Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 63

Inihanda ni: Jane Bryl Hembra-Montialbucio

MA.Ed Filipino

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 1


Hindi na yata
nakayanang bathin
ng mga Pilipino ang
kahirapan at
kawalang-katarungan
sa loob ng maraming
taong pananakop ng
diktador na
Pangulong Marcos.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 2


Ang pagkamatay ni
Ninoy Aquino ay tila
apoy na nagpaliyab sa
damdaming
makabayan ng mga
Pilipino na lumaban
nang kapitbisig upang
mapanatili sa bayan
ang demokrasya.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 3


Ngunit talagang
katangi-tangi ang
paglalabang ito.
Payapa, hindi
madugo, walang
baril, walang buhay
na nasawi. Ito ang
tinatawag na
rebolusyon sa EDSA.
13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 4
Kahanga-hangang pangyayaring dapat tularan ng buong
mundo – kandila, bulaklak, rosaryo at mga panalangin ang mga
sandatang ginagamit ng mga mamamayan.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 5


Napasuko ang mga
sundalong hukbo ng
pamahalaang Marcos.
Nagpakita ang pangyayaring
ito ng pagkakaisa ng isipan at
damdamin ng mga Pilipinong
lubos ang pagtitiwala sa
kapangyarihan ng Dakilang
Maykapal. Sa isang salita
nagtagumpay ang People Power
at Panginoon.
13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 6
Ang mga damdaming ito ng pagkakaisa at
pagtatagumpay ng kapangyarihan ng taong bayan ay
naipahayag sa kanilang mga panulat sa mga
pahayagan, mga magasin, at maging sa mga awitin ng
mga kilalang mang-aawit. Kaya naging popular ang
kantang Pagkakaisa, Bayan Ko, Dahil sa Iyo, Ako’y
Pilipino, Mga Kababayan Ko at iba pa.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 7


Sa kabilang dako, ang buong
akala ng mga mamamayang
Pilipino ay matatamo na ang
pagbabago at katahimikan
ng bansa dulot ng
mapayapang rebolusyon lalo
nang nahirang si Corazon
Cojuangco Aquino, ang balo
ng yumaong senador, na si
Ninoy, at naging unang
babaeng pangulo ng
Pilipinas.
13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 8
Ngunit maliban sa mangilan-ngilang reporma tulad
ng pagpapanauli ng demokrasya, pagbabago ng
ekonomiya ay hindi man lang nabigyang lunas ang mga
suliranin tungkol sa graft at corruption, kabiguan ng
reporma sa lupa, pagtataas ng mga bilihin, problema sa
tubig at kuryente, pagbaba ng ekonomiya ng bansa at
marami pang iba.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 9


Nadagdagan pa ito ng problema ng mga lindol,
baha, bagyo at ang pagsabog ng bulkang Pinatubo
kaya malaking halaga ang napunta para sa mga lugar
na ito lalo na sa mga taong naging biktima ng mga
nabanggit na kalamidad.

Ang mga problemang ito na dulot ng kalikasan


ang halos laging laman ng mga babasahin lalo na ng
mga pang-araw-araw na pahayagan.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 10


Noong taong 1992
naganap ang unang
eleksyon sa ilalim ng
1987 Konstitusyon. Dito
nahalal si Pangulong
Fidel V. Ramos, ang
noo’y Ministro ng
Depensa ng bansa noong
panahon ni Pangulong
Marcos.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 11


Dito nagtiwala muli ang mga Pilipino at patuloy rin
ang kanilang paghahangad na mabigyan ng kalutasan ang
mga problemang hinaharap ng bayan. Bilang paghanda
sa kanyang pangarap na matamo ang katatagan sa
ekonomiya sa pamamagitan ng kaunlaran sa industriya
at teknolohiya ay naglunsad si Pangulong Ramos ng
kaniyang Programang
“Pilipinas 2000”.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 12


Lumaganap kahit saang dako ang mga slogan at
mga kasabihan bilang pagsuporta sa programang ito,
tulad ng “Think Big!”, “Think Clean!”, “Bayan
Muna, Bago ang Sarili”, “Save the Earth”, at iba
pa.
Ngunit totoong kakaiba si Pangulong Ramos bilang
pangulo ng bansa. Siya ay may pinakamaraming bansang
napuntahan. Ito raw ay dahil hangad niyang mahikayat
ng mga mayamang mangangalakal sa ibang bansa na
magpundar ng negosyo sa Pilipinas.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 13


