Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

PANGKALAHATANG

GAMIT AT TUNGKULIN
NG WIKA
Talagang malaki ang ginagampanang papel ng wika
sa ating buhay sapagkat malaki ang naitutulong nito sa
pagbuo ng maayos na relasyon sa ating kapwa.
Nakatutulong din ito upang maisakatuparan ang anumang
layuning nais makamit. Hindi mapagkakaila na ang wika ay
sandigan ng pagkakaisa, pagkakaunawaan at kaunlaran ng
isang bansa. Hindi uusad ang lipunan kung walang wikang
ginagamit. Ayon sa Australyanong lingguwista na si Michael
Halliday (1925- ) sa kanyang aklat na Explorations in the
Functions of Language, mayroong pitong (7)
pangkalahatang gamit o tungkulin ng wika sa lipunan.

Ang mga sumusunod ay nagpapaliwanag kung


papaano ba napapakilos o napagagalaw ng wika ang
lahat ng bagay sa mundo ayon sa gamit o tungkulin.
1. INSTRUMENTAL
INSTRUMENTAL ang gamit ng wika kung ginagamit ito
ng tao upang maisakatuparan ang nais na mangyari, gayundin ay
matugunan ang pangangailangan. Madalas, nagagamit ang
tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos. Ang paggamit ng
salitang “Gusto ko” ay naghuhudyat sa ganitong gamit ng wika.
INSTRUMENTAL:
GAMIT NG WIKA Gusto ko

- Maganap ang kagustuhan


DESKRIPSIYON - Matugunan ang materyal na
pangangailangan

MGA BIGKAS NA GINAGANAP Pagpapahayag, pakikiusap,


(PERFORMANCE UTTERANCES) panghihikayat, pagbabansag, pag-
uutos
- “Gusto kong mahalin mo ako.”
HALIMBAWA - “Patawarin mo ako.”
- “Mag-aral ka nang mabuti.”
2. REGULATORI
REGULATORI ang gamit ng wika kung ginagamit ito
ng tao upang kontrolin o magbigay sa kilos o asal ng ibang
tao. Ito ang nagtatakda kung ano ang dapat at hindi dapat
gawin ng isang tao. Ang paggamit ng salitang “Gawin mo
kung ano ang sinabi ko” ay naghuhudyat sa ganitong gamit
ng wika.
REGULATORI:
GAMIT NG WIKA Gawin mo kung ano sinabi ko

- Pagkontrol sa kilos o gawi ng iba


DESKRIPSYON - Wikang ginagamit sa pagbibigay ng
patakaran o panuto
Mga bigkas na ginaganap Pag-ayon o pagtutol pag-alalay sa
(performative utterances) kilos/gawa pagtatakda ng mga
tuntunin at alintuntunin
“Huwag mandaya lalong-lalo na sa
Halimbawa oras ng pagsusulit”
“Huwag tatawid, nakamamatay”
“Tumawid sa tamang tawiran”
3. REPRESENTASYUNAL
REPRESENTASYUNAL ang gamit ng wika kung ito’y
ginagamit ng tao sa pagbabahagi ng impormasyon – mga
pangyayari, makapagpahayag ng detalye, makapagdala at
makatanggap ng mensahe sa iba. Ang paggamit ng salitang “May
sasabihin ako sa iyo” ay naghuhudyat sa ganitong gamit ng wika.
REPRESENTASYUNAL:
GAMIT NG WIKA May sasabihin ako sa iyo

