Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

PAKIKIPAGLABAN

PARA SA KALAYAAN
Inihanda ni:
Novie Samortin Velasquez
Master Teacher I
Mabini II Elementary School
Balik-aralan Natin
Talasalitaan:

Reporma= mga gawaing may kinalaman sa pagbabago tungo sa kaunlaran.

Cortes=salitang Español na ang kahulugan ay hukuman.

Sekularisasyon=pagnanais ng mga paring Pilipino ng pantay na karapatan sa mga


pamayanan.
Talasalitaan:

Monopolyo= mga gawaing may kinalaman sa pagpipigil dahil sa pansariling kadahilanan.

Parokya=salitang Español na ang kahulugan ay mga punong namumuno sa mga lalawigan.

Polo y servicio= sapilitang pagtratrabaho ng mga kalalakihang may edad 17-70 sa loob ng40
araw ng walang bayad.
Ating Alamin
■ Mahalaga para sa isang bansa ang pagkakaroon ng
kalayaan o kasarinlan .Dito nakasalalay ang tagumpay ng
mithiin nitong umunlad .Dahil dito ,nagbuwis ng buhay an
magigiting na Pilipino.Mahal nila ang Pilipinas.
■ Ang kalayaan ng Pilipinas ay hindi lamang minsang
dumaan sa pagsubok.Ilang ulit itong ipinagtanggol ng mga
Pilipino.
■ Sagutin:
■ Bakit mahalaga sa ating mga Pilipino ang kasarinlan o kalayaan?
■ Ano ang ginawa ng mga Pilipino upang makamit ito?
■ Ano ano ang halimbawa ng pagtatanggol ng Pilipino sa pagkamit ng kalayaan.?
Talakayan sa Gawain 1:
■ Basahin nang mabuti ang nilalaman ng Activity Sheet at sagutin ang sumusunod n
katanungan:
1.Bakit nagkaroon ng mga pag-aalsa ang mga Pilipino?_________________________________
2.Nanalo ba sila sa mga pag-aalsa ?Sa iyong palagay bakit sila nabigo?_________________________
3.Ano ang nagging ganti ng mga Espanyol sa mga Pilipino?____________________________________
4.Sino-sino ang mga paring pinarusahan?Bakit?____________________________________________
5.Ano ang iyong masasabi sa tinuran ni Padre Burgos tungkol sa mga kabataan?___________________
6.Ano ang nagging kasagutan ng mga kabataan noong panahong iyon?_____________________________
7.Ano ang Kilusang Propaganda?_______________________________________________
8.Ano-ano ang kanilang layunin?_________________________________________________________
9.Sino-sino ang kilalang Propagandista?________________________________________________
10.Ano-ano ang mga reporma o pagbabagong kanilang natamo?________________________________
Tungo sa Pagtatamo ng Kalayaan
■ Nakatala sa kasaysayan ng Pilipinas ang maraming pag-aalsang isinagawa ng Pilipino
laban sa mga Espanyol.Pagpapahayag ito ng pagtutol sa mga patakarang ipinatupad ng
Espanya sa bansa noong panahong iyon.Bagaman nabigo ang mga pag-aalsang
ito,naipakita ng mga Pilipino na kaya nilang lumaban sa mga dayuhan sa mga dayuhang
nang-aalipin sa kanila.
■ Upang mapigil ang mga Pilipino sa patuloy na pag-aalsa lalong naghigpit sa pamamahala
ang mga Espanyol.Pinarusahan nila ang mga Pilipinong namuno o sumuporta sa pag-
aalsa.Kabilang dito ang mga paring sina Jose Burgos ,Mariano Gomea at Jacinto Zamora o
nakilala bilang mga paring GOMBURZA .Pinaghinalaan silang may kinalaman sa pag-aalsa
sa Cavite noong 1872 kaya naman ang paggarote sa kanila ay tinawag na “Cavite Mutiny”.
