Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

MGA SINAUNANG

KABIHASNAN SA DAIGDIG

Pangkat 4
Badua, John Benedict A. Cunanan, Franzen Reilen C.

Esmabe, Alfea Riz H. Mago, Mark Nathaniel S.

Sarmiento, Samantha Joyce L. Talampas, Yannie B.

Vero, Powen T.
KABIHASNANG MESOPOTAMIA

-Ang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o “pagitan” at


potamos o “ilog”.
-Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig.
-Ang Mesopotamia ay nabuo sa pagitan ng dalawang ilog, ang ilog ng Tigris at
Euphrates.
-Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang
mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite na
nagtangka ring sakupin ang lupaing ito.
HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA

-Matatagpuan ang Mesopotamia sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey.


-Ang Mesopotamia ay nasa rehiyon ng Fertile Crescent.
-Ang mga lupain ay mataba at mayaman sapagkat dumanas ng taunang pagbaha.
-Ito ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa
ibang karatig lugar.
HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA
PAMANA AT AMBAG NG
SINAUNANG KABIHASNAN
SA MESOPOTAMIA
SUMER (3500-2340 BCE)

• Unang kabihasnang nabuo sa Mesopotamia.


• Nabuo ang 12 lungsod-estado na pinamumunuan ng mga lugal o hari.
• Naniwala sila sa maraming diyos at diyosa anthropomorphic o may katangian at
pag-uugaling tao.
• Cuneiform (hugis-sinsel) ang paraan ng pagsulat na ginagamitan ng stylus at clay
o luwad na lapida.
• Ziggurat ang estrukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o diyos na
makikita sa bawat lungsod.
Cuneiform Ziggurat
AKKADIAN (2340-2100 BCE)

• Itinuturing na unang kabihasnang nakapagtatag ng isang imperyo at ito ay


naisakatuparan sa pamumuno ni Sargon I.
• Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si Naram Sin
(2254-2218 BCE).
• Gumamit ng selyo na gawa sa putik para sa mga sulat.
BABYLONIAN (1792-1595 BCE)

• Itinatag ni Sumuabum ang maliit na bayan ng Babylon hanggang sa ito ay lumaki


at naging isang imperyo sa pamumuno ni Hammurabi.
• Sinakop ni Hammurabi ang Mesopotamia.
• Nang mamatay si Hammurabi ay magkawatak-watak ang kaharian ng Babylon.
• Noong 1595 BCE sinalakay ng mga Hittite Anatolia ang Babylon bagamat
naipagpatuloy pa rin ng mga lungsod-estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga
dayuhang pinuno.
• Ang Code of Hammurabi ay isang batas na may malupit na kaparusahan para sa
mga krimen na nagawa ng mga Babylonian.
Code of Hammurabi
ASSYRIAN (1813-605 BCE)

• Imperyo na gumapi sa mga Hittite at Babylonian.


• Ang kanilang pinuno na si Ashurbanipal ay naging tanyag dahil sa kaniyang
pagtatag mg kauna-unahang sistematikong aklatan sa lungsod ng Ninevah.
• Noong ika-9 na siglo BCE, nagpadala sila ng ekspedisyong military pakanluran
upang mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap
ng tributo.
CHALDEAN (612-539 BCE)

• Si Nabopolassar ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos


pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.
• Si Nebuchadnezzar II, anak ni Nabopolassar, ang pinuno ng imperyo nang
natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya rin ang nagpagawa ng Hanging
Gardens of Babylon para sa kaniyang asawa.
• Noong 539 BCE, ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia.
Hanging Gardens of Babylon
PERSIAN (539-330)

• Nagtatag ng isang malawak na imperyo na tinawag na Imperyong Achaemenid.


• Sa ilalim ni Cyrus the Great (559-530 BCE) nagsimulang manakop ang mga
Persian.
• Nagtangkang sakupin ang Greece.
• Hinati ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o
satrap.
• Nagpagawa ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1677 milya o 2699
kilometro mula Sardis hanggang Susa..
• Nagsulong ng relihiyong Zoroastrianism na tinatag ni Zoroaster..
KABIHASNANG INDUS

• Ang Kabihasnang Indus ay umusbong sa lambak ilog ng Indus River, pati na rin
sa Ganges River.
• Umunlad sa Indus River ang kambal na lungsod sa kabihasnang Indus: ang
Harappa at Mohenjo-Daro.
• Sila ang unang nakagawa ng paraan para magamit ang bulak sa maraming bagay
at pinaniniwalaan din na sila ang nagtanim nito.
• Kapuna puna na walang ni isa mang kilalang pinuno ang Indus sa kasalukuyan.
• Ang lipunang Indus ay kinakitaan ng malinaw na pagpapangkat-pangkat ng mga
tao.
HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS

• Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at


Mesopotamia.
• Sakop ng Indus ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India, at
ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa kasalukuyan.
• Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang natunaw na
yelo na nagmula sa kabundukan ng Himalayas ang dumadaloy sa Indus River na
may habang 2900 km (1800 milya) at bumabagtas sa Kashmir patungong
kapatagan ng Pakistan.
• Daan-daang pamayanan ang nanahan sa lambak ng Indus sa pagsapit ng 3000
BCE.
• Natuklasan ang
dalawang lungsod na ito
sa lambak ng Indus at
tinatayang umusbong ito
noong 2700 BCE.
• Sinsabing ang mga
Dravidian ang bumuo ng
Harappa kabihasnang Indus. Mohenjo-Daro
• Planado at malapad
(grid pattern) ang mga
Natagpuan sa Ang Mohenjo-Daro ay
kalsada nito.
kasalukuyang Punjab • Ang mga gusali ay hugis nasa katimugang
na bahagi ng Pakistan. parisukat at ang mga bahagi ng daluyang
May 350 milya ang kabahayan ay may Indus River.
layo nito mula sa (citadel o moog).
Mohenjo-Daro • Ang paggamit ng
pahilaga. palikuran sa mga
kabahayan ay
itinuturing na paggamit
sa kasaysayan ng
sistemang alkantarilya o
sewage system.
DRAVIDIAN SA INDUS

• Dravidian ang sinasabing bumuo ng kabihasnang Indus. Planado ang kanilang


pagbuo sa lungsod.
• Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian. Ang kanilang lugar ay
matatagpuan sa mababang bahagi ng lupain, may mainit na klima at halos
walang mapagkukunan ng suplay ng bakal.
• Ang pagkukulang sa mga kinakailangang suplay ay napupunan sa tulong ng
pakikipagkalakalan hanggang sa katimugang Baluchistan sa kanlurang Pakistan.
• Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa pagsasaka ng mga Dravidian. Nag-aalaga
rin sila ng mga hayop tulad ng elepante, tupa, at kambing.
DRAVIDIAN SA INDUS

• Ang mga Dravidian ay nagtatag ng daungan sa baybayin ng Arabian Sea.


• May nahanap na mga selyong Harappan na may pictogram na representasyon ng
isang bagay sa anyong larawan.
• Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000
BCE.
• Mayroon din silang masistemang pamantayan para sa mga timbang at sukat ng
butil at ginto. Samantala, ang mga artisano ay gumamit ng tanso, bronze, at ginto
sa kanilang mga gawain.
IBA’T IBANG PALIWANAG TUNGKOL SA
PAGTATAPOS NG KABIHASNANG INDUS
• Bunga ng pagkaubos ng puno.
• Labis na pagbaha.
• Pagbabago ng klima.
• Pagkakaroon ng lindol.
• Pagsabog ng bulkan.
Isang matandang paliwanag ang teoryang Mohenjo-Daro at Harappa ay nawasak
dahil sa paglusob ng pangkat nomadiko pastoral. Aryan ang nagdulot ng wakas sa
kabihasnang Indus.
KABIHASNANG TSINO

• Ito ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig


hanggang sa kasalukuyan.
• Ito ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho.
• Nagkaroon ng mga ideolohiyang supartado ng estado, partikular ang
Confucianism at Taoism.
HEOGRAPIYA NG ILOG HUANG HO

• Ang Yellow River o Huang Ho ay namumula sa kabundukan ng kanlurang China


at may habang halos 3000 milya.
• Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa.
Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan
upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho.

• Nanirahan ang mga magsasaka sa mga lambak.


• Ang kanilang lupain ay tinawag na Zhongguo.
PAMANA AT AMBAG NG
SINAUNANG KABIHASNAN
SA TSINO
XIA (2000-1570 BCE)

• Sinasabing nag-ugat ito sa Longshan, isang kulturang Neolitikong laganap sa


lambak ng Huang Ho.
• Itinatag ito ni Yu.
SHANG (1570-1045 BCE)

• Ito daw ang pinakamaunlad na kabihasnang


gumamit ng bronse sa panahong ito.
• Malimit ang isinasagawang pagsasakripisyo ng
mga tao lalo na sa tuwing may namamatay na
pinuno.
• Naiwang kasulatan ng panahong ito ang
pinakamatanda sa mga panulat na Tsino na
nakasulat sa mga oracle bones o mga tortoise
shell at cattle bone. Oracle Bone
ZHOU O CHOU (1045-221 BCE)

• Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan” na ang


emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit.
• Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino
kabilang ang:
-Confucianism- layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong
lipunan.
-Taoism- hangad ang balanseng kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa
kalikasan.
-Legalism- ipinanganak ang tao na masama at makasarili.
Q’IN O CH’IN (221-206 BCE)

• Ginapi ng mga pinunong Qin ang mga estado ng dinastiyang Zhou.


