Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

AMA

Ni: LAZARO FRANCISCO


• Buhay ng may akda:

Si Lazaro Francisco ay isinilang sa Orani, Bataan, noong 22 Pebrero


1898.
Pang-apat siyang anak ng mag asawang Eulogio Francisco at Clara Angeles
na maliit na negosyo sa bayang iyon.
Nang siya’y labing-anim na taon, sa paghahanap ng mas mabuting
kabuhayan, nandayuhan ang kaniyang pamilya sa
Cabanatuan, Nueva Ecija, na noo’y kilala bilan graneria o bangan ng bugas
ng bansa. Namalagi na sila rito;
dito na nagbinata at nagkapamilya ang nobelista.
Hanggang intermedya lamang inabot niya- isang malaking kabiguan
na sinikap niyang punan sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-aaral nang mag-isa.
o ang una niyang naka isang dibdib ay si Pelagia Duran ,na isang guro at
sumakabilang buhay noong 1928.
o Siya ngayon ay itinuring na isa sa matibay na haligi ng panitikang Filipino .kilala siya
ng kapatiran ng mga alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA).
• Ilan sa mga naisulat niyang Nobela:

• Singsing na pangkasal
• Bayang nagpatiwakal
• Sa paanan ng krus
• Ilaw sa Hilaga
• Binhi at Bunga
• Cesar
• Sugat ng Alaala
• Ama
• Maganda pa ang daigdig
• Daluyong
• Maliban sa Bayang nagpatiwakal ,lahat ng kanyang nobela na nailathala sa Liwayway.

• Iginawad sa kanya ang mga karangalang ‘‘Patnubay ng Lahi’’ ng Quezon at noong


1970 ay ipinagkaluob sa kanya ang ‘‘Republic Cultural Heritage Award’’ sa
panitikan.
Buod ng Nobela ……
Mga Tauhan:
Ingkong Tasyo
•Ang ama ni Delfin Gatbunton Y Libunaw. Matagal nang naninirahan
sa Putintubig.
Delfin
•Anak ni Ingkong Tasyo.
Kartero
•Ang naghatid ng sulat kay Ingkong Tasyo.
Basyo
•Matandang utusan ni Don Pamfilo Melendrez.
Donya Ichay
•May- bahay ni Don Pamfilo Melendrez at ang ina ni Leonor
Melendrez.
Doray
•Kusinera ng pamilyang Melendrez.
Leonor Melendrez
•Bugtong na anak nina Don Pamfilo Melendrez at Donya Ichay Melendrez.
Don Alipio Santos
•Ama ni Paquito at matalik na kaibigan ni Don Pamfilo Melendrez.
Paquito Santos
•Ang anak ni Don Alipio Santos at binatang napupusuan ni Don Pamfilo
para
• kay Leonor.
Tansing
•Ang pinakamatalik na kaibigan ni Leonor. Ang karamay niya sa lahat ng
oras.
Artemio
•Ang kaibigan ni Leonor at ang pinaka mapagbiro sa grupo. Siya ang
kumanta
• ng “Ama” sa naganap na kasiyahan sa bulwagan.
Pepe
•Ang pinaka matalino sa grupo at isa sa umawit ng solo sa naganap na
kasiyahan
•sa bulwagan.

Mga iba pang kaibigan at kamag-aral ni Leonor:

Tirso Canlas Anchay


Horacio Maria
Jose Esperanza
Silvestre Paz
Don Elpidio “Diko”
•Ang nakakatandang kapatid ni Don Pilo at ang Gobernador sa La Union.
Di Kilalang Lider
•Ang bumuo sa kilusang kapatiran na ang pangunahing layunin ay kalabanin
•ang pagmamalabis ng mga asendero.
Marcelo Cruz
•Kasama ni Diego na umanib sa kilusang kapatiran at tauhan ni Don Alipio.
• Nagsuplong kay Don Pilo na kaanib si Tasyo sa kapatiran. Natagpuang nakabitin
•sa isang punong kahoy sa Putintubig.
Diego Rivas
•Kasama ni Marcelo na umanib sa kilusang kapatiran na tauhan rin ni Don Alipio.
•Ang pinagmalupitan ni Don Alipio dahil sumuway ito sa utos niya. Ang tumulong kay
•Ingkong Tasyo na tinulungan din ni Leonor.

