Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 45

Kabanata XVII

Si Basilio
1. Narating ni Basilio ang
kanilang dampa. Laking gulat
ni Sisa nang Makita ang anak.
May sugat sa noo si Basilio at
hindi kasama si Crispin.
2. “Nasaan ang
kapatid mo?” tanong
ni Sisa.
3. “Naiwan po sa
kumbento si Crispin,”
sagot ni Basilio.
4. “Naiwan? Bakit? Buhay ba
siya? Buhay ba si Crispin?”
paulit-ulit na tanong ni Sisa.
Tumango lang si Basilio.
5. “Bakit ka may sugat sa
ulo? Nahulog ka ba?”
Niyakap at hinagkan-hagkan
ni Sisa si Basilio.
6. Nagpaliwanag si Basilio.” Kinuha ng
sacristan mayor si Crispin. Sinabihan
ako na hindi ako puwedeng umuwi
kundi alas-diyes ng gabi. Dahil
natatakot ako masyadong gabihin,
tumakas ako sa kampanaryo sa
pamamagitan ng lubid. Sinigawan ako
ng guwardiya sibil ngunit hindi ako
lumapit sa halip tumakbo ako upang
makatakas. Binaril ako at nadaplisan
sa noo.”
7. “Diyos ko,” naibulong ni Sisa,
“Salamat at niligtas ninyo ang
anak ko.” Kumuha siya ng tubig,
suka at basahan upang magamot
ang sugat ni Basilio.
8. “Nanay, kung may magtanong,
wag ninyong sabihing ako’y
tinamaan ng baril. Sabihin na
lamang ninyong ako’y nahulog sa
puno.
9. Hindi kumibo si Sisa, patuloy na
ginagamot ang sugat ng anak at
nagtanong, “Bakit naiwan si Crispin
sa kumbento?”
10. Isinalaysay ni Basilio sa ina na si
Crispin ay napagbintangang
nagnakaw ngunit hindi niya sinabi
na ito ay sinaktan ng sacristan
mayor.
11. Humagolgol si Sisa,
“Pinagbintangan nila si Crispin! Ang
mabait kong si Crispin. Palibhasa’y
maralita tayo napagbibintangan.
Lahat ay maaari nilang sabihin sa atin.
12. Muling nagsalita si Sisa at
tinanong ang anak. “Kumain ka
na ba? May kanin tayo at
inihaw na tawilis.”
13. “Wala po akong ganang
kumain. Tubig na lamang po.”
14. Umiling-iling si Sisa, “Alam ko anak,
hindi mo gusto ang inihaw na tawilis.
Pinaghanda ko kayo ng masarap na
hapunan, ngunit dumating ang inyong
ama.”
15. Nabigla si Basilio at nagtanong.
“Dumating si Tatay? Hindi man
lang kami kinamusta?”
16. Gustong pagtakpan ni Sisa ang
lahat ng pagkukulang ng kanyang
asawa. “Itinanong kayo ng tatay
ninyo. Kung nagpapakabait kayo,
hindi na siya aalis.”
17. Hindi kumibo si Basilio, halata sa
kanya ang galit sa ama.
18. “Anak ko! Galit ka sa iyong
ama?” Ang tanong ni Sisa sa anak.
19. “Ikinalulungkot ko, Nanay.
Patawarin ninyo ako. Kung
sumama ang loob ninyo, di ba
higit na mabuti kung tatlo nalang
tayo, kayo, ako at si Crispin?”
20. Sabi ni Sisa, “Kung ayaw mo
talagang kumain, anak,
matulog nalang tayo.”
21. Nagdasal si Sisa bago matulog.
Magkatabi sila ni Basilio. Hindi
makatulog si Basilio dahil naaalala si
Crispin na naiwan sa kumbento. Ilang
sandali ay nakatulog na rin siya.
Napanaginipan niya si Crispin na labis
na pinahihirapan. Walang taros na
