Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 52

PAGSULAT

sa FILIPINO
sa Piling Larangan:
Akademik
Introduksiyon sa Akademikong
Pagsulat
Layuning Pampagkatuto:

1. Nauunawaan ang ilang pananaw sa pagsulat.


2. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.
3. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon
sa:
a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian
d. Anyo
Panimula:

Isa sa mga pinakamahirap hasaing kasanayan sa


komunikasyon ang pagsulat. Totoong ang pagsulat ay
isang komplikadong proseso na nangangailangan ng
sapat na panahon upang maging mahusay dito. Hindi
natin ito dapat katakutan dahil ang pagsasanay sa
pagsulat ay nagdudulot ng higit na pagkatuto at pag-
unlad ng ating pagkatao.
Para sa maraming kabataan, sapat na umano ang
kanilang husay sa pagbasa at pagsasalita. Sinasabi
nilang hayaan na lamang ang pagsulat sa mga
akademiko, makata, o kuwentista. Ngunit hindi ito
ang dapat isaisip. Kailangang linangin ang
pagsusulat upang higit na mapalawak ang ating
kaalaman at mapaunlad ang ating kaisipan sa gitna
ng malalaking pagbabago sa ating mundo. Patuloy
ang ebolusyon ng teknolohiya sa komunikasyon,
sumisikip-lumalawak ang mundo dahil sa
globalisasyon,tumatatag ang ugnayan ng mga bansa
dahil sa nangyayaring integrasyon ng mga
ekonomiya – lahat ng ito ay nakaaapekto sa
maraming aspekto ng buhay, personal man o
propesyonal.
Kung nais makaungos sa tumitinding
kompetisyon, isa sa mahahalagang opsiyon ang
linangin ang kakayahan sa pagsulat, partikular sa
akademikong pagsulat. Tandaan, walang
ipinanganak na mahusay magsulat. Ito ay isang
kasanayang nililinang.
Modyul 1: Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong
Pagsulat

Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat

* Ang pagsulat ay ang masistemang paggamit ng


mga grapikong marka na kumakatawan sa
espisipikong lingguwistikong pahayag (Rogers,
2005). Ibig sabihin, may natatanging simbolo
(mga titik, bantas, at iba pang marka) para sa
bawat ponema o tunog, at ang mga simbolong ito
ang ginagamit sa pagsusulat ng mga pahayag.

* Ang pagsulat ay sistema ng permanente o


malapermanenteng pananda na kumakatawan sa
mga pahayag (Daniels & Bright, 1996).
Permanente dahil nakasulat o nakaukit ang mga
pananda sa papel, kahoy, bato, at iba pang
materyal.
* Masistema ang pagsulat dahil bawat pananda
ay may katumbas na makabuluhang tunog at
isinaayos ang mga panandang ito upang makabuo
ng makabuluhang salita o pangungusap. Masistema
ang pagsulat dahil ginagabayan ito ng mga batas sa
gramatika.

* Ang pagsulat ay nakadepende sa wika. Kung


walang wika, walang pagsulat.
* Arbitraryo ang mga sistema ng pagsulat.
Napagkasunduan ang tumbasan ng mga titik, ang
kahulugan ng salita, ang kabuuan ng pagpapahayag.
Sa ibang salita, nag-iiba-iba ang sistema ng
pagsulat depende sa wika at kultura.
Hal. Aso

* Ang pagsulat ay isang paraan ng pagrerekord at


pagpepreserba ng wika.
* Komunikasyon ang isa sa mga pangunahing
layunin ng pagsulat (Fischer, 2001).

* Ang pagsulat ay simbolong kumakatawan sa


kultura at tao.

* Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon


(Goody, 1987).
Mahalagang Ideya:

* Ang pagsulat ay alinmang


sistema ng komunikasyong nakabatay
sa kumbensiyonal (mala)
permanente, at nakikitang simbolo.
Subukin ang Natutuhan

1. Saan nakadepende ang pagsulat?


2. Bakit sinasabing masistema ang pagsulat?
3. Ano ang kaibahan ng panandang nakikita (titik,
bantas, marka) sa panandang naririnig?
4. Paano nagiging kasangkapan ng komunikasyon
ang pagsulat?
5. Paano nagiging arbitraryo ang sistema ng
pagsulat? Magbigay ng mga halimbawa.
Akademikong Pagsulat o Intelektuwal na Pagsulat:

- isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas


na antas ng pag-iisip. Ang mahusay na manunulat ng
akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip. May
kakayahang mangalap ng impormasyon o datos, mag-
organisa ng mga ideya, mag-isip nang lohikal,
magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri
at gumawa ng sintesis.
Mahalagang Ideya:

Ang akademikong pagsulat ay


intelektuwal na pagsulat na nag-
aangat sa antas ng kaalaman ng mga
mambabasa. Hindi ito opsiyon para
sa mga akademiko at propesyonal.
Ito ay isang pangangailangan.
Mga halimbawa ng Akademikong Teksto o Sulatin:

* Abstrak * Agenda
* Bionote * Pictorial/Photo Essay
* Sintesis / Buod * Lakbay-Sanaysay o
* Panukalang Proyekto Travel Essay
* Talumpati * Katitikan ng Pulong
* Posisyong Papel * Replektibong
Sanaysay
Pagnilayan:

1. Ano ang pananaw mo sa akademikong pagsulat?


2. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga halimbawa
ng akademikong sulatin na mahirap at madaling
isulat? Bakit?
3. Masasabi mo bang taglay mo ang mga katangian
ng isang mahusay na manunulat ng akademikong
teksto? Ipaliwanag.
Subukin ang Natutuhan: (½ crosswise)

1. Bakit mahalaga ang kasanayan sa akademikong


pagsulat?
2. Bakit tinatawag na intelektuwal na pagsulat ang
akademikong pagsulat?
3. Anong penomeno ang nagtutulak sa mga Pilipino na
maging kompetetibo? Ipaliwanag.
4. Paano nakasusulat ng isang mahusay na akademikong
sulatin?
5. Maliban sa mga nabanggit na, magbigay ng iba pang
halimbawa ng akademikong sulatin.
Modyul 2: Pagkilala sa Iba’t ibang Akademikong Sulatin

Layunin: Akademikong Pagsulat


Impormatibong akademikong sulatin
1. Nagbibigay ng kaalaman at paliwanag.
Hal. balita, lahok sa encyclopedia, ulat na nagpapaliwanag
sa estadistika, papel na nagpapaliwanag ng konsepto,
sulatin tungkol sa kasaysayan, tesis, etc…..

Malikhaing akda o personal na akda (akademikong teksto)


2. Nagbibigay ng aliw.
Hal. autobiography, diary, memoir, liham
Kritikal o akademikong akda (paraang malikhain)
Hal. rebyu, pagsusuri, talang pangkasaysayan
Akademikong sulating Nanghihikayat
1. Kumbinsihin o impluwensiyahan ang mambabasa na
pumanig sa isang paniniwala, opinyon o katuwiran.
Hal. konseptong papel, mungkahing saliksik,
posisyong papel, manifesto, editorial, talumpati

Tandaan:
May mga akademikong sulating naghahalo ang layunin,
kung hindi nakasisiguro kung paano uuriin ang ganitong
sulatin…. Iba ang pangunahing layunin ng panghihikayat sa
pangunahing layunin ng pagbibigay ng impormasyon. Kapag
malinaw sa iyo ang dahilan ng iyong pagsulat, matutukoy mo
ang mga estratehiyang magagamit sa pagtugon sa layunin ng
iyong akda.
Subukin ang Natutuhan:

1. Ano-ano ang mga pangunahing layunin sa


akademikong pagsulat?
2. Bakit mahalagang malaman ang layunin kapag
nagsusulat ng akademikong teksto?
3. Paano nagiging akademikong sulatin ang isang
autobiography o memoir?
4. Magbigay ng sitwasyong ginagamit ang sulating
nanghihikayat.
5. Sa iyong palagay, ano ang mangyayari kung hindi
malinaw sa iyo ang layunin ng isusulat?
Katangian:

* Pormal ang tono


* Karaniwang sumusunod sa tradisyonal na kumbensiyon
sa pagbabantas, grammar, at baybay.
* Organisado at lohikal ang pagkakasunud-sunod ng mga
ideya.
* Hindi maligoy ang paksa.
* Pinahahalagahan ang kawastuhan ng mga impormasyon.
* Karaniwang gumagamit ng mga simpleng salita upang
maunawaan ng mambabasa
* Hitik sa impormasyon
* Bunga ng masinop na pananaliksik.
Magkaiba ang personal at akademikong pagsulat. Sa
personal na pagsulat, maaaring impormal ang wika nito.
Maaari ding magaan ang tono at kumbersasyonal ang
wika. Madalas ay maligoy ang paglalahad ng personal na
pagsulat na karaniwan ding nangangailangan ng hindi
literal na pagbasa.
Ngunit dahil ang pagsulat ay patuloy na nagbabago,
may ilang manunulat na pinagsasanib ang mga
kumbensiyon sa akademikong pagsulat at malikhaing
pagsulat sa pagbuo ng akademikong teksto.
Pamantayan:

