Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 41

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

0Isinilang si Marcos noong Setyembre


11, 1917 sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte.
0Ang kanyang ama ay si Don Mariano Marcos
na naging Kongresista sa Ilocos at Gobernador
sa Davao. Si Josefa Edralin naman ang
kanyang ina, ay isang guro sa kanilang bayan.
0 Panganay siya sa apat na magkakapatid. Ang
kanyang mga kapatid ay sina Dr.
Pacifico, Elizabeth at Fortuna.
Edralin-Marcos Family
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0May mga nagsasabi na ang tunay daw na ama
ni Marcos ay ang kanyang ninong na si
Ferdinand Chua, na pinaniniwalaan na
nagpa-aral sa kanya.
0Sa Sarrat Central School ay nagtapos siya ng
Elementarya at sa Maynila nagpatuloy sa
mataas na paaralan.
0Taong 1930, kumuha si Marcos ng Abugasya
sa Unibersidad ng Pilipinas at nagtapos
bilang Cumlaude noong Marso1939.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0Nagri- review noon si Marcos para sa bar
exams nang matalo ang kanyang ama sa muli
nitong pagtakbo bilang kongresista.
0Ang tumalo dito, si Julio Nalundasan ay
nabaril at namatay pagkatapos ng halalan.
0Si Marcos ang napagbintangan, at kahit pa nga
isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa
kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong
taong pagkabilanggo.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0 Nasa loob siya ng kulungan ng maging
topnotcher sa bar exams at nang maging
ganap na abugado ay hiniling niya sa Kataas-
taasang Hukuman na payagan siyang
ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa
kanya. Dahil sa kanyang talino at kahusayan ay
pinayagan siya ng Korte Suprema.
0Nanalo siya at napawalang- sala. Tinanghal
siyang “Lawyer of the year” at hinangaan ng
mga kapwa abogado.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0Nagsilbi si Marcos sa Sandatahang
Lakas ng Filipinas noong panahon ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
0 Pinanindigan ni Marcos na siya ang
namuno sa mga gerilya laban sa
pananakop ng Hapones sa
Pilipinas, paninindigang kaniyang
pinanghawakan sa kanyang buong
karera sa pulitika.
Manuel Roxas
1946-1947, nagsilbi si Marcos bilang katulong sa
bagong pangulo ng nagsasariling republika na
si ManuelRoxas.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0Humiwalay si Roxas sa Partido Nasyonal, na
noon ay nangungunang partido upang buuin
ang PartidoLiberal.
0 Tumakbo si Marcos bilang kandidato ng
Partidong Liberal at nagwagi bilang
kinatawan ng Ilocos Norte noong 1949.
0 Nakatatlong termino siya bilang mambabatas.
Noong 1954 ay nakilala niya si Imelda
Romualdez na “Rosas ngLeyte”.
Ikinasal sila sa Huwes noong Mayo 1, 1954.
Ang Unang Pamilya
Nagkaroon sila ng tatlong anak, sina
Imee, Ferdinand Jr.at Irene.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0Nagwagi si Marcos bilang senador
noong 1959.
0Nagsilbi siyang pangulo ng senado
mula noong 1963 hanggang 1965.
Diosdado Macapagal
Lumipat siya ng ibang partido upang makalahok
sa pambansang halalan bilang katunggali ng
dating pangulong DiosdadoMacapagal.
Lyndon B. Johnson
Nakuha niya ang suporta ng pangulo ng Estados
Unidos na si Lyndon B. Johnson at ng komunidad
ng mga dayuhang negosyante.
Madaling napagwagian ni
Marcos ang halalan.
Disyembre 30, 1965
Panunumpa ni G. Ferdinand EdralinMarcos
bilang ika-10 na Pangulo ng Republika ng
Pilipinas.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0Mula sa simula nang panunungkulan ni
Marcos bilang pangulo, tumindi ang
pagkakasangkot ng Estados Unidos sa
digmaan sa Vietnam.
0Ang digmaan na ito ang nagpasok ng bilyun-
bilyong dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas.
0Maraming proyekto ang pinondohan ng mga
dayuhang nagpapautang, na naging malaking
tulong sa pag-unlad ngekonomiya.
Naglagay ng dalawang base ng militar ang Estados
Unidos sa Pilipinas. Ang mga ito ay ang Clark Air
Base at Subic Bay Naval Base.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

