El Fili Kabanata 9

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Kabanata 9

Si Pilato
Balik Tanaw : Kabanata 8
• Hindi naghimala ang birhen pagkagising ni Juli na
umaasang dagdagan ito dalawandaan at limampung piso
na iniligay niya roon
• Nag ayos nalang siya ng kanyang mga damit na
dadalhin sa tahanan ng kanyang amo na si Hermana
Penchang.
• Sa lungkot, hindi siya makapagsalita dahil wala
siyang maibigay na regalo sa mga kaibigan at kamag-
anak
Talasalitaan
• Nagkibit-balikat – pagsawalang bahala
Nagkibit-balikat ang mga tagapangasiwa ng mga prayle.
• Samsamin - kumpiskahin
Tinanggap ng tenyente ang utos na samsamin ang lahat ng
sandata.
• Mang-usig – magsuri
Hindi niya tungkulin ang mang-usig.
• Nag-antanda – nagsangalan-ng-ama
Siya ay nag-atanda nang makatatlo.
• Matubos - iligtas
Ginamit nya ito upang matubos si Juli sa paninilbihan.
Buod
Naging usap-usapan sa bayan ang mga nangyari kay
Tandang Selo. Karamihan sa mga tao ay walang pakialam
samantalang ang iba ay walang habas kung pagtsismisan ang
matanda.
Anang ilan, kung di lamang daw umalis si Kabaesang
Tales ay baka hindi hindi daw nangyayari iyon kay Tandang
Selo. Nag-usap-usap din ang mga ito kung sino ba ang may
kasalanan kaya nangyari ang kamalasan kay Tandang Selo.
Ibinunton naman ni Hermana Penchang ang sisi sa lolo
ni Juli. Aniya, parusa raw ito dahil sa kakulangan ng
pagdadasal at hindi pagturo ni Tandang Selo kay Juli nang
maayos.
Nang mabalitaang ng Hermana na tutubusin ni Basilio
ang kasintahan ay sinabi niyang ang binata ay isang
demonyong nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak sa
kaluluwa ng dalaga.
Samantala, nakauwi na si Kabesang Tales dahil sa
tulong ng salaping napagbilhan ng mga alahas ni Juli at
nautang ng dalaga kay Hermana Penchang.
Nalaman din niyang nagpaupang utusan si Juli, ang kanyang
lupa ay pagmamay-ari na ng iba, at napipi ang amang si
Tandang Selo.
Pinapaalis na din siya sa kanyang bahay sa utos na
rin ng hukuman at binigyan lamang ng tatlong araw para
maialis ang lahat ng kanilang gamit. Ito nama’y ikinatuwa
ng mga pari at ng bagong may-ari ng kanyang lupa.
Dahil sa mga kaganapang ito ay naupo lamang sa isang
tabi ang Kabesa at nanatiling walang kibo.
Teorya
• Realismo
Masasalamin dito na masalapi at makapangyarihan ang
korporasyon. Walang Pilipinong maaaring lumaban dito noong
panahong iyon.

• Sosyolohikal
Ang pag-aabuso ng mga mayayaman at makapangyarihan sa
kanilang estado sa buhay na nagdudulot ng hindi pantay-
pantay na pagtrato ng gobyerno at ng ibang tao sa ibat
ibang estado ng tao sa lipunan.
Simbolismo
• Chismis
Makikita dito ang kaugalian ng mga Pilipino na hanggang
ngayon ay makikita pa rin. Ito ay isang kaugaliang dapat
nang mawala sapagkat nagdudulot lamang ito ng ‘di kaayusan
sa komunidad.

• Pilato
Maihahambing ang paghihinuha ng mga taumbayan sa akto ng
paghuhugas ng kamay ni Pilato noong pagpapataw ng parusa
kay Hesus, gayong kasabuwat naman siya sa pangyayari.

You might also like