Panukalang Proyekto

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Panukulang Proyekto

Panukulang Proyekto
• Ayon kay Dr. Phil Bartil ng Community Empowerment Collective, ang
panukulang proyekto ay isang kasulatan ng mungkahing
naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang
pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito
• Ayon naman kay Besim Nebui, ang panukalang proyekto ay isang
detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong
lumutas ng isang suliranin o problema.
Mga Batas na Dapat Sundin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto
1. Ito ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan at
maging sapat sa pagsasanay
2. Kailangan maging tapat na dokumento na ang
pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago
3. Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon,
pagyayabang o panlilinlang, sa halip, ito ay kailangan
maging tapat at totoo sa layunin nito.
Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukulang Proyekto
- Sa pagsulat ng panukulang proyekto ay kailangang magtaglay ng
tatlong mahahalagang bahagi
1. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
2. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
3. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang
nito
A. Pag-sulat ng Panimula
 Dito inilalahad ang mga rasyonal at motibasyon ng proyekto. Mula
rito ay maari mo nang isulat ang panimula ng panukulang proyekto
kung saan ito ay naglalaman ng suliraning nararanasan ng pamayanan,
kompanyang nag-uukulan at kung paano ito makatutulong. Ngunit
higit na makakbubuti kung magbigay tuon lamang sa isang solusyon
na sa palagay mo ay higit na mahalagang bigyang-pinsan
Inilalahan din ang pangangailangan ng komunidad, samahan o
kompanyang pag-uukulan ng iyong project proposal
 Kaya tinawag ang bahaging ito ng sulatin na Pagpapahayag ng
suliranin
B. Pagsulat ng Katawan ng Panukulang
 Ito ay binubuo ng layunin, plano na dapat gawin, at badyet ng
proyekto
o Layunin – sa bahaging ito, akikita ang mga bagay na gustong
makamit o ang pinaka-adhikain ng panukala. Ayon ng mga
Miners(2005), ang layunin ay kailangan maging SIMPLE
S- Specific – nakasaad ang bagay na nais makamit sa panukulang
proyekto
I- Immediate- nakasaad ang tiyak na petsa kung kailang ito matatapos
M- Measurable – may basehan o patunay na naisakatuparan ang
proyekto
P – Pratical- nagsasad ng solusyon sa binanggi na suliranin
L- Logical- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
E- Evalauble- masusukat kung paano makatutulong ang proyekto
o Plano ng Dapat Gawin – ito ay naglalaman ng mga hakbang na
isasagawa upang maluta ang suliranin. Mahalagang maiplano itong
mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito
kasama ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga
gawaing
- Iro rin ay dapat na maging makatotohanan o realistic. Kailangang
ikonsidera rin ang badyet sa pagsasagawa ng proyekto.
- Mas mabuti ding isulat kung kailan matatapos ang bawat bahagi ng
plano at kung ilang itong gagawin
o Badyet – Isa sa pinakamahalang bahagi ng anumang panukulang
proyekto ay ang wasto at tapat sa paglalatag ng kakailanganing badyet
para sa proyekto.
- Ito ay ang talaan ng mga gastuhin na kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng layunin. Ito ang mga hakbang na dapat sundin sa
pagsulat ng badyet
• Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan
ng ahensiya o sangay ng pamahalaan na mga-aaproba nito
• Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling
sumahin ang mga ito
• Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo at siguraduhing
wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang
mga bura o erasure sapagkat ito ay nangangailangan ng integridad
C. Pagsulat ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito
 Kadalasan ang panukulang proyekto ay naaprobahan kung malinaw na
nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano
makatutulong sa kanila. Maaaing ang makinabang nito ay mismong
lahat ng mamamayan ng isang pamayanan, ang mga empleyado o
miyembro ng isang samahan. Mahalagang maging espesipiko sa tiyak
na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng
layunin
 Maari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng
isang panukala. Sabahaing ito ay maaaring ilahad ang mga dahilan kung
bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto
Mga iba pang Tandaan
 PAMAGAT • dapat na malinaw at maikli Halimbawa:
“Panukala para sa TULAAN 2016 sa Pagdiriwang ng Buwan
ng Wika”
 PROPONENT NG PROYEKTO • tumutukoy sa tao o
organisasyong nagmumungkahi ng proyekto isinusulat dito
ang adres, e-mail, cell phone o telepono, at lagda ng tao o
organisasyon
 KATEGORYA NG PROYEKTO • Ang proyekto ba ay
seminar, o kumprensiya, palihan, pananaliksik, patimpalak,
konsiyerto, o outreach program?
Halimbawa ng Panukalang Proyekto
I. Pamagat: Panukalang Proyekto sa pagkakaroon ng maayos na silid-aklatan