Sa kabilang dako,
tila kabiguan pa rin ang
natatamo ng bansa. Ang
problema ng pagsabog ng
bulkang Pinatubo ay
naging malubha at
humantong sa mas
malaking problema ng
lahar sa malaking bahagi
ng kalagitnaang Luzon.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 14


Dumating na rin
ang problema ng mga
OCWs (Overseas
Contract Workers) na
halos yumanig sa buong
bansa lalo na yaong
pagbitay kay Flor
Contemplacion sa
Singapore.
13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 15
Mayroon ring problema sa Value Added Tax, sa GATT
(General Agreement on Tariff & Trade), ang parami nang
paraming kaso ng panggagahasa, krimen tulad ng pagmassacre
sa buong pamilya, ang problema sa PNP tulad ng Kuratong
Baleleng rub-out, pagpalaganap ng shabu at druga at sa
kasalukuyan ang problema sa pulitika.

Ang mga ito ang madalas na laman ng pang-araw-araw na


pahayagan. Nasasalamin ang mga problemang ito ng ating bansa
sa mga akda at panulat ng mga manunulat na Pilipino.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 16


Ngunit dahil sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya na
nagbunga ng mga maraming imbensyon tulad ng mga radio, TV,
Beta at VHS players, computers, cable TV network atbp., ang
lahat ng nagaganap sa bansa ay hindi lamang nilalathala o
nababasa kundi napapanood pa sa halos bawat sulok ng bansa.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 17


13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 18
Tema / Paksa at Katangian ng Akda
Nakapagdulot ng mga temang pampanitikang may
kaugnayan sa:
 rebolusyong kultural
 pagkagising ng lipunan at diwang pampolitika
 muling-napukaw na pagkamakabayan
 opinyonadong mga kilusan at pagpoprotesta
 di-pagpayag sa lipunang maka-lalaki
 at pagdagsa ng mga nangingibang-bayan.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 19


Tema / Paksa at Katangian ng Akda
Nagsimulang magsulat ang mga babaeng manunulat ng
mga sitwasyon ng mga katulong-sa-bahay na babae at ng
mga nakatira sa iskwater, kung saan ginamit nila ang kanilang
mga kakayahan at kasanayan kapwa sa katutubong wika at
Ingles. Isa sa mga dahilan ng pagsusulat nila sa katutubong
wika ang makahikayat, makapagbigay ng kaalaman at gisingin
ang diwa ng mga mamamayan. Maraming mga mamamayan ang
"pinabilanggo, sinaktan," o "pinatay." Kabilang sa mga
kababaihan na naging mga manunulat ng ganitong anyong
makalipunan, makapolitika, at makaaktibista.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 20


Sa loob ng sampung taon mula noong 1986 nang
magising ang mga taong bayan at alalagot ang tanikala ng
pamahalaang diktatoryal hanggang sa pagkakalunsad ng
Philippines 2000 ni Pangulong Fidel Ramos, ay napakaraming
bagay ang pinagkaabalahan ng lahat.

Maliban sa maraming pagbabagong nagaganap sa halos


lahat ng aspekto ng buhay Pilipino tulad ng sa ekonomiya,
pulitika, panlipunan at maging sa larangan ng edukasyon
maging mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya. Kaya dahil
dito marami ang mapaglilibangan ng mga taong bayan.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 21


Sino ba naman ang magpalipas pa ng oras sa
pagbabasa ng mga maikling kwento kung mayroon
nang mga family computer, beta at VHS player,
cable TV network na mas lalong nakalilibang dahil sa
anumang pangyayaring nagaganap ay hindi lamang
nababasa kundi nakikita pa.

Samakatuwid bagamat may naisulat o may


sumusulat pa rin naming mga maikling kwento sa
kasalukuyan ay masasabi nating apektado na ng
lahat ng pagbabagong ito.
13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 22
• Ugat ni Genoveva Edroza-Matute

• Si Duglahi, Isang Patak ng Dugo ni Luis P.