Kilabot
•Ang tawag sa pangulo na isa sa mga limang katulong ng kilusang kapatiran.
Dianong
•May- ari ng dampang pinagpanhikan kay Tasyo nang mawalan ng malay.
Tagpuan:
Putintubig- ang lugar kung saan naninirahan si Ingkong Tasyo,
Delfin at iba
pang mga manggagawa ni Don Pilo. At ang lugar na pinag- aarian ni
Don Pamfilo Melendrez.
La Union- ang lugar na pinanggalingan ni Don Pamfilo at Don
Elpidio.

•Magdarapit- hapon noong maalinsangang araw ng Abril. Sa may


labas
•ng nayon ng Putintubig.
•Sa tapat ng tarangkahan ng bahay ni Ingkong Tasyo.
•Sa tabi ng batis
•Sa Hungib/Kweba
•Sa bulwagan
Banghay:
A.Panimula
Ang pagdating ng mga panauhin sa Putintubig upang
magbakasyon.
Suliranin:
•Pagpapatupad ng sistemang “Takipan” sa Putintubig.
•Ang pagmamalupit ni Don Pilo sa kanyang mga tauhan.
•Ang maling pamamalakad ni Don Pilo sa Putintubig.
B.Gitna
Saglit na kasiglahan:
Ang paggaling ni Delfin mula sa pagkakasakit.
Tunggalian:
•Tauhan laban sa Tauhan
•Ang pagsuway ni Diegos autos ni Don Alipio.
•Tauhan laban sa Sarili
•Ang Pag- alis ni Ingkong Tasyo sa Putintubig.
•Tauhan laban sa Lipunan
•Ang pagpapatupad ni Don Pilo sa sistemang “Takipan” na hindi
sinang- ayunan ng
•mga taga- nayon.
•Tauhan laban sa Pagsubok sa Buhay
•Ang pakikipagsapalaran ng mag- amang Tasyo at Delfin sa
hirap ng buhay.
• D.Kasukdulan
•Nang matuklasan ng mga kaanib sa kapatiran na ang lider o pinuno ay tauhan
•pala ni Don Alipio.
•Ang di kilalang lider ay inutusan pala ni Don Alipio upang magmasid sa mga
•taga- nayon ngunit nang
•siya ay matuklasan o mabuking nagalit ang mga membro ng kapatiran.
• E.Kakalasan
•Nang malaman ni Don Pilo na ang kanyang nawawalang kapatid ay si Ingkong
•Tasyo pala.
•Nang malaman nina Don Pilo at Don Alipio na ang nawawalang kapatid nila
• ay naninirahan lang pala sa Putin tubig
•Nang malaman ni Don Pilo at Don Elpidio na may malubhang sakit si Ingkong Tasyo.
• F.Wakas
•Nang natagpuan ni Don Pilo at Don Elpidio ang kanilang nawawalang kapatid na
•may malubhang sakit na si
•Ingkong Tasyo na siya pala si Ramon Tagle ang nawawalang kapatid
•nina Don Pilo at Don Elpidio at doon nagkapatawaran
•sila. Naging maayos na ang pamamalakad sa Putintubig.
Tema o Paksa ng diwa:
“Sa bawat taong na nangangailangan, ay may isang taong
handang lumaban para sa katarungan.”
--Ang pinaka tema ng nobelang ito ay ang tungkol sa
pakikipaglaban ng isang ama na si ingkong tasyo para sa
katarungan di lamang para sa kanyang anak kundi para na rin
sa kanyang mga minamahal na ka- nayon na naghihirap sa
kamay ng isang malupit na panginoon. Isang huwarang tao at
ama sa katauhan ni Ingkong Tasyo na hindi sumuko hangang sa
makamit ang katiwasayan sa
kanilang lugar.
Mag Tradisyong ginamit:
Tradisyong Idealismo

