Professional Documents
Culture Documents
Paglalayag Sa Puso NG Isang Bata
Paglalayag Sa Puso NG Isang Bata
Paglalayag Sa Puso NG Isang Bata
Bata
Ni: Genoveva Edroza Matute (1947)
Inihanda ng:
Ikatlong Grupo
Genoveva Edroza
Matute
Si Genoveva
Edroza Matute ay
isang Pilipinong awtor.
Noong 1951, siya ang
tumanggap ng unang
Palanca Award para
sa Maikling Kwento sa
Filipino, para sa
“Kuwento ni Mabuti",
na kinilala bilang ang
pinaka-”anthologised”
na maikling kwento ng
wikang Tagalog.
Binata na siya marahil ngayon. O
baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay
kung nakaligtas siya sa nakaraang
digmaan… nguni't ayaw kong isiping
baka hindi. Sa akin, siya'y hindi magiging
isang binatang di-kilala, isang ama, o
isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin,
siya'y mananatiling isang batang
lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at
may walong taong gulang.
Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan,
mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan
pagkatapos, pagkaraan ng mga taong
ang ila'y nagdumali, ang ila'y
nagmabagal at ang ila'y nakintal sa
gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan
ang kanyang mukha at ang kanyang
pangalan. Nguni't ang buhay sa lahat ay
ang isang bagay na itinuro niya sa akin
isang araw nang siya ang aking maging
guro at ako ang kanyang tinuturuan.
Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At
isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog
at pipis niyang ilong ay lubhang
kapansin-pansin at tingnan lamang
iyo'y mahahabag na sa kanya ang
tumitingin. Kahit ang paraan niya ng
pagsasalita ay laban din sa kanya.
Mayroon siyang kakatuwang "punto"
na nagpapakilalang siya'y taga-
ibang pook.
Ngunit may isang bagay na
kaibig-ibig sa munti't pangit na
batang ito, kahit sa simula pa
lamang. Nagpapaiwan siya tuwing
hapon kahit na hindi siya hilingan ng
gayon. Siya rin ang pinakahuling
umaalis: naglilibot muna sa buong
silid upang pulutin ang mga
naiiwang panlinis.
Lihim ko siyang
pinagmamasdan habang inaayos
niya ang mga ito sa lalagyan,
ipinipinid, at pagkatapos ay
magtutungo sa likod ng bawat
hanay ng upuan upang tingnan
kung tuwid ang bawat isa. At sa
pintuan, lagi siyang lumilingon sa
pagsasabi ng "Goodbye, Teacher!"
Sa simula, pinagtakhan ko ang
kanyang pagiging mahiyain. Nakikita ko
siyang gumagawa nang tahimik at nag-
iisa - umiiwas sa iba. Maminsan-minsa'y
nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin
upang bawiin lamang ang kanyang
paningin. Siyang tinatanaw tuwing hapon,
pinakahuli sa kanyang mga kasamahan,
ay naiisip kong alam na alam niya ang
kanyang kapangitan, ang nakatutuwang
paraan ng kanyang pagsasalita.
Unti-unti kong napagdugtong-
dugtong ang mga katotohanan
tungkol sa kanyang buhay. Payak
ang mga katotohanan: siya'y isang
munting ulilang galing sa lalawigan,
lumuwas sa malaking lungsod bilang
utusan. At kalahating araw siyang
pumapasok sa paaralan upang may
makasama sa pagpasok at pag-uwi
ang anak ng kanyang panginoon.
Nadama ko ang kakaibang
kalungkutan: Nais kong makita
siyang nakikipaghabulan sa mga
kapwa-bata, umaakyat sa mga
pook na ipinagbabawal, napapasuot
sa kaguluhang bahagi ng buhay ng
bawat bata. Kahit na hindi siya
marunong, maging kanya lamang
sana ang halakhak at kaligayahan
ng buhay-bata.
Tinatawag ko siya nang madalas sa klase.
Pinagawa ko siya ng marami't mumunting
bagay para sa akin. Pinakuha ko sa kanya
ang mga tsinelas ko sa pinakahuling upuan
sa silid. Naging ugali niya ang pagkuha sa
mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon
upang itapat sa aking paa. Ang pagbili ng
aking minindal sa katapat na tindahan,
hanggang sa hindi ko na kailangang sabihin
sa kanya kung ano ang bibilhin - alam na
niya kung alin ang ibig ko, kung alin ang
hindi ko totoong ibig.
Isang tahimik na pakikipagkaibigan
ang nag-ugnay sa munti't pangit na
batang ito at sa akin. Sa tuwing ako’y
mangangailangan ng ano man, naroon na
siya agad. Sa tuwing may mga bagay na
gagawin, naroon na siya upang gumawa.
At unti-unti kong nadamang siya'y
lumiligaya - sa paggawa ng maliliit na
bagay para sa akin, sa pagkaalam na
may pagmamalasakit ako sa kanya at
may pagtingin sa kanya.
Nahuhuli ko na siyang nagpapadulas
sa pagitan ng mga hanay ng upuan
hanggang sa magkahiga-higa sa likuran
ng silid. Nakikita ko na siyang
nakikipaghabulan, umaakyat sa mga
pook na ipinagbabawal. Nagkakandirit
hanggang sa tindahang bilihan ng aking
minindal. At minsan o makalawa ko
siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa
pagtapak sa mga upuan.
At kung ang lahat ay wala na,
kinakausap ko siya at sumasagot siya
nang pagaril sa Tagalog. At sa mga
ganoong pagkakatao'y nagmumukha
siyang maligaya at ang kanyang,
"Goodbye, Teacher," sa may-pintuan ay
tumataginting. Sa mga ganoong
pagkakatao'y naiiwan sa akin ang
katiyakang siya'y hindi na totoong napag-
iisa at hindi na totoong nalulumbay.
Isang mabagal na paraan ang pag-akit
na iyon sa kanya at ang pagtiyak na
siya'y mahalaga at sa kanya'y may
nagmamahal.