Buod • Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo. Ito ay sa kadahilanang napatay ni Tata Selo si Kabesang Tano na nagmamay- ari ng lupang sinasakahan ni niya. Maraming tao ang halos nag sisiksikan, nagtutulakan at naggigitgitan para lamang makita si Tata Selo ngunit hindi sila pinapapasok ng mga pulis sa tanggapan. Halos lahat ng mga tao doon ay hindi makapaniwala na nagawa iyon ni Tata Selo kay Kabesang Tano. Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa Kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi ito. Pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa, paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa alkalde at maging sa hepe ng pulis na pawang mga kakilala ng kabesa. Ngunit lahat sila ay hindi nakinig sa paliwanag ni Tata Selo, hindi daw sapat na dahilan iyon para tagain ni Tata Selo ang Kabesa pero patuloy pa rin ang matanda sa pagpapaliwanag na kanila ang lupang iyon at sinasabi pa niya na malakas pa siya kaya hindi siya dapat paalisin doon. Sa pagpapaliwanag nito ni Tata Selo, pinagmalupitan siya ng hepe ng pulis. Sinapok at sinikmuraan niya ang kaawa- awang matanda. Sa pagkakasuntok ng hepe sa sikmura nito ay kitang kita na ang nakakaawang kalagayan nito. Kinabukasan, sinabi ng alkalde kay Tata Selo na siya ay dadalhin sa kabisera at doon siya ikukulong. Dagdag pa nito ay habambuhay na pagkakakulong ang ibibigay na parusa sa kanya. Ngunit sagot ni Tata Selo ay patayin na lamang daw agad siya. Sa araw ding ito ay dumalaw ang anak niyang si Saling na dati’y nakatira at nanilbihan sa Kabesa. Nakakahabag si Tata Selon nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa. Ngunit pinatawag si Saling nang alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito. Dumating din noong araw na iyon ang bata, anak ng magsasaka na dumalaw sa kanya kahapon at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde at yayain umuwi si Saling. Subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata. Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito “inagaw sa kanya ang lahat”. Sa ilalim ng Republic Act (R.A) No.7607 o mas kilala sa tawag na “Magna Carta for Small Farmers”, ang mga maliliit na magsasaka ay binibigyan ng karapatan ng estado upang pag-ibayuhin ang kanilang mga kapakanan. Ang mga magsasakang nabibilang sa katergorya “small farmer” ay yung mga magsasaka na ang pangunahing pinagkakakitaan ay ang pag sasaka ng kanilang maliit na lupain at ang mga pinagbentahan, pinagpalitan ng kanilang mga produktong lupa ay hindi hihigit sa P180,000 kada taon base noong 1992 na presyo. Ang income level na ito ay pag-aaralan ng Department of Agrarian Reform (DAR),Department of Trade and Industry (DTI), Department of Finance (DOF) at ng National Economic and Development Authority (NEDA) base sa epekto ng inflation rate at presyo sa pamilihan. Kapag ang magsasaka(tenant)at may-ari ng lupa(landlord) ay may kasunduan na sa binhing itatanim ,ganundin sa abono na ilalagay bilang pataba sa mga pananim, ang relasyong nabuo ay hindi ng isang landlord at tenant kundi isang partnership. Nakasaad sa Articles 1767 at 1771 ng Civil Code of the Philippines ang mga sumusunod:
“Article 1767: By the contract of
partnership two or more persons bind themselves to contribute money, property, or industry to a common fund, with the intention of divividing the profits among themselves. Article 1771: A paartnership may be constituted in any form, except where immovable property or realrights are contributed there to, in which case a public instrument shall be necessary”.