Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Unang Grupo

Pag-uulat Patungkol sa
1897-Saligang Batas ng Biak na
Bato at Panahon ng Komonwelt
Introduksyon:
Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan,
ang kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at
mga tradisyon.
Layunin:
• Malaman ang kasaysayan patungkol sa Biak na Bato at Panahon ng
Komonwelt

• Maunawaan kung bakit ipinatupad ang mga ito.

• Maibahagi ang mga natutunan patungkol rito gamit ang mga


nasiyasat.
Saligang batas ng Biak-na-bato
• Ang Republika ng Biak-na-Bato , ay opisyal na tinutukoy ng saligang
batas nito bilang ang Republik ng Filipinas ay ang kauna-unahang
republikang naitatag sa Pilipinas ng manghihimagsik na si Emilio
Aguinaldo at ang kanyang mga kapwa kasapi sa Katipunan. Sa kabila
ng tagumpay nito gata ng pagkakatatag ng kauna-unahang Saligang
Batas ng Pilipinas, ang republika ay nagtagal lamang ng ilang buwan.
Isang kasunduang pangkapayapaan ang nilagdaan ni Aguinaldo (sa
pagitan ng mga Katipunero at sa Kastilang Gobernador
HeneralFernando Primo de Rivera)
Kasaysayan ng Biak na Bato:
Biak na bato- matatagpuan sa San Miguel, Bulacan, nagsilbing
kuta nila Emillio Aguinaldo sa panahon ng pakikipagdigmaan nila sa
mga kastila. Dito rin bumalangkas sina: Isabelo Artacho at Felix
Ferrer

Isabelo Artacho at Felix Ferrer- sila ang gumawa ng saligang batas


na naging daan upang maitatag ang Republika ng Biak na bato.
Pedro Paterno- nagsilbing kinatawan ng mga rebolusyonaryo.

Gobernador-Heneral Fernando Primo de Rivera- lumagda sa panig


ng pamahalaang Espanyol
Ngunit ano ang nilagdaang kasunduang iyon?

Ayon sa kasunduan, titigil ang mga pinuno sa pakikipaglaban at


maninirahan na sa hongkong; isusuko ang kanilan armas upang
patawarin ng Espanya at babayaran ng espanya ang mga
rebulusyonaryo at mga pamilya nito.
Anong Nangyari?

Kapwa di tumupad ang mga partidong nagkasundo. Mas maliit sa


halagang napagkasunduan ang ibinigay ng Espanya at maraming
rebolusyonaryo ang pinarusahan at pinahirapan. Si Aguinaldo naman ay
ipinagpatuloy ang pakikipaglaban kahit nasa Hong Kong na. Ginamit
niya ang ibinigay na halaga upang maihanda ang patuloy na
pakikipaglaban sa Espanya.
Panahon ng Komonwelt
Kasayasayan ng Wikang Filipino:

• Mahigit 7,000 mga isla ang bumubuo sa Pilipinas na may iba't ibang
wika na ayon kay McFarland( 1996) na may bilang na 109

• Constatino (1992)- mahigit 500 mga wika at dayalekto ang bansa


batay na rin sa pagkakaroon ng iba't ibang etnikong grupong nakatira
sa bawat rehiyon na may kani-kanilang wikang sinasalita.
- Dahil dito masasabing ang Pilipinas ay isang bansang may kumplikadong
sitwasyong linggwistikal.

- Binubuo ito ng iba't ibang grupong etnolinggwistiko na pinangunguhan ng:


Cebuano, Tagalog, Ilokano, Hiligaynon, Bicolano, Samar-Leyte, Waray,
Kapampangan, Pangasinense

- Pansampu ang Pilipinas- sa ranggo sa buing daigdig sa bilang ng katutubong


wika na ginagamit dito.

- Espanya at Amerika- kung saan nakakolonya ang Pilipinas sa mga panahong


iyon. - nakaragdag sa kumplikadong sitwasyong pangwika.
Panahon ng kastila
• napalitan ng alpabetong Romano ang katutubong alibata silabaryo.