• Sa ilalim ng Ying Zheng ng Qin o Ch’in, napagsama ang mga nagdidigmaang
estado at isinailalim sa kanyang kapangyarihan ang iba’t ibang rehiyon ng China.
• Inihayag ni Ying Zheng ang sarili bikang “Unang Emperador” ng China at
kinilala bilang si Shi Huangdi o Shih Huang Ti.
• Itinayo ang Great Wall of China upang magsilbing tanggulan laban sa mga
tribong nomadiko na nagmula sa hilaga ng China.
• Humina nang mamatay si Shih Huangdi at napalitan ng dinastiyang Han nang
mag-alsa si Lui Bang.
Great Wall of China
HAN (202 BCE-200 CE)

• Kauna-unahang dinastiyang yumakap sa Confucianism.


• Ang pagsulat ng kasaysayan ng China ay isang napakalaking ambag nito.
Grand Canal SUI (589-618 BCE)

• Nagkaroon lamang ng
dalawang emperador. Gayon
man, nagawa nitong muling
pag-isahin ang watak-watak
na teritoryo ng China.
• Isinaayos ang Great Wall of
China na napabayaan sa
mahabang panahon. Ginawa
rin ang Grand Canal na nag-
uugnay sa mga ilog ng
Huang Ho at Yangtze.
T’ANG (618-907 CE)

• Si Li Yuan na dating opisyal ng Sui na nag-alsa laban sa dinastiya dahil sa mga


pang-aabuso. Itinatag niya ang dinastiyang T’ang.
• Itinuturing na isa sa mga dakilang dinastiya ng China.
• Buddhism ang naging dominanteng relihiyon sa panahong ito.
• Ibinalik ang civil service examination system na naging mahalaga sa pagpili ng
opisyal ng pamahalaan.
• Bumagsak ang dinastiyang ito dahil sa samu’t saring pag-aalsang naganap sa
China.
SONG/SUNG (960-1127 BCE)

• Itinayo ng isang hukbong imperyal.


• Umunlad ang teknolohiyang agricultural at naging sapat ang suplay ng pagkain
sa China.
• Sinakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi ng China kaya napilitan ang Sung
na iwanan ang kabisera nito noong ika-12 siglo.
YUAN (1279-1368 BCE)

• Itinatag ni Kublai Khan, isang Mongol.


• Pinanatili ang kanilang pagkakakilanlan at namuhay ng hiwalay sa China na
hindi nila pinagkakatiwalaan.
• Dumaan sa tinatawag na Pax Mongolica o panahon ng kapayapaan, maayos na
sistema ng komunikasyon, at mabuting kalakalan sa malawak na teritoryong
sakop mula Timog-silangang Asya hanggang silangang Europe.
• Pinabagsak ang dinastiya ng mga pag-aalsa na ang isa ay pinamumunuan ni Zhu
Yuanzhang.
MING (1368-1644 CE)

• Ang malaking bahagi ng Great Wall of China ay itinayo sa ilalim ng dinastiyang


ito. Naitayo rin ang Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng emperador.
• Naglayag at nakarating sa Indian Ocean at silangang bahagi ng Africa ang mga
Tsino sa pamumuno ni Admiral Zheng He.
• Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pamamaraang movable type.
• Ang sining ay napayaman partikular ang paggawa ng porselana.
• Bumagsak ang dinastiya noong 1644. Pinahina ito ng mga pagtutol sa mga
pagbabago sa lipunan.
Forbidden City
QING O CH’ING (1644-1911)

• Itinatag ng mga Manchu.


• Malaking dagok sa imperyo ang pagkatalo ng China sa Digmaang Opium laban
sa England (1839-1842) at laban sa England at France (1856-1860).
• Tinutulan ng pamahalaang China ang pagbebenta ng opyo ng Europeo sa China.
• Nagkaloob ng mga konsesyon ang China sa mga dayuhan, kabilang ang lupain
tulad ng Hong Kong sa mga British. Pinagkalooban din sila ng karapatang
pakinabangan at pamunuan ang ilang teritoryo sa China bilang sphere of
influence.
QING O CH’ING (1644-1911

• Hinangad ng Rebelyong Taiping (1850-1865) at Rebelyong Nien (1851-1863) na


pabagsakin ang Manchu na lubhang mahina.
• Nais ng Rebelyong Taiping na baguhin ang tradisyonal na lipunang Tsino.
Samantala, sumuporta ang Rebelyong Boxer (1900) sa mga Manchu sa layuning
palayasin ang mga Kanluranin.
• Lalong humina ang dinastiya nang magapi ang hukbong Tsino sa digmaang
Sino-French (1883-1885) at digmaang Sino-Japanese (1894-1895).
• Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya sa China nang maganap ang
Rebolusyon ng 1911 na nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika ng China.
MARAMING SALAMAT!

You might also like