Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 48

PAGSULAT NG

PANGULONG
TUDLING
(Editorial)
A. KATUTURAN NG
PANGULONG TUDLING

 isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan


ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng
kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa
mambabasa.

 Isang pinag-aralang kuru-kuro batay sa isang tunay na


pangyayari.
 Isang komentaryong nagpapayo, nagtuturo,
pumupuri o tumutuligsa tungkol sa
kahalagahan ng isang pangyayari.

 Bagamat ang pangulong tudling ay isinulat


ng isang kasapi lamang, ito’y paninindigan ng
buong pamatnugutan at ng pahayagan.
B. KATANGIAN NG
PANGULONG TUDLING
May kapangyarihang humikayat

Kawili-wili at maliwanag ang paglalahad

Makatarungang pangangatwiranan at
pagpapasya
 May kaiklian at hindi masalita

IIsang paksa lamang ang


tinatalakay

Hindi nagmumura, nangangaral


o nagsesermon
C . LAYUNIN NG
PANGULONG TUDLING

Upang magpabatid, magpakahulugan


at pumuna

Upang magbigay-puri, magpaunawa,


manlibang, magturo o manuligsa
D. MGA URI NG
PANGULONG TUDLING

1. Pangulong Tudling na Nagpapabatid


(Editorial of Information)- Ipinaalam ang
isang pangyayari sa layuning mabigyang-
diin ang kahalagahan niyon o mabigyang
linaw ang ilang kalituhang bunga ng
pangyayari.
Halimbawa:

Ano ang nilalaman ng isang memorandum?

Paano isinasagawa ang pagpaplano ng


pamilya?
2. PANGULONG TUDLING
NA NAGPAPAKAHULUGAN
(EDITORIAL OF
INTERPRETATION)
 Nagpapaliwanag ng kahalagahan o kahulugan ng isang
pangyayaring napabalita o ng isang kasalukuyang ideya,
kalagayan o katayuan. Dito binibigyan ng katuturan ang mga
siyu at ipinapakita ang mga taong may kaugnayan sa
pangyayari at ng kanilang layunin. Kung minsa’y ito ay
nagbibigay ng mungkahi tungkol sa maaring kahihinatnan.
Halimbawa:

Ano ang kahulugan at ibubunga ng isang


bagong memorandum na pinalabas ng punong-
guro?

Ano ang kabutihang maidudulot ng


pagpaplano ng pamilya?
3. PANGULONG TUDLING
NA NAKIKIPAGTALO
(EDITORUAL OF
ARGUMENTATION)

 Bagamat nagbibigay rin ng impormasyon at interpretasyon


ang editoryal na ito, ang tanging layunin ay ang hikayatin ang
mambabasa upang pumanig sa kanyang ideya o paniniwala.
Halimbawa:

Tama nag punong guro sa


pagpapalabas ng bagong memorandum
tungkol sa pagbabawal ng mahahabang
buhok sa mga lalaki.

Dapat magplano ng pamilya.


4. PANGULONG TUDLING
NA NAMUMUNA
(EDITORIAL OF
CRITICISM)
 ito’y hawig sa pangulong tudling na nakikipagtalo. Subalit
dito, Kapwa inihaharap ng sumulat ang mabuti at masamang
katangian ng isang isyu. Tinatalakay niya ang magkabilang
panig sa kabila ng katotohanang ipinagtatanggol niya ang isa
sa mga ito.
 Halimbawa:
 Ang Diborsyo: Makabubuti ba o Makapipinsala?
5. PANGULONG TUDLING
NA NAGHIHIKAYAT
(EDITORIAL OF
PERSUASION)
 Ito’y nagbibigay rin ng kahulugan, nakikipagtalo o
namumuna. Subalit ang binibigyang-diin ay ang mabisang
panghihikayat.

