Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Filipino sa Piling Larangan

(AKADEMIK)
Nina
Dr. Pamela Constantino
Dr. Galileo Zafra
Aralin 1

• Akademiko, Di-Akademikong Gawain:


Paggawa ng Mini-corner
ng Mga Kursong Pagpipilian sa Kolehiyo
Layunin
• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng akademiko sa
di-akademiko kaugnay ng kahulugan, katangian,
at mga gawain dito; at
2. Malinaw ang kahulugan at katangian ng
malikhain at mapanuring pag-iisip.
Akademya

Pranses Latin Griyego


académié academia academeia

Itinuturing ang Akademya na na isang institusyon ng kinikilala


at respetadong mga iskolar, artista, at siyentista na ang layunin ay
isulong, paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman at
kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na
pamantayan ng partikular na larangan.
Akademik
• Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga
wikang Europeo (Pranses: academique; Medieval
Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16
na siglo.

• Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon,


iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag- aaral na
nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral,
kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.
(www.oxforddictionaries.com)
Akademiko vs. Di-Akademiko
Akademiko Di-akademiko
Layunin: Layunin:

Magbigay ng ideya at impormasyon Magbigay ng sariling opinyon


Paraan o batayan ng datos: Paraan o batayan ng datos:

Obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa Sariling karanasan, pamilya, at komunidad


Audience: Audience:

Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong Iba’t ibang publiko


komunidad)
Organisasyon ng ideya: Organisasyon ng ideya:

– Planado ang ideya – Hindi malinaw ang estruktura


– May pagkakasunod-sunod ang – Hindi kailangang magkakaugnay ang
estruktura ng mga pahayag mga ideya
– Magkakaugnay ang mga ideya
Akademiko vs. Di-Akademiko
Akademiko Di-akademiko
Pananaw: Pananaw:

– Obhetibo – Subhetibo
– Hindi direktang tumutukoy sa tao at – Sariling opinyon, pamilya, komunidad ang
damdamin kundi sa mga bagay, ideya, pagtukoy
facts – Tao at damdamin ang tinutukoy
– Nasa pangatlong panauhan ang – Nasa una at pangalawang panauhan ang
pagkakasulat pagkakasulat
– Hindi direktang tumutukoy sa tao at
damdamin, at hindi gumagamit ng
pangalawang panauhan
Akademiko vs. Di-Akademiko
Akademiko Di-akademiko
Halimbawang gawain Halimbawang gawain

- pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase - panonood ng pelikula o video upang


- pakikinig ng lektyur maaliw o magpalipas-oras
- panonood ng video o dokumentaryo - pakikipag-usap sa sinuman ukol sa
- pagsasalita at pakikipagdiskurso sa paksang di-akademiko
loob ng klase o isang simposyum - pagsulat sa isang kaibigan
- pagsulat ng sulatin o pananaliksik - pakikinig sa radyo,
- pagbasa ng komiks, magasin, o diyaryo
Akademiko vs. Di-Akademiko
• Teoryang pangkomunikasyon ni Cummins (1979)

– Tinawag niyang Basic Interpersonal Communication Skills


(BICS) ang kasanayang di-akademiko (ordinaryo, pang-
araw-araw) at Cognitive Academic Language Proficiency
(CALP) naman ang kasanayang akademiko (pang-
eskuwelahan, pangkolehiyo).

– Batay sa mga usapan, praktikal, personal, at impormal na


mga gawain ang BICS samantalang pormal at intelektuwal
ang CALP.
• Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong
puwersa ng buhay na may kakayahang mag-
isip nang kritikal o mapanuri, maging
mapanlikha at malikhain, at malayang
magbago at makapagpabago.
Mapanuring Pag-iisip

• Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng


kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talino
upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at
hamon sa buhay-akademiko, at maging sa mga
gawaing di-akademiko.
Pag-isipan

Paano nakatutulong ang


pagkamalikhain at mapanuring pag-
iisip sa isang mag- aaral sa senior high
school?

You might also like