PAMILIHAN mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa at kaya niyang ikonsumo Pamilihan maaring lokal, panrelihiyon, pambansa o pandaigdigan ang lawak Mayroong dalawang pangunahing tauhan sa pamilihan ang konsyumer at prodyuser Konsyumer bumibili ng mga produktong gawa ng prodyuser PRODYUSER ang siyang nagsisilbing tagapagtustos ng mga serbisyo at produkto gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga konsyumer sa pamamagitan ng mga salik ng produksiyon na pagmamay-ari ng mga konsyumer Presyo ang siyang instrumento upang maging ganap ang palitan sa pagitan ng konsyumer at prodyuser batayan ng prodyuser ng kanilang kahandaan at kakayahan nilang magbenta ng mga takdang dami ng mga produkto at serbisyo Mga Estraktura Ng Pamilihan Tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser Ang dami at lawak ng kontrol ng market players o ang mga konsyumer at prodyuser sa pamilihan ay salik na nagtatakda ng estruktura nito Pamilihang May Ganap na Kompetisyon Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. Sa ilalalim ng ganitong sistema, walang sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaring makakontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo Ito ay nangangahulugang hindi kayang idikta nang isang prodyuser at konsyumer ng mag-isa ang presyo Sa panig ng prodyuser hindi nila ito kayang kontrolin Dahil dito, ang mga konsyumer ay may pamimilian kung saan at kanino bibili ng isang partikular na produkto o serbisyo Ito ay nangangahulugan ng balangkas na lubhang napakaliit ng prodyuser kumpara sa kabuuang bilang ng mga prodyuser Sa panig ng konsyumer walang sinoman ang may kakayahang idikta ang presyo kumpara sa buong bilang ng maaaring bumili ng produkto o serbisyo Dahil dito, ang lahat ng prodyuser at konsyumer ay mapipilitang magbenta at bumili ng produkto at serbisyo sa itinakdang presyo ng ekwilibriyo ng pamilihan Price taker kung saan ang prodyuser at konsyumer ay umaayon lamang sa kung ano ang takbo ng presyo sa pamilihan at walang kapasidad na magtakda ng sarili nilang presyo Mga Katangian ng PCM Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser Magkakatulad ang produkto (Homogenous) Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon Malayang pagpasok at paglabas sa industriya Malayaang Impormasyon ukol sa