0Nakadagdag pa ang paglulunsad ni


Imelda Marcos ng serye ng mga
prestihiyosong proyekto
sa Maynila, kasama na ang pagtatayo ng
mga gusali ng museo at magagarang
otel.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0Noong 1969, makaraang mangampanya gamit
ang islogan na "Bigas at Daan," muling
nanalong pangulo si Marcos na nakakuha ng
74% boto.
0Siya ang kauna-unahang pangulo na nanalo
sa ikalawang termino, na pinahihintulutan
ng konstitusyon.
0Maging ang mga nanalong senador at
kinatawan ay nanggaling sa Partido
Nasyonal, na kaniya ring partido.
Disyembre 30, 1969
Pasinaya sa Pangalawang termino ni
Pangulong Ferdinand E.Marcos.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0 Habang si Marcos ay nasa kaniyang ikalawang
termino, humarap siya sa maraming suliranin.
0Maraming mga mag-aaral sa unibersidad at
mga Pilipino ang tutol sa patuloy na
presensiya ng mga militar ng Estados Unidos
at patuloy na pagsuporta sa mga polisiya ng
Estados Unidos laban sa Vietnam.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0Ang partidong komunista sa Pilipinas ay
lalong naging aktibo at naglunsad ng
malawakang kaguluhan sa maralitang taga-
nayon at taga-lunsod.
0Sa katimugang bahagi naman ng Pilipinas, ang
kilusan ng mga Muslim ay dumadagsa na rin.
Agosto 21, 1971
Pangbobomba sa Plaza Mirandao
Limasawang Miranda
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0Ilang oras pagkaraan ng pagpapasabog ng
bomba sa Plaza Miranda, ipinalabas ng
Pangulong Marcos ang Proklamasyon Bilang
889 na sumususpindi sa pribelihiyo ng “writ
of habeas corpus” upang mapanatili ang
kapayapaan , mapangalagaan ang mga
mamamayan at mapanatili ang kapangyarihan
ng pamahalaan.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0Noong Enero 7, 1972 ganap na binawi ni
Pangulong Marcos ang kautusang
nagsususpindi sa pribelehiyo ng writ of
habeas corpus.
0Hindi naglaon pagkaraan bawiin ang
suspensyon ng karapatan sa writ, ang
kapayapaan at kaayusan ng bansa ay lumubha
ng lumubha.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0Dahil sa lumalalang suliranin sa kapayapaan at
kaayusan sa bansa, isinailim ni Pangulong
Marcos ang buong bansa sa Batas Militar sa
bisa ng Proklamasyon Bilang 1081 na
kanyang nilagdaan noong Setyembre
21, 1972.
0Sinupil ni Marcos ang mga pulitikong tumutol
sa kaniya. Inaresto ang pulitikong pinuno na
si Benigno Aquino Jr..
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0 Winakasan ang kalayaan ng mga
mamamahayag. Ang bagong konstitusyon ay
pormal na ipinahayag ni Marcos noong Enero
1973 na nagbigay ng lubos na kapangyarihan
sa pangulo at pagpapaliban ng mga halalan
0Noong 1981, opisyal na binawi ni Marcos ang
batas militar, ngunit nanatili pa rin ang
kanyang emergency power upang magamit
para sa pekeng halalang pampangulo. Kagaya
nang inaasahan, si Marcos ay nanalo ng isa
pang termino.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0Noong 1983, nagdesisyon si Aquino na
bumalik na sa Pilipinas. Siya ay binaril sa likod
ng kaniyang ulo, at namatay ilang minuto
lamang makaraang dumating sa Manila
International Airport o Ninoy Aquino
International Airport ngayon.
0Sinabi ng pamahalaan na ang pagkakapatay
kay Aquino ay gawa ng upahang
mamamaril, na napatay ng pulisya sa
paliparan.
Ninoy Aquino Assassination
August 21, 1983
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0Ang pagkamatay ni Aquino ang naging
malaking puwersa sa pagbagbsak ni Marcos.
0 Inilarawan ni Corazon Aquino, biyuda ni
Aquino, si Marcos bilang isang brutal na
diktador.
0Upang makuha muli ang puwesto at
magpatuloy ang suporta ng Estados Unidos sa
kaniyang rehimen, inihayag ni Marcos ang
pagkakaroon ng biglaang halalan pampangulo
noong Pebrero1986.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0 Inaasahan ni Marcos ang pagkapanalo, dahil
sa kaniyang makinarya at sa pagkakahati-hati
ng oposisyon.
0Ngunit bumuo si Cardinal Sin ng alyansang
oposisyon, at hinikayat si Corazon Aquino
upang tumakbo sa pagkapangulo at si
Salvador Laurel bilang pangalawang pangulo.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0Sinasabi ng parehong kinatawan na si
Corazon Aquino ang nanalo ngunit kinilala
ng pambansang asemblea si Marcos bilang
siyang nanalo.
0Noon, nagpahayag ang Simbahang Katoliko
na ang naganap na halalan ay isang panloloko
lamang at ang tagumpay ni Marcos ay isa
lamang kahungkagan.
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0Pebrero 22, 1986, dalawa sa matataas na
opisyal ng militar ni Marcos ang nagbitiw ng
suporta sa kaniya.
0 Nanawagan si Cardinal Jaime L. Sin sa taong
bayan, nagdagsaan ang mga tao at 4 na araw
pinalibutan ng mga tao ang mga kampo na
kinalululanan ni Enrile at ng kaniyang mga
kasama.
0Walang nagawa ang mga tropa ni Marcos
sapagkat hindi nila maaaring saktan ang libu-
libong mga tao.
EDSARevolution
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0Noong Pebrero 26, ang pamilyang Marcos at
ang mga taong malalapit sa kanila ay lumipad
patungong Hawaii lulan ng sasakyang
panghimpapawid ng Estados Unidos.
0Hinirang naman si Corazon Aquino bilang
pangulo ng Pilipinas na siyang nagbunsod sa
kanya bilang kauna-unahang babaeng
pangulo ng bansa.
Pasinaya ni Cory Aquino
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
0Nanatili si Marcos sa Hawaii hanggang sa siya
ay pumanaw noong 1989.
0 Makaraang pumanaw si Marcos, si Imelda ay
pinawalang sala sa kasong panglulustay ng
hukuman ng Estados Unidos at nahatulang
nagkasala sa kasong pangungurakot ng
hukuman ng Pilipinas noong 1993 ngunit
binaliktad ng korte dahil sa kaniyang apela
noong 1998. Maging sa iba pang kaso, siya ay
pinawalang sala rin.
Noong 1993, ibinalik ang naimbalsamang
bangkay ni Marcos sa bansa at inilagak sa isang
glass case crypt. Ito ay makikita sa kanyang
museleo sa kanyang sinilangang bayan.

You might also like