Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Mga Hakbang sa

Pagsulat ng Bionote
Mga panukala nina Brogan at Hummel
Gawa ni: Mitzie Jealine U. Cuntapay
1. Tiyakin ang Layunin.
▪ Ang layunin ang magsisilbi mong gabay kung
ano ang mga impormasyon ang mahalagang
isama at mula rito ay matutukoy mo rin ang
magandag paraan upang mailahad ito.

▪ Kapag tiyak na ang layunin, matutumbok mo


ang mga detalyeng nararapat na mabasa o
marinig ng mga tao.
2. Pagdesisyonan ang haba ng
susulating bionote.

▪ Mahalaga ang pagdedesisyon sa haba ng


bionote sapagkat kadalasan ay may kahingian
ang mga organisasyong humihingi nito.
3. Gamitin ang ikatlong
panauhang perspektib.
 Ito ang makakatulong upang ipakilala nang
obhetibo ang paksa ng bionote.

 Nanunutralays ng paggamit nito ang tila


pagbubuhat ng sariling bangko dahil ditto
inilalahad ang pinakamahahalagang tagumpay
na natamo.
4. Simulan sa pangalan.
▪ Kapag pangalan ang unang nakita sa bionote,
mayroon na agad katauhan ang taong ipinakikilala,
at unang mairerehistro sa kamalayan ng mga tao
ang pangalang ng ipinakikila.

▪ Mahalaga ito dahil ang pangalang ang


pinakaimportanteng matandaan ng mga tao bilang
isang propesyonal at sinusundan naman ng mga
ginawa at natamo na paksa.
5. Ilahad ang Propesyong
Kinabibilangan.
▪ Kung angpagpapakilala ay sa komunidad ng mga
inhinyero, mahalagang banggitin na ang
ipinakikilala ay kabilang din sa naturang
komunidad; o kung hindi man, kabilang sa isang
larangan na may kaugnayan sa kanila.

▪ Importanteng mabanggit na kabilang ka sa


laranangang na may kinalaman sa komunidad ng
iyong kikilala. Sa pamamagitan nito, maitataas mo
ang antas ng pagtitiwala sa iyo ng mga tao.
6. Isa-isahin ang mahahalagang
tagumpay.
▪ Tanging ang mga nakamit at nagawa lamang na
may kinalaman sa audience ang kailangang
isama sa iyong bionote.

▪ Dapat piliin lamang ang mga impormasyong


ibibilang na maaring makapagpataas ng antas
ng pagkilala sa iyo.
6. Isa-isahin ang mahahalagang
tagumpay.
▪ Hindi naman sa walang halaga ang gawad ng
iyong natamo ngunit, hindi ito esensyal sa
pagkakataon.

▪ Kadalasang limitado ang espasyo sa pagsulat


ng bionote, krusyal ang pagdedesisyon sa mga
impormasyong ilalagay ditto.
7. Idagdag ang ilang di-
inaasahang detalye.
▪ Kung mayroong mga detalye ukol sa paksa ng
bionote na wala pa sa kamalayan ng iyong
target audience o reader, idagdag ito sa
bionote.
▪ Mahalaga na may element of surprise ang
pagpapakilala sa iyo. Ito ay magandang teknik
upang mapukaw ang interes nila, basta tiyakin
na ito ay maiuugnay sa okasyon o
pangangailangan ng pagpapakilala sa iyo.
8. Isama ang Contact Information.
▪ Makabubuting isama ang impormasyon kung
paano posibleng makipag-ugnayan sa iyo
upang mapalawak ang network sa propesyon at
upang makonsulta ang paksa ng bionote ukol
sa ekspertis na larangan.

▪ Kabilang dito ang e-mail, social media account,


at numero ng telepono sa trabaho o personal na
numero. Sa ganitong paraan, napapadali nito
ang ugnayan mo sa ibang tao.
9. Basahin at isulat muli
ang bionote.
▪ Pagkatapos gawin ang bionote ay basahin ito
ng malakas. Sa pagbasa mo nito, makikita mo
ang mga dapat mong ayusin, tanggalin man o
dagdagan. Masusuri mo rin kung epektibo ang
paglalahad nito. Mula sa iyong personal na mga
puna, muli itong isulat.

You might also like