Professional Documents
Culture Documents
Antas NG Wika
Antas NG Wika
Kalakhang Maynila
Nobyembre 7, 2011
Nagmamahal,
Tsoy
ANTAS NG WIKA
1. Balbal. Ito ang wikang ginagamit sa lansangan … wikang sinasalita ng mga
walang pinag-aralan. Ito ang pinakamababang antas ng wika.
Hal. Parak haybol
lespu boga
damo bato
2. Kolokyal. Ito ay mataas lamang nang kaunti ang antas sa balbal … wikang
sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya nang tinatanggap ng
lipunan.
Hal. Utol atsay tisay tsokaran
3. Lalawiganin. Ito’y wikang ginagamit sa isang rehiyon at sila lamang ang
nakauunawa kung ang pagbabatayan ay ang wikang pambansa.
Hal. Batangas – kaunin (sunduin) Laguna – mabanas (mainit ang
panahon)
Bulacan – maalinsangan (mainit ang panahon)
nabalaho ( nalubog sa hukay)
Quezon – abiarin ( asikasuhin)
lukban ( suha)
4. Pambansa. Ito ang wikang sinasalita ng balana na tinatanggap sa lipunan.
Hal. Pulis baril sayawan bahay
5. Pampanitikan. Ito naman ang pinakamataas na antas ng wika. Ito ang gina-
gamit ng mga makata at pantas sa kanilang mga pagsusulat.
Kabilang dito ang matalinghagang saliata at mga salitang
nagbibigay ng mga pahiwatig.
Hal. Bukas ang palad nakabibinging katahimikan may krus sa dibdib
GAWAIN 1.
Nasa unang hanay ang mga salitang may antas na balbal. Subukang tumba-
san ito ( kung mayroon) ng mga salitang nasa antas lalawiganin, pambansa o
pampanitikan sa kani-kaniyang hanay.