Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

MONOPOLYO SA

TABAKO
MGA PAGBABAGONG PANGKABUHAYAN SA
PANAHON NG PANANAKOP NG ESPANYA
ATING ALAMIN…
• Monopolyo – ay ang • Tabako - ay isang agrikultural na
pagkakaroon ng kontrol ng iisang produkto na hinahango mula sa mga
sariwang dahon ng mga halaman na
tao o grupo ng tao
napapabilang sa saring Nicotiana.
(korporasyon) sa isang produkto.
Maari itong kainin, gamitin bilang
Sila lamang ang nagtitinda ng organikong pamuksa ng peste at
nasabing produkto kaya't sila ang bilang sangkap sa gamot kung
nakapagdidikta ng presyo at gagamitin sa pormang nicotine
supply. tartrate
MONOPOLYO SA TABAKO
 Ito ay itinatag ito ni Jose
Basco y Vargas noong
ika- 1 ng Nobyembre
1781 labinlimang taon
makalipas na ipakilala sa
Pilipinas ang sistemang
monopolyo.
MONOPOLYO SA TABAKO
• Tumagal mula 1781-
1881 ang uri ng
pangkabuhayang ito.
• LAYUNIN:
madagdagan ang kita
ng pamahalaan at ng
di na umaasa pa sa
Mexico.
MONOPOLYO SA TABAKO
 Ang programang ito ay nangangahulugan na
ang pagtatanim, pag-aani at pangangalakal ng
tabako ay nasa mahigpit na pangangalaga at
kontrol ng pamahalaan – isang pamaraan upang
matiyak at mapanatiling malaki ang kinikita ng
Espanya dito. Kaugnay nito ay hindi nalinang
ang kalayaan sa pagtatanim ng iba pang
produktong agrikultural lalo na sa mga lugar
kung saan ito lamang ang ipinapatanim.
ANG MONOPOLYO
 Nakilala ang Pilipinas na pangunahing taga-gawa ng tabako
sa alin mang bansa sa Silangan o bandang itaas ng mapa.
 May multa ang mga magsasakang hindi makatupad sa
itinakdang aanihin.
 Sa Maynila, dinadala ang mga dahon ng tabako.
 Umabot sa hari ang katiwaliang bunga ng monopolyo kaya
ipinatigil ito at tuluyang nahinto sa panahon ni Gobernador
Primo de Rivera taong 1882.
MAPA NG
PILIPINAS
MGA LUGAR NA PINAGTANIMAN NG
TABAKO
 Nueva Ecija  Ilocos
 Abra  La Union
 Cagayan Valley  Isabella
 Marinduque
MGA EPEKTO
 MABUTING EPEKTO
- ang pamahalan ay nakapagpagawa ng kalsada,
gusali, tulay at nakapagpalagay ng karagdagang ilaw sa
mga bayan

 MASAMANG EPEKTO
- bumaba ang produksyon ng pagkain
PAGLALAPAT NG ARALIN
• Kung ikaw ay bibigyan ng isang lupain na
maaari mong pagtamnan ng tabako, ano ang
iyong gagawin? Ikaw ba ay magiging katulad
ng mga Espanyol na naging sakim sa
kayamanan? O magiging isa kang tunay na
Pilipino na may malasakit sa kapwa?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
PAGBUBUOD
• Upang lumaki ang kita, nagkaroon ng pagbabago sa
ekonomiya sa panahon ni Gobernador-Heneral Jose Basco.
• Ang monopolyo ng tabako ay naitatag. Tabako lamang
ang itinatanim sa Hilagang Luzon.
• May takdang dami ng itatanim at may takdang presyo rin.
Nahirapan ang mga Pilipino dahil kinapos sa pagkain
ANO ANG
ATING
NATUTUH
AN SA
PAGTATAYA
Iguhit ang masayang mukha ang bilang kung ang pahayag ay nagpapakita ng
kagandahang naidulot na monopolyo ng tabako, malungkot na mukha kung ito ay
nagpapakita ng kasamaang naidulot nito sa ating bansa. Gawin ito sa notbuk.
_____ 1. Marami sa mga opisyal ng pamahalaan ang naging mapagsamantala.
_____ 2. Natutustusan na ng kinikita sa monopolyo ng tabako ang
pangangailangan ng kolonya at hindi na kailangan pang humingi ng suporta mula sa
Espanya
_____ 3. Malaking lupain din ang nalinang upang gawing taniman ng tabako.
_____ 4. Naging mapang-abuso ang ilang mga opisyal sa tuwing maghahalungkat
ng mga bahay ng magsasaka na pinaghihinalaang nagtatago ng tabako.
_____ 5. Nanguna ang Pilipinas sa pag-aani ng tabako sa buong silangan.
KASUNDUAN
Ilarawan.
Sino sa mga Pilipinong nag-
alsa laban sa mga Español ang
higit mong hinangaan? Bakit?

You might also like