Mga patunay:
Paglalarawan kay Ingkong Tasyo
Sa may harapan ng tinurang bahay ay makikita ang isang matandang
lalaki na kung tatayahin sa mga kulubot ng noo at pisngi ay sasapantahaing
sumasakay na sa mga bisig na malusog at matipuno ay hihinagaping nagtataglay
pa lamang ng lakas at sigla ng gulang na apatnapu. Anupa’t mahihinuhang
pinatanda siya ng marami nang kasawiang dinanas niya sa buhay at pinapaging
bata ng katutubong sipag at sigla sa paggawa. (pahina 5, T. 2)
Paliwanag:

sa inilarawan pisikal na anyo ni Ingkong Tasyo siya ay matanda na


subalit hindi ito naging aintana sa kanya dahil ang importante lamang sa
kanya ay ang maghanap- buhay upang mapagtapos niya ang kanyang
anak na si Delfin. Masasabi nating siya ay masipag at huwarang ama.
Tradisyong Romantisismo
Mga patunay:
Pagmamahal ni Ingkong Tasyo sa kanyang ka- nayon
“ Ipahihiganti ka namin!” Ang pasuntok na sigaw ng marami. “huwag!” sansala ng
matanda sa paos na tingig. “mahahatian ko kayo ng aking mga kaligayahan, kung mayroon
ako… ngunit bayaan ninyong yakapin kong mag- isa ang aking mga kasawian! Magpakabuti
kayo at magtapat sa inyong paggawa! Yan lamang ang nalalaman kong matuwid na landas
tungo sa tunay na kapayapaan
at kaligayahan.” ( pahina 146, T. 2)
Paliwanag:
Ang tradisyong romantisismo ay saklaw nito ang lahat ng pag- ibig tulad
na lang ng pag- ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Mas iniisip ni Ingkong
Tasyo ang kapakanan ng kanyang mga ka- nayon kaysa sa kanyang sarili.
Tradisyong Klasismo
Patunay:
“ makapagtitiis, bihasa naman magtiis ang aking anak!” himig paliwanag
na aliw ng matanda sa sarili.” “ lalong kailangan niya ang makapag- aral kaysa
masarap na pagkain!” (pahina 12, T. 2)
Paliwanag:
Mas pinairal ni Ingkong Tasyo kung ano ang nasa kanyang isip dahil mas
gugustuhin niyang an ikabubuti ng kanyang anak tutal nakapagtapos naman ito at
alam niya na hindi naman mahalaga ang masasarap na pagkain.
• Tradisyong Simbolismo
A.Paghahalintlad ni Diego kay Leonor na isang “anghel” na
bumaba sa lupa
“isang anghel yatang bumaba sa lupa! Siya ang gumawa ng lahat ng
paraan, at nagturo ng mga dapat kong gawin upang makatakas ako ng
walang sinumang makakikita!” (pahina 155, T. 6)
Paliwanag:
Inihalintulad ni Diego si Leonor sa isang anghel na bumaba sa
lupa sapagkat siya ang tumulong at nagligtas kay Diego sa mga kamay
ni Don Alipio.
Tradisyong Kultural
A.Pagpapakita ng pagtutulungan
Ang mga bagong dating ay sinalubong ng buong nayon halos.
Marami sa nagsisalubong ang di magkamayaw sa pag- abot, pagbaba at pagpanhik
sa bahay ni Ingkong Tasyo ng mga dala- dalahang “maletin”, “saco de noche”, ilan sa
kanila ang nag-aayos na sa dakong likuran ng bahay ni Ingkong Tasyo ng mga
kalanan at lumanok sa isang matabang baboy na inuusukan na upang katayin.
(pahina14, T. 2)
Paliwanag:
Ang bayanihan o pagtutulugan ay likas na sa ugaling Pilipino na sa
isang uri ng gawain mahalaga ang pagtulong. At kahit din ngayon hindi yan
nawawala may mga taong sadyang matuungin sa kapwa.
B. Pagiging magalang
Si Delfin, may bikig man ng mga hinakdal, ay parang maamong
korderong
lumuhod at humalik ng kamay kay Don Elpidio at gayundin kay Don Pilo.
(pahina 177, T. 8)
Paliwanag:
Ito ay nagpapakita ng kagandahang asal at pagbibigay respeto sa
nakakatanda.
C. Albularyo
“ Sa may paanan ay may isang matandang lalaki na
pinipisil pisil naman ang mga daliri ng paa ng may sakit . Ito
ang manggamot sa nayon na may maliit na ‘m’ , pagkat
albularyo”.(pahina 57,T.1)
• Paliwanag
Kultura na nating mga pilipino ang paniniwala sa mga
albularyo.
• Tradisyong Imahismo
A. Labis na pagpapasakit ni Don Pilo sa Ingkong Tasyo
“ Duguan ang katawan at mukha sa kurus-kurus na latay,
ang matanda ay buong pagkakahirap na umahon mula sa
pampang. Tinungo niya ang hagdang lupa na kipkip din ang
mga ugat ng bignay at umuugod-ugod na umakyat hangang sa
itaas”.(pahina 81 ,T.6)
Paliwanag:
Ito ay halimbawa ng tradisyong imahismo sapagkat
nabibigyan ng imahe ang ating isipan sa pahayag ang labis na
pagpapakasakit kay Ingkong Tasyo.
• Tradisyong Naturalismo
Patunay:
Si Ingkong Tasyo’y nakiang sumuray at nabuwal salamat at nakahawak sa
iasang sanga ng bayabas sa dakong likuran kung kaya hindi nahulog sa tubig.
Ang matanda’y buong pangangatal na tumindig na hawak ang binigkis na ugat ng
bignay at humarap kay Don Pilo “ Don Pilo! Don Pilo! Don Pilo” “at lalaban ka?”
ang buong panlilisik na usig ni Don Pilo, saka buong pagpupumindig at ubos lakas
na pinagsali- saliwa nang hampang ang matanda hangang sa muling mabuwal at
nahulog sa tubig. “Papaaa!” ang madaling sigaw ni Leonor, na nabuwal at nawalan
ng malay. (pahina 82, T. 2)
Paliwanag:
Dahil sa malupit na ginawa ni Don Pilo kay Tasyo, natural lamang na
mabigla tayo o mapasigaw sa kanyang ginawa na gaya na lang ng naging reaksyon
ni Leonor at nawalan ng malay.
Tradisyong Moralistiko
Patunay:
A.Ang pagpatay kay Marcelo
“ Oo! Ako ang pinaratangang pumatay kay Marcelo Cruz na natagpuang
nakabitin sa isang punongkahoy sa Putintubig, kinagabihan ng araw na masunog
ang bahay mo!” (pahina 154,T. 3)
Paliwanag:
Ang ginawang pagbibintang ni Don Alipio kay Diego na siyang pumatay
kay Marcelo at pagpatay kay Marcelo Cruz ay labag sa batas at sa mata ng Diyos.
Tradisyong Realismo
Patunay:
Takipan
“Ang Takipan” Ano ang takipan? Yaong kung umutang ka ng isang kabang
palay ay babayaran mo ng dalawang kaban sa panahon ng pag- aani!” (pahina 112, T. 1)

