Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 39

PAMBATANG

PANITIKAN
KASAYSAYAN NG PAMBATANG
PANITIKAN
Ang panitikang pambata o mga babasahin para sa mga bata ay
isang akdang pampanitikan na ang mga pangunahing tagapagtangkilik
ay mga bata, bagaman marami ring mga aklat na nasusulat sa ganitong
anyo na kinawiwilihan din naman ng ibang mga kabataang mas
nakatatanda at mga taong nasa wastong gulang na.
 Sa tradisyunal na perspektibo, ang panitikang pambata ay sumasaklaw
sa mga aklat, dula o mga nobelang isinulat para sa mga bata
 Ang pag-unlad ng mga ibang uri ng midya tulad ng pelikula, radio, at
telebisyon- ang kasikatan nito ang mas nagpalawig sa kahulugan ng
mga panitikang pambata. Sa kasalukuyan, ang panitikang pambata ay
tumatalakay sa anumang nasusulat at nailalathalang anyo ng panitikan
upang punan ang pangangailangan ng mga bata.
KASAYSAYAN NG PAMBATANG PANITIKAN
 Pukawin ang isipan at antigin ang mga damdamin ng mga bata
sa pamamagitan ng mga paksang nagtuturo ng mga bagay-
bagay hinggil sa pananampalataya, araling pangwika,
pakikipagsapalaran ng mga bayaning mula sa mga kuwentong-
bayan, alamat, mitolohiya.
 • Karaniwang nagtataglay ang mga aklat-pambata ng mga
larawan at guhit-larawan. Nang lumaon, pagkalipas ng
 maraming taon, naging paksa rin ang mga araling
makatotohanan o batay sa totoong buhay, katulad ng mga
akdang pang-kasaysayan, heograpiya, buhay sa paaralan,
kabayanihan, at katatawanan. • Nasusulat ang mga panitikang
pambata sa pamamaraang tuwiran at maging sa patula.
Ayon kay Rene O. Villanueva: isang manunulat. Kilala siya sa
kanyang mga gawa para sa teatro, telebisyon, at sa panitikang
pambata.
 • Ang mahalagang pagkakaiba ay nasa katangian
ng pinatutungkulan. Kaya pambata dahil sadyang kinatha para sa
mga batang mambabasa.
 • Nakasandig sa konsepto ng bata
- Ang katangian ng panitikang pambata ay nakasalalay sa kung
paano mag-isip at umunawa ang bata.
 • Paano ba nag-isip ang bata?
- Karaniwang animistiko.
 • Masasabing ang panitikang pambata ay karaniwang animistiko
(tradisyunal na pakahulugan.
Anyo/Uri Librong Pambata
 Elemento
• Sino ang mambabasa?
• Paano mag-isip ang mga bata?
Iba ang paraan ng pag-iisip at pag-unawa ng mga
batang walo o sampung taong gulang pababa
kaysa sa ating mga may edad na. Hindi gaya ng
nakatatatndang mambabasa, hindi sila objective
kung mag-isip at umunawa. Ang paraan ng pag-iisip
nila hanggang sa pagsapit nila sa age of puberty ay
karaniwang animistiko.
 Sukat
 Ang rekomendadong haba ng isang kuwento ay 14 na
spread at kadalasang binubuo ng 10 hanggang 25 linya o
pangungusap o mas maikli.
 Nakatuon ang haba ng kuwento sa bilang ng spread sa
halip na pahina sapagkat ang bawat spread o dalawang
pahina ay pinaghahatian ng teksto at larawan (isang
pahina o kalahating spread para sa teksto o isang pahina
o kabilang spreadi para sa larawan).
 Ang rekomendadong bilang ng linya ay para magkaroon
ng espasyo sa parallel text (teksto ng salin sa Ingles o teksto
para sa mas nakatatandang mambabasa.
 Wika
 Sa katangian naman ng wikang gagamitin,
simpleng wika ang ginagamit sa
pagkukuwento upang mas maunawaan ng
bata.

