Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

PAGBUBUO NG

MGA SALITA
 Mahalaga rin ang pamilyarisasyon ng
isang gumagamit ng Filipino sa mga
proseso ng pag bubuo ng mga salitang
Filipino , sapagkat magiging mas pleksibil
siya sa paggamit sa wikang ito kung
malay siya sa mga ito.
 Sa pagtalakay Nina Paz ,et al. (2010) na
nailahad sa kanilang aklat na pag aaral ng
wika , may ibat ibang proseso sa
pagbubuo ng salita sa iba-ibang mga wika
. Sa mga nabanggit na proseso , tatlo sa
mga ito ang prominenteng proseso sa
pagbubuo ng mga salitang Filipino.
Paglalapi
-tumutukoy ang prosesong ito sa sa paggamit ng
panlapi upang makabuo ng mga bagong salita .

Sa filipino , maaaring maglapi sa limang paraan:


 (a) pag uunlapi o pagkakabit ng panlapi sa unahan ng
salita ,
 (b) paggitlapi o pagkakabit ng panlapi sa gitna ng
salita
 (c) paghuhulapi o pagkakabit ng panlapi sa hulihan ng
salita ,
 (d) paglalaping kabilaan o paglalagay ng panlapivsa
unahan at hulihan ng salita ,at
 (e) paglalaping laguhan o paglalagay ng panlapi sa
unahan ,gitna ,at hulihan ng salita.
Halimbawa:
 Pag
-uunalapi : nagtapos , umawit,
maganda

 Pag-gigitlapi : tinapos , gumanda

 Paghuhulapi: tapusin, gandahan, baguhin

 Paglalaping kabilaan : nagpuntahan ,


pagbutihin

 Pag lalaping laguhan : nagsumigawan


Pag-uulit
 Tumutukoy ang prosesong ito sa pag uulit
sa salita o bahagi ng salita .
 Kung inuulit lamang ang bahagi ng salita na
karaniwang ang unang pantig nito,
tinatawag itong pag uulit na di-ganap.
 Tinatawag naman pag uulit na ganap
kung ang buong salita ay inuulit upang
makabuo ng bagong salita , at haluang pag
uulit kung ang buong salita at bahagi nito
ay inuulit.
Halimbawa:
 a. Paguulit na di-ganap : sasayaw ,
uuwi , tatakbo
 b. Paguulit na ganap : bahay-
bahayan , ang bilis-bilis , damay -
damay
 c. Haluang paguulit: sasayaw-sayaw,
pipikit-pikit, loloko-lokohin
Pagtatambal
 tumutukoy ang prosesong ito ,
sa pagbubuo ng bagong salita
mula sa dalawang magkaibang
salita . maaaring may linker o
wala ang pag tatambal
Halimbawa:
Pagtatambal na Walang Linker
 hampaslupa,
 pataygutom,
 Bahaghari

Pagtatambal na may Linker


 Dalagang-bukid
 Dugong-Bughaw
Pagpapalitan ng
Ponema o
Grapema
 Samantala , upang maging mas
idyomatiko ang dating sa mga
diskurso , may iilang puntong dapat
tandaan kapag gumagamit ng
Filipino. Isa rito ang pagpapalitan ng
d at r . Narito ang mga alituntunin
sa tamang paggamit ng
Ortograpiyang pambansa 2014 :
1. Karaniwang nagaganap ang
pagpapalit ng 'd' at 'r' kapag
napangunahan ang 'd' ng isang
pantig o salita na nag tatapos sa a.
Halimbawa: ang 'd' ng dito ay
nagiging 'r' sa narito o naririto.
Ngunit nananatili ang d kapag
andito o nandito
2. Ang pagpapalit ng 'd' sa 'r' ay nagaganap sa
mga pang-abay na din , rin , daw ,at raw .
sang-ayon sa tuntuning ipinalaganap ng
balarila, nagiging rin ang din o raw ang daw
kapag sumusunod sa salitang nag tatapos sa
patinig o malapatinig na w at y gaya ng :

“Masaya rin ngunit malungkot din


Uupo raw ngunit aalis daw
Nabili rin ngunit nilanggam daw
Okey raw ngunit bawal daw
Ikaw raw ngumit pinsan daw .”
3. Ngunit , sinasabi ng tuntunin na kapag
ang sinusundang salita ay nagtatapos sa -
ri, -ra, -ray , ang din o daw ay hindi
nagiging rin o raw gaya sa sumusunod :