Gatmaitan, M.D

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 23


13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 24
Tema / Paksa at Katangian ng Akda

Ang mga tulang nasulat pagkatapos ng


naganap na Lakas ng Bayan o "People's Power
sa Edsa ay nagpakita ng kalayaan sa
pagpapahayag at maging sa paksa. Pinaksa ng
mga tula sa panahong ito ang mga nagaganap
sa kapaligiran at sariling mga damdamin ng
mga makatang nagsisisulat ng tula.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 25


Tema / Paksa at Katangian ng Akda

May mga tula ng pagpupuri at panunuligsa


sa mga nanunungkulan sa pamahalaan at mga
katiwaliang nagaganap sa lipunan. Sa madaling
salita, patuloy ang kamalayang panlipunan ng
mga makata sa panahong kasalukuyan. Nilayon
ng mga tula sa kasalukuyang panahon ang
maging kasangkapan sa minimithing pagbabago
ng lipunang Pilipino.
13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 26
Tema / Paksa at Katangian ng Akda

Sa istilo ng pagsulat ng tula ay nanatili pa


rin ang dalawang paraan:

 may nagsisulat ng mga tulang may sukat at

 tugma at may nagsisulat sa malayang


taludturan.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 27


Tema / Paksa at Katangian ng Akda

Pangunahing layunin ng tula sa panahong


ito ay makapaghatid ng mahalagang mensahe
sa mga mambabasa. Bibihira ang mga tula ng
pag-ibig ngunit unti-unting nabubuhay na
paksa sa panulaan ang tungkol sa kalikasan
lalo pa't may mga kampanyang inilulunsad ang
pamahalaan sa pangangalaga ng kalikasan.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 28


Tema / Paksa at Katangian ng Akda

Ang pagtula sa ibabaw ng tanghalan ay


bihira nang mangyari maliban na lamang kung
ito ay hinihingi ng isang pangyayari sa isang
palatuntunang idinaraos. Ang indayog ng tula
sa panahon nina Balagtas, Jose Corazon de
Jesus, at Florentino Collantes ay wala na sa
tanghalan.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 29


Tema / Paksa at Katangian ng Akda

Ang Balagtasan ay bibihira na ring


marinig kung kaya't nakalulungkot na kapag
tinanong ng guro ang mga mag-aaral kung
nakarinig na sila o nakapanood na ng
Balagtasan, ang marami sa kanila ay hindi pa
ang sagot.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 30


Tema / Paksa at Katangian ng Akda

Ang pagbigkas ng tula sa tanghalan ay


pinalitan ng pag-awit. Ang awitin/awit ay isa
ring akdang nasa anyong patula na nilapatan
ng himig. Ito ay nagpapahayag ng damdamin
at karanasan ng may-akda.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 31


Tema / Paksa at Katangian ng Akda

Sa kasalukuyan, ang mga awitin ay


pumapaksa hindi lamang sa pag-ibig, kundi sa
lahat ng mga nangyayari, nakikita at
nararanasan ng tao sa kanyang pang-araw-
araw na buhay.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 32


Tema / Paksa at Katangian ng Akda
Katulad din ng mga karaniwang tula, ito ay
maaaring pumupuri at nanunuligsa sa mga
gawain at kaugalian ng tao. May mga awiting
gumigising sa damdamin at nangangaral sa mga
kabataan.
Ang isang uri ng awitin na palasak sa
kasalukuyan ay ipinalalagay na epektibo sa
paghahatid ng mensahe sa mga mamamayan ay
ang "rap" nina Francis Magalona at Andrew E.
13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 33
Tema / Paksa at Katangian ng Akda

May mga awitin din na naririnig at


nakikita sa telebisyon na habang inaawit ay
ipinakikita naman ang mga tagpong may
kaugnayan sa isinasaad ng awit. Ang
Pambansang Awit ng Pilipinas ay inaawit sa
telebisyon sa ganitong paraan.
Ang "Magkaisa", isang awiting inawit sa
Edsa noong naganap ang "People's Power."
13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 34
EDSA Rebolusyon, isang makasaysayang pangyayari na
nagpatunay lamang na lubhang nagpapahalaga sa kalayaan at
kapayapaan ang mga Pilipino. Sa panahong ito lalong umigting
ang damdaming pagkakaisa at lubos na dinakila at ikinararangal
ng bawat mamamayan ang kanyang pagka-Pilipino.