 Ilustrasyon-
 water colour, litrato, sketches, linya, atbp.
Kasaysayan ng Panitikang Pambata
 Noong unang panahon, walang pagkakaiba
ang libangan ng matatanda at bata. Ang
mga kuwentong-bayan, karunungangbayan
at awiting-bayan ay itinuturing na panitikang
pambata at pangkabataan. Lumipas ang
maraming siglo, ang dating kabataan ay
naging matatanda na, ngunit ang halina ng
mga matatandang kuwento ay patuloy na
umakit sa kanila.
Kasaysayan ng Panitikang Pambata
 Ang mga kuwentong-bayan tulad ng epiko, alamat,
mitolohiya, pabula at balada ay naitala lamang sa
Kalagitnaang Panahon (Middle Ages). Nang
lumaganap ang Kristiyanismo, nadagdag sa mga
kuwentong bayan ang mga kuwento na buhat sa
Bibliya. Mapapansin na sa panahon nang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang mga
lumabas na panitikan ay nangangaral. Sa panahong
ito walang tiyak na panitikang pambata o
pangkabataan.
Kasaysayan ng Panitikang Pambata
 Sa panahong ito, ang pagtuklas ng
karunungan ay ginagawa sa loob ng
monastery. Sinisipi ng mga monghe ang mga
manuskrito upang gamitin sa pagtuturo at
pangaral. Ang kauna-unahang manuskritong
nasulat na pambata ay ang Boke Babee’s
o Maliit na Ulat kung paano ang Iaasal ng
Kabataan. Ang mga akdang pambata na
nasulat noon ay naghahangad na magturo
ng relihiyon, kabutihan at asal.
Kasaysayan ng Panitikang Pambata
 Siglo 1400
 Noong ika-400 dantaon, naging adhikain ni
William Caxton ng Inglatera na malinang ang
kaisipang pang-moralidad at mga pag-uugaling
wagas ng mga bata habang lumalaki ang mga
ito, kung kaya’t nilimbag niya ang mga aklat na
katulad ng Ang mga Pabula ni Aesop.
Kasaysayan ng Panitikang Pambata
 Siglo 1500
Larawan ng isang hornbook na tangan ng isang batang babae.
 Noong ika-1500 siglo, nalikha ang mga hornbook, o isang payat at
parihabang piraso ng kahoy na dinikitan ng nalimbagang piraso ng
papel. Bilang pananggalang mula sa pagkasira, nababarnisan ang
papel na may limbag ng nanganganinag na sustansiyang na
nanggaling mula sa mga balat ng mga hayop katulad ng mga usa at
mga baka. Ang mga usa at baka ay mga hayop na may sungay, kung
kaya t ang salitang hornbook ay masasabing nangangahulugang
/aklat na gawa mula sa mga balat ng mga hayop na may sungay/.
Karaniwang nagsisimula ang mga aralin ng hornbook sa pagaantanda
ng krus na sinundan ng mga abakada, palabaybayan, at mga dasaling
katulad ng Ama Namin. Pangkaraniwan din na naikakabit ng isang bata
ang aklat pang-pangunahing pagaaral na ito sa kaniyang suot na
sinturon, sa pamamagitan ng isang tali.
Kasaysayan ng Panitikang Pambata
 Siglo 1600
 Noong ika-1600 dantaon, humantong naman sa
mga kamay ng mga bata ang iba pang mga
araling pampananampalataya ang salin sa !ngles.
Sa Pransya si Charles Perrault ay sumulat ng
walumpong bersyon ng mga fairytales. !to1y
nalathaa noong 1697 sa pamagat na "istori) on
Contrss de temps passe. Ang mga kwernto buhat
sa koleksyon ni Perrault na isinalin sa !ngles ay ang
Sleeping Beauty, Little Red Riding Hood, Puss and
Boots, Cinderella na kinilala sa buong daigdig.
Kasaysayan ng Panitikang Pambata
 Siglo1700
 Sa pagdating ng ika-1700 dantaon,
nagsimulang maging pambatang mga
babasahin ang ilan sa mga panitikang
unang nasulat para sa matatandang
mambabasa.
Kasaysayan ng Panitikang Pambata
 Subalit naging kaakit-akit para sa mga bata ang Robin Crusoe (1719) ni