“Maaari din hindi maaari rin


Kapara daw hindi kapara raw
Waray din hindi waray rin
Araw daw hindi araw raw ”
PAGBABAYBAY
 Singhalaga rin ng pagkatuto ng
pagpapalitan ng mga ponema para sa
idyomatikong komunikasyon ang
pagkatuto sa ilang sinusunod ng gabay
sa pasulat ng pagbaybay sa Filipino .
 Bagaman hindi pa estandardisado
ang may rekomandasyon sa pasulat sa
pagbaybay lalo na sa mga bago at
hiniram na mga salita . Narito ang ilang
mungkahi mula sa Ortograpiyang
pambansa 2014 sa paggamit ng walong
bagong titik:
1.Ginagamit ang walong bagong titik sa
modermisadong alpabeto :
c , f, j, ñ, q, v, x, z
sa pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa
pagsulat ng mga salita mula sa katutubong wika ng
pilipinas .
Halimbawa:
Alifuffug (Itawes) -[ipo-ipo]
Feyu (Kalinga) - [pipa na yari sa bukawe o tambo ]
Julup (Tausug) - [masamang ugali]
Vakul (Ivatan) - [pantakip sa ulo na yari sa damo]
Vulan (Itawes) - [buwan]
Kazzing (Itawes) - [kambing ]
Zigattu (Ibanag) - [ silangan ]
2. Ginagamit din ang walong dagdag na titik sa
mga bagong hiram na salita mulang espanyol
,ingles , at iba pang wikang banyaga . Ang mga
laganap nang ginagamit ay di na kailangang
gamitin nito gaya ng formal na mas kilala na sa
anyo nitong porma .

HALIMBAWA
WiFi
Cellphone
Selfie
Visa
3. Gagamitin din ang mga ito sa panghihiram
ng mga pangngalang pantangi , katawagang
syentipiko , akademiko , at teknikal , at mga
salitang mahirap na dagliang baguhin ang
baybay dahil sa bigkas .
a. Pangngalang pantangi - Cedric, Leevon
, Franceska , Janus , Qatar , New Zealand
b. Katawagang Syentipiko, Akademiko,
at teknikal - Video resolution , sulfuric acid
at metal oxide
c. mahirap na dagliang baguhin ang
baybay dahil sa bigkas – banquet ,
cauliflower at boquet
4. Samantala , maaari ang reispeling batay sa
prinsipyong kung ano ang bigkas ng salita ay
siya ring baybay nito maliban kapag:
(a) nagiging katawa-tawa ang anyo nito sa
Filipino
(b) nagiging mahirap basahin ang bagong anyo
kaysa sa original
(c) nasisira ang kabuluhang pang kultura,
panrelihiyon , o pampolitika ng pinagmulan ,
(d) higit na popular ang anyo sa original , at
(e) lumilikha ng kaguluhan ang bagong anyo
dahilau kahawig na salita sa Filipino.
KAALAMANG
SINTAKTIK
 Tunay na malaki ang maitutulong kung gamay
ng isang indibiduwal ang mga tumog at salita sa
wikang filipino, ngunit higit na makabubuti kung
ang mga ito ay kanyang mapag-uugnay-ugnay
upangbipahayag ang kanyang saloobin , ideya , o
damdamin . Dito pumapasok ang kaalamang
sintaktik sa Filipino. Tumutukoy ito sa pagbubuo ng
mga parirala , sugnay at pangungusap na may
kabuluhan . Balik-tanaw natim Ng ilang mga
batayang konsepto sa sintaksis ng Filipino na
tinalakay nina Cubar at Cubar (1994) sa kanilang
aklat na writing Filipino grammar : traditions &
trends na hindi rin nalayo sa pag talakay ni Malicsi
(2013) sa kanyang gramar ng Filipino .
 Ang pangungusap na Filipino ay may dalawang
bahagi: “Panaguri” at “paksa” o simuno.
 Ang simuno ang siyang pinakapaksa ng
pangungusap at ang panaguri naman ang
nagsasabi tungkol sa paksa .
 Kapag ang panaguri ay nauuna kaysa sa simuno
nasa karaniwang ayos ito. Ibig sabihin , ganito ang
madalas na ayos ng mga pahayag ng mga
katutubong nagsasalita ng filipino .
 Kung nauuna naman ang simuno kaysa sa
panaguri at ginamitan ng pangawing na ay ang
pangungusap ay nasa di-karaniwang ayos .
pansinin ang sumusunod na halimbawa :
 Karaniwang ayos: Naipadala ni April ang
sulat
Panaguri : Naipada ni April
Paksa : ang sulat

 Di-karaniwang ayos : Ang sulat ay


naipadala ni April
Paksa: Ang sulat
Pangawing : ay
Panaguri : (ay) naipadala ni April
 Ano mang ayos ay maaaring gamitin,
subalit tulad nang nabanggit na , mas
idyomatiko kung ito ay nasa
karaniwang ayos.
 Bagaman idyomatiko ang paggamit ng
karaniwang ayos ng pangungusap ,may
mga sitwasyong kinakailangang gamitin
ang di -karaniwang ayos nito , lalo na
sa pasulat , kung ikokonsidera ang
pormalidad ng pahayag .

You might also like