Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

KAUGNAYAN NG REBOLUSYONG

PANGKAISIPAN SA REBOLUSYONG
PRANSES AT AMERIKANO
• REBOLUSYONG PANGKAISIPAN
-Marami ang nagmungkahi na gamitin ang pamamaraang ito
upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangang pangkabuhayan,
pampolitika, panrelihiyon, at maging sa edukasyon. Tinatawag
itong Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment). Nakasentro ang
ideyang ito sa paggamit ng reason o katuwiran sa pagsagot sa
suliraning panlipunan, pampolitikal, at pang- ekonomiya.
• KAISIPANG POLITIKAL
-Umunlad ang Rebolusyong Pangkaisipan noong ika-18 na siglo
(1700s). Si Baron de Montesquieu(MON tehs kyoo) ang kinilalang
pilosopo sa panahong ito dahil sa kaniyang tahasang pagtuligsa sa
absolutong monarkiyang nararanasan sa France ng panahong iyon.
- Sa kaniyang aklat na pinamagatang “The Spirit of Laws” (1748),
tinalakay niya ang iba’t ibang pamahalaang namayani sa Europe.
- Mas kinilala ang kaisipang balance of power ni Montesquieu na
tumutukoy sa paghahati ng kapangyarihanng pamahalaan sa tatlong
sangay (ehekutino, lehislatura, at hudikatura).
• PHILOSOPHES
-Sa kalagitnaang bahagi ng ika-18 siglo, isang pangkat ng mga taong
tinatawag na philosophes (FIHL-uh-SAHFS) ang nakilala sa France.
Pinaniniwalaan ng pangkat na ito na ang reason ay magagamit sa lahat
ng aspekto ng buhay, tulad ni Isaac Newton na ginamit ang katuwiran
sa agham. Limang mahahalagang kaisipan ang bumubuo sa kanilang
pilosopiya.:
1. Naniniwala ang mga philosophes na ang katotohanan ay maaaring
malaman gamit ang katuwiran.
2. May paggalang ang philosophes sa kalikasan ng isang bagay.
3. Ang kaligayahan para sa mga philosophes ay matatagpuan ng mga
taong sumusunod sa batas ng kalikasan.
4. Ang mga philosophes ang unang Europeong naniniwala na
maaaring umunlad kung gagamit ng “makaagham na paraan”.
5. Nagnanais ng kalayaan ang mga philosophes.
• PHILOSOPHES
 FRANCOIS MARIE AROUET (a.k.a. Voltaire)
- Isa sa itinuturing na maimpluwensyang philosophes.
- Madalas gumagamit ng satiriko si Voltaire laban sa kaniyang mga
katunggali tulad ng mga pari, aristocrats, at maging ang mga
pamahalaan. Dahil sa tahasang pagtuligsa sa mga ito, ilang beses
siyang nakulong.
- Nagkaroon man siya ng maraming kaaway dahil sa kaniyang
opinyon, hindi siya humihinto sa pakikipaglaban upang matamasa
ang katuwiran, kalayaan sa pamamahayag, at pagpili ng rehiyon , at
tolerance.
• PHILOSOPHES
 Jean Jacques Rousseau (roo-SOH)
- Nagmula sa isang mahirap na pamilya.
- Kinilala dahil sa kahusayan sa pagsulat ng
mga sanaysay na tumatalakay sa kahalagahan
ng kalayaang pang-indibiduwal (individual
freedom).
- Binigyang-diin niya na ang kasamaan ng lipunan (evils of the society)
ay mauugat sa hindi pantay na distribusyon ng yaman at labis na
kagustuhan sa pagkamali nito.
- Ang Social Contract niya ang naging saligan ng mga batas ng
rebolusyon sa France.
• PAGPAPALAGANAP NG IDEYANG LIBERAL
 Denis Diderot (dee DROH)
- Pinalaganap niya nag ideya ng mga philosophe
sa pamamagitan ng pagsulat at pagtipon ng
28-volume na Encyclopedia na tumatalakay sa
iba-ibang paksa.
- Binatikos nila ang kaisipang Divine Right at ang tradisyonal na
relihiyon. Bilang tugon, pinigilan ng pamahalaan ng Simbahan ang
pagkalat ng Encyclopedia at binantaan ang mga Katolikong bibili at
babasa nito.
• PAGPAPALAGANAP NG IDEYANG LIBERAL
- Nang ito ay masalin sa ibang wika, naipalaganap
ang mga ideya ng Enlightenment o Rebolusyong
Pangkaisipan hindi lamang sa kabuuan ng Europe
kundi maging sa Amerika at kalaunan ay sa Asya
at Africa.
• MGA KABABAIHAN SA PANAHON NG
ELIGHTENMENT
- Ang islogang “kalayaan at pagkakapantay” ay tintignan ng mga
philosophes na hindi akma sa kababaihan.
