Ang Wikang Sillag Festival Bilang Daluyanng Kulturaat Identidadngmga Ilokano The Languageof Sillag Festivalasa Reflectionof Cultureand Identityofthe Ilocano
na Gamit ng Wika Ang Phatic na Gamit ng Wika Ang mga pahayag na nagbubukas ng usapan gaya ng, “Kumain ka na?”; mga pahayag na nagpapatibay ng ating relasyon sa ating kapuwa gaya ng, “Natutuwa talaga ako sa‘yo!”; at mga ekpresyon ng pagbati gaya ng, “Magandang umaga!”, pagpapaalam gaya ng, “Diyan na muna kayo, uuwi na ‘ko.” ay phatic na gamit ng wika. Ang Emotive na Gamit ng Wika
Ito ang mga salitang nagpapahayag ng
damdamin o emosyon gaya ng lungkot, takot, at awa.
Sa mga sitwasyong sinasabi natin ang
ating nararamdaman, emotive ang gamit natin ng wika. Ang Expressive na Gamit ng Wika
Sa ilang usapin, personal man
o panlipunan, nababanggit natin ang ating mga saloobin o kabatiran, ideya, at opinyon. Sa mga usapang ganito, expressive ang gamit natin ng wika. Aralin 7
Ang Instrumental, Interaksyonal,
Personal at Imahinatibong Komunikatibong Tungkulin ng Wika TUNGKULIN NG WIKA (Para sa Kapakinabangan Pansarili) ANG WIKA AY REPLEKSYON NG PANLIPUNANG PANGANGAILANGAN AT KONTEKSTO - MALOWSKI Ang Instrumental na Tungkulin ng Wika
May instrumental na tungkulin ang
wika kung layunin nitong makipagtalastasan para tumugon sa pangangailangan ng tagapagsalita. Ang Interaksyonal na Tungkulin ng Wika Kapag nagbubukas ng interaksiyon o humuhubog ng panlipunang ugnayan, ang wika ay may interaksiyonal na tungkulin.
Ang wika ay may panlipunang gampanin na
pag-ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapwa sa paligid.
Pakikipag-usap at pakikisalamuha sa iba
Ang Interaksyonal na Tungkulin ng Wika
Paano Mabisang Matatamo ang Mahusay na
Interaksiyon?
Mabisang matatamo ang mahusay na interaksiyon sa
pamamagitan ng estratehiyang interaksiyonal gaya ng paggamit ng mga katangiang di gumagamit ng salita, tulad ng kilos, tuon ng mata, at pagwiwika ng katawan (mga muwestra o galaw ng kamay, pagkiling-kiling ng ulo, at iba pang mga kilos). Ang Personal na Tungkulin ng Wika
Nagsisilbing gampanin naman ng personal
na tungkulin ng wika ang palakasin ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
Ginagamit ng isang tao ang wikang
personal upang ipahayag ang kaniyang mga personal na preperensiya, saloobin, at pagkakakilanlan. Ang Imahinatibo na Tungkulin ng Wika
Mahalaga naman ang imahinatibong
tungkulin ng wika upang ipahayag ang imahinasyon, maging mapaglaro sa gamit ng mga salita, lumikha ng bagong kapaligiran o bagong daigdig.
Sa pagsulat ng mga malikhaing
komposisyon, gumagamit ng tayutay at iba pang estratehiya upang matupad ang layon ng mapang-akit na komunikasyon. Ang Imahinatibo na Tungkulin ng Wika Halimbawa
Ang paglikha ng mga popular na pick-up lines ay
nagpapakita ng malikhaing tungkulin ng wika upang magpatalas ng isang ipinahihiwatig na kahulugan at damdamin.
“Papupulis kita! –
Ninakaw mo kasi ang puso ko.” Aralin 8
Ang Regulatori, Heuristiko,
at Representibong Tungkulin ng Wika TUNGKULIN NG WIKA (Para sa Kapakinabangan Panlipunan) Ang Regulatori na Tungkulin ng Wika May regulatori na kumokontrol o gumagabay sa kilos or asal ng bawat isa.
Maaaring gamitin ang regulatori na tungkulin ng wika sa
mga aktuwal na karanasan ng pagbibigay ng panuto, batas, at pagtuturo. Ang Heuristiko na Tungkulin ng Wika Kapag ginagamit ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran, nagiging heuristiko ang tungkulin ng wika.
Sa aktuwal na karanasan, maaaring makita ang
tungkulin ng wikang heuristiko sa mga gawain ng imbestigasyon, pagtatanong, at pananaliksik. Ang Representatibo na Tungkulin ng Wika
Representatibo ang tungkulin ng wika kapag
ginagamit ang wika sa pagpaparating ng mga kaalaman, mag-ulat ng mga pangyayari, maghatid ng mga mensahe, magpaliwanag, at iba pa.
Sa tungkulin na ito ng wika, makikitang may
pagpapalitan ng kaisipan. May naghahatid ng impormasyon o kaalaman at may tumatanggap.
Ang Wikang Sillag Festival Bilang Daluyanng Kulturaat Identidadngmga Ilokano The Languageof Sillag Festivalasa Reflectionof Cultureand Identityofthe Ilocano