Daniel Defoe at ang Gulliver’s Travels (Mga Paglalakbay ni Gulliver) (1726) ni
Jonathan Swift.
 Sa kalagitnaan ng ika-1700 siglo, lumitaw ang isang uri ng po)ket-book;
ang A Little Pretty Pocket-book (Isang Maliit at Kaakit-akit na Aklat-
Pambulsa) ni John Newberry. Inilalako sa tarangkahan ang mga aklat-
pambulsa ng mga nagtitinda nito na kasama sa mga laruang pambata.
 Isa sa pinakamahalaga at pinakatanyag na aklat na lumabas noong 1765
ang Mother Goose’s Melody (Mga Awitin ni Inang Gansa, na naglalaman
ng mga nursery rhyme o mga tulang pambata. Sumunod din dito ang
tinatawag na battledore, isang aklat-pambatang yari sa natitiklop na
kartulina at naglalaman lamang ng tatlong pahina tungkol sa alpabeto,
mga payak at madaling-maintindihang aralin, at mga larawang nalimbag
sa pamamagitan ng mga woodcut o inukitang mga tabla
 Siglo 1800
 Guhit-larawan mula sa isang aklat pambatang Alice in Wonderland ni Louis
Caroll.
 Naganap noong ika-1800 dantaon ang lubos na pagbabago at pagpapalit
ng mga paksa ng panitikang pambata. Sapagkat sa kapanahunang ito
umusbong at lumago ang pagiging malikhain at pagiging bukod-tangi ng
mga manunulat sa larangang ng mga aklat na pambata. Ginamit ng mga
may-akdang taga-Estados Unidos, !nglatera, Denmark, Clanda, at Alemanya
ang mga paksa tungkol sa pag-ibig na may mga tauhang bayani mula sa
tunay na buhay, at nagpapakita ng kabayanihan at katapangan. Kabilang
dito ang mga librong isinulat ni "ans Christian Andersen na batay sa mga
kuwentong bayan, maging ang mga kathang-pampanitikan nina;
 • washington Irving (The Legend of Sleepy Hollow o Ang Alamat ng
Nakaaantok na Libis, 1820
 • Lewis Caroll (Alice’s Adventures in Wonderland o Pakikipagsapalaran ni Alice
sa Lupain mga Katakatakang bagay (1865)
 Sa kasalukuyan at sa hinaharap
 Noong mga unang kapanahunan ng 1920, sumibol
ang mga natatanging kagawaran para sa mga
panitikang pambata sa Amerika. Nagbukod ang
mga bahay-aklatang pampubliko ng mga silid-
basahan para sa mga bata at nagkaroon ng mga
tagapamahalang-pang-aklatan na bihasa sa
pakikitungo sa mga kabataan. Nanguna sa gawaing
ito ang Paaralang Pang-aklatan ni Carnegie ng
Pittsburgh at Bahay-Aklatang Panlipunan ng New
York.
 Sa kasalukuyan at sa hinaharap
 Noong 1919, nagsimula ang pagbibigay ng mga paligsahan at paggawad
ng mga parangal at medalya sa mga tagapag-taguyod at manlilikha ng
mga aklat na pambata. Nagkaroon ng bahaging pambata sa loob ng gusali
ng mga tindahan ng mga libro, kasabay ng paglitaw ng mga aklat na may
mga kaaya-ayang larawan na nalikha sa pamamagitan ng mga
pamamaraang pang-sining. Lumabas din mula sa mga palimbagan ang
mga aklat na madaling-basahing para sa mga bago pa lamang natututong
bumasa, na ginagamitan lamang ng mga payak na salita at balarila. De-
kalidad ang karamihan sa mga babasahing ito. Lumitaw din ang mga aklat
pambatang kung saan ibinabahagi ng bawat manunulat ang kaniyang
pananaw at paniniwala tungkol sa isang bagay o paksa. Naging layunin na
ng mga patnugot ang paglilimbag ng mga aklat na bunga ng
pagkamalikhain ng may-akda subalit tiyak na batay sa katotohanan - lalo na
ang mga aklat na nagbibigay ng kaalaman - na sanhi ng pagdating ng mga
kaisipang pang-agham, pang-kalawakan, teknolohiya, at mga
kasangkapang elektroniko.
KASAYSAYAN NG PANITIKANG PAMBATA SA PILIPINAS