- Unti-unting nabago ang pananaw na ito sa kalagitnaan ng ika-18 na
siglo (1700s) nang magprotesta ang ilang kababaihan sa ganitong
uri ng pagtingin.
- Pinangunahan nina Catherine Macaulay at Mary Wallstonecraft ay
hiningi niya na bigyang pagkataon ang kababaihang makapag-aral
sapagkat ito ang paraan upang magkaroon ng pagkapantay-pantay
ang kalalakihan at kababaihan.
- Mahabang panahon bago binigyang pansin ang ideyang ito. Ngunit
isa ang malinaw: naisatinig sa Panahong Enlightenment ang
diskriminasyon laban sa kababaihan.
• KAISIPANG PANG-EKONOMIYA
- Binibigyang diin sa kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya
na hindi nararapat na pakialaman ang pamahalaan.
- Taliwas ito sa nakagisnang merkantilismo na ang pinagbabatayan
ng yaman ay ang dami ng ginto at pilak.
- Tinanggap ang ideyang ang lupa ang tanging pinagmumulan ng
yaman o nakatutulong sa pagpapayaman.
- Tinawag na physiocrats ang mga naniwala at nagpalaganap nito ng
ganitong kaisipan.
- Si Francois Quesnay ay isa sa nainiwala sa doktrina ng malayang
ekonomiya.
• REBOLUSYONG AMERIKANO
-Ang digmaan para sa kalayaan ng America ay lalong kilala sa
katawagang Rebolusyong Amerikano.
- Nagsimula ang himagsikan nang ang mga Ingles na naging mga
migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa labis na pagbubuwis
na ipinataw sa kanila ng Parliamentong Ingles dahil wala silang
kinatawan sa Parliamento upang sabihin ng kanilang mga hinaing.
- Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776. pagkatapos ay
nagbuo sila ng isang malakas na hukbo na naging tagpagtanggol sa
British. Ang digmaan para sa kalayaan ang naging dahilan ng
pagbubuo ng United States of America.
• ANG LABINTATLONG KOLONYA
- Ang malaking bilang ng mga Ingles ay nagsimulang lumipat at
manirahan sa Hilagang Amerika noong ika-17 na siglo.
- Karamihan sa kanila ay nakaranas ng persecution dahil sa kanilang
bagong pananampalataya na resulta ng Repormasyon at
Enlightenment sa Europe.
- Sa kalagitnaan ng ika-18 na siglo ay nakabuo na sila ng ng 13
magkakahiwalay na kolonya na ang hangganan sa hilaga ay
Massachusetts at sa timog ay Georgia.
- Noong 1750 ay gumastos ng napakalaking halaga ang British laban
sa France upang mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyo ang 13
kolonya.
- Nais ng British na ang mga kolonya ay mag-ambag sa kanilang
gastusin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga buwis.
• ANG LABINTATLONG KOLONYA
 DAHILAN
- Ang mga kolonya ay walng kinatawn sa Parliamento ng British sa
London kaya sila ay nagprotesta sa pagbabayad sa labis na buwis na
ipinapataw sa kanila.
- Ang kanilang naging paboritong islogan ay ang “walang pagbubuwis
kung walang representasyon”.
- Noong 1773 isang pangkat ng ng mga kolonista ang nagsuot ng kasuotan
ng mga katutubong amerikano at nakapasok sa isang pangkalakal na
bapor ng mga ingles.
- Kanilang itinapon ang mga tone-toneladang tsa na inaangkat sa mga
kolonya.
- Kinilala sa kasaysayan ang pangyayaring ito bilang Boston Tea Party.
- Nagpasa ang Britanya ng kaparusahan sa mga kolonista na naging
kabahagi ng nabanggit na insidente.
• ANG UNANG KONGRESONG KONTINENTAL
- Ang mga kolonyang bumubuo sa 13 kolonya ng Great Britain sa America
ay dagling sumaklolo sa naging kinahinatnan ng insidente sa
Massachusetts.
- Binuo nila ang Unang Kongresong Kontinental na dinaluhan ng mga
kinatawan ng bawat kolonya maliban sa Georgia.
- Ang pagpupulong na ito at pagsasama-sama ng mga kolonya ay isang
pagpapakilala ng kanilang paglaban sa mga batas at polisiyang
ipinatutupad ng mga Ingles sa kanila.
- Binigyang diin ng grupo na sa pagkakataong iyon mula sa isang kilalang
kinatawan na si Patrick Henry, na wala nang dapat makitang pagkakaiba
ang isang taga-Virginia, Pennsylvania, New York, at New England.
- Nagkaisa sila na itigil na ang pakikipagkalakalan sa great Britain at ito’y
nagpasimula pagkatapos ng Setyembre, 1775.
• ANG PAGSISIMULA NG DIGMAAN
-Noong Abril 1775 ngpadala ang Great Britain ng tropa ng mga
sundalo sa Boston upang kunin nang puwersahan ang isang tindahan
ng pulbura sa bayan ng Concord.