Bunga nito, naging panuntunan ng bawat isa ang “Bayan


Muna Bago ang Sarili”. Hindi maipagkakaila na ang mithiing ito
ay ipinahahayag sa pamamagitan ng mga awiting puno ng
pagmamahal at pagpapahalaga sa bayan gaya ng mga
sumusunod:

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 35


13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 36
Magkaisa ni Tito Sotto

Ngayon ganap ang hirap sa mundo Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw)
Unawa ang kailangan ng tao At magsama (bagong umaga, bagong araw)
Ang pagmamahal sa kapwa'y ilaan Kapit-kamay (sa atin Siya'y nagmamahal)
Isa lang ang ugat na ating pinagmulan Sa bagong pag-asa
Tayong lahat ay magkakalahi
Sa unos at agos ay huwag padadala
Ngayon may pag-asang natatanaw
Chorus May bagong araw, bagong umaga
Panahon na (may pag-asa kang matatanaw) Pagmamahal ng Diyos, isipin mo tuwina
Ng pagkakaisa (bagong umaga, bagong araw)
Kahit ito (sa atin Siya'y nagmamahal)
Ay hirap at dusa

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 37


13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 38
Ako ay Pilipino (titik: George Canseco, Inawit ni Kuh Ledesma)
Ako ay Pilipino
CHORUS:
Ang dugo'y maharlika
Ako ay Pilipino,
Likas sa aking puso
Ako ay Pilipino
Adhikaing kay ganda
Isang bansa isang diwa
Sa Pilipinas na aking bayan
Ang minimithi ko
Lantay na Perlas ng
Sa Bayan ko't Bandila
Silanganan
Laan Buhay ko't Diwa
Wari'y natipon ang
Ako ay Pilipino,
kayamanan ng Maykapal
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino,
Bigay sa 'king talino
Ako ay Pilipino
Sa mabuti lang laan
Taas noo kahit kanino
Sa aki'y katutubo
Ang Pilipino ay Ako!
Ang maging mapagmahal Jane Bryl Hembra-Montialbucio
13/06/2019 39
Ang diwa ng EDSA ay naging matiim at maalab sa mga
unang taon ng “Bagong Republika”. Ang damdaming ito ay
nasinag sa mga awit at iba pang anyo ng panitikang nilikha.

Ang Pilipino ay patuloy na naghahanap sa kaniyang


dakilang pinagmulan. Kasama na dito ang mga kabataang
tumutuklas ng kanilang sariling identidad o kakanyahan. Sa
sarili nilanng pagpapahalaga sa bayan, ay naging tanyag ang
“Pinoy Rap” na lubhang kinagigiliwan ng mga kabataan. Narito
ang isang halimbawa na inawit ni Francis Magalona.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 40


Mga Kababayan Ko
Mga kababayan ko Dapat magsumikap para tayo'y di maghirap
Dapat lang malaman Ang trabaho mo pagbutihin mo
nyo Dahil pag gusto mo ay kaya mo
Bilib ako sa kulay ko Kung kaya mo ay kaya nya
Ako ay pilipino At kaya nating dalawa
Kung may itim o may Magaling ang atin
puti Yan ang laging iisipin
Mayron naman Pag-asenso mararating
kayumangi Kung handa kang tiisin
Isipin mo na kaya Ang hirap at pagod sa problema
mong Wag kang malunod
Abutin ang yung Umaahon ka wag lumubog
minimithi Pagka't ginhawa naman ang susunod
Iwasan mo ang ingit
13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 41
Mga Kababayan Ko
Ang sa iba'y ibig mong Respetuhin natin ang ating ina
makamit Ilaw siya ng tahanan
Dapat nga ika'y matuwa sa Bigyang galang ang ama
napala ng iyong kapatid At ang payo n'ya susudan
Ibig kong ipabatid At sa magkakapatid
Na lahat tayo'y kabig-bisig Kailangan ay magmahalan
Dapat lang ay pag-usapan ang hindi
Ang sa iba'y ibig mong nauunawaan
makamit Wag takasan ang pagkukulang
Dapat nga ika'y matuwa sa Kasalan ay panagutan
napala ng iyong kapatid Magmalinis ay iwasan
Ibig kong ipabatid Nakakainis marumi naman
Na lahat tayo'y kabig-bisig Ang magkaaway ipag bati
13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 42
Masigla ang tunog – patalbug-talbog ang
indaak o indayog – maging ang mga bata ay may
sariling paraan din ng pagpapahayag ng kanilang
gawi at kilos. Tulad ng “Eh Kasi Bata” na inawit
ni Jamie Baby.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 43


13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 44
13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 45
Ang mga pang-araw-araw na gawain ng mga
Pilipino ay naisasalamin na rin sa mga tulang lumabas.
Kabilang dito ang pagsulong ng buhay dala ng bagong
teknolohiya, ang pagbaba ng moralidad at iba pang
problema-kahirapan, lindol, bagyo, baha, polusyon,
pulitika at ang mga kalagayan ng ating mga OCWS sa
ibang bansa.

