A.P - ANYONG TUBIG at Anyong Lupa

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Balik-aral

Ano ang mapa?


Bakit mahalaga ang
mapa?
ANYONG TUBIG
Ikaw, ako, sa tubig ay magtampisaw
(3X)
Ating tingnan anyong tubig, la la la….
Tingnan mo ang DAGAT, ILOG at LOOK
Pati na ang LAWA, TALON AT SAPA (2X)
Ano ang pamagat ng awit?
Ano-ano ang dapat tingnan ayon sa
awit?
Anong mga anyong tubig na katulad
ng nasa awit ang mayroon sa iyong
komunidad?
•Ano-ano ang mga anyong lupa
at anyong tubig na makikita sa
kapaligiran ng iyong komunidad?
•Alin sa mga ito ang nananatili
pa sa iyong komunidad hanggang
sa kasalukuyan?
May mga pagbabago ba sa
mga anyong tubig/anyong
lupa na makikita sa iyong
komunidad?
Magandang araw. Ako si
Komunidad. Ipapasyal kita
sa aking paligid. Makikikita
at makikilala mo ang mga
anyong tubig at anyong
lupang nakapaligid sa akin.
Ako si KARAGATAN. Ako ang
pinakamalaking anyong tubig.
DAGAT naman ang tawag sa akin. Isa rin
akong malaking anyong tubig. Maraming
yamang dagat ang nakukuha sa
kailaliman ko.
Ako si LOOK. Malapit ako sa baybayin ng
dagat. Kung tawagin nila ako ay bisig o
karugtong ng karagatan. Maganda akong
himpilan ng mga sasakyang-pandagat.
LAWA ang tawag sa akin. Ako ay
maliit na anyong tubig ng napaliligiran
ng lupa. Matabang ang aking tubig.
Ako si ILOG. Bahagi ako ng
malaking lawa na umaagos o
dumadaloy.
SAPA kung ako ay tawagin.
Mas maliit ako kaysa ilog.
Ako si BUKAL.
Nanggagaling ako sa
ilalim ng lupa. Kalimitang
mainit na tubig ang
nagmumula sa akin.
Maraming katulad ko
ang matatagpuan sa
lalawigan ng Laguna.
TALON ang
tawag sa
akin. Ako’y
tubig na
bumabagsak
mula sa
mataas na
lugar tulad ng
Ang ipakikilala ko
naman ay ang mga
anyong lupang
nakapaligid sa
akin. Gusto ba
ninyo silang
makilala?
Ako si PULO.
Isa akong
anyong lupa
na
napaliligiran
ng tubig.
Ako ang
pinakamataas
na anyong
lupa. BUNDOK
ang tawag sa
akin.
Ako si BULKAN.
Mataas akong
anyong lupa na
may butas sa
tuktok. May mainit
at kumukulong
putik at bato ang
loob ko.
Ako ay mataas
na lupa ngunit
mas mababa
kaysa sa
bundok. Ako si
BUROL.
TALAMPAS kung
ako ay tawagin.
Ako’y malapad,
malawak at pantay
na lupa sa mataas
na lugar o bundok.
Si KAPATAGAN ako. Marami ang
naninirahan sa akin dahil ako ay malawak,
pantay at mababang lupa.
Nasa pagitan ako ng mga bundok
at burol. Ako si LAMBAK.
Kumusta, natandaan
ba ninyo ang aking
mga ipinakilala sa
inyo? Sila ang mga
salik ng katangiang
pisikal ng isang
komunidad.
Pagtataya:
Gumuhit ng 5 anyong lupa
na makikita sa paligid ng
ating komunidad.
Takda :A.P.

1. Gumawa ng mapang
pisikal ng isang komunidad.
2. Gamitin ang mga payak
na pananda sa mga anyong
tubig at anyong lupa.
3. Iguhit sa papel.

You might also like