Panitikang Pambata: Sinaunang Panahon


Bago ang pagdating ng mga Kastila ay mayroon na tayong uri ng panitikan na
nagpapasalin-salin sa bibig (kwentong bayan, awiting bayan at karunungang bayan)

Mga Kuwentong Bayan:


ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri
ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang
hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.
Juan Tamad- Tagalog
Abuwanas- Muslim
Mga Alamat ni Maria Makiling
 Si Mariang Mapangarapin
 Maganda ang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya.
Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang
pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang
nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil
dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria
bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

 Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.


Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng
iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga
manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at
pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng
pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw
na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.
 Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang
lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay
ng mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog
na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang
linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.
 At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw.
Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa
bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan
ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang
dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito
ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong
pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!
 Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan.
Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng
pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung sunong.
 Mga Epiko:
 tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya'y buhat sa
lipi ng mga diyos o diyosa.

Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang


paglalakbay at pakikidigma.

Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang 'awit' ngunit


ngayon ito'y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
 Ibalon- Bikol
 Bantugan- Maranaw
 Tuwaang- Bagobo
 Biag ni Lam-ang- Iloko
 Maragtas- Bisaya
Labaw Donggon (Epikong Bisaya)
Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay napakakisig na
lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng maraming regalo ang ina ni
Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon upang pumayag lamang na makasal ang
dalawa. Inimbita niya ang buong bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig
siyang muli sa isang magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan
niya ito at hindi nagtagal ay nagpakasal.

