASTIC O GANAP NA ELASTIC
• IPINAPAKITA RITO NA SA IISANG PRESYO, ANG DEMANDED AY
HINDI MATANTO O MABILANG.
|Ε| = ∞
• URI NG PRICE ELASTICITY NG DEMAND
• 5. PERFECTLY INELASTIC O GANAP NA INELASTIC
• ANG PRODUKTONG ITO AY NAPAKAHALAGA NA KAHIT NA
ANONG PRESYO NITO AY BIBILHIN PARIN SA KAPAREHONG DAMI.
|Ε| = 0

You might also like