- Isang Amerikanong panday na nangangalang Paul Revere ang
naging kasangkapan upang malaman ng mga tao na may paparating
na mga sundalong British.
- Kaya mayroong grupo ng mga tagapangalaga at tagapagbantay na
Amerikano ang humadlang sa mga sundalong British na papalapit
sa bayan ng Lexington.
- Nagpalitan ng putukan ang magkabilang pangkat hanggang walong
Amerikano ang napatay. Dito na nagpasimula ang Digmaan para sa
kalayaan ng mga Amerikano.
• ANG IKALAWANG KONGRESONG
KONTINENTAL
- Ang Kongresong Kontinental ay muling nagpulong sa ikalawang
pagkakataon noong Mayo 1775 at idineklara ang pamahalaan na
tinawag nilang United Colonies of America.
- Ang hukbo ng mga militar ay tinawag na Continental Army at ang
nataasan na commander-in-chief ay si George Washington.
- Sinubukan ng hukbong militar na makuha ang Boston ngunit natalo
sila ssa digmaang Bunker Hill.
- Sinunod ng mga Amerikanong kubkubin ang Canada ngunit natalo
rin sila dito.
- Maski sunod-sunod ang pagkatalo ng mga Amerikano sa labanan ay
hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa hanggat tuluyang napaalis nila
ang mga sundalong British.
• ANG DEKLARASYON NG KALAYAAN
-Noong Hunyo 1776 ay ngpadala ng malaking tropa ang Great Britain
sa Atlantiko upang tuluyang durugin at pahinain ang puwersang
Amerikano.
-Upang matugunan ang ganitong pangyayari ay minarapat ng
Kongresong Kontinental na aprubahan ang Deklarasyon ng Kalayaan
noong Hulyo 4.
-Ang dokumento ay isnulat halos lahat ni Thomas Jefferson, isang
manananggol.
- Sa panahong iyon ay kinikilala bilang malayang nasyon sa
katawagang Estados Unidos ng Amerika.
• PAGLUSOB MULA SA CANADA
- Simula noong1777 sinimulan na ng mga British ang pag-atake sa
Amerika mula sa Canada, ngunit sa bawat pagtangka nila sila ay
napipigil ng mga hukbong Amerikano.
- Ang Continental Army ay lumaki at umaabot na sa halos 20,000
sundalo.
- Noong Oktubre sa taong ding yon ay nanalo sa labanan sa Saratoga
ang mga Amerikano at ito ang naging dahilan sa pagwawakas ng
mga pag-atake ng mga British mula sa Canada.
• PAGTULONG NG MGA PRANSES SA
LABANAN
- Ang bansang France ay tradisyonal na kalaban ng British at ang
mga French ay naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng
Amerikano simula pa lamang ng labanan.
- Noon pang 1778 ay nagsimula nag bigyan ng pagkilala ng
pamahalaang France ang United States of Amerika bilang isang
malayang bansa.
- Dahil sa lumakas na puwersa ng mga rebelde ay minabuti ng Great
Britain na sakupin ang katimugang bahagi ng kolonya isa-isa.
• ANG LABANAN SA YORKTOWN
- Sa pamumuno ng mga British commander na si Heneral Charles
Cornwallis ay tinagkang sakupin ng Great Britain ang Timog
Carolina.
- Ngunit sa pamamagitan ng magkasamang puwersa ng mga
Amerikano at Pranses ay natalo ang mga British.
- Nag-ipon ng lakas sa kaniyang hukbo si Henerl Cornwallis kaya
pansamantalang humimpil muna sila sa Yorktown. May karagdagan
pang hukbo ng mga sundalong Pranses ang dumating sa Amerika na
bumibilang sa 6,000 kaya napagpasyahan ni Washington na talunin
ng lubusan ang mga British.
- Kaya noong Oktubre 19,1781 ay minabuti nang smuko ni Heneral
Cornwallis at dito ay tuluyan ng nakamit ng mga Amerikano ang
kanilang kalayaan.
• PAGHAHANGAD NG KAPAYAPAAN
-Ang pagkapanalo ng mga Amerikano sa digmaan ay malaking
pagkamangha sa mga British sa mundo.
- Ang Great Britain ay itinuturing ng panahong iyon bilang isang
malakas na kapangyarihan na mayroong mahuhusay at sinanay na
mga sundalo subalit tinalo ng mga Amerikanong sundalo na di
nagkaroon ng mga pagsasanay sa pakikipaglaban.
- Sa isang kumperensiya sa Paris noong 1783 ay pormal na tinaggap
ng Great Britain ang kalayaan ng kanilang dating kolonya, ang
Amerika.
- Ang digmaan para sa kalayaan ng Amerika ay nagbago sa mukha ng
kasaysayan ng mundo sa dahilang ito ang naging daan sa pagbuo ng
isang bagong nasyon na umunlad at naging isang
makapangyarihang bansa.

You might also like