Panitikan

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

MITOLOHIYA

Ito ay nangangahulugang agham o pag-


aaral ng mga mito/myth at alamat.Tumutukoy
rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang
pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng
kasaysayan ng mga diyos-diyusan noong
unang panahon na sinasamba, dinarakila at
pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
PARABULA
Ito ay maikling sanaysay na nagtuturo ng
kinikilalang pamantayang moral na karaniwang
batayan ng mga kwento ay nasa banal na
Kasulatan. Realistiko ang banghay at ang mga
tauhan ay tao. Ito ay may tonong
mapagmungkahi at maaaring may sangkap na
misteryo.
MAIKLING KUWENTO
Ito ay isang akdang pampanitikan sa
tuluyan na sa pamamagitan ng mga pangu-
ngusap at talata’y binubuo ng may-akda upang
sa kanyang kapangyarihan at kakayahan bilang
isang alagad ng panitikan, mailahad niya
ang isang pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan, makapagkintal ng isang bisa sa puso at
diwa ng mga mambabasa.
NOBELA
Ito ay bungang-isip/katha na nasa anyong
prosa, kadalasang halos pang-aklat ang haba na
ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan ng
mga tauhan at diyalogo. Ito’y naglalahad ng isang
kawil ng mga kawili-wiling pangyayari na hinabi
sa isang mahusay na pagkakabalangkas.
TULA
Ito ay nagpapahayag ng masisidhing
damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kabiguan, kalungkutan, tagumpay at iba pa.
Binubuo ito ng saknong at taludtod. Mayroon
itong sukat at tugma.
TULA
Ito ay nagpapahayag ng masisidhing
damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kabiguan, kalungkutan, tagumpay at iba pa.
Binubuo ito ng saknong at taludtod. Mayroon
itong sukat at tugma.
TALUMPATI
Ito ay sanaysay na binibigkas. Ito ay
kabuuan ng kaisipang nais ipahayag ng isang
mananalumpati sa harap ng publiko. Maaring
isaulo ito at maaaring biglaan na kung tawagin sa
Ingles ay extemporaneous.
TALUMPATI
Ito ay sanaysay na binibigkas. Ito ay
kabuuan ng kaisipang nais ipahayag ng isang
mananalumpati sa harap ng publiko. Maaring
isaulo ito at maaaring biglaan na kung tawagin sa
Ingles ay extemporaneous.
ANEKDOTA
Ito ay ay isang kwento ng isang nakawiwili
at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang
tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang
karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y
magagawa lamang kung ang karanasan o ang
pangyayari ay makatotohanan.
ANEKDOTA
Ito ay ay isang kwento ng isang nakawiwili
at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang
tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang
karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y
magagawa lamang kung ang karanasan o ang
pangyayari ay makatotohanan.
DAGLI
Ito ay mga sitwasyong may nasasangkot na
tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol
sa banghay, mga paglalarawan lamang. Ito rin ay
salaysay na lantaran at walang timping
nangangaral, namumuna, nanunudyo o kaya’y
nagpapasaring. Ito ay sketches kung tawagin sa
Ingles o flash fiction.
FEMINISMO
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng
mga kalakasan at kakayahang pambabae at
iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang
panitikan ay feminismo sapagkat babae o
sagisag babae ang pangunahing tauhan ay
ipinamayagpag ang mabubuti at magagandang
katangian ng tauhan.
EKSISTENSYALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may
kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para
sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng
kanyang pananatili sa mundo (human existence).
HUMANISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang
tao ang sentro ng mundo; ay bininigyang tuon
ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao
gaya ng talino, talento at iba pa.
KLASISMO
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng
mga pangyayaring payak ukol sa pagkakaiba ng
estado sa buhay ng dalawang taong nag-iibigan,
karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid
at piling pili sa paggamit ng mga salita at laging
nagtatapos nang may kaayusan.
REALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa
kanyang lipunan. Samakatwid, ang panitikan ay
hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang
totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda
ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang
sinulat.
ROMANTISISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang
iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao
sa pag-aalay sa kanyang pag-ibig sa kapwa, sa
bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa
akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang
ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang
pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
DEKONSTRUKSYON
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at
manunulat na walang iisang pananaw ang nag-
udyok sa may-akda na sumulat kundi ang
pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating
ay ang kabuuan ng pagkatao at mundo.
HISTORIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng
kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na
ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng
mundo.
PORMALISTIKO
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa
mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan. Samakatwid, kung
ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang
panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa
mambabasa- walang labis at walang kulang.
Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na
malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

You might also like