pagbili at paggamit ng mga produkto upang matugunan ang mga pangngailangan at matamo ng tao ang kasiyahan. Mga Uri ng Pagkonsumo • Tuwiran o Direkta- ang uri ng pagkonsumo na nagaganap kapag sa ating pagbili natatamo natin ang kasiyahan at kapakinabangan. Halimbawa: kapag kumain ka ng pandesal upang matugunan ang iyong pagkagutom at matapos ito, napawi ang iyong pagkagutom. Ang pagkapawi ng ating gutom ay isang uri ng pagtugon sa ating pangangailangan na nakakapagdulot sa atin ng kasiyahan. Produktibo- ang uri ng pagkonsumo na nagaganap kapag bumili tayo ng produkto upang upang gamitin sa paglikha ng iba pang produkto o serbisyo. Halimbawa: ang pagbili mo ng karayom upang gamitin sa pananahi ng damit na iyong isusuot. • Maaksaya- ang uri ng pagkonsumo na ang pagbili at paggamit ng produkto ay hindi tumutugon sa pangangailangan ng mamimili at hindi nagdudulot ng kasiyahan sa kanya.Maaaring ang ginawangpagbili ay bunga ng mga salik na nakakaimpluwensiya sa ating pagkonsumo. • Halimbawa: pagbubukas ng ilaw kahit na maliwanag. • Mapanganib- ang uri ng pagkonsumo ng mga bagay na maaaring magdulot ng sakit at perwisyo sa tao. Ang pagbili at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot ay isang halimbawa nito dahil kahit nagdudulot ito ng kasiyahan sa gumagamit nito, ay nagsisilbing banta rin sa kalusugan ng tao.