Paliwanag:
Ang takipan ay isang sistema o pamamalakad na kung saan nagbibigay
ng patubo sa mga inutang o hiniram mula kay Don Pilo. Ito ay nangyayari rin sa
ating lipunan at hangang sa ngayon ay may
nagpapatupad parin ng ganitong klaseng sistema na kung saan ay marami ring
hindi sumasang- ayon sa ganitong klase ng pamamalakad.
Konklusyon:
Sa kabuuan ang nobelang “Ama” ni Lazaro Francisco ay ginamitan ng

manunulat ng iba’t ibang mga uri ng tradisyong pampanitikan. Ito ay upang mas
maging mabisa na maipahatid sa mga mambabasa ang mga mensaheng nais maiparating.
Ito ay nobelang sumasalamin sa mga pangyayaring kinaharap ng mga

magsasakang tulad ni Ingkong Tasyo.


Sa mga karakter na napapaloob rito, makikita ang iba’t ibang magagandang
katangian ng isang tao, maging sa kabila ng mga matitinding pagsubok ng buhay.

Ang tumindig sa kung ano ang tama at ang pananalig sa Diyos na s’yang lumikha.
Sa pamamagitan ng akdang ito ay pinupukaw ang damdaming makabayan ng mga
mambabasa. Maging ang pagmumulat nito sa mga maling pamamalakad o

pamamaraan ng mga may- ari ng lupa. At hindi kailangang gumamit ng dahas


upang makamit lamang ang karapatan at kalayaan. At ang tanging solusyon lamang
ay ang pagpapatawad at pagmamahal sa kapwa.


Wakas

You might also like