Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Wika, Komunikasyon,

Pananaliksik at Kultura: Mga


Batayang Konsepto
Dr. Julie Ann A. Orobia, LPT
Departamento ng Edukasyong Pangwika
Central Mindanao University
09177059115 / 09752212303
Kahulugan ng Wika
• daluyan ng mga kaisipan, ideya, damdamin o ekspresyon upang maipahayag ito sa
taong nais patutunguhan (Daksigyá, 2018).
• isang sistematikong balangkas ng binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa
paarang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa
isang kultura (Gleason, 1961).
• binubuo ng mga simbolikong salita na kumakatawan sa mga bagay at pangyayaring
nais ipahayag ng isang indibidwal sa kanyang kapwa (Cruz, 1999).
Kahulugan ng Wika (pagpapatuloy…)

• malimit na binibigyang-kahulugan bilang sistema ng tunog, arbitraryo na ginagamit


sa komunikasyong pantao (Hutch, 1991).
• bilang isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, isang tiyak na lugar,
para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at biswal na
signal para makapagpapahayag (Bouman, 1990).
Kahulugan ng Komunikasyon
• ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat ng
paraan (Webster).
• isang intensyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolong tunog o
anumang uri ng simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin
o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba (Greene at Petty sa aklat na
Developing Language Skills).
• ay isang proseso ng paglikha at pagbabahagi ng kahulugan sa pamamagitan ng mga
simbolo (Arrogante, 2015).
Kahulugan ng Pananaliksik

• Ayon kay Demayo (2015), isang sistematiko at siyentipikong proseso ang


pananaliksik. Kailangan pagdaanan ang pangangalap at pagsusuri, pag-aayos, pag-
oorganisa, at bigyang pagpapakahulugan ang datos batay sa suliranin ng pag-aaral.
Dagdag pa nina Santos at Hufana (2016), anumang paksa na kayang isipin ng tao
ay maaaring gawan ng pananaliksik. Gayunman, anumang kurso ay sakop sa
ganitong gawain at bahagi ng pagkatuto ng mag-aaral ang bumuo ng isang
pananaliksik.
Kahulugan ng Kultura

• ang kabuuan ng isip, gawi, damdamin, kaalaman at karanasan na nagtatakda ng


pagkakilanlan ng isang kalipunan ng tao at wika ang nagsisilbing daluyan at
tagapagpahayag nito (Rubin, 2002).
• nagiging haligi o pundasyon ng isang kultura ang wika na natatanging tagahubog
nito.
• ang wika at kultura ay parating magkabuhol na siyang sinasabi ng karamihan. Ang
wika ay nalilinang sa pamamagitan ng isang kultura. Samantala, ang kultura naman
ay natututunan sa tulong ng isang wika.
Katangian ng Wika

• May makabuluhang tunog (ponema) • Hindi lahat ng tunog ay maituturing


• Pinagsama-samang tunog upang na nagsasaad ng wika, dapat ito ay
makabuo ng salita (morpema) makahulugan.
• Estruktura ng mga parirala o • Salik (enerhiya, resonador,
pangungusap (sintaks)
artikulador)
• Kahulugan ng bawat salita
(semantiks)
Prinsipal na Sangkap ng Pananalita

• Enerhiya
- nalilikhang presyon mula sa baga
• Artikulador
- pagpapakatal ng babagtingang
tinig
• Resonador
- bibig at guwang ilong
Katangian ng Wika (pagpapatuloy…)

• Paano ka ba sumasagot sa iyong • Binibigkas na tunog na pinipili ayon


kausap? sa layunin ng mga gumagamit nito.
• Madalas ang pagpili ng mga salita • Inaayos ito sa paraang
ay naapektuhan sa kalagayang napagkasunduan ng pangkat na
sosyal ng ating usapan. ginagamit sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
Katangian ng Wika (pagpapatuloy…)

• napakahalaga ang wika na • Bakit nga ba magkakaiba ang mga


kailangang gamitin ito upang hindi wika sa daigdig?
mawawala at mamamatay.
• dahil na rin sa pagkaiba-iba ng mga
mga paniniwala, tradisyon at kultura
ng bawat bansa.
Katangian ng Wika (pagpapatuloy…)