Halimbawa:

 Itaguyod ang Proyekto ng Punong-guro

 Panukalang Batas Laban sa Diborsyo, Suportahan


6 . PA N G U L O N G T U D L I N G N A
N A G PA PA N G A R A L O N A G B I B I G A Y
PURI (EDITORIAL OF
APPRECIATION,
C O M M E N DA T I O N , O R T R I B U T E )
 Pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang
nagawa; nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang taong
namayapa, na may nagawang pambihirang kabutihan o
sa isang bayani sa araw ng kanyang kapanganakan o
kamatayan.
7. PANGULONG TUDLING
NA NAGPAPAHAYAG NG
NATATANGING ARAW
(EDITORIAL FORSPECIAL
OCCASION)
 Bagamat ang uring ito ay may kalakip ding
pagpapakahulugan, ito’y ibinubukod bilang isang tanging uri.
Dito ipinaliliwanag ang kahalagahan ng mga tanging okasyon
tulad ng Pasko, Araw ng Kalayaan, Araw ng mga Bayani,
Buwan ng Wika, Linggo ng Pag-iiwas sa Sunog.
8. PANGULONG TUDLING
NA PANLIBANG
(EDITORIAL OF
ENTERTAINMENT)
 Ang uring ito ay hindi karaniwang sinusulat, at bihirang
malathala sa mga pahinang pang-editoryal. Dahilan sa ang
layunin ay makalinang, ito’y sinusulat sa paraang di-pormal,
masaya, kung minsa’y sentimental at karaniwang maikli
lamang.
Halimbawa:

Bagong moda sa kasuotan

Mga lalaking nakahikaw.


9. PANGULONG TUDLING
NA NAGSASAAD NG
PANAGANO (MOOD
EDITORIAL)
Pambihira ring isinusulat ito. Kalimitan ang
pinapaksa ay kalikasan. Nagpapahayag ito ng
Pilosopiya. Hindi nakikipagtalo; hindi
nagpapaliwanag.
10. PANGULONG TUDLING
NA BAKASAN (POOLED
EDITORIAL)

 Ito’y sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba’t-ibang


paaral at kanilang sabay-sabay na nilathala sa kani-
kanilang pahayagan.

Halimbawa:

 Pagtaas ng Matrikula, Huwag Pairalin


11. PANGULONG TUDLING
NA BATAY SA TAHASANG
SABI (EDITORIAL LINER)
 Ang layunin ay isang pangungusap o isang talatang
tumatalakay sa isang napapanahong pangyayari o balita
at nasusulat sa paraang masaya, mapanitikan o di-
pormal. Ito’y inilalagay sa katapusan ng tudling pang-
editoryal.
Halimbawa:

a. Isang mahalagang pangungusap ng pangulo ng bansa.

b. Pangungusap ng mga bayani na angkop sa kalagayn ng


bansa.

c. Siniping kawikaan sa isang kalagayan.

d. Matalinhagang pangungusap na may kaugnayan sa isang


kalagayan o pangyayari.

e. Isang palasak na kasabihang may ipinahihiwatig na aral.


E. PAGHAHANDA SA
PAGSULAT NG
PANGULONG TUDLING O
EDITORYAL
 kaiba ang pagsulat ng editorial kaysa pagsulat ng
balita. Sa pagsulat ng pangulong tudling kailangan ang
paghahanda at pagbabalangkas upang ito’y maging
makabuluhan sa mambabasa.
NARITO ANG MGA
HAKBANG SA
PAGHAHANDA AT
PAGBALANGKAS .
1. Magkaroon ng isang tiyak na paksang tatalakayin,
isang paksang kawili-wili sa mambabasa.

2. Magkaroon ng isang tiyak na layunin sa pagsulat ng


tatalakaying paksa. Ang layuning ito ay kailangang
makilala sa simula pa lamang.
3. Likumin ang mga talang mahalaga sa
tatalakaying paksa.