At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong Yawa


Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung Saragnayan na katulad
niya na may kapangyarihan din.
Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa, sabi ni Buyung Saragnayan sa
kanya.
Handa akong kalabanin ka, sagot ni Labaw kay Saragnayan.
Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga kapangyarihan ngunit hindi
mapatay ni Labaw si Saragnayan. Mas malakas ang kapangyarihan ni Saragnayan kaysa
kay Labaw.
Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni Saragnayan.
Samantala ang kanyang mga asawa na si Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon ay
nanganak sa kanilang panganay. Tinawag ni Abyang ang kanyang anak na Asu Mangga
at si Anggoy Doronoon na Buyung Baranugun. Gustong makita si Labaw ng kaniyang
dalawang anak at nagpasya na hanapin siya. Sa tulong ng bolang kristal ni Buyung
Barunugun ay nalaman nlla na bihag siya ni Saragnayan. Ang dalawang magkapatid ay
nagtagumpay sa pagpapalaya sa kanilang ama na napakatanda na at ang kanyang
katawan ay nababalutan na ng mahabang buhok.
Kailangan nyo munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan bago ninyo
siya labanan! sabi ni Labaw sa kanyang dalawang anak.
Opo ama, sagot ni Baranugun. Ipapadala ko sina Taghuy at Duwindi kay Abyang Alunsini
upang itanong ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan.
Nalaman ni Batanugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay itinatago at
pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan. Siya at si Asu Mangga ay
nagtungo sa kabundukan upang patayin ang baboy ramo. Kinain nila ang puso nito na
siyang buhay ni Saragnayan
 Biglang nanghina si Saragnayan. Alam niya kung ano ang nangyari. Nagpaalam na
siya kay Nagmalitong Yawa. Handa na siyang upang ka1abanin ang dalawang
anak ni Labaw. Si Baranugun lamang ang humarap sa kanya sa isang madugong
laban. Napatay siya ni Baranugun sa isang mano-manong laban. Pagkatapos ng
labanan ay hinanap nila ang kanilang ama. Nakita nila na siya ay nakasilid sa lambat
ni Saragnayan. Natakot sila sa mga kapatid ni Saragnayan. Pinatay silang lahat ni
Baranugun at pinalaya si Labaw sa lambat.
 Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw ay napaiyak sila sa
pighati. Nalaman nilang hindi na makarinig si Labaw, hindi na rin nito nagamit ang
pag-iisip. Pinaliguan nila ito, binihisan at pinakain. Inalagaan nila ito ng mabuti.
Samantala, si Buyung Humadapnon at Buyung Dumalapdap, mga bayaw ni Anggoy
Ginbitinan ay ikinasal kina Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at Lubaylubyok
Hanginon Mahuyukhuyukon. Ang dalawang babae ay ang magagandang kapatid
ni Nagmalitong Yawa.
Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang
asawa na nais niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling
Diwata.
Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki! sabi ni Labaw
Donggon.
Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng
asawa at dahil mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang
kahilingan nito. Humiga si Labaw sa sahig at pumatong ang dalawang
babae sa kanya, naibalik ang kanyang lakas at sigla ng isip. Masayang-
masaya si Labaw at ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong
lupain.
 Awiting-Bayan
 Hangad ng mga awiting ito
ang lumibang at mangaral. Halimbawa:
Matulog ka na bunso
Soliranin Ang ina mo ay malayo
At hindi ko masundo;
Hele May putik, may balaho.
Tagayan
Pangingisda Sanggol kong anak ng giliw
Matulog ka ng mahimbing
Kundiman Marami akong gagawin
Kumintang Huwag mo akong abalahin
Karunungang Bayan
Ang mga karunungang bayan ay kabilang rin sa mga kinahihiligan ng
mga kabataan.
Ito’y nagpapatalas ng kaisipan, ginagamit sa paglilibang at paglalaro.
Halimbawa:
May ulo walang tiyan, may leeg walang beywang. –Bote

Ang gawa sa pagkabata,


Dala hanggang sa tumanda.

Ang dungis ng iba’y bago mo batiin


Ang dungis mo muna ang iyong pahirin.
Panitikang Pambata: Panahon ng Kastila (1572-1898)

1578- naglabas si Diego Povedano ng mga manuskrito tungkol sa mga sinaunang


mamamayan ng Negros.
1800- sa pagsikat ang awit at korido na para sa mga matatanda ay nahiligan din ito ng
mga bata tulad nalang ng Ibong Adarna at Cay Calabasa at ang awit na Florante at
Laura.

Urbana at Felisa- Kung susuriin ang kwentong Urbana at Felisa. Ito ay para sa mga
kabataang katulad ni Urbana, Felisa at Honesto. Ito ay nagbibigay patnubay sa
kabataan ayon sa pagsusulatan ng dalawang magkapatid.
Sa Aking mga Kabata ni Jose Rizal
 Sinulat ni Dr. Jose Rizal ang Sa Aking mga Kababata noong siya ay walong taong gulang lamang
 Isinalin niya ang dulang Guillemo Tell(Schiller) sa Fiipino pati na rin ang mga istorya ni Anderson.
 Isinulat din niya ang Matalinong Pagong at Hangal na matsing.

Panitikang Pambata: Panahon ng mga Amerikano


 nagbukas ng mga paaralan ang mga Amerikano at nagsimulang magturo ng Ingles.
 1916- ipinatupad ang Jones’ Law
 H. Otley Beyer, Dean s. Fansier- Popular Tales
 Anna H. Carter- Carter Intermediate Readers
 Senador Camilio Oslas- pinakaunang superintendente ng paaralang bayan.
 Philippne Readers Book I VII na ginamit sa mga paaralan noong unang taon ng pananakop ng
mga Amerikano.
Tula
 Florentino Collantes- Lumang Simbahan
 Jose Corazon de Jesus- Pamana
 Ang Pamana Ni Jose Corazon de Jesus

Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw


Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha


Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.
”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin
at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan


Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”
 Balagtasan
 Luz Mat Castro- DZRH

 Dula
 Sevirino Reyes- Walang Sugat

 1922- lingguhang lumabas ang Liwayway na kasama ang Lola


Basyang ni Sevirino Reyes.

