AP Report

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

AP Report

Reporters:
Joanna Marie Baggay
John Laurence Onia
ANG TENSIYONG COLD WAR SA
VIETNAM
• Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tinulungan ng
mga Hapones na mag-organisa ng pangkat ang mga
Vietnamese Nationalist at nabuo ang Viet Minh, isang
samahang komunista na pinamumunuan ni Ho Chi
Minh.
• Nang muling sakupin ng Pransiya ang Vietnam noong
Marso 13, 1954, nagsanib ang puwersa ng mga
nasyonalista at komunistang Vietnamese at
magkasamang nilabanan ang mga Pranses sa labanan
sa Dien Bien Phu, ang kauna-unahang digmaan sa
IndoTsina.
• Natalo ang mga Pranses sa labanan at napilitang
sumuko noong Mayo 7, 1954.
• Isang kasunduan ang naganap matapos sumuko ng
mga Pranses. Sa kasunduang ito, ang Vietnam ay
pansamantalang hinati sa dalawang sona sa bias ng
17th parallel:
1. Hilagang Vietnam – ay nasa ilalim ng
pamamahala ng komunistang Democratic Republic of
Vietnam.
2. Timog Vietnam - ay nasa ilalim ng pamamahala
ng mga Pranses na suportado ng estado ng Vietnam.
• Sa kabila ng pag-atras ng hukbong Pranses sa
Vietnam, patuloy na nag-alitan ang Hilagang Vietnam
sa pamumuno ni Ho Chih Minh at Timog Vietnam sa
pamumuno ni Emperador Bao Dai at Punong Ministro
Ngo Dinh Diem.
• Sinuportahan ng Estados Unidos ang pamahalaan ng
Timog Vietnam, habang ang Hilagang Vietnam naman
ay sinuportahan ng komunistang Tsina at Unyong
Sobyet.
• Ang di-pagkakaunawaan sa pagitan ng Timog Vietnam
at Hilagang Vietnam ay nauwi sa Digmaang Vietnam,
ang Ikalawang Digmaan sa IndoTsina.
ANG DIGMAAN SA VIETNAM
• Ang Digmaang Vietnam ay naganap noong Marso,
1959 hanggang Abril 30, 1975.
• Ang mga Vietcong, mga rebolusyonaryong komunista
sa Timog Vietnam, ay nakipaglaban sa puwersang
komunista sa Timog Vietnam, at di naglaon ay
sinuportahan ang mga hukbong militar sa Hilagang
Vietnam. Ang ginawa ng mga Vietcong ay mas lalong
nagpalala ng hidwaan sa Timog at Hilagang Vietnam.
• Nagpadala ang mga Estados Unidos ng mga sandata at
hukbo sa Timog Vietnam upang tulungan ang bansa na
labanan ang komunismo.
• Naniniwala ang mga Estados Unidos na ang
pagtatagumpay ng mga komunismo ay isang malaking
banta sa mga demokrasyang bansa sa rehiyon.
• Ang Domino Theory ay isang paniniwala na ang isang
pangyayaring politikal at iba pa sa isang bansa ay
magiging sanhi ng katulad na mga pangyayari sa mga
kalapit na bansa. Ito ay pinangambahan ng Estados
Unidos.
• Tumagal ang labanan ng mga komunista at
demokratikong hukbo sa bansa hanggang sa magkaroon
ng kasunduang pangkapayapaan noong 1973.
• Nagwakas ang digmaan nang nagtagumpay ang mga
komunistang Vietnamese na mapabagsak ang Timog
Vietnam noong 1975.
• Marami ang namatay sa digmaan. Kabilang dito ang
1.5 milyong Vietnamese at 58,000 na Amerikano.
• Muling naging isa ang Vietnam sa ilalim ng mga
komunista.
• Ang pamahalaang komunista ay nagpatupad ng
mahigpit na pamumuno sa dating Timog Vietnam.
• Ang mga tao ay ipinadala sa mga kampong paaralan
upang maikintal ang komunismo sa kanilang isipan,
at ang mga industriya at negosyo ay kaagad na
ipinailalim sa kontrol ng pamahalaan.
ANG TENSIYONG COLD WAR SA
CAMBODIA
• Si Pol Pot, isang lider komunista ng samahang Khmer
Rouge (samahan ng mga rebeldeng komunista sa
Cambodia), ay nakipagkasundo sa mga komunistang
Vietnamese.
• Bunga ng kasunduan, ginamit ng Hilagang Vietnam
ang Cambodia bilang base militar at daanan ng suplay
ng mga sandatang pandigma nito.
• Ang labanan sa pagitan ng mga Amerikano at
komunistang Vietnamese ay umabot hanggang sa
Cambodia.
• Dumanas ng hirap ang mga Cambodian sa pagbomba
ng mga Amerikano ng mga kublihan ng mga
komunistang Vietnamese sa kabilang bansa.