Tunghayan ang awiting napatanyag dala ng walang-


awang pagbitay kay Flor Contemplacion sa Singapore.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 46


Kahit Kaunting Awa ni Nora Aunor
Bakit ba ang naging wakas
Koro:
Ng buhay ko’y ito?
Sinong mapalad, Sino ang kaawa-awa?
Maling hindi ko nagawa, bakit
Kami bang halos ang buhay ay
Nga ba ako?
Inialay sa bansa?
Kamatayan ang katumbas sa
Bagong bayani na ang sandata ay luha
Salang ‘di ako
Bigyan naman ninyo kami kahit ng
Katarunga’y bakit ba ganito?
kaunting awa
Kayrami ng katulad kong nasa
Mayroon pa bang naghihintay
Ibang bansa
Sa mga katulad ko
Inaapi, sinasaktan, kasama’y
Mayro’n pa bang pag-asa na lumigaya
Laging luha,
Sa mundo?
Marahil nga ay ‘di kami ang
Sana’y huwag nang maulit ang isang
Tanging pinagpala
katulad ko,
Ng Maylalang dito sa balat ng
Ang sala ng iba’y tinubos ko.
lupa.13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 47
Mula sa Singapore: Mula sa mga Liham ng Pinay

Sugatan ang ngiti ko nang lisanin kayo


Malagim ang kahapon at malabo ang bukas
Ngunit kailangang ipakipagsapalaran
Kahit ang mga payak ninyong halik at yakap.
Malinaw na malinaw sa pananda
Ang paglalim ng pileges sa noo ni Ama,
Ang namintanang luha sa mata ni Ina,
Ikinubli lamang ng mga pisil sa palad
At niligis ng wala-nang-bangong bulaklak.
Bumubuntot ang mga bilin at tawag
Sa papalayong hakbang ng panganay na anak.
13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 48
Mula sa Singapore: Mula sa mga Liham ng Pinay

Umalis akong may dawag ng takot


Hatid ng dalita’t walang pangalang pagod.
Lumulusot ang kirot sa nakabihis na tapang
Ngunit kailangang makawala sa gapos ng utang.

Umalis akong may udyok ng pangarap


Makauwi sa galak, maahon sa hirap,
Bugnot na palibhasa sa galunggong at kanin
At palad na meryendang kamote’t saging.
Pangarap ko ring maging maybahay
Ng isang ginoong guwapo’t ginagalang,
Maligo sa pabango kung Sabado’t Linggo
At mamasyal sa parke nang walang agam-agam.
13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 49
Mula sa Singapore: Mula sa mga Liham ng Pinay
Lumipad nga ako’t dito nasadlak,
Nagsusulsi ngayon ng sunog na pakpak.
Sa among banyaga pagkatao’y itinakwil
Ipinahamig na ganap sa madlang hilahil.
Nakaniig ko rin ang tunay na hirap
Sa isang gusaling may dalawampung palapag.
Utusan, yaya, kusinera’t labandera
Sakop kong trabaho’y lahat-lahat na.
Labing-anim na oras na walang tawad
Ang kayod ko rito sa maghapong singkad.
Kaninong mata ang di mababasag?
Kaninong dila ang di magliliyab?
Mabuti nga’t may nalabing panahon sa pagtulog
Sa altar ng pangarap, may maidudulog.
13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 50
Mula sa Singapore: Mula sa mga Liham ng Pinay

Mabuti na ito, kayo rin ang may sabi,


Magpaalila man ako’y may maisusubi.
Inilalakip ko rito ang kaunting halaga,
Pag-initin agad sa pagas na bulsa.
Kalimutan muna ang nasang sinimpan
Pag-asuhing madali ang palayok at kalan.
Samantala’y ipagdasal nang taos at taimtim,
Matagalan ko ang hirap at
saklot nang panimdim;
Tumibay akong kasabay ng siyudad
Bago mamanhid ang isip at puso’y tumigas.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 51