II. Proponent ng proyekto: Cristine Joy Cabuga


Maricar Raven Carcosia

III. Kategorya:
Ang proyektong pag sasaayos ng silid aklatan ay pangangalapan ng pondong
galing sa gagawing fund raising upang makakalap ng sapat na pera para sa
proyekto ito sa tulong ng mga guro,magulang at punungguro ng paaralan.
IV. Petsa:
Ang mga sumusunod na araw ang itinakdang araw at hakbangin upang
masimulan at matapos ang pag sasaayos ng lagayan ng libro at pagdadagdag
ng mga libro sa silid-aklatan na ilalahad sa ibaba.
IV. Petsa:
Ang mga sumusunod na araw ang itinakdang araw at hakbangin upang
masimulan at matapos ang pag sasaayos ng lagayan ng libro at pagdadagdag
ng mga libro sa silid-aklatan na ilalahad sa ibaba.
Petsa Mga gawain Lugar/Lokasyon
Pebrero 25-30, 2018 Pag aaproba ng punong guro LHS
Maghahanap ng donasyon para sa mga
Marso 03-24, 2018 LHS
libro
Paghahanap ng murang bagong libro
Marso 26-April 05, 2018 para sa pagdadagdag sa mga ABC Bookstore Company
kinakailangang libro
Inaasahang araw ng pangongolekta ng
Marso 27-April 10, 2018 LHS
mga libro.
Paglalahad ng tawad para sa mga
Abril 17- May 30, 2018 materyales na gagamitin sa pag DEF Hardware Company
papagawa ng lagayan ng mga libro.
Inaasahang pagsisismula ng proyekto LHS
Abril 11-16, 2018
sa pag sasaayos ng lagayan mga libro.
Mayo 25-31, 2018 Pagsasaayos ng mga nakolektang libro. LHS
Enero 02, 2018 Pagtatapos ng proyekto LHS
Enero 05, 2018 Pormal na pagbubukas ng silid-aklatan LHS
V. Rasyonal:

Ang kahalagahan ng proyektong ito ay makapagbigay ng pakinabang sa pagkakaroon ng


maayos at organisadong silid- aklatan sa Lagro High School.

VI. Deskripsyon ng Proyekto:

Ang proyektong ito ay aabutin ng mahigit limang buwan upang maisakatuparan ang nais
matamong pag babago sa silid-aklatan.

VII. Badget:

Sa Proyektong ito inaasahang badget na igugol sa paaralan ay ilalahad sa ibaba.


Presyong
Pagsasalarawan ng Presyo ng bawat
Bilang ng Aytem Aytem aytem
pangkalahatan
(php)
Pangangalap ng
0 0
donasyong libro
Base sa sinumiteng
Pagbili ng mga
presyo ng ABC 500 15,000
dagdag na libro
Company
Pagpapagawa ng
mga bagong lagayan 2,500 15,000
ng mga aklat
Kabuuang gastusin Php 30,000
VIII. Pakinabang:

Ang mga mag aaral ng LHS ang makikinabang sa proyektong ito


upang hindi na mahirapang mag hanap ang mga mag aaral mula sa
ikapitong baitang hanggang ikalabing dalawang baitang ng sagot sa
gagawing proyekto o takdang aralin. At makatulong din ito sa
pagkakaroon ng kredibilidad para sa gagawing pananaliksik ng mga
mag aaral sa tulong ng pagkakaroon ng mataas na antas ng
sanggunian na hindi kakailanganin pang pumunta sa ibang silid -
aklatan.

You might also like