■ Bago namatay si Padre Burgos ,pinayuhan niya ang mga kabataang Pilipinong mag-
aral.Sinabi niyang nasa karunungan at kasanayan ang pag-asa ng Pilipinas na umunlad.
■ Maraming maykayang Pilipino ang nakapag-aral sa ibang bansa noon.Ang mga kabataang
ito ang namuno sa pakikipaglaban para sa reporma sa bansa.
Kilusang Propaganda
■ Kabilang sa mga nagtatag ng Kilusang Propaganda noong 1882 ang mga
kabataang Pilipino na nag-aaral saEuropa .Nakikiisa sila sa mga Pilipinong
ipinatapon dahil nasangkot sa mga pag-aalsa laban sa Espaa.
■ Mga layuning ng kilusan ang sumusunod:
1.Gawin ang Pilipinas na bahagi o lalawigan ng España.
2.Muling pagkakaroon ng kinatawan ng Pilipinas sa Cortes ng España.
3.Pagiging pantay ng mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas;
4. Sekularisasyon ng mga Pilipino sa Pilipinas: at
5.Pagbibigay sa mga Pilipino ng kalayaan sa pananalita ,pamamahayag at
pagpupulong.
Ilan sa mga Pilipinong kasapi sa kilusan sina Jose P.
Rizal ,Marcelo H.Del Pilar,Graciano Lopez-Jaena
,Pedro A. Paterno ,Isabelo F. Delos Reyes at Felix R.
Hidalgo.
■ Kabilang sa mga repormang natamong Kilusang Propaganda
ang sumusunod:
1.Pagbuwag ng monopoly sa tabako.
2.Pagpapalit sa buwis sa sedula.
3.Pagbabawas sa sapilitang paggawa mula sa 40 araw
hanggang sa 15 araw na loob ng isang taon.
4.Pagpapatuloy sa ibang probisyon ng batas sa mga
pamahalaang local noong 1893.
Paglalapat:
■Ano ang kahalagahan ng kaalaman
tungkol sa mga pangyayaring ito sa
kasaysayan?
■ Paano nito nagising ang iyong
damdaming makabayan?
Isulat ang iyong natandaan!
Talakayan saGawain Bilang 2
■ Tingnan ang mga larawan at sagutin ang sumusunod:
■ A.Basahin at sagutin:
1.Paano pinipili ang mga kasapi ng kilusan?________________________________________________
2.Ano-ano ang batayan ng kanilang pagpili?_________________
3.Ano ang dalawang paraan ng pagpili ng kasapi?______________________________________________
4.Ano ano ang tatlong grupo ng sanggunian?Paano kaya sila pinipili?_________________
6.Ano ang nilalaman ng kanilang panunumpa?_____________________________________________
B. Gawin Natin:
Magsanay sa wastong pagbasa ng “Panunumpa ng mga Kasapi ng Kilusan” at basahin ito sa harap ng
klase
Tingnan Natin:
■ Batay sa naging pag-aaral sagutin mo ang sumusunod
na katanungan:
1.Kung nabuhay ka sa panahong pinatay ang mga paring
sina GOMBURZA ano ang iyong gagawin? At bakit mo ito
gagawin?_________________________________________
___________________
2.Bakit napakahalaga ng naging tungkulin ni Jose P.
Rizal?Para sa iyo karapat-dapat ba siyang maging
pambansang bayani?
Takdang Aralin

Basahin sa batayang aklat


tungkol sa Katipunan at La Liga
Filipina.
Ang Pagpili ng kasapi ng KKK
Ang Mga Kasapi ng Kilusan
Panunumpa ng Kasapi
Ating Tandaan:Isulat sa graphic organizer ang iyong
natandaan
Sagutin Mo!
■ Para sa iyo ano ang kahalagahan ng
sumusunod…………
■ La Liga
Filipina__________________________________
■ Propaganda______________________________
____________
■ Katipunan_______________________________
________________
Hanggang sa susunod na
pagbuklat sa kasaysayan…..

■Buenas Dias Mi
Amigo Y Amiga……

You might also like