LINDOL BAGO Ang maagang pagpapaplano ang mabisang susi laban sa kalamidad. Alamin ang mga panganib dulot ng lindol sa inyong lugar. Siguraduhin na matibay ang pagkakagawa sa mga bahay o gusali. Ito ay dapat umaayon sa tama at iminumungkahing “safe engineering practice” na nakasaad sa National Building Code of the Philippines at National Structural Code of the Philippines. Alamin kung matibay ang gusali at iba pang mahalagang imprastraktura. Pagtibayin pa kung kinakailangan.
Ihanda ang inyong bahay, paaralan at lugar
na pinagtatrabahuhan. Itali o ikabit ng mahigpit sa dingding ang mga mabibigat na kagamitan. Tiyakin kung matatag ang mga pinagkakabitan ng mga bagay tulad ng bentilador at chandelier. Ilagay o itago sa pinakababa at ligtas na parte ng mga istante ang mga bagay, mga nakakalasong kemikal at mga bagay madaling magliyab. Alamin ang exit routes.
Maglagay ng daanan para sa mga
bata, buntis, matatanda at taong may kapansanan para sa panahon ng paglikas.
Alamin kung saan matatagpuan
at matutong gamitin ang mga fire extinguisher, first aid kit, alarm, gamit pang komunikasyon at emergency exit.
Maghanda ng “emergency supply
kit” na naglalaman ng “first aid kit”, pagkain, tubig, damit, kumot, radyong de baterya, “flashlight” at ekstrang batterya, at iba pa. HABANG MAGING MAHINAHON. Kung nasa loob ng isang MATIBAY na bahay o gusali, MANATILI SA LOOB! Gawing ang “DUCK, COVER and HOLD”. Kung kakayanin , buksan nang mabilis ang pintuan. Magtago sa ilalim ng matibay na mesa at humawak sa paanan nito at takpan ng mga kamay ang ulo at batok. Lumayo sa binatana at pintong babasagin, istante, kabinet, at iba pang mabibigat na mga bagay. Mag-ingat sa maaring bumagsak na mga bagay. Maging alerto at mapagmasid sa kapaligiran. Kung nasa LABAS, pumunta sa isang ligtas na lugar! Lumayo sa mga puno, poste Kung nagmamaneho, itabi at ng kuryente, pader at iba ihinto ang sasakyan! Huwag pang istraktura na maaring magtangkang tumawid sa bumagsak o matumba. tulay, overpass o flyover Lumayo sa gilid at dalisdis dahil maaaring napinsala ito ng mga bundok na maaaring ng lindol. gumuho. Kung nasa tabing dagat at nakaramdam ng malakas na lindol , mabilis na lumikas sa mataas na lugar. Maaaring magkaroon ng tsunami. MATAPOS Matapos ang pagyanig, piliin ang pinakaligtas at pinakamabiis na daan palabas ng bahay o gusali. Maging handa sa aftershocks. Huwag… … gumamit ng elevator. … pumasok sa mga gusaling may sira. … gumamit ng telepono maliban na lang kung kinakailangan. … mag-PANIC. Suriin… ang sarili at mga kasama kung Kung may kinakailangang lisanin nagtamo ng pinsala. ang tahanan, mag-iwan ng mensahe na nakasaad ang lugar ang mga linya ng tubig at na patutunguhan. kuryente kung nagkaroon ng sira. kung may natapong Dalhin ang emergency supply kit. nakakalason at madaling magliyab na mga kemikal. Patuloy na makinig sa mga kung may sunog, agad itong anunsyo at babala gamit ang kontrolin at puksain. radyong de baterya