- Ginagamit ang wika sa pagbibigay ng


DESKRIPSYON impormasyon ng mga bagay-bagay sa mundo
Pag-uulat ng mga pangyayari paglalahad
Mga bigkas na ginaganap Pagpapaliwanag ng mga
(performative utterances) Pagkakaugnay-ugnay
Paghahatid ng mga mensahe
“Ang salitang lengguwahe o lengwahe ay
Halimbawa mula salitang lingua ng Latin
nangangahulugang “dila”, sapagkat
nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming
kombinasyon ng mga tunog.”
4. INTERAKSYONAL
INTERAKSYON ang gamit ng wika kung ginagamit ito
ng tao sa pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal
sa kapwa. Ang pinaka magandang halimbawa nito ay ang
paggamit ng mga pormularyong panlipunan. Ang paggamit
salitang “Ikaw at ako” ay naghuhudyat sa ganitong gamit ng
wika.
INTERAKSYUNAL:
GAMIT NG WIKA Ikaw at ako

DESKRIPSYON - Makapagpanatili at mapatatag ang relasyon


kapwa
Mga bigkas na Pagbati, pagpapaalam, pagbibiro, panunudyo,
ginaganap pag-anyaya, paghihiwalay, pagtanggap, atbp.
(perfomative
utterances)
“Magandang umaga”
Halimbawa “Kamusta ka?”
“Maaari ka bang imbatahan na dumalo sa
aking kaarawan?”
5. PERSONAL
PERSONAL naman ang gamit ng wika kung ginagamit
ito ng tao sa pagpapahayag ng sariling personalidad batay sa
sariling kaparaanan, damdamin, pananaw, o opinyon. Ang
paggamit kung minsan ng salitang “Ito ako” ay naghuhudyat
sa ganitong gamit ng wika.
PERSONAL
TUNGKULIN NG WIKA Ito ako

- Pagpapahayag ng sariling
Deskripsyon indibidwalidad at pagpapahayag ng
sariling damdamin o personal na
nararamdaman
Mga bigkas na ginaganap Paghanga, pagkayamot, pagkainip,
(performative utterances) pagmamahal, pagrerekomenda o sa
pamamagitan ng maingat na pagpili ng
salita, pagkagalit, pagkatuwa, kasiyahan,
padamandamn, pagmumura
Halimbawa “ Palaban ako at hindi ako paaapi.”
6.HEURISTIKO
Ang gamit ng wika kung ito ay ginagamit sa paghahanap o
paghingi ng impormasyon upang makapagtamo ng ibat ibang
kaalaman sa mundo. Madalas din itong ginagamit sa paaralan
upang makapagtamo ng kaalamang sa akademik at propesyonal.
Ang ginagamit kung minsan ng salitang’’ sabihin mo sa akin kung
bakit’’ ay naghuhudyat sa ganitong gamit ng wika.

Tungkulin sa Wika Heurisutiko


Sabihin mo sa akin kung bakit?
Paggamit ng wika sa pagkatuto at kaalaman
Deskripsyon hinggil sa kaniyang kapaligiran

Mga Bigkas na Ginaganap Pagtatanong, pagsagot, pangangatuwiran,


( Performative Utterances) pagbibigay konklusyon at katuturan, hypothesis,
pagsubok/pagtuklas, pagpapaliwanag, pagpuna,
pagsusuri, pagbuo, pag-ulat at pagtataya

‘’ Bakit nagkakaroon ng low tide?’’


Halimbawa
7. IMAHINATIBO
Imahinatibo ang gamit ng wika kung ginagamit ng tao
ang wika kung ginagamit ng tao ang wika sa pagpapalawak ng
kanyang imahinasyon. Ginagamit ang wika upang makabuo ng
malikhaing pagsulat o maipakita ang pagiging malikhain.
Tungkulin sa wika Imahinatibo
Kunyari ganito……

- Gamit ng wika sa pagpapalawak


Deskripsyon ng imahinasyon.
Mga Bigkas na Ginaganap -Paglalagay sa sarili sa isang
( Performative Utterances) katauhan na hindi totoo at dala
lamang ng malikot na pag-iisip
Halimbawa -“ Kung ikaw ay bibigyan ng super
powers, ano kaya ito at bakit?”
-” Kung ikaw ay tutubuan ng pakpak,
saan mo balak pumunta?”

You might also like