• Kailanma’y hindi ito maaaring tumanggi sa


anumang pagbabagong hingi ng bawat
sitwasyon. Ang pagtanggap sa kasalukuyang
estado ng lipunan, ang pag-unlad ng
teknolohiya sa bansa ay nangangailangan ng
paglalapat ng mga katawagan nito.
Kahalagahan ng Wika
• Sa mundo, wika ang isang napakaimportanteng bagay na dapat isaalang-alang ng
bawat tao.
• Wika na siyang daluyan ng mga kaisipan, ideya, damdamin o ekspresyon upang
maipahayag ito sa taong nais patutunguhan.
• Wika na siyang salamin ng ating pagkakakilanlan kung anong tribu pangkat, lahi
ang ating pinanggalingan.
• Wika rin ang ginagamit upang mapanatili ang ating ugnayan sa Poong Maykapal
sa pamamagitan ng pagdarasal.
Homogenous at Heterogenous na Wika

• Sa puntong ito, masasabing heterogenous ang sitwasyong pangwika na umiiral


sa ating bansa dahil sa maraming wika o diyalektong umiiral at ginagamit dito.

• Sa kabilang banda, homogenous naman ang tawag sa sitwasyong pangwika ng


mga bansa tulad ng Japan na gumagamit lamang ng iisang wika sa pakikipag-
ugnayan at pakikipagtalastasan sa iba pang kapwa mamamayan sa naturang bansa.
Mga Teorya ng Wika

• Noon, ang wika na sinasalita ng tao sa daigdig ay iisa lamang. Nagkasundong


gumawa ng tore na aabot sa langit upang hindi magkawatak-watak ang mga tao.
Nang malaman ng Panginoon, bumaba ito upang tingnan ang itinayong tore.
Dahil hindi nagtagal, nagkaroon ng mga balak na hindi maganda, kaya biglang
lumindol at gumuho ang tore. Magkagising ng mga tao ay hindi nila naunawaan
ang wikang lumalabas sa kanilang bibig. Simula noon, naghiwa-hiwalay na ang
mga tao at nakikisama sila sa mga wikang nauunawaan lamang nila.
Mga Teorya ng Wika (pagpapatuloy…)

• Sinasabing ang wika ay nanggaling sa mga tunog ng mga bagay tulad ng tunog ng
doorbell (ding-dong), kampana (ting-ting), at orasan (tiktak-tiktak).

• Ito ang wika na ginagaya ng mga tao mula sa mga tunog sa kalikasan tulad ng
tunog ng pusa (meow-meow), aso (aw-aw), manok (tuktugaok), at iba pa.
Mga Teorya ng Wika (pagpapatuloy…)

• Ang tao ay nakalilikha ng tunog batay sa pagbulalas ng kaniyang damdamin tulad


ng pag-iyak ng bata kapag kinakagat ng langgam, pagtawa upang tugunan ang
isang sitwasyon, at pagsigaw dala ng matinding galit.

• Ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng pagkumpas ng alinmang bagay na


nangangailangan ng aksyon. Halimbawa, ang pagsigok at pag-inum ng tubig.
Mga Teorya ng Wika (pagpapatuloy…)

• Ang mga ginagawang ritwal ay nilalapatan ng indayog sa pagsasayaw ng mga tao


na kinalaunan ay binigyan ng kahulugan.

• Ang tao ang nakabubuo ng salita dahil sa paggamit ng kanyang puwersang pisikal
tulad ng pagbubuhat ng ginulong na kahoy, pag-iigib ng tubig na siyang
humahantong sa pagbulalas ng kaniyang nararamdamang pagod at hirap habang
ginawa ang partikular na aksyon o gawain.
Mga Teorya ng Wika (pagpapatuloy…)

• Ang ‘’tata” ay galing sa Pranses na ang ibig sabihin ay “goodbye” o “paalam”.

• Iminumungkahi ng lingguwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa


paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw, at iba pang mga bulalas-
emosyonal.
Mga Teorya ng Wika (pagpapatuloy…)

• Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakilanlan
(Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napabubulalas din tayo bilang pagbabadya ng
takot, galit o sakit

• Sa teoryang ito, pinaniniwalaan na ang pinakaunang salita na natutunan ng bata ay


ang salitang mama sapagkat ina ang palagi nitong nakasasama.
Mga Teorya ng Wika (pagpapatuloy…)

• Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang mga ninuno
ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga
tiyak na bagay.

• ang salita o wika ay nagmula sa hindi sinasadya at walang kabuluhang pagbulalas ng


isang tao. Sa kaniyang pagbulalas ay naiuugnay niya ito sa mga bagay-bagay o
pangyayari sa lipunan at kapaligiran.

Maraming Salamat sa Pakikinig


You might also like