 Conching – Kulapo
 Tony velasquez- Kenkoy
 Panitikang Pambata: Malasariling Panahon
 “Panahon ni Manuel L. Quezon.”
 Pepe and Pillar; In and Out of the Barrio, The Flag and Other Stories, at ang
Our Great Men and Other Stories.

 Juan C. Laya- Tales Our Father Told, Diwang Kayumanggi.


 Panitikang Pambata: Panahon ng Hapon


 sa panahong ito, maraming manunulat ang gumawa ng mga akda sa
Pilipino.
 Ang Liwayway ay nakapili at isinaaaklat ang 25 Pinakamabubuting
Kuwento (1943).
 Nalathala rin ang mga sumusunod:
 Ang Magsasaka at Iba pang mga Kuwento
 Ang Batang Matulungin at Iba pang mga Kuwento
 Kuwento ni Esopo ni Julian C. Pineda.
 Panitikang Pambata: Kasalukuyang Panahon

 Mga Akda
 Ang Alamat ng mga Kuwento – Andrea A. Tablan
 O Sintang Lupa – Genoveva Edrosa
 Mga Babasahin sa Pilipino – Paraluman S. Aspillera
 Sa Hardin ng mga Tula – Rufino Alejandro

 Batas Rizal (1961) – nakatulong ng malaki sa pagsulat ng


kuwentong pambata tungkol sa pambansang bayani.
 1971- Naglathala ang National Bookstore ng mga salin sa Filipino.
 Ang Prinsesa at ang Gisantes
 Ang Tatlong Munting Baboy
 Ang mga Duwende at ang Sapatero
 Ang Natutulog na Kagandahan
 Si Jack at ang Puno ng Bitsuwelas
 Ang Munting Pulang Inahing Manok
 Si Pusang Nakabota
 Rumpel-istilt-iskin
 Ang Kagandahan at ang Halimaw
 Ang Tatlong Lalaking Kambing na ang Pangalan ay Grap
 Rapunsel
 1977- Ang Aklat Adarna ay gumawa ng paraan upang
mapadami ang babasahing pambata.

 1979- Niňo Engkantada- Domingo Landicho

 1981- Naglabas pa pa ng 50 na libro ang Aklat Adarna na


pinangunahan ni Aguinaldo.
 Sitwasyon ng Panitikang Pambata 2012-2012
 Nakapagdulot ng malaking pagbabago sa pagsusulat ng panitikang pambata ang
pag-usbong ng bagong teknolohiya (mobile phone, tablet, internet, e-book)
 Vibal Publising- nangunguna sa paglikha ng mga educational materials na ginagamit
ang traditional print at digital content.

 2011 Picture Book Apps Vibal Digital


 Yummy Fly Pie (Jomike Tejido)
 Mariang Sinukuan ( Salaysay ni Eugene Evasco, guhit ni Leo Cultura)
 Pagpagayuk ( Salaysay ni Eugene Evasco, guhit ni Pia Constantino)
 Amansinaya ( Salaysay ni Eugene Evasco, guhit ni Jomike Tejido)
 Ang MAhiwagang Kamiseta ( Salaysay ni Eugene Evasco, guhit ni Ghani Madueno)
Carlos Palanca Memorial Awards
Short Stories for Children (1989)
Kabataan Division (ginawa upang manghikayat ng manunulat sa kabataan) (1998)
Tulang Pambata (2009)

Philippine Board on Books for Young People


National Children’s Book Day
PBBY- Salanga Prize (Writers’ Price)
PBBY- Alcala Prize ( Illustrators’ Price)

Iba pang mga Organisasyon


Kuting- Kuwentista ng mga Tsikiting
INK- Ilustrador ng Kabataan.

You might also like