Walang isang paraan sa pagsusulat ng mahusay na


akademikong teksto. Depende sa sitwasyon o kahingian,
nagbabago-bago ang mga pamantayan kung ano ang mahusay na
estilo o nilalaman.
Ang mga guro ay may kani-kaniya ring hinahanap kapag
binabasa ang mga sanaysay ng kanilang mga estudyante.
May gabay sa pagsulat ang mga mamamahayag na kaiba sa
gabay sa pagsulat na sinusunod sa isang advertising agency.
(empleyado, HR head, manager, supervisor, namamahala sa
laboratory, etc….) Sa madaling salita, tuwing magsusulat ng
akademikong teksto, mahalagang alamin kung sino ang
magbabasa nito.
Subukin ang Natutuhan:

1. Ano-ano ang mga kaibahan ng akademikong pagsulat sa


personal na pagsulat?
2. Maaari bang gawing malikhain ang isang akademikong
sulatin? Pangatwiranan ang sagot?
3. Bakit walang “isang paraan” ng pagsusulat ng mahusay
na akademikong teksto?
4. Bakit mahalagang alamin kung sino ang mambabasa
kapag magsusulat ng akademikong teksto?
Mga Gamit: Akademikong Pagsulat

Gumamit ng mga hulwaran upang maging organisado at


malinaw ang daloy ng mga ideya sa akademikong sulatin kapag
magbabasa ng sanaysay, encyclopedia, balita, batayang aklat at
iba pang akademikong sulatin.

* Depinisyon – pagbibigay ng katuturan sa konsepto o


termino (pormal na depinisyon, kasingkahulugan, etimolohiya o
pinanggalingang salita)
* Enumerasyon – pag-uuri o pagpapangkat ng mga
halimbawang nabibilang sa isang uri o klasipikasyon (ayon sa uri,
lahi, kasarian, panahon, interes at iba pa)
* Order – pagsusunud-sunod ng mga pangyayari o proseso.
(kronolohiya ng mga pangyayari proseso ng pagluluto,
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari)
* Paghahambing o Pagtatambis – pagtatanghal ng
pagkakatulad o pagkakaiba ng mga tao, lugar, pangyayari,
konsepto at iba pa.
* Sanhi at Bunga – paglalahad ng mga dahilan ng
pangyayari o bagay at ang kaugnay na epekto nito.
* Problema at Solusyon – paglalahad ng mga suliranin
at pagbibigay ng mga posibleng lunas sa mga ito.
* Kalakasan at Kahinaan – paglalahad ng positibo at
negatibong katangian ng isa o higit pang bagay, sitwasyon,
o pangyayari.
Tandaan:

Maaaring gumamit ng higit sa isang hulwaran sa


isang akda, lalo na kung ito ay may kahabaan katulad
ng kritikal na sanaysay o papel-pananaliksik.

Maaari ding ang isang hulwaran ay buuin ng iba


pang hulwaran.
Anyo ng Akademikong Sulatin:
* Pamumuna * Anotasyon ng bibliograpi
* Manwal * Artikulo sa journal
* Ulat * Rebyu sa mga pag-aaral
* Sanaysay * Metaanalysis
* Balita * White paper
* Editoryal * Liham
* Encyclopedia * Korespondensiya opisyal
* Rebyu ng aklat, pelikula * Autobiography
o sining –biswal
* Tesis * Memoir
* Disertasyon * Plano ng pananaliksik
* Papel-pananaliksik * Konseptong papel
* Pagsasalin * Mungkahing saliksik
Ilapat ang natutuhan:

* Basahin ang mga pahina 3-5 sa artikulong “What is


Academic Writing? ni L. Lennie Irvin sa
http://parlorpress.com/pdf/Irvin--what-is-academic-
writing.pdf. Tungkol ito sa mga mito sa akademikong pagsulat.

