Mananahi Group 1 Mainit, Richel Gumban, Joselito Andea, Sarah Mae Baguioso, Pepe Jr. William Labov ■ Nag-aral sa Harvard at Columbia University, binabanggit ni William Labov ang papel ng uring panlipunan sa paggamit ng wika. Sa kaniyang pag- aaral, nagbabago ang tunog na /r/ sa Estados Unidos sa sosyoekonimikong antas ng isang tao. Isang sanhi ng pagbabagong ito ay ang exposure ng tao sa kaniyang kapaligaran lalo na't malaki ang impluwensya ng midya. Kung titingnan at iaangkop natin ang ganitong pag-aaral ni Labov, ano kaya ang dahilan kung bakit ang /s/ natin ay mayroong /h/? ■ Ang isang dahilan nito ay ang sosyoekonimikong antas. Isang dahilan nito ang pagkakaroon ng braces sa ngipin kung bakit hirap ang pagbanggit ng /s/ lamang. Ang pagpapabraces ay ipinalagay na isang palatandaan pagiging angat sa buhay dahil hindi biri ang presyo ng braces. ■ Empirikal ang pamamaraang ginamit ni William Labov sa pagkuha ng datos para sa kaniyang pananaliksik. Sa pamamaraang ito, inoobserbahan ng mananaliksik ang mismong nangyayari sa lipunan at inuulat ito nang buo. Isang halimbawa ng metodong empirikal ay sa pamamagitan ng obserbasyon, nakikita ng isang dalubhasa sa pag-aaral ng wika kung paano nakaapekto ang paggamit ng tao sa wika. Mga Terminong ginagamit ng mga nag-aaral ng wika •Speech Community - grupo ng tao sa isang espesipikong lugar. Halimbawa: Grupo ng mag-aaral sa Filipino 11 Organisasyon ng kababaihan Grupo ng magsasaka o mangingisda • Dayalek - varayti ng wika na ginagamit ng isang speech community Halimbawa: Tagalog na ginagamit sa Bulacan, Batangas, Quezon • Idyolek - personal na paggamit ng wika; kakanyahan ng tagapagsalita na gumamit ng isang wika Halimbawa: Magkakaibang pagsasalita ng tao dulot ng kaniyang mga ginagamit na ekspresyon, paraan ng pagbigkas, at iba pa. Iba amagsalita ang kambal na kahit parehong pamilya ngunit iba ang nahiligang interes •Register - pagbabago sa paggamit ng wika dulot ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Halimbawa: Pormal na pagpapahayag ng pangulo sa kaniyang SONA Impormal na usapan ng magkakaibigan •Estilo - paggamit ng wika na nakabatay sa relasyon ng nagsasalita sa kausap Halimbawa: Paggamit ng po at opo sa nakatatanda Paggamit ng "paki-" kapag may hinihiling •Mode - midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat. Halimabawa: Paggamit ng social media sites upang ipahayag ang damdamin Pagsasalita sa harap ng isang grupo sa pag-uulat