• nagkaroon ng pagbabago sa ispeling ng mga salita.

• mas lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino.

• Matagumpay na nahati at nasakop ng mga


dayuhan ang mga katutubo.

• 333 taong pananakop.

• Ipinagkait din ng mga kastila ang kanilang wika dahil sa layunin nilang " hatiin
at pagharian" ang mga kapuluan sa Pilipinas.
PANAHON NG AMERIKANO

Amerikano- ninais na gawing midyum ng komunikasyon ang ingles upang sa


kalaunay maging linggwa fraka ito o wikang pambansa (Constantino, 1991)

Ang mga paksang ginagamit sa edukasyon sa panahong iyon ay tungkol sa


Amerikano. Kung kaya’t ito ang simula ng pagkakaroon ng kolonyal na
mentalidad ng mga katutubong mamamayan na namana at itinaguyod ng mga
Pilipino hanggang sa Kasalukuyang henerasyon (Margracia at Santos, 1988)
1935 Konstitusyon- PANAHON NG KOMONWELT

Pres. Manuel L. Quezon- nagsimula ang pormal na kasaysayan ng


paghahangad ng bansa na magkaroon ng isang wikang mag-uugnay sa
lahat ng mamamayan nito na magsisilbing behikulo ng
pagkakaunawaan para sa pambansang pagkakaisa noong 1935.
Kombensyong Konstitusyonal- inorganisa ang mga delegado sa iba't
ibang komite, upang maresolba ang isyu sa pagpili ng wikang panlahat.

Ayon sa komite- dapat wikang katutubo sa bansa at hindi dayuhang wika


tulad ng ingles ang maging wikang pambansa.

Na nakabatay sa 1935 Konstitusyon,

Art. XIV, Sec. 3- ang konggreso ay gagawa ng hakbang tungo sa


pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa
sa mga umiiral na wikang katutubo. Hanggat hindi itinakda ng batas, ang
wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling mga opisyal na wika.
Bilang pagsunod sa probisyong nabanggit ipinagtibay ang batas
Komonwelt Blg. 184 na nagtatag sa Surian ng wikang Pambansa (SWP).
na Linangin ang mga wika sa Pilipinas o (LWP).

At ngayoy Komisyon sa Wikang Filipino o KWF- ahensyang nagsasagawa


ng mga pag-aaral ng mga wika sa Pilipinad para sa pagpili ng magiging
batayan ng wikang pambansa.
• Sa pagpili ng wika, kinonsidera nila ang mga sumusunod na ang pangunahing
wika ng bansa :

Cebuano, Ilokano, Tagalog, Bicolano, Ilonggo o Hiligaynon,


Pangasinense, Samar-Leyte, Waray

• Tagalog- sapagkat ito ang wikang ginagamit sa Maynila na siyang sentro ng


gobyerno, sentro ng edukasyon, sentro ng kalakalan o komersyo, lugar ng
publikasyon ng mga dyaryo, magazin, komiks at maging sa paggawa ng pelikula.

• 1973 konstitusyon- patuloy ang digmaang pangwika

Dahil naghari sa mga di- Tagalog ang rehiyonalismo. Nakadarama sila ng


damdaming kakulangan, na sila'y kinokolonya o nagpapasailalim sa mga Tagalog.
Bilang Solusyon
• Naging magandang oportunidad para sa mga opositor ng wikang
Pilipino ang ginawang pagpapawalambisa sa 1935 konstitusyon.
Bilang tugon sa nangyayaring digmaang pangwika na nagaganap sa
panahong iyon ay binuo ang isang sub-komite.

• Sub-komite- Komite sa Wikang Pambansa na siyang namahala tungko


sa isyu sa Wikang Pambansa. –

• At inerekomenda ng Komite na alisin ang Pilipino at palitan ng isang


bagong komon na wikang pambansang tatawaging FILIPINO.
SALAMAT SA PAKIKINIG!

You might also like