palo ang inabot ni Crispin sa kura
samantalang hawak siya ng sacristan
mayor.
22. Sa matinding sakit, sinikap ni Crispin
na lumaban. Nagsisigaw, naninipa,
nagpagulung-gulong sa lapag.
Patuloy ang hagupit ng kura.
Nagdurugo na ang kamay ni Crispin
na ginagawang panangga.
23. Nang magkaroon ng
pagkakataon, biglang kinagat ni
Crispin ang kamay ng kura at
nabitawan ang yantok na
ginagawang pamalo kay Crispin.
24. Nakahagilap naman ng isang
tungkod ang sacristan mayor. Ito ang
inihataw sa ulo ni Crispin. Sa tindi ng
tama, bumulwak ang dugo sa ulo ni
Crispin at siya’y nahandusay.
Sinamantala ito ng kura,
pinagtatadyakan at sinipa-sipa
hanggang malugmok na si Crispin at
tuluyang mawalan ng malay ang
bata.
25. Umuungol na at umiiyak si
Basilio sa kanyang pagtulog kaya
ginising siya ni Sisa.
26. “Bakit anak? Bakit ka umiiyak at
umuungol?” tanong ni Sisa sa
anak.
27. “Nanaginip ako, Nanay. Kay
samang panaginip. Sana’y
hindi totoo.”
28. “Sabihin mo sa akin anak, ang
iyong panaginip,” Pilit ni Sisa.
29. Sinabi ni Basilio sa ina, ngunit hindi
ang totoong panaginip niya. Lumikha
siya ng ibang panaginip. Sila raw ay
nasa bukid, may mga lalaki at
babaing may dalang bakol na puno
ng uhay ng palay. Ang iba pa ay hindi
niya maintindihan.
30. Sinabi rin ni Basilio sa ina na
ayaw niyang magsakristan. Gusto
na lamang niyang magtrabaho sa
bukid.
31. “May balak po ako nanay.
Pakikiusapan ko si Don Crisostomo
Ibarra na gawin akong tagapastol ng
kalabaw o baka. Sunduin ninyo na
lamang bukas si Crispin. Pakisabi sa
kura na ayaw ko ng magsakristan at
singilin na rin ninyo ang aking sahod.”
32. Sandaling tumigil si Basilio at
nagpatuloy, “Pagpastol na ako,
sisikapin kong mapamahal kay Don
Crisostomo. Maaari tayong humingi ng
gatas ng baka at kahit isang maliit na
baka. Mangunguha ako ng mga
bungang kahoy na puwede nating
ipagbili o kaya’y ipanregalo kay Don
Crisostomo. --
-- Pagmalaki na ako, ipakikiusap ko
kay Don Crisostomo na bigyan ako ng
lupang masasaka. Tataniman ko ng
tubo o mais at hindi na kayo
maglalamay sa pananahi. Di ba
masarap ang ganoong buhay,
Nanay? Malaya tayo at lagging
magkasalo sa pagkain.”
33. Natutuwa man si Sisa sa mga
balak ng anak ngunit may lihim
siyang pagdaramdam dahil hindi
kasama sa mga plano ni Basilio
ang kanyang ama.
1. Bakit may sugat sa ulo
ni Basilio?
2. Sino ang kumuha kay Crispin?
3. Ano ang napagbintangang
kasalanan na ginawa ni Crispin?
4. Sino ang pinagtakpan ni Sisa sa
kanyang anak na si Basilio?
5. Bakit hindi makatulog si Basilio?
6. Ano ang napaniginipan ni Basilio
sa gabing iyon?
7. Saan nalang gustong
magtrabaho ni Basilio?
8. Ano ang gustong maging
trabaho ni Basilio kay Don
Crisostomo?
9. Sino ang naglalamay sa
pananahi?
10. Bakit may lihim na
pagdaramdam si Sisa ?

You might also like