• Noong 1970, ang pamumuno ng pamahalaan ng
Cambodia sa ilalim ni Norodom Sihanouk ay inagaw
ni Heneral Lon Nol.
• Ang pamahalaan ni Heneral Lon Nol ay hinamon ng
Khmer Rouge. Humantong ang mga pangyayari sa
isang digmaang sibil na tumagal hanggang 1975, kung
saan ang Khmer Rouge ang nanaig.
• Matapos maagaw ang kapangyarihan, nagtatag ang
Khmer Rouge ng isang mapaniil na pamahalaang
komunista na pinamunuan mi Pol Pot.
• Idineklara ni Pol Pot ang mga katagang, “This is Year Zero
and the society was about to be purified.”
• Upang maisakatuparan ang layuning idineklara ni Pol Pot,
ang kapitalismo, kulturang kanluranin, buhay lungsod,
relihiyon, at iba pang impluwensiyang dayuhan ay
sapilitan niyang pinaalis, at ang mga embahadang
dayuhan ay ipinasara at tinanggihan ang anumang tulong
mula sa mga dayuhan.
• Ang mga Cambodian na gamay sa buhay lungsod ay
sapilitan ring pinagsaka at pinagtrabaho sa loob ng 18
oras at nirarasyunan lamang ng 180 gramo ng bigas ang
bawat tao sa bawat dalawang araw. Ito ay naging sanhi ng
kamatayan ng milyun-milyong Cambodian, Vietnamese,
mga Tsino at iba pang pangkat etnikong naninirahan sa
Cambodia.
• Ang sakahan ng Cambodia ay tinaguriang, “killing
fields” ni Pol Pot dahil sa milyun-milyong taong
namatay.
• Nilayon ni Pol Pot na mabawi ang mga hangganan ng
Cambodia na sinakop ng mga Vietnamese noong
sinaunang panahon mula sa Imperyong Khmer. Sanhi
nito, pinaabot niya ang pananalakay ng kanyang
hukbo hanggang sa mga hangganang ito upang
muling angkinin ang makasaysayang lupaing ito.
• Ikinagalit ng Vietnam ang ginawa ni Pol Pot. Sinalakay
ito ng Cambodia noong Disyembre 25, 1978.
• Noong 1979, ang Cambodia ay tuluyan nang
napasailalim ng Vietnam at inagaw ang pamahalaang
itinatag ng Khmer Rouge.
• Nilisan ng mga puwersang militar ng Vietnam ang
Cambodia noong 1989. Ito ay nagsilbing daan tungo
sa Kasunduang Paris noong Oktubre 1991.
• Sa pamamagitan ng kasunduang naganap, itinalaga
ang United Nations Transitional Authority sa
Cambodia o UNTAC.
• Ang UNTAC ay inatasang samsamin ang armas ng
lahat ng paksiyon sa bansa at ihanda ito sa
pambansang halalan.
• Sa tulong ng United Nations, muling itinalaga ng
Cambodia ang pamahalaang Constitutional Monarchy
at nagdaos ng isang malayang halalan.
• Ang Constitutional Monarchy ay pinamumunuan ng
isang monarka o hari na ginagabayan ng isang
saligang batas kung saan ang kanyang mga karapatan,
gawain, at responsibilidad ay nakatala.
• Si Pol Pot ay nabihag at ibinilanggo bilang
kaparusahan sa mga kasalanang kanyang nagawa
laban sa mga Cambodia.
EPEKTO NG MGA SAMAHANG
PANGKABABAIHAN TUNGO SA
PAGKAKAPANTAY-PANTAY
• Sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng mga
kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay,
maraming samahan at organisasyon lokal man o
internasyonal ang nagbibigay suporta sa higit na
pagtatamo ng mga karapatang ito ng mga kababaihan.
• Anuman ang pagbabago ay bunsod ng mabilis na
pagbabago sa ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon na
tunay na nakaaapekto sa kalagayan ng mga
kababaihan.
• Sa mabilis na pagbawi ng ekonomiya sa rehiyon
noong 1997 hanggang 1998 matapos ang krisis
pinansiyal, ang bilang ng mga kababaihang
naghahanapbuhay sa rehiyon ay mabilis na tumataas.
• Sa Silangang Asya naranasan ang pinakamataas na
pagdami ng kababaihang kabilang sa lakas
manggagawa. Ito ay bunsod ng pangangailangan ng
higit na dami ng lakas manggagawa bunga ng
nalinang na ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon.
• Naging kaagapay ng paglilinang ng ekonomiya ng mga
bansa sa rehiyon ang mga kababaihang OFW.
• Sa kabila ng mga pagbabago, marami pa ring mga
hamon ang kinakaharap ng mga kababaihan sa mga
rehiyon.

You might also like