Ang tulang “Liham ni Pinay mula sa Singapore.” Animo’y alusyon
yaon sa malagim na sinapit ng gaya nina Flor Contemplacion at
Delia Maga sa Singapore. Ang naturang tula ay masasabing
bahagi ng salamin na ibig ipamalas ng makata, ang salaming
nagbubunyag sa katauhan ng babae bilang Anak-Ina-at-Inang
Bayan, habang inihihimaton ang mahalagang papel niya sa
mapagpalayang pakikibakang pampolitika. Ang sari saring sipat
sa babae ay masasabing nasa lawas ng isang uniberso; at ang
personang si Pinay-bilang Filipina, migranteng manggagawa, at
mapagpalaya-ay lastag na sagisag na nangangailangang
pagpakuan ng pansin.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 52


Ang mga tula na naglalaman ng halos walang
kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng
mga makata,ang tuwirang pagpuri sa mga
nanunungkulang, nakagagawa ng kabutihan sa
bayan at panunuligsa naman sa mga tiwali ang
gawa. Ilang halimbawa ng mga tula :

1.Giting ng Bayan - ni Francisco Soc. Rodrigo


2.Himala ni Bathala - ni Francisco Soc. Rodrigo

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 53


Mga Tula mula sa isang mamamahayag na walang
kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng
makata:
1.Lumaya ang Media - hango sa Taliba,Abril 16,1986

2.Bawasan ang Amortisasyon - Taliba,Mayo 12,1986

3.Alambreng may Tinik na Bombang Tubig at Usok na


Malupit-ni Remi Alvarez Alva

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 54


Dula at Dulaan :

1.Dalawang Mukha ng Kagubatan - ni Emelina G.


Regis- ito’y iisahing yugtong dula nananalo na unang
Gantimpalang Palanca

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 55


 Ipinapakita ang makasaysayang tagpong naganap sa
sambayanang Pilipino.

 Nadarama ang labis na katuwaan ng mga Pilipino sa


nakamit na bagong kalayaan.

 Pagsasadula ng mga nakaraan at kasalukuyang


pangyayari sa ating bansa.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 56


Mga Sanaysay:

1.Pag-ibig Laban sa Tangke - ni Teresita Sayo

2.Bukas na Liham - ni Jocelyn M. David

3.Dikta ng Dayuhan - ni Romulo Alenio Caralipio

Nakakapagpahayag ng mga tunay na niloloob nang


walang takot o pangamba.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 57


Ilan sa mga dulang katatawanang Pantelebisyon:

1.Chicks to Chicks
2.Eh, Kasi Babae
3.Sa Baryo Balimbing,atbp.

Nagsasabi o nagpapahayag ng kasulukuyang pangyayari


sa bansa.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 58


Nagkaroon ng mga bagong pahayagan at iba pang
babasahin:

1.Midday Malaya
2.Daily Inquirer
3.Masa
4.Daily Mirror
5.Veritas
6.Pilipino Ngayon

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 59


Iba pang mga manunulat:

 Ponciano Pineda Liwayway Arceo


 Rogelio Sikat Virgilio Almario
 Efren Abueg Lamberto Gabriel
 Narciso del Rosario
 Isagani Cruz
 Edgardo Reyes
 Domingo Lanicho
 Lydia Gonzales at marami pang iba

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 60


Hanggat ang tao ay may kakayahang magpahayag
– hanggat patuloy ang pagraragasa ng mga alon ng
karagatan sa dalampasigan – hanggat ang sining at
agham ay pinapahalagahan ng sangkalibutan.

Ang tao ay walang humpay na lilikha ng kaniyang


natatanging panitikan sa mga dahon ng panahon… na
sana’y laging may paglingap sa kaniyang huling
hantungan…

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 61


Katulad ng isang mayabong at malabay na
punong kahoy na sa tuwina’y hitik na hitik sa
bunga ang Panitikang Pilipino ay makikipag
matagalan sa tangkay ng panahon.

13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 62


13/06/2019 Jane Bryl Hembra-Montialbucio 63

You might also like