Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

Kasanayang Pangwika

Ang Islam ay ang relihiyon ng


mga Muslim na ipinamana ng
mga Arabe sa ating bansa. Ito ay
isang uri ng paniniwalang
monoteismo na
nangangahulugang
pananampalataya sa isang Diyos.
Ang salitang Islam ay nangangahulugang
pagsuko- pagsuko sa kagustuhan g Diyos
na si Allah. Ang aral ng Islam ay
nakapaloob sa “Limang Haligi ng
Katotohanan.” Ito ay shahada (
paniniwalang walang ibang Diyos kundi
si Allah at si Mohammad ang propeta ng
Diyos); salat ( pananalangin ng limang
ulit sa loob ng isang araw paharap sa
direksyon ng Mecca);
Zakat ( pagbibigay –limos sa
mahihirap); saum (pag-aayuno mula
sa pagsikat ng araw hanggang sa
paglubog nito sa buwan ng
Ramadam); at hajj( paglalakbay ng
lungsod ng Mecca isang beses man
lamang sa kanilang buhay kung saan
tinatawag na Hadji ang sinumang
nakagagawa nito).
Matatagpuan sa Koran , ang banal na aklat
ng mga Muslimang kanilang mga aral.
Naglalaman ito ng mga kautusang
panrelihiyon na dapat sundin ng mga
Muslim. Io ay binubuo ng 114 na surah o
kabanata na nasa anyong patula sa wikang
Arabiko. Moske o masjid ang tawag sa
kanilang lugar sambahan. Ang lahat ng mga
Muslim ay kabilang sa isang komunidad na
tinatawag na umma anuman ang kanilang
kultura o bansang kinabibilangan.
Retorikal na Pang-ugnay

Kasanayang Pang wika


Retorikal na Pang-ugnay
Ang pag-uugnay ng iba’t ibang
bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga
upang makita ang pag-uugnayang
namamagitan sa pangungusap o
bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang
mga pang-ugnay na ito ay kadalasang
kinatawan ng pang-angkop, pang-
ukol, at pangatnig.
Pang-angkop
Ito ay ang mga katagang nag-
uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan. Ito ay
nagpapaganda o nagpapadulas
sa pagbigkas ng mga
pariralang pinaggagamitan.
Dalawang Uri ng Pang-angkop
a. Ang pang-angkop na na ay
ginagamit kapag ang unang salita
ay nagtatapos sa katinig maliban sa
n.
 Hindi ito isinusulat nang nakadikit
sa unang salita.Inihihiwalay ito.
Nagigitnaan ito ng salita at ng
panuring.
 Halimbawa:

mapagmahal na hari
Kapag ang unang salita naman
ay nagtatapos sa titik n
tinatanggal o kinakaltas ang n
at ikinakabit ang –ng
Halimbawa:Huwarang pinuno
b. Ang pang – angkop na – ng
ay ginagamit kung ang unang
salita ay nagtatapos sa mga
patinig. Ikinakabit ito sa
unang salita.
Halimbawa: mabuting kapatid
Pang-ukol
 Ito ay kataga/ salitang nag-
uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang
salita sa pangungusap.
Narito ang mga kataga/ pariralang
malimit na gamiting pang-ukol.
 sa  para sa /kay
 ng  tungkol sa /kay
 kay/kina
 ayon sa /kay
 alinsunod sa/
 hinggil sa /kay
kay
 ukol sa /kay
 laban sa /kay
3. Pangatnig

 Mga kataga/ salita na nag-


uugnay ng dalawang salita,
parirala, o sugnay.
Pangatnig na pandagdag:

Nagsasaad ng pagpuno o
pagdaragdag ng
impormasyon.
Halimbawa: at, pati
Pangatnig na pamukod

Nagsasaad ng pagbubukod o
paghihiwalay.
Halimbawa: o, ni , maging
Pagbibigay sanhi/ dahilan

Nag-uugnay ng mga lipon ng


salitang nagbibigay-katwiran o
nagsasabi ng kadahilanan.
Halimbawa: dahil sa, sapagkat,
palibhasa
Paglalahad ng bunga o resulta