Bumuo ng grupong may limang miyembro. Pag-usapan ang


pitong mitong binasa. Sang-ayon ba kayo sa mga inilalahad ng
mga ito? Ibahagi sa klase ang pitong mito at ang inyong napag-
usapan tungkol dito. Ilahad ito sa klase gamit ang Power Point
presentation.
* http://owl.massey.ac.nz/academic-writing/what-is-
academic-writing.php

* https://owl.english.purdue.edu/owl/section/1/2/

* “What are the key functions in academic writing?”


http://www.mheducation.co.uk/openup/chapters/
9780335227174.pdf

* “Forms of Academic Writing” ni Vernetta K. Williams


https://usflearn.instructure.com/courses/813386/files/
30786204/download
Proseso sa Pagsulat

1. Bago Sumulat (Prewriting)


- brainstorming

* malayang mag-isip at magtala ng mga


kaalaman at karanasan na may kinalaman sa paksa.

* napagpapasiyahan kung ano ang susulatin,


ano ang layunin sa pagsulat, at ang estilong gagamitin
2. Habang Sumusulat (Actual Writing)

- pagsulat ng unang burador (first draft) na


ihaharap ng bawat isa sa isang maliit na grupo upang
magkaroon ng interaksiyon kung saan tatalakayin ang
mga mungkahing pagbabago o mga puna. Karaniwang
tuon dito ang halaga ng paksa, kabuluhan ng pag-aaral,
at lohika sa loob ng sulatin.
3. Pagkatapos Sumulat (Post-Writing)

- Sa bahaging ito, ginagawa ang mga pagbabago


sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagkakaltas, at
paglilipat-lipat ng mga salita, pangungusap, o talata.
Bilang pangwakas na hakbang, pagtutuunan na ang
mekaniks ng sulatin tulad ng baybay, bantas at
gramatika.
Sa proseso ng pagsulat, bigyang-pansin ang mga bahagi
ng teksto ayon sa sumusunod:

1. Panimula
– ang bahaging ito ay nararapat na maging kawili-
wili upang sa simula pa lamang ay mahikayat ang
mambabasa na tapusing basahin ang eksto.
2. Katawan
- sa pagsulat ng bahaging ito, matatagpuan ang
wastong paglalahad ng mga detalye at kaisipang nais
ipahayag sa akda. Mahalagang magkaroon ng ugnayan at
kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi
malito ang mambabasa dahil ito ang pinakamalaking
bahagi ng teksto.
a. Pagpili ng organisasyon
b. Pagbabalangkas ng nilalaman
c. Paghahanda sa transisyon ng talataan
3. Wakas
- dapat isaalang-alang ang pagsulat ng bahaging
ito upang makapag-iwan ng isang kakintalan sa isip ng
mambabasa na maaaring magbigay buod sa paksang
tinalakay o mag-iiwan ng isang makabuluhang pag-
iisip at repleksiyon.
Gawaing Pagsulat:
Pumili ng isang pinakamasayang pangyayari sa iyong
buhay ngayong taon. Sumulat ng maikling sanaysay
hinggil dito. Sundin ang tinalakay na proseso ng pagsulat
at mga bahagi ng teksto.

Panimula
Dapat na ang panimula ay:

- isang pangungusap na makatawag-pansin


- isang pambungad na salaysay
Katawan
Dapat na ang katawan ay:
- Pagbabalangkas ng nilalaman (mahahalagang ideya o
kaisipan ng mga pangyayari na may wastong
pagkakasunod-sunod)

Wakas
Dapat na ang wakas ay:
- Pag-iiwan ng isang makabuluhang diwa o kaisipan
Modyul 3 - Pagsulat ng Abstrak:

Ang abstrak, mula sa salitang Latin na abstracum/


abstractus (drawn away o exract from) Harper, 2016, ay
ang maikling buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago
ang introduksiyon. Ito ang siksik na bersiyon ng mismong
papel. Ipinapaalam nito sa mga mambabasa ang paksa at
kung ano ang aasahan nila sa pagbabasa ng isinulat na
artikulo o ulat.
Ito ang karaniwang unang tinitingnan ng
mambabasa, kaya maituturing itong mukha ng
akademikong papel.
Uri, Kalikasan at Bahagi: Abstrak

Ang uri ng abstrak na iyong isusulat ay nakadepende sa


paksa o sa disiplinang kinapapalooban nito.

Sa kabila ng kaiksian ng abstrak, kailangang makapagbigay


pa rin ito ng sapat na deskripsiyon o impormasyon tungkol sa
laman ng papel.

