Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Negosyo o Establishimento

na nais maipatayo
sa Paoay
ABSTRAK
BUTAC, CHRISTIAN JAY J; RAGUAL, GRECEL; SACUPASO, CHRISTINE JOY;TADENA
CHRISETTE P; Paoay National High School, Marso 2018 "Negosyo o Establishmnto na nais maipatayo
sa Paoay".
Tagapayo: G. John M. Gonzales
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang mga kulang na negosyo na
nais ng mga mamamayan na magkaroon ang Paoay.
Ang mga mananaliksik ay nakipag ugnayan sa mga nasabing mamamayan upang patibayin ang
kahilingan na maisagawa ang ang kanilang pananaliksik. Kung saan pumili sila ng tatlong pong (30) taga
tugon na binubuo ng dalawam put limang (25) mamamayan, tatlong (3) negosyante, at dalawang (2)
government official. Ang mga taga tugon ay napili sa pamamagitan ng convenience sampling.
Ang mga nalikom na datos ay kanilang nilapatan ng pagsusuring istatistikal na frequency at
percentage at kanilang sinuri ang mga kulang na negosyo na nais nilang magkaroon ang Paoay.
Sa kinalabasan ng Pag-aaral, malinaw na marami pang negosyo ang nais nilang maipatayo tulad
ng Mall, Fastfood, at Supermaket.
Layunin ng Pag-aaral
Ang pag aaral na ito ay may layuning malaman kung ano ang nais na
ipatayo na negosyo ng mga mamamayan ng Paoay. Naglalayon din itong
makapagbigay ng impormasyon sa mga negosyante kung ano ang maganda na
ipatayong negosyo.

Ang layunin na ito ay naglalayong matugunan ang mga sumusunod na


katanungan:
1. Anong negosyo ang palagi mong pinupuntahan sa ibang bayan?
2. Meron ba itong negosyo sa ibang bayan? Kung meron bakit sa ibang bayan ka
bumibili? Kung wala anong negosyo ang nais mo mong magkaroon ang Paoay?
3.Bakit wala pang katulad na negosyo ang naipatayo sa Paoay?
Saklaw at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga kulang na
negosyo sa Paoay. Saklaw ng pag aaaral ang mga
mamamayan ng Paoay. Ang mga mamamayan ng Paoay
ay siyang magbibigay ng kasagutan ng mga tanong ng mga
mananaliksik.
KABANATA III
PAMAMARAANG GINAMIT

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa pananaw ng mga tao


na nais magpatayo ng negosyo sa Paoay. Gumamit ang mga
mananaliksik ng qualitatibong pananaliksik. Naniniwala ang mga
mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksa.
LOKAL NA PAG-AARAL
Isingawa ang pananaliksik na ito sa bayan ng Paoay.

PAGPILI NG MGA KASAPI AT TAGA TUGON


Gumamit ang mga mananaliksik ng convenience sampling kung saan
ang pagpili ng mga respondante ay mas matibay ang makukuhang mga
datos at impormasyon.
PANGANGALAP NG MGA DATOS
Ang mga mananaliksik ay kumuha ng tatlumpong (30) mga
respondante o tagatugon na may dalawam put lima(25) na
mamamayan ,tatlong(3) negosyante at dalawang(2) government
official ng Paoay.

ISTATISTIKAL NA PAGLALAPAT
Sa pagsusurin ng mga pahayag gumamit ang mga
mananaliksik ng istatistikal na frequency at percentage.
Upang pag-aralan at bigyang kahulugan ang mga datos na
nakalap mula sa talatanungan.
Talahanayan I: Mga gampanin ng mga
tagatugon sa bayan ng Paoay.
Total (f) %

Government Official 2 6.67

Mamamayan 25 83.33

Negosyante 3 10

n= 30
Talahanayan II: Mga pamilihan o establishimento na palaging
pinupuntahan ng mga tagatugon sa ibang bayan o
lungsod.(Pumili ng hindi hihigit sa tatlo.)

n= 30
Talahanayan II.B: Mga establishimentong palaging pinupuntahan ng
mga tagatugon na nabibilang sa nangungunang tatlong
establishimento o negosyo sa talahanayan II.A.

n= 28
Talahanayan III.A: Kung nasa bayan ba ng Paoay o wala ang mga
nasabing establishimento sa Talahanayan II.B.
Talahanayan III.B: Dahilan kung bakit sa ibang bumibili kahit mayroon ito
sa Paoay.
Talahanayan III.C: Mga nais na ipatayo ng mamamayan ng Paoay na uri ng
negosyo o establishimento.
Talahanayan IV: Mga dahilan kung bakit wala pang naipapatayong
ganitong uri ng negosyo sa bayan ng Paoay.
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON
LAGOM

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa kulang na negosyo sa bayan ng


Paoay. Napili ng mga mananaliksik ang paksang ito upang matulungan ang mga
negosyante ang pwedeng papatok na negosyo sa Paoay at matulungan ang mga
mamamayan upang hindi na sila pumunta sa ibang bayan pa.
Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay qualitatIbong pananaliksik na
ginamitan ng convenience sampling sa pagpili ng mga kasapi nito. Sa kabuuan,
mayroon itong tatlumpong (30) tagatugon.
KONKLUSYON

Batay sa datos na nakalap, nabuo ang sumusunod na konklusyon:


1.Ang palaging pinupuntahan ng mga mamamayan ng Paoay ay ang mga uri ng
establishimentong Mall, Fastfood, at Supermarket.
2.Dahil mas mura ng bilihin at mas marami ang pagpipilian mas ninanais ng mga
mamamayan ng Paoay na bumili sa ibang bayan o lungsod.
3.Mas pinipili ng mga mamamayan ng Paoay ang magkaroon ng negosyong Mall,
Fastfood, at supermarket
4.Dahil sa problema ng pagpapatayuan ng mga negosyo wala pang naipapatayong
mga negosyong Mall, Fastfood, at Supermarket sa bayan ng Paoay.
REKOMENDASYON

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuong mga


mananaliksik ang mga rekomendasyong ito:
1.Para sa mga negosyante inirerekomenda na magpatayo ng isang Mall, Fastfoo, o
Supermarket na siguradong papatok sa lahat ng mamamayan ng Paoay.

2.Para sa gobyerno na mas maghikayat ng mga ganitong uri ng negosyo na


magpapatayo sa bayan ng Paoay.

You might also like