Nagsasaad ng kinalabasan o
kinahihinatan.
Halimbawa: bunga nito, kaya o
kaya naman
Pagbibigayng kondisyon

Nagsasaad ng kondisyon o
pasubali.
Halimbawa: kapag, pag, kung ,
basta
Pagsasaad ng kontrast o
pagsalungat
Nagsasaad ng pag-iba,
pagkontrol o pagkontra.
Halimbawa: ngunit, subalit,
datapwat, bagama’t
Madali Lang ‘yan

Panuto: Kilalanin at salungguhitan


ang mga pang-ugnay na ginamit
sa bawat pangungusap. May mga
pangungusap na higit sa isa ang
pang-ugnay
1.Alinsunod sa kalooban ng Diyos
ang kanyang mga naging pasiya.
2. Ang lahat ng ating ginagawa ay
dapat nakatuon para sa kabutihan
ng ating kapwa at bansa.
3. Ang matapat na pinuno ay mahal
ng taumbayan.
4. Ang matiwasay na pamumuhay
ay hangad ng lahat.
5. Ang pusong maunawain ay
madaling makapagpatawad.
6. Bagaman mayaman ay nagawa
niyang makisalamuha sa mga
simpleng tao.
7. Dahil sa sipag at tiyaga’y
umunlad siya sa buhay.
8. Maging maingat sa lahat
ng iniisip at ginagawa
upang hindi makapanakit
ng damdamin ng iba.
9. Mahirap maging kaibigan ang
mga taong sinungaling at
mapaggawa ng kuwento kaya
mag-ingat sa pagpili ng kaibigan.
10. Maraming magagandang
oportunidad ang naghihintay sa
isang matalinong mamamayan.
1.Alinsunod sa kalooban ng Diyos
ang kanyang mga naging pasiya.
2. Ang lahat ng ating ginagawa ay
dapat nakatuon para sa kabutihan
ng ating kapwa at bansa.
3. Ang matapat na pinuno ay mahal
ng taumbayan.
4. Ang matiwasay na pamumuhay
ay hangad ng lahat.
5. Ang pusong maunawain ay
madaling makapagpatawad.
6. Bagaman mayaman ay nagawa
niyang makisalamuha sa mga
simpleng tao.
7. Dahil sa sipag at tiyaga’y
umunlad siya sa buhay.
8. Maging maingat sa lahat ng
iniisip at ginagawa upang hindi
makapanakit ng damdamin ng
iba.
9. Mahirap maging kaibigan ang mga
taong sinungaling at mapaggawa ng
kuwento kaya mag-ingat sa pagpili
ng kaibigan.
10. Maraming magagandang
oportunidad ang naghihintay sa isang
matalinong mamamayan.
Tiyakin na Natin
Pangalan: _________________ Petsa: _______
Baitang at Seksyon: _________ Marka: ______
Layunin: Nagagamit nang wasto ang mga
retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda (
F7WG-If – g – 4)
ng – 1.
_____________________________________
_____________________________________
____________________________________
na – 2.
_______________________________________
_____________________________________
_____________________________________
____
3. Para kay- _________________________
4. tungkol sa - ___________________________
5. kapag - ______________________________
6. subalit - _____________________________
7. kung - _______________________________
Gamit ang dalawang pang-angkop ay
magbanggit ka ng dalawang kaisipang
natutuhan mo mula sa Limang Haligi
ng Islam
 na -
_____________________________________
_____________________________________
 ng -
_____________________________________
_____________________________________
Magbigay ng mga bagay na ginagawa mo sa
kasalukuyan upang maipakita mo ang iyong
paniniwala at pagpapahalaga sa rehiyon o
relihiyong kinabibilangan gamit ang mga pang-
ukol at pangatnig na matatagpuan sa
ibaba.
 alinsunod sa - _________________________

 tungkol sa - ___________________________

 kapag - ______________________________

 subalit - _____________________________

 kung - _______________________________

You might also like