Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

SEKSYON 5 : ANG SAHOD NG ISANG

KASAMBAHAY NA NAGTRATRABAHO
BILANG SALESCLERK

Ang kasambahay na nagtratrabaho bilang


salesclerk ay dapat makatanggap nang sahod na
sang-ayon sa nakasaad na pasahod o minimum wage
na naangkop sa retail service establishment sa ilalim
ng umiiral na Wage Orders.
1. Pinakamababang Pasahod (Minimum
Wage)
Ang Republic Act No. 6727 ( kilala din sa tawag
na “Wage Rationalization Act)” ay nagsasaad ng mga
mandato para sa pagsasaayos ng pinakamababang
pasahod o minimum wage na naangkop sa iba’t ibang
pang-industriyang sektor nakinabibilangan ng mga
sumusunos:
Hindi pang agrikultura (non-agriculture),
Plantasyong pang-agrikurtura at di pangplantsyon,
Cottage/sining sa pagyari sa kamay, at retail/service,
depende sa bilang ng mga maggagawa o puhunan o
taunang kita sa ilang mga sektor.
a. Kahulugan ng Rules implementing RA6727 ay ang
sumusunod:
• Agrikultura – ay nangangahulugan ng pagsasaka at ng lahat
ng sangay nito, at bukod sa iba pa ay kinabibilangan ng
paglilinang (cultivation) at pagbubungkal (tillage) ng lupa, ng
panggagatasan (dairying), ng produksyon, pagtatanim,
pagpapalaki at pag-aani ng anumang produkto ng pagsasaka
o paghahalaman at iba pang uri ng pang agrikultura.
• Retail Establishment – ay ang pagbebenta ng kalakal sa
mamimili para sa personal o pantahanang gamit.
• Service Establishment – ay ang pagbibigay ng serbisyo na
may bayad sa mga indibiduwal para sa pansarili, personal o
pantahanang gamit.
Note: Ito ay nag e-empleyo nang hindi lalampas sa sampung
(10) manggagawa anuman ang estado ng pag-empleyo,
maliban sa may ari sa loob ng kahit anim (6) na buwan sa isang
taon.
• Regional Tripartite Wages and Production Boards (RTWPBs) ang may
awtoridad na i-determina ang arawang minimum wage rates sa mga sumusunod
na iba’t ibang rehiyon base sa naitatag na pamantayan.
National Capital Region (NCR) o kalakhang Maynila
Cordillera Administrative Region (CAR)
Rehiyon 1 - Northern Luzon o Ilocos
Rehiyon 2 - Cagayan Valley
Rehiyon 3 - Central Luzon
Rehiyon 4-A - CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal,
Quezon)
Rehiyon 4-B - MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon,
Palawan)
Rehiyon 5 - Bicol
Rehiyon 6 - Western Visayas
Rehiyon 7 - Central Visayas
Rehiyon 8 - Eastern Visayas
Rehiyon 9 - Western Mindanao o Zamboanga Peninsula
Rehiyon 10 - Northern Mindanao
Rehiyon 11 - Southern Mindanao o Davao
Rehiyon 12 - Central Mindanao or SOCCSKSARGEN (South Cotabato,
North Cotabato, Sultan Kudarat-Saranggani, General Santos)
Rehiyon 13 - Caraga
Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)
• Ayon sa Regional Wage Orders, ang pinakamababang
arawang sahod sa bawat industriya sa mga lokalidad sa
loob ng rehiyon, at sa ibang pagkakataon ay depende sa
bilang ng mga manggagawa at puhunan ng isang
establisimyento.

• Ang Wage Oders namn ang magbibigay ng basehan at


tuntunin para sa aplikasyon ng mga humihingi ng
exemption na hindi muna ipatupad ang pagtaas ng sahod.
At ang ilang Wage Orders ay nagbibigay ng allowances
sa halip na pagtaas ng sahod.
B. Batayan ng Minimum wage rates ay ang normal na oras ng
paggawa na walong (8) oras sa loob ng isang araw.

C. Mga manggagawang Buwanan ang sahod (Monthly-Paid


Employees) ay mga empleyadong binabayaran nang araw-araw
sa bawat buwan, kabilang ang mga unworked rest days, special
days at regular holidays. At mga Manggagawang Arawan ang
Sahod (Daily- Paid Employees) ay mga empleyadong
binabayaran base sa mga araw na sila ay nagtratrabaho at sa
mga araw ng pista opisyal (regular holidays) kahit hindi sila
pumasok.
Daily Minimum Wage Rates
REGION MWR (PHP) as of NOV. 2018
NCR 500 - 537
CAR 300 – 320
REGION 1 273 – 340
REGION 2 320 – 360
REGION 3 284 – 400
REGION 4 - A 303 – 400
REGION 4 – B 294 – 320
REGION 5 310
REGION 6 295 365
REGION 7 313 – 386
REGION 8 275 – 305
REGION 9 303 – 316
REGION 10 331 – 365
REGION 11 381 – 396
REGION 12 290 - 311
REGION 13 320
ARMM 270 - 280
D. Pagtutuos ng Estimated Equivalent Monthly Rate (EEMR) ng
mga Manggawang Buwanan at Arawan ang Sahod
Para sa mga manggagawang buwanan ang sahod:
Factor 365 days sa buong taon ang ginagamit upang malaman
ang katumbas na buwanang sahod ng monthly-paid employees. Para
sa pagtutuos ng kanilang Estimated Equivalent Monthly Rate
(EEMR), sundin ang mga sumusunod:

Applicable Daily Rate x 365


12 𝑚𝑜𝑛𝑡ℎ𝑠
= Estimated Equivalent Monthly Salary (EEMR)
Kung saan: ang 365 days/year
298 ordinaryong araw ng trabaho
52 Mga araw ng pahinga
12 Pista opisyal
3 Espesyal na araw

365 Kabuuang bilang ng araw sa 1 taon


• Para sa mga manggagawang arawan ang pasahod:
• Ang mga sumusunod na Factor at pormula ay maaaring gamitin sa
pagtutuos ng EEMR ng iba’t ibang grupo ng manggagawang binabayaran
ng arawang sahod para sa kanilang karapatan sa minimum wage at iba
pang benepisyo ayon sa batas.
1. Para sa mga nagtratrabaho araw-araw kasama na ang araw ng Linggo o
araw ng paghinga, espesyal na araw at pista opisyal:

Applicable Daily Rate x 393.5


= EEMR
12 Months
Kung saan ang 393.5 days/year
298 ordinaryong araw ng trabaho
67.6 52 mga araw ng pahinga x 130%
24 12 pista opisyal x 200%
3.9 3 espesyal na araw x 130%
393.5 kabuuang bilang ng araw sa 1 taon
2. Para sa mga nagtratrabaho na hindi bayad ang araw ng Linggo
o araw ng pahinga:

Applicable Daily Rate x 3131 𝑑𝑎𝑦𝑠 /𝑦𝑒𝑎𝑟


= EEMR
12 Months
Kung saan ang 313 days/year
298 ordinaryong araw ng trabaho
12 pista opisyal
3 espesyal na araw (kung ito ay binabayaran)
313 kabuuang bilang ng araw sa 1 taon
3. Para sa mga nagtratrabaho na hindi bayad ang araw ng
Sabado at Linggo o araw ng pahinga:

Applicable Daily Rate x 2611


= EEMR
12 Months
Kung saan ang 261 days/year
246 ordinaryong araw ng trabaho
12 pista opisyal
3 espesyal na araw (kung ito ay binabayaran)
261 kabuuang bilang ng araw sa 1 taon

You might also like