Ang bahaging bumubuo sa deskriptibo at impormatibong


abstrak ay karaniwang isang pangungusap lamang ngunit may
kalayaan ang manunulat na maging malikhain kung paano niya
aayusin ang mga ito.
DESKRIPTIBONG ABSTRAK:

* Inilalarawan sa mga mambabasa ang mga pangunahing


ideya ng papel.
* Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin at tuon ng papel o
artikulo.
* Kung ito ay papel-pananaliksik, hindi na isinasama ang
pamamaraang ginamit, kinalabasan ng pag-aaral at
kongklusyon.
* Mas karaniwan itong ginagamit sa mga papel sa
humanidades at agham panlipunan at sa mga sanaysay sa
sikolohiya.
IMPORMATIBONG ABSTRAK:

* Ipinapahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang


ideya ng papel.
* Binubuod dito ang kaligiran, layunin, tuon,
metodolohiya, resulta at kongklusyon ng papel.
* Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong papel
at isang talata lamang.
* Mas karaniwan itong ginagamit sa larangan ng agham
at inhinyeriya o sa ulat ng mga pag-aaral sa sikolohiya.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak:

1. Basahing muli ang buong papel. Habang nagbabasa,


isaalang-alang ang gagawing abstrak. Hanapin ang mga
bahaging ito: layunin, pamamaraan, sakop, resulta,
kongklusyon, rekomendasyon, o iba pang bahaging
kailangan sa uri ng abstrak na isusulat.

2. Isulat ang unang draft ng papel. Huwag kopyahin ang


mga pangungusap. Ilahad ang mga impormasyon gamit
ang sariling salita.
3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang
kahinaan sa organisasyon at ugnayan ng mga salita o
pangungusap, tanggalin ang mga hindi na kailangang
impormasyon, magdagdag ng mahahalagang
impormasyon, tiyakin ang ekonomiya ng mga salita at
iwasto ang mga maling grammar at mekaniks.

4. I-proofread ang pinal na kopya.


Mahalagang Ideya:

Huwag magpapalinlang. Bagaman maiksi,


nangangailangan ng mataas na kasanayan sa pagbasa at
pagsulat ang pagbuo ng abstrak.

Walang halaga ang pag-aaral at kahusayan ng papel


kung walang magbabasa nito dahil sa mahinang abstrak.
Upang magkaroon ng ideya kung ano ang abdtrak,
maaaring bisitahin ang mga sumusunod na Web site para
sa ilang halimbawa nito:

* http://www.sccur.uci.edu/sampleabstracts.html

* http://www.willamette.edu/cla/ssrd/abstract_
examples/
Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak:

1. Binubuo ng 200-500 salita.


2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na
nakatatayo sa sarili nito bilang isang yunit ng
impormasyon.
3. Kompleto ang mga bahagi.
4. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.
5. Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na
mambabasa.
Subukin ang Natutuhan:

1. Ano ang abstrak?


2. Bakit kailangan ng abstrak?
3. Bakit karaniwang inilalagay sa unahan ng papel ang abstrak?
4. Ano-ano ang mga kaibahan ng impormatibo at deskriptibong
abstrak ayon sa nilalaman?
5. Bakit mahalagang basahing muli ang buong papel bago isulat
ang abstrak?
6. Paano ilalahad sa abstrak ang mga impormasyong nakuha sa
papel?
7. Ano ang kahalagahan ng pagrerebisa ng unang draft ng
abstrak?
8. Bakit kailangang gumamit ng mga simpleng salita at
pangungusap sa abstrak?
9. Ano-anong mga paghahanda ang gagawin mo upang
makalikha ng isang mahusay na abstrak?
10. Paano mo tatayain ang kahusayan ng isusulat mong
abstrak?
HANDA KA NA BANG MAGSULAT NG ABSTRAK?
Pagsulat:

Bumuo ng abstrak mula sa pananaliksik na ginawa sa


asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa Pananaliksik. Isaalang-alang ang mga pamantayan
sa pagbuo ng abstrak. Gawin ito sa short bond paper.

Gawain:
Manaliksik ng tiglimang papel-pananaliksik na
kuwalitatibo at kuwantitatibo. Tipunin ang mga abstrak nito
at paghambing-hambingin ang pagkakaiba mula sa paksa,
nilalaman, implikasyon, at kalikasan o katangian.

You might also like