4. Suriin at unawain ang suliranin.

5. Isipin ang paraang gagamitin upang


akitin ang mambabasa.
F. MGA BAHAGI NG
PANGULONG TUDLING

Panimula

Katawan

Wakas
PANIMULA
(INTRODUCTION)

a. Balitang Batayan (newspeg) o ipotesis


(hypothesis)

b. Reaksyon sa balitang batayan o sa


ipotesis.
Halimbawa:
1.) Ang bagong patakaran ng punong-guro na nag-uutos sa
mga mag-aaral na nahuli sa klase na mag-aaral muna ng
leksyon sa silid aklatan habang sila ay naghihintay sa susunod
na asignatura isang matalinong pasya.
2.) Isang malaking karangalan para sa paaralan na ang mga
batang mamamahayag ay muling nanalo sa paligsahan sa
pagsulat.
Ang mga nasusulat sa bold face ay mga reaksyon. Ang nasa
tipong roman naman ay ang balitang batayan.
KATAWAN NG
EDITORYAL (BODY)

ito’y naglalahad ng mga tala, ideya o


paninindigan laban o sang-ayon sa
paksa.
PAGWAWAKAS O
KONGKLUSYON

sa bahaging ito ang pagpapatibay


sa kuro-kuro, mga tagubilin o mga
mungkahi.
G . MGA TUNTUNING
DAPAT SUNDIN SA
PAGSULAT NG
PANGULONG
TUDLING /EDITORYAL
1. Magkaroon ng kawili-wiling panimula na maikli
lamang upang akitin ang mambabasa.

2. Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng


mga katibayan nang maayos at malinaw.
3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa
halip ay, 1.) gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang
pagtibayin ang simulain. 2.) gumamit ng paghahambing at
pag-iiba-iba. 3.) gumamit ng magkatukad na kalagayan at 4.)
banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan.

4. Tapusin nang naaangkop.

5. Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang mga


panimula at ang pangwakas.

6. Gawing maikli lamang.


7. Huwag mangaral o magsermon. Ilahad lamang ang
katwiran at hayaan ang mambabasang gumawa ng
sariling pagpapasya.

8. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat,


kaisahan (unity), linaw (clarity), pagkakaugnay-ugnay
(coherence) at diin (emphasis).

9. Iwasan ang unang panauhan, isahang panghalip.


Gamitin ang editorial na “tayo”.

10. Sulatin nang payak lamang.


H. PAGSULAT NG
PANGULONG TUDLING

1. Mga Paraan ng Panimula

a. Pagtatanong

-Ano ang nangyari tungkol sa pinalabas na

b. Payak na paglalahad ng paksa

-Nagbabalak na naman ang pamahalaan upang humiram ng


pera sa ibang bansa. Napapanahon na upang tayo’y
suamalungat sa binabalak ng Pangulo.
c. Pagsasalaysay ng isang pangyayari o isang insidenteng may kaugnayan sa paksa.

- Masigla at maayos ang mock election na idinaos sa Kagawaran ng Araling


Panlipunan noong Oktubre 14 bilang paghahanda sa darating na pambansang halalan
na gaganapin sa Enero 20.

d. Pagsipi

- At sinabi ng Panginoo kay Cain, “Saan naroroon si Abel na iyong kapatid?”

At sinagot niya, “Aywan mo; ako ba’y tagabantay sa aking kapatid?”

Ang katanungang ito na ilang angaw na taon na ang nakaraan sa Hardin


ng Eden ay hindi pa nawawalan ng kahulugan. Ito rin ang katangunan na nais sagutin
ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralang Osmena nan gang pinakamalaking baha sa
kasaysayan ng Luzon ay naganap.
e. 1.) Kapansin-pansing panimula

- Ganitong araw rin, labing-walong taon na ang


nakararaan nan gang mga sibilyan – bata, matanda,
babae, lalaki, madre at pari ay nagsama-sama sa EDSA at
sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga bulaklak at ng
pagrosaryo ay naibagsak nila ang isang mapanghimagsik
na Pangulo.

2.) Paglalahad ng mga kuru-kuro o sang-ayon sa paksa.


3.) Paglalahad ng mungkahi o tagubilin tungkol sa
paksang binigyan ng kuru-kuro.

- Ang pangatlo at pinakamabisang panlunas ay ang isang


siyentipikong kaalaman at paraan ng pagpaplano ng laki
ng pamilya.

- Sang-ayon kami kay DILG Secretary Joey Lina na dapat


magtulong-tulong ang lahat sa pagsugpo ng krimen.
I. MGA KATANUGANG
PAGSUBOK SA KAHUSAYAN
NG PANGULONG
TUDLING

1. Angkop ba sa anyo at istilo sa nilalaman at sa


layunin?

2. Naisakatuparan ba ang layunin?


3.Pinag-isip ba nag mambabasa?

4. Malinaw ba, tiyak at payak ang


pagkakasulat?

5. Kapapansinan ban g sapat na kaalaman, at


malinaw at makatwirang pag-iisip?

6. Ito ba’y matapat?


7. Maiikli ba ang mga talata?

8. Mahalaga ba ang paksa sa mambabasa?

9. Ang balitang panimula ba ay makatotohanan


at di artipisyal?

10. Nailalahad ba ang paksa sa paraang hindi


nangangaral?
A N G K U RU - K U RO N G
TUDLING
( T H E E D I TO R I A L C O L U M N )
 Isang palagiang babasahin sa pahina ng pangulong tudling
ay ang kuru-kurong tudling o ang tudling pang-editoryal. Sa
ibang seksyon ng pahayagan ay mababasa ang tudling
pampalaruan o palakasan (sports column), tudling para sa
kapalitang pahayagan (exchange column), tudling
panglathalain (features column) at tudling pampanitikan
(literary column).
KATUTURAN NG
TUDLING/KOLUM

Ang tudling o pitak ay isang palagiang


lathalain sa pahayagan ng nagtataglay ng
palagiang pamagat (kagaya ng Point of Order
ni Joe Guevarra) at kadalasang hindi nagbabago
ng lugar sa pahina sa bawat isyu.
KATUTURAN NG KURU-
KURONG TUDLING
(EDITORIAL COLUMN)
 Ang kuru-kurong Tudling ay isang pitak na
naglalaman ng kuru-kuro, ideya, opinyon o paninindigan
ng manunudling (columnist) sa isang paraang kawili-wili
tungkol sa iba’t ibang paksa. Sariling opinyon ito ng
manunudling, di-tulad ng pangulong tudling na opinyon
o paninindigan ng buong patnugutan.
KATANGIAN NG KURU-
KURONG TUDLING
1. Napapanahon (timely)

2. Tulad ng pangulong tudling, ito’y may


balitang batayan (News Peg)

3. Nasusulat ayon sa istilo ng pagsulat ng


manunudling
4.Karaniwang nanunuligsa; paminsan-minsan
nagpapatawa, nagpapabatid, nagtuturo, nagpapaala-ala
at nanlilibang.

5. Maaaring ito’y isang buong salaysay na may isang


paksa lamang. Maaari ring binubuo ng iba’t ibang paksa
na walang kaugnayan sa isa’t isa.

6. Maaaring patula o pasalaysay.


KATANGIAN NG ISANG
MANUNUDLING

1. Malawakang kaalaman at interes sa buhay.

2. May sariling istilo at pagkamapanlikha (style


and originality)

3. Mahusay sa diplomasya.
4. May kakayahang sumulat sa pamamarang
lathalain (feature)

5. May malakas na pang-unawa sa kahalagahan


ng balita.

6. May dalubhasang kaalaman sa pinapaksa ng


tudling.

7. Makatarungang pagpapasya o